Docsity
Docsity

Prepare for your exams
Prepare for your exams

Study with the several resources on Docsity


Earn points to download
Earn points to download

Earn points by helping other students or get them with a premium plan


Guidelines and tips
Guidelines and tips

Akademikong Sulatin: Corruption, Essays (high school) of English

Academic writing about corruption

Typology: Essays (high school)

2021/2022

Uploaded on 03/16/2022

jay-em-malicdem
jay-em-malicdem 🇵🇭

4

(1)

1 document

Partial preview of the text

Download Akademikong Sulatin: Corruption and more Essays (high school) English in PDF only on Docsity! Ang korapsyon ay napakatagal ng suliranin ng ating bansa. Ang problemang ito ay nailathala na sa mga aklat, pahayagan at madalas na nababanggit sa mga balita, Ilang henerasyon na ang lumipas subalit ito ay maituturing pa din na sakit ng lipunan na hindi malunasan hanggang sa kasalukuyan. Korapsyon ang tawag sa paggamit ng isang tao ng kanyang kapangyarihan o posisyon sa pamahalaan upang siya ay makinabang. Kadalasan ito ay sa anyo ng salapi, materyal na bagay o ari-arian na nabibilang sa kaban ng yaman ng bayan. Ang korapsyon ay malawakang pagnanakaw ng salapi ng mga mamamayan. Kaakibat ng korapsyon ng mga nanunungkulan sa pamahalaan ay ang kahirapang laganap sa bansa. Ang Pilipinas na sagana sa likas na yaman ay nabibilang sa mga mahihirap na bansa dahil sa kawalan ng pagmamalasakit ng mga pinuno nito. Ang mga salaping nalilikom sa buwis ay karamihan na napupunta lamang sa mga bulsa ng iilang mga nasa posisyon. Isa pang masamang bunga ng korapsyon ay ang mga depektibong istruktura na pinatayo ng mga tiwaling pulitiko. Hindi lamang nasasayang ang pera at panahon sa mga ganitong proyekto kundi pati ang ilang buhay ay naperwisyo na din. Ang mga kalsada at tulay na ginawa ng hindi naaayon sa tamang pamantayan dahil tinipid o ninakaw ang budyet ay nagdulot ng malaking pinsala at abala sa mga mamamayan. Maraming proyekto din ang napondohan subalit hindi nagawa. Ang mga ganitong pangyayari sa ating bayan ang nagdudulot ng malaking epekto sa uri ng pamumuhay ng mga tao at sa kinabukasn ng mga kabataan.
Docsity logo



Copyright © 2024 Ladybird Srl - Via Leonardo da Vinci 16, 10126, Torino, Italy - VAT 10816460017 - All rights reserved