Docsity
Docsity

Prepare for your exams
Prepare for your exams

Study with the several resources on Docsity


Earn points to download
Earn points to download

Earn points by helping other students or get them with a premium plan


Guidelines and tips
Guidelines and tips

Araling Panlipunan Reviewer, Study notes of History

Araling Panlipunan Reviewer for GRADE 10

Typology: Study notes

2023/2024

Uploaded on 03/23/2024

jerrich
jerrich 🇵🇭

1 document

1 / 3

Toggle sidebar

Partial preview of the text

Download Araling Panlipunan Reviewer and more Study notes History in PDF only on Docsity! AP 3RD QUARTER REVIEWER GENDER AT SEX KASARIAN Tumutukoy sa panlipunanng gampanin, kilos, at gawain na itinatakda ng lipunan para sa mga babae at lalaki SEX Tumutukoy sa biyolohikal o pisyolohikal na katangian na nagtatakda ng pagkakaiba ng babae sa lalaki Gender identity (pagkakakilanlang pangkasarian): malalim na damdamin at personal na karanasang pangkasarian ng isang tao, na maaaring nakatugma o hindi nakatugma sa kanyang sex nang siya'y ipanganak, kabilang ang personal na pagtuturing niya sa sariling katawan. Sexual orientation (oryentasyong sekswal) kakayahan ng isang tao na makaranas ng malalim na atraksiyong apeksyonal, emosyonal, sekswal. TATLONG URI NG ORYENTASYONG SEKSWAL 1. Heterosexual 2. Homosexual 3. Bisexual MGA URI NG PAGKAKAKILANLANG PANGKASARIAN 1. Lesbian (Tomboy) 2. Gay (Bakla) 3. Bisexual 4. Transgender 5. Queer 6. Intersex 7. Asexual 8. Pansexual -------------------------------------------------------------------------- GENDER ROLES SA PILIPINAS BOXER CODEX: Sa Boxer Codex, ipinapahayag na ang mga lalaki ay pinapayagang magkaroon ng maraming asawa, ngunit maaaring patayin ng lalaki ang kaniyang asawang babae kung makita niya itong kasama ng ibang lalaki. Ito ay nagpapakita ng mas malaking karapatan na tinatamasa ng kalalakihan kaysa sa kababaihan noon. Ang Boxer Codex ay manuskrito na isinulat noong 1595 at naglalaman ng mga obserbasyon tungkol sa buhay at kultura ng mga grupong nakatira sa Pilipinas noong panahon na iyon. Sa panahon ng Pag-aalsa, may mga Pilipinang nagpakita ng kanilang kagitingan tulad ni Gabriela Silang, na lumaban sa mga Espanyol matapos mamatay ang kanyang asawa na si Diego Silang. Sa Rebolusyon ng 1896, may mga Katipunera rin tulad nina Marina Dizon na tumulong sa mga Katipunero laban sa pang-aabuso ng mga Espanyol. Gender Roles sa Pilipinas • Ang pagdating ng Inga Amerikanoay nagdala ng ideya ng kalayaan, karapatan, at pagkakapantay- pantay sa Pilipinas. • Sa pagsisimula ng pampublikong paaralan na bukas para sa kababaihan at kalalakihan, maraming kababaihan ang nakapag-aral. PANAHON NG HAPON  Ang kababaihan sa panahong ito ay kabahagi ng kalalakihan sa paglaban sa mga Hapones  Ang kababaihan na nagpapatuloy ng kanilang karera na dahilan ng kanilang pag-iwan sa tahanan ay hindi ligtas sa ganitong gawain.  Ang mga babae, may trabaho man o wala, ay inaasahang gumawa ng mga gawaing-bahay. KASALUKUYAN Ang mga babae, may trabaho man o wala, ay inaasahang gumawa ng mga gawaing-banay. sa kasalukuyan, marami nang pagkilos at batas ang isinusulong upang mapagkalooban ng pantay na karapatan sa trabano at lipunan ang mga babae, lalaki at LGBT. -------------------------------------------------------------------------- KASAYSAYAN NG LGBT SA PILIPINAS ang mga Asog sa Visayas noong ika-17 siglo. Hindi lamang nagbibihis-babae kundi nagbabalat-kayo ring babae upang ang kanilang mga panalangin ay pakinggan ng mga espiritu. BABAYLAN Noong panahon ng Espanyol, ilang babaylan ang nagbago ng gampanin dahil sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo. Simula noon, ang lipunang Pilipino ay mas tahimik sa mga hindi sumusunod sa tradisyonal na seksuwalidad at pagkakakilanlan. LADLAD Sa huling bahagi ng dekada 80 at simula ng dekada 90, maraming proyektong nag-ambag sa pagpapalawak ng kamalayan ng LGBT sa Pilipinas. Isa rito ang paglabas ng Ladlad, isang antolohiya ng mga likha ng mga miyembro ng komunidad ng bakla na inedit nina Danton Remoto at J. Neil Garcia noong 1993. • Sa dekada ng 90s, nagsimula ang LGBT movement sa Pilipinas. Itinatag ang ProGay Philippines noong 1993, ang Metropolitan Community Church noong 1992, at ang UP Babaylan noong 1992. Kasabay nito, lumitaw ang mga kilalang lesbian organization tulad ng CLIC (Cannot live in a closet) at Lesbian Advocates Philippines (LeAP). • Sa 1999, ang Akbayan Citizen's Action Party ang unang partido na nakipag-ugnayan sa LGBT komunidad, na nagbunga ng pagkabuo ng unang LGBT lobby group, ang Lesbian and Gay Legislative Advocacy Network o LAGABLAB. • Noong Setyembre 21, 2003, itinatag ni Danton Remoto, propesor sa Ateneo de Manila University, ng political na partido na Ang Ladlad -------------------------------------------------------------------------- KARAHASAN SA KABABAIHAN] FOOT BINDING-lotus feet o lily feet: simbolo ng yaman, ganda, at pagiging karapat-dapat sa pagpapakasal. Sun Yat Sen, 1911, tinanggal sa china BREAST IRONING-Breast flattening: sa bansang Cameroon Ito ang pagbabayo o pagmamasahe ng dibdib ng batang nagdadalaga sa pamamagitan ng bato, martilyo o spatula na pinainit sa apoy. FGM-Female Genital Mutilation: isang proseso ng pagbabago sa ari ng kababaihan nang walang anumang benepisyong medical Ang karahasan sa kababaihan ay hindi lamang problema sa Pilipinas kundi pati na rin sa buong daigdig. Sa katunayan, itinakda ang Nobyembre 25 bilang INTERNATIONAL DAY FOR THE ELIMINATION OF VIOLENCE AGAINST WOMEN. -------------------------------------------------------------------------- PRINSIPYO NG YOGYAKARTA PRINSIPYO 1 ANG KARAPATAN SA UNIBERSAL NA PAGTATAMASA NG MGA KARAPATANG PANTAO Lahat ng tao ay isinilang na malaya at pantay sa dignidad at mga karapatan. PRINSIPYO 2 ANG KARAPATAN SA PAGKAKAPANTAY PANTAY AT SA DISKRIMINASYON Bawat isa ay may karapatang magtamasa ng lahat ng karapatang pantao nang walang diskriminasyong nag- uugat sa oryentasyong seksuwal o pangkasariang pagkakakilanlan. PRINSIPYO 4 ANG KARAPATAN SA BUHAY Karapatan ng lahat ang mabuhay. Walang sinuman ang maaaring basta na lamang pagkaitan ng buhay sa anumang dahilan, kabilang ang may kaugnayan sa oryentasyong seksuwal o pangkasariang pagkakakilanlan. PRINSIPYO 12 ANG KARAPATAN SA TRABAHO Ang lahat ay may karapatan sa disente at produktibong trabaho, sa makatarungan at paborableng mga kondisyon sa paggawa, at sa proteksiyon laban sa dis- empleyo at diskriminasyong nag-uugat sa oryentasyong seksuwal o pangkasariang pagkakakilanlan. PRINSIPYO 16 ANG KARAPATAN SA EDUKASYON Ang karapatan sa edukasyon nang walang diskriminasyong sanhi naguugat at ng seksuwal oryentasyong at pangkasariang pagkakakilanlan. PRINSIPYO 25 ANG KARAPATANG LUMAHOK SA BUHAY- PAMPUBLIKO Ang bawat mamamayan ay may karapatang sumali sa mga usaping publiko; kabilang ang karapatang mahalal, lumahok sa pagbubuo ng mga patakarang may kinalaman sa kanyang kapakanan. -------------------------------------------------------------------------- Anti- Violence Against Women and their Children Act Republic Act no. 9262 (2004)
Docsity logo



Copyright © 2024 Ladybird Srl - Via Leonardo da Vinci 16, 10126, Torino, Italy - VAT 10816460017 - All rights reserved