Docsity
Docsity

Prepare for your exams
Prepare for your exams

Study with the several resources on Docsity


Earn points to download
Earn points to download

Earn points by helping other students or get them with a premium plan


Guidelines and tips
Guidelines and tips

araling panlipunan module 3, Lecture notes of Computer science

asdasda a asd asd sad asd as das dsa da sd asd asdaseda s

Typology: Lecture notes

2019/2020

Uploaded on 12/02/2020

leean12
leean12 🇵🇭

4 documents

Partial preview of the text

Download araling panlipunan module 3 and more Lecture notes Computer science in PDF only on Docsity! EDUCATIONAL SYSTEMS TECHNOLOGICAL INSTITUTE Murallon, Boac, Marinduque Araling Panlipunan 8 Unang Markahan 1 – Modyul 3 Ang Mga Yugto ng Pag-unlad ng Kultura sa Panahong Prehistoriko Para sa mag-aaral: Ang modyul na ito ay nakatuon sa pag-aaral ng katangiang pisikal ng daigdig. Ang mga kaalaman at mga gawain sa modyul na ito ay makatutulong upang mas lalo mo pang maunawaan ang kasaysayan ng daigdig na siyang tema ng pag-aaral sa Araling Panlipunan sa ika-walong baitang. Ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto. Halina at libutin natin ang daigdig at tuklasin ang mga butil ng kaalaman. Tara na! Aral na tayo sa gitna ng pandemyang ito. Alamin Sa modyul na ito, ikaw ay inaasahan na: nasusuri ang yugto ng pag-unlad ng kultura sa panahong prehistoriko (AP8HSK-If-6). Nakapaloob din sa modyul na ito ang mga araling: Panahon ng Bato at Panahon ng Metal. Pangkalahatang Panuto Ito ang magiging gabay mo sa paggamit ng modyul na ito: 1. Basahin at unawain nang mabuti ang bawat bahagi ng modyul at sundin ang mga direksiyon o panuto habang binabasa ang materyales. 2. Sagutin ang lahat ng mga katanungan. 3. Maglaan ng sapat na oras sa pagsagot ng mga katanungan. 4. Gawing kasiya-siya ang bawat panahon sa paggamit ng modyul. Aralin 1 Panahon ng Bato Balikan Gawain: Kilalanin Mo! Ano ang tinutukoy sa mga sumusunod na pahayag? Isulat ang iyong sagot sa kwaderno. 1. Ito ay tumutukoy sa pagkakakilanlan ng isang pangkat ng mga tao, gayundin ang pisikal o biyolohikal na katangian ng isang pangkat. ___________________________________ 2. Ito ay sinasabing lahi ng mga puti. ___________________________________ 3. Ipinapalagay na ito ang nangunguna sa lahat ng language family. ___________________________________ 4. Ito ang pinanggalingan ng salitang relihiyon na nangangahulugang: "buuin ang mga bahagi para maging magkakaugnay ang kabuuan nito. ___________________________________ 5. Ito ay sinasabing lahi ng mga itim. __________________________________ Tuklasin Gawain: Kung Ikaw Kaya? Isiping isa ka sa mga taong nabuhay sa daigdig noong sinaunang panahon. Pumili sa cloud callout ng dalawang bagay na sa tingin mo ay makatutulong sa iyong pang-araw-araw na pamumuhay. Sagutin ang mga tanong sa ibaba https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Thinking_Cartoon_Businessman_(Flipped).svg Tanong: BATO APOY KAHOY BANGA BUTO NG HAYOP 1. Alin ang iyong napili? ___________________________________________ 2. Bakit ang mga bagay na ito ang iyong napili? ___________________________________________ 3. Kaya mo bang mabuhay sa sinaunang panahon kung mayroon ka ng mga bagay na iyong napili? Ipaliwanag ang iyong sagot. ___________________________________________ Suriin Nakakuha ang mga antropolohista ng mga impormasyon tungkol sa pamumuhay ng mga unang tao sa pamamagitan ng kanilang mga labí tulad ng bungo, buto, at mga kasangkapang nahukay sa iba’t ibang panig ng mundo. Buhat sa mga iyan nalaman ang kanilang mga gawain at pamamaraan ng pamumuhay sa siyang bumubuo ng kanilang kultura. Sa paglipas ng panahon, natutuhan ng mga unang tao na paghusayin ang kanilang mga kagamitan upang lalong maging epektibo ang mga ito sa araw-araw na pakikipagsapalaran. Dahil diyan, umunlad din ang kanilang kabihasnan at kultura hanggang sa malinang ang kasalukuyang kabihasnan sa iba’t ibang kapuluan ng daigdig. Panahon ng Bato Sa mahabang panahong nagdaan, nakalinang ng sibilisasyon ang mga sinaunang tao. Sila ay namuhay bilang grupo ng sampu hanggang 30 katao. Pawang pangangaso at pangingisda ang kanilang ikinabubuhay at karamihan ay mga yungib ang kanilang silungan o panahanan. Panahong Paleolitiko Tinatayang nagtagal ang Panahong Paleolitiko mula noong 2,500,000 BC hanggang 10,000 BC. Sa panahong ito nabuhay ang mga Proconsul, Australophitecus, Homo Habilis, Homo Erectus tulad ng Taong Java, Taong Peking, at Homo Sapiens tulad ng Taong Neanderthal at Taong Cro- Magnon. Sa panahong ito, nakatira ang unang tao sa yungib upang pangalagaan ang sarili sa malamig na panahon. Katatapos pa lamang ng panahon ng pagyeyelo at maaring kasalukuyan pang nagyeyelo sa ibang bahagi ng daigdig at walang permanenteng tirahan ang mga tao sa panahong ito. Pagala-gala sila sa paghahanap ng pagkain. Namimitas sila ng mga bungangkahoy, nanghuhuli ng mga hayop sa lupa at mga isda sa tubig sa pamamagitan ng mga kamay lamang. Kung minsan naman, gumagamit sila ng batong panghampas o pambato at sanga ng kahoy upang maging madali ang panhuli. Sa panahon ding ito natuklasan ang gamit ng apoy. Maaring sa hindi sinasadyang pagkakataon, tinamaan ng kidlat ang isang puno. Nasunog ito at nagbigay ng init sa paligid. Maganda ang epekto ng init sa panahon ng taglamig. Tinatawag ding “Panahon ng Lumang Bato” (Old Stone Age) ang Panahong Paleolitiko. Nagmula ang Paleolitiko sa mga katagang “paleos” o matanda at “lithos” o bato Pinakamahabang yugto sa kasaysayan ng sangkatauhan Maiuugat sa pagsisimula ng paggamit ng kasangkapang bato ng mga hominid Unang gumamit ng apoy at nangaso ang mga sinaunang tao Lower Paleolithic Period Nagwakas dakong 120,000 taon na ang nakararaan Pinakamaagang pananatili ng tao sa daigdig Hindi pa lumilikha ng mga kasangkapan Ang Homo habilis ay nangangahulugang able man o handy man dahil sila ang unang species ng hominid na marunong gumawa ng kagamitang bato Sinundan ng mga Homo erectus nang higit na may kakayahan sa paggawa ng kagamitang bato Middle Paleolithic Period Dakong 120,000 – 40,000 taon ang nakararaan Paglitaw ng makabagong tao noong 100,000 taon ang nakalilipas Umusbong ang pagiging artistiko ng mga tao sa pagpipinta sa katawan at pagguhit sa bato Nabuhay ang taong Neanderthal na natuklasan sa Germany ang mga labi Upper Paleolithic Period Dakong 40,000 – 8,500 taon ang nakararaan Nagkaroon na ng mga unang pamayanan sa anyong mga campsite na kadalasang matatagpuan sa mga lambak Ang mga Taong Neanderthal ay nawala sa panahong ito at napalitan ng mga Taong Cro-Magnon Lumitaw ang mga komplikadong pagpapangkat sa lipunan. Mga Homo Sapiens Ang pinakahuling species ng ebolusyon ng tao ay ang Homo sapiens Neanderthalensis (circa 200,000 - 30,000 taon BP). Higit na malaki ang utak ng Homo sapiens kung ihahambing sa mga naunang species kaya nangangahulugan higit ang kanilang kakayahan sa pamumuhay at paggawa ng kagamitan. May mga patunay na may kaalaman ang Neanderthal sa paglilibing samantalang ang Cro- Magnon ay lumikha ng sining ng pagpipinta sa kuweba. Taong Neanderthal Taong Cro-Magnon Panahong Mesolitiko “Gitna” ang ibig sabihin ng salitang meso sa Griyego. Kaya’t ito ang Gitnang Panahon ng Bato. Dito nagsama-sama ang mga gawain sa panahong paleolitiko habang unti-unting pumapasok ang tao sa Panahon ng Neolitiko. Tinatayang nagsimula noong 10,000 BC hanggang 7,000 BC ang Panahong Mesolitiko. Ipinanukala ni Sir John Marshall, isang antropolohista, ang teorya ng “paghamon at pagtugon” upang matugunan ang mabilis na pagbabagong naganap sa kapaligiran (hamon) ng mga tao na natugunan nila sa pamamagitan ng pagbabago ng mga kaugalian at mga gawaing kilos (tugon). Nakahandang tumanggap ang ibang pangkat ng pagbabago samantalang namuhay sa kasukalan ang ibang nanatili sa lumang kaalaman. Tumagal lamang ng 3000 taon sa Mesopotemia at kaunting panahon lamang sa Europa ang Panahon ng Mesolitiko. Pinakamalubhang suliranin ng tao sa panahong ito ang panustos na pagkain. Pinakasolusyon dito ang pagiging prodyuser ng tao kaysa umasa sa likas na. Subalit sa nagbabagong klima, mahirap na hamon ito. Rebolusyong Neolitiko Nahubog ang Panahong Neolitiko sa pamamagitan ng pag-aalaga ng hayop na kinakain at ng pagtuklas sa pagtatanim. Ang pagtatanim o pagsasaka ang pinakamahalagang kontribusyon ng panahong ito. Natuklasan marahil ng tao ang pagtatanim nang minsan, sa paghahanap ng tao ng bungangkahoy na noon ay paunti na nang paunti, nakakita siya ng isang uri ng bunga na may maraming buto. Nagsimula rin sa panahong ito ang pagpapalayok. Natutunan ng taong gumawa ng mga bagay na yari sa putik tulad ng laryo (bricks) na pinatitigas sa init ng araw gaya ng sa India, o kaya ay pinatitigas sa pugon, gaya ng sa Mesopotamia. Ginagamit ang laryo sa paggawa ng bahay. Sa Panahong Neolitiko, malaki ang naging pagbabago sa kasangkapan ng tao. Pinakinis ang dating magagaspang na bato at ginawang iba’t ibang hugis at laki ayon sa kanilang gamit: pamutol ng kahoy, gamit sa pagsasaka, panghiwa, pang-ahit, pamutol ng buhok, pamatay ng hayop, armas, at marami pang iba. Lalo pang pinag-ibayo sa panahong ito ang pag-aalaga ng hayop na nasimulan noong Panahong Mesolitiko. Sa kalaunan, ginamit na nila itong sasakyan o tagahila ng behikulo katulad ng paragos at karwahe. Kabayo, baka at aso ang mga hayop na ginagamit para rito. Nabago rin ang mga tirahan sa panahong ito. Bagamat nagsimula ang pagkakaroon ng permanenteng tirahan noong Panahong Mesolitiko, higit pa itong nalinang noong Panahong Neolitiko. Dahil ito sa pag-unlad ng pagsasaka, at pag-imbento ng asarol at iba pang gamit sa bukid. Kailangang tumira ang tao sa isang lugar habang hinihintay niyang tumubo at maani ang kanyang pananim. Habang wala pa ang tag-ani, https://humanorigins.si.edu/sites/default/files/ styles/medium/public/images/square/ neanderthalensis_laferrassie_skull_3qtr_sq.jpg? itok=9EmxIh-p http ://humanorigin .si.edu/sites/default/files/styles/ full_width/public/images/square/ sapi n _Cromagon_HOP_3qtr_rt_sq.jpg?itok=CODZlkAo Aralin 2 Panahon ng Metal Balikan Gawain: Itala Mo! Alalahanin mo ang nakaarang aralin. Isulat sa tahanayan ang mga pangunahing katangian ng mga yugto ng sinaunang panahon upang mailahad ang pagkakaiba ng mga ito. Gawin ito sa iyong gawaing kuwaderno. Ano ang pagkakaiba ng Paleolitko, Mesolitko at Neolitiko? Paleolitiko Mesolitiko Neolitiko Tuklasin Gawain: Ilista Mo! Maglista ng mga bagay na iyong pag-aari o nasa inyong bahay na yari sa metal o may bahaging metal. Isulat ito sa unang kolum ng talahanayan at sa ikalawang kolum isulat ang paliwanag kung paano ito ginagamit. Mga gamit na yari sa metal Paano ito ginagamit? 1. 2. 3. 4. 5. Suriin Panahon ng Metal Ginto ang kauna-unahang natuklasang uri ng metal. Nakukuha lamang ito sa gilid ng ilog Tigris at sinasala dahil nakahalo sa buhangin. Subalit hindi nagkaroon ng panahon ng ginto dahil hindi naman kapakipakinabang ito sa tao. Malambot ang ginto at hindi maaaring gawing kasangkapan o armas. Tanso (copper) ang sumunod na natuklasan ng tao. Matigas ito kaysa ginto at nahuhulma ito sa iba’t ibang hugis na nais ng tao. Panahon ng Tanso https://pixabay.com/photos/copper- scrap-metal-scrap-disposal-1504098/ https://encrypted-tbn0.gstatic.com/images?q=tbn%3AANd9 GcTVuW6FIbmSsEnWC6ny7wEHOQWbdgQeEej7pg&usqp=CAU https://www.pickpik.com/iron-rebar-house-construction-iron-rods- steel-rusty-147760 Naging mabilis ang pag-unlad ng tao dahil sa tanso. Subalit patuloy pa rin ang paggamit sa kagamitang yari sa bato. Nagsimulang gamitin ang tanso noong 4000 BC sa mga lugar sa Asia at 2000BC sa Europe at 1500 BC naman sa Egypt. Tinawag na Panahon ng Tanso ang mga nabanggit na taon. Nalinang nang mabuti ang paggawa at pagpapanday ng mga kagamitang yari sa tanso. Panahon ng Bronse Naging malawakan na noon ang paggamit ng bronse nang matuklasan ang panibagong paraan ng pagpapatigas dito. Natutuhan ng tao na paghaluin ang tanso at lata (tin) upang makagawa ng higit na matigas na bagay. Tinawag ang kombinasyong ito na bronse o pulang tanso. Iba’t ibang kagamitan at armas ang nagagawa mula sa tanso tulad ng espada, palakol, kutsilyo, punyal, martilyo, pana, at sibat. Lumaganap ang paggamit ng bronse noong 2000 BC. Sa panahong ito natutong makipagkalakalan ang mga tao sa mga karatig-pook. Ang pag-unlad ng palengke at kalakalan ang nagbigay daan sa pag-usbong ng mga bayan at lungsod. Nagkaroon din ng mga ekspertong artisano na may kani-kanilang kaalaman. Nagtayo ng kani-kaniyang samahan ang mga ito batay sa produkto na kanilang ginagawa tulad ng mga gumagawa ng sandalyas. Ang mga samahang ito ang nagsilbing tagasuri sa kalidad ng mga produktong nalilikha ng bawat kasapi. Panahon ng Bakal Natuklasan ang bakal ng mga Hittite, isang pangkat ng Indo-Europeo na nakatira sa Gitnang Silangan noong 1500 BC. Natutuhan nilang magtunaw at magpanday ng bakal. Noong hindi pa sila gaanong marunong magmina ng bakal, lubhang mahalaga para sa kanila ito ng limang beses kaysa ginto at walong ulit kaysa pilak. Matagal nilang pinanatiling lihim ang pagtutunaw at pagpapanday ng bakal. Dahil dito, umunlad ang kabihasnan ng mga Hittite at madalas silang manalo sa mga digmaan. Subalit sa katagalan, natuklasan din ang kanilang lihim at lumaganap na ang paggamit ng bakal sa iba pang kaharian. Ito marahil ang dahilan kung bakit humina ang kaharian ng Hittite. Pagyamanin Gawain: i-Graphic Organizer Mo! Buuin ang graphic organizer batay sa nabasa mong teksto. Matapos mabuo ay sagutin ang mga tanong na nasa ibaba. Gawin ito sa iyong sa activity notebook. Mga Tanong: 1. Anu-ano ang mga yugto sa panahon ng metal? ____________________________________________________________________________ __________________________________________________________ 2. Nakabuti ba ang pagbabagong naganap sa panahon ng metal sa pamumuhay ng mga sinaunang tao? Ipaliwanag ang iyong sagot. YUGTO SA PANAHON NG METAL ____________________________________________________________________________ __________________________________________________________ Isaisip Gawain: Katangian Ko, Ibigay Mo Punan ang ikalawang kolum ng mga katangian o mahahalagang kaganapan sa mga yugto ng Panahon ng Metal. Sugutin ang tanong sa ibaba. Gawin ito sa gawaing kuwaderno. Panahong ng Metal Katangian/Mahalagang Kaganapan Panahong ng Tanso Panahon ng Bronse Panahon ng Bakal Tanong: 1. Nakabuti ba ang pagkatuklas ng metal sa pamumuhay ng tao sa kasalukuyan? Ipaliwanag ang iyong sagot. ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ Isagawa Gawain: Archaeologist at Work Isiping isa kang archaeologist na nakahukay ng mga artifact sa isang lugar. Iyong susuriin ang bawat artifact na nahukay gamit ang Artifact Analysis Worksheet #1. Pagkatapos nito, ginawang pagsusuri at sagutan ang Artifact Analysis Worksheet #2. Buod Sa paglipas ng panahon, natutuhan ng mga unang tao na paghusayin ang kanilang mga kagamitan upang lalong maging epektibo ang mga ito sa araw-araw na pakikipagsapalaran. Dahil diyan, umunlad din ang kanilang kabihasnan at kultura hanggang sa malinang ang kasalukuyang kabihasnan sa iba’t ibang kapuluan ng daigdig. Sa Panahon ng Bato nagsimula ang paglinang ng sibilisasyon sa mga sinaunang tao.
Docsity logo



Copyright © 2024 Ladybird Srl - Via Leonardo da Vinci 16, 10126, Torino, Italy - VAT 10816460017 - All rights reserved