Docsity
Docsity

Prepare for your exams
Prepare for your exams

Study with the several resources on Docsity


Earn points to download
Earn points to download

Earn points by helping other students or get them with a premium plan


Guidelines and tips
Guidelines and tips

Arpan reviews for high scholarship, Essays (high school) of Earth science

About araling panlipunan and a review

Typology: Essays (high school)

2023/2024

Uploaded on 05/15/2024

1 / 8

Toggle sidebar

Related documents


Partial preview of the text

Download Arpan reviews for high scholarship and more Essays (high school) Earth science in PDF only on Docsity! Week 1 and 2 1. Ang mga sumusunod na pangyayari ay naganap noong Unang Digmaang Pandaigdig maliban sa _____. a. Pagtatatag ng Nagkakaisang Bansa b. Pagpapalakas ng hukbong militar c. Pagbuo ng Triple Alliance at Triple Entente d. Pagkakaroon ng diwang nasyonalismo ng mga kolonyang bansa 2. Sinasabing sa Kanlurang Europe naganap ang pinakamainit na labanan sa panahon ng Unang Digmaang Pandaigdig. Alin sa sumusunod na pangyayari ang nauugnay dito? a. Labanan ng Austria at Serbia b. Paglusob ng Russia sa Germany c. Digmaan ng Germany at Britanya d. Digmaan mula sa Hilagang Belgium hanggang sa Switzerland 3. Ang pagsisimula sa Unang Digmaang Pandaigdig ay maiuugnay sa a. Pagpatay sa mga Hudyo b. Paglusob ng Japan sa Pearl Harbor c. Pagpaslang ni Archduke Franz Ferdinand at sa kanyang asawa d. Pagtitiwalag ng Germany sa Liga ng mga Bansa 4. Ang mga sumusunod ay mga sanhi ng Unang Digmaang Pandaigdig maliban sa _______ a. Nasyonalismo at militarismo b. Imperyalismo c. Digmaang Sibil sa Spain d. Pagbuo ng Alyansa 5. Ang kasunduang opisyal na nagwawakas sa Unang Digmaang Pandaigdig. a. League of Nations b. Kasunduan sa Versailles c. United Nations d. Kasunduan sa Tordesillas Para sa Bilang 6-10 Basahing mabuti ang mga pangungusap. Isulat ang salitang TAMA kung wasto ang ipinahahayag ng pangungusap at MALI kung di-wasto. Week 3 and 4 1. Anong sanhi ng ikalawang digmaang pandaigdig ang tumutukoy sa pangyayaring pinasimulan ni Adolf Hitler, ang lider ng Nazi, ang muling pagtatatag ng sandatahang lakas ng bansa? Layon ni Hitler na labagin ang kasunduan sa Versailles na naglagay sa Germany sa kahiya-hiyang kondisyon.Upang makabangon sa pagkagapi sa Unang Digmaang Pandaigdig. A. Digmaang Sibil sa Spain B. Pagsakop ng Italya sa Ethiopia C. Pag-agaw ng Hapon sa Manchuria D. Pag-alis ng Germany sa Liga ng mga Bansa 2. Anong sanhi ng ikalawang digmaang pandaigdig ang tumutukoy sa huling pangyayari na nagpasiklab sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang pagpasok ng mga Aleman sa Poland noong 1939? A. Paglusob sa Czechoslovakia B. Pagsakop ng Italya sa Ethiopia C. Pag-agaw ng Hapon sa Manchuria D. Paglusob ng Germany sa Poland 3. Kailan biglang sinalakay ng ng Japan ang Pearl Harbor, isa sa mga himpilan ng hukbong dagat ng United States sa Hawaii. Ang pataksil na pagsalakay na ito sa Amerika ay tinawag na “Day of Infamy?” A. ika-8 ng Disyembre 1941 B. ika-9 ng disyembre 1941 C. ika-7 ng Disyembre 1941 D. ika-10 ng disyembre 1941 4. Hindi kaagad sumalakay dito ang mga Aleman pagkatapos nilang masakop ang Poland. Noong Abril 1940, ang Phony War ay biglang natapos sapagkat sinimulan ni Hitler ang kanyang blitzkrieg (biglaang paglusob na walang babala) Ano ang ibig sabihin ng blitzkrieg? A. Paglusob ng marahas B. Paglusob ng mahinahon C. Hindi biglaang paglusob D. Biglaang paglusob ng walang babala 5. Habang namiminsala ang Hukbong Nazi sa Europa, ay naghahanda naman ang Hukbong Hapon sa pagsalakay sa Pasipiko. Upang itoy masugpo, pinatigil ng United States ang pagpapadala ng langis sa Japan mula United States. Ano marahil ang magiging bunga ng pagpigil ng Amerika sa pagpapadala ng langis sa Japan? Week 6 1. Anong salita ang tumutukoy sa isang sistema o kalipunan ng mga ideya? A. Armistice C. Ideya B. Ideolohiya D. Pilosopiya 2. Anong kategorya ng ideolohiya ang nakasentro sa paraan ng pamumuno at pakikilahok ng mamamayan sa pamamahala? A. Pangkabuhayan B. Panlipunan C. Pampolitika D. Panrelihiyon 3. Anong ideolohiya at uri ng pamahalaan na nagbibigay ng panya na karapatan at kalayaan anuman ang kanilang kinabibilangang lahi, kasarian o relihiyon? A. Demokrasya B. Liberalismo C. Kapitalismo D. Sosyalismo 4. Lahat ng pahayag sa ibaba ay mga mahalagang katangian ng isang ideolohiyang demokrasya na nararanasan ng mga mamamayang naninirahan sa US at Pilipinas, MALIBAN sa? A. May karapatang makaboto C. May karapatan sa edukasyon B. May kalayaan sa pananampalataya D. Militar ang nangingibabaw sa sibilyan 5. Anong ideolohiya ang nakasentro sa mga patakarang pang-ekonomiya at paraan ng paghahati ng mga kayamanan para sa mga mamamayan? A. Pangkabuhayan B. Panlipunan C. Pampolitika D. Panrelihiyon 6. Alin ang tamang pangungusap na tumutukoy sa ideolohiyang panlipunan? A. Hindi pagkakapantay-pantay ng mga mamamayan sa tingin ng batas. B. Pagkakapantay-pantay ng mga mamamayan sa ilalim ng batas at sa iba pang aspekto ng pamumuhay. C. Pagkakapantay-pantay sa harap ng angkan o lahi. D. Makikita Ang pangunahing aspeto ng pamumuhay. 7. Anong uri ng ideolohiya na nakabatay sa patakarang pang-ekonomiya na kung saan ang pamamalakad ng pamahalaan ay nasa kamay ng isang pangkat ng tao? A. Awtoritaryanismo C. Totalitaryanismo B. Sosyalismo D. Demokrasya 8. Anong ideolohiya na nakatuon sa pagmamay-ari ng estado sa lahat ng mass media ng bansa? A. kapitalismo C. sosyalismo B. pasismo D. konserbatismo 9. Sino ang nagpasimula ng ideolohiya bilang isang agham? A. Karl Marx B. Margaret Thatcher C. Destutt de Tracy D. Adolf Hitler 10. Anong ideolohiya ang nagbigay-diin na ang pag-iipon ng kapital ay higit na kailangan upang na mapalago ang negosyo at mapalaki ang tubo ng mga namumuhunan? A. Demokrasya B. Liberalismo C. Kapitalismo D. Sosyalismo 11. Aling ideolohiya sa ibaba na mas pinahahalagahan ang mga tradisyon ng nakaraan kaysa makabagong sistema ng inaakala nito na walang malinaw na direksyon? A. Demokrasya B. Liberalismo C. Kapitalismo D. Sosyalismo 12. Anong uri ng ideolohiya na ang pangkat ang nagtatakda sa pagmamay-ari at sa pangangasiwa ng lupa, kapital at mekanismo ng produksiyon? A. Sosyalismo B. Kapitalismo C. Demokrasya D. Liberalismo 13. Anong bansa ang nangunguna sa pagpapatupad ng ideyang Liberalismo? A. Canada B. United Kingdom C. Japan D. United States 14. Sa hinuha mo, anong uri ng ideolohiya ang ipinatutupad sa Pilipinas? A. Sosyalismo B. Totalitaryanismo C. Komunismo D. Demokrasya 15. Anong kategorya ng ideolohiya ang tumutukoy sa pagkakapantay-pantay ng mga mamamayan sa tingin ng batas at sa iba pang pangunahing aspeto ng pamumuhay ng mga mamamayan? A. Pampolitika B. Pangkabuhayan C. Panlipunan d. Panrelihiyon Module 5 1. Ano ang ideolohiya? A. Isang uri ng pamahalaan na kung saan ang namumuno ay may lubos na kapangyarihan B. Isang sistemang pangkabuhayan kung saan ang produksiyon, distribusyon at kalakalan ay kontrolado C. Ang kapangyarihan ng pamahalaan ay nasa kamay ng tao D. Mga kaisipang nagsisilbing gabay sa pagkilos 2. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mabuting epekto ng cold war? A. Pagsasaayos ng daloy ng malayang kalakalan sa mundo B. Pag-igting ng di pagkakaunawaan ng mga bansa C. Pagbabago ng pangangasiwa sa ekonomiya D. Maraming imbensiyon ang naisasagawa 3. Bakit nangyari ang cold war sa pagitan ng United States at Soviet Union? A. Dahil sa tensiyon ng kompetensiya sa ekonomiya, ang hindi pagkasundo ng mga politiko at tensiyong militar B. Dahil sa kompetensiya sa kalakalan at sa kapangyarihan C. Dahil sa pagkakaroon nito ng makabagong pamamaraan sa pamumuhunang industriyal at pinansiyal D. Dahil sa uri ng suliraning pampolitika at pang-ekonomiya na ang lahat ng estado mayaman o mahirap ay maaring masangkot 4. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga kategorya ng ideolohiya MALIBAN sa isa. Ano ito? A. Pampolitika B. Pangkabuhayan C. Panlipunan D. Dayuhang Pautang 5. Ano ang pinagkasunduan nina Mikhail Gorbachev ng Soviet Union at Ronald Reagan ng United States? A. Tapusin ang Arms Race B. Pagbuo ng International Monetary Fund C. Pagbuo ng militar na tinawag na Black Shirts D. Kasunduan ng Versailles 6. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng ideolohiya? A. Pang-ekonomiya B. Kapitalismo C. Pangkultura D. Dayuhang Tulong 7. Ano ang neokolonyalismo? A. Isang uri ng mga kaisipang gabay sa pagkilos B. Isang uri ng suliraning pampolitika at pang-ekonomiya na ang lahat ng estado mayaman at mahirap ay maaring masangkot C. Isang uri ito ng pamahalaan na kung saan ang namumuno ay may lubos na kapangyarihan D. Isang doktrina ito na nakabatay sa patakarang pang-ekonomiya na kung saan ang pamamalakad ng pamahalaan ay nasa kamay ng isang pangkat ng tao 8. Ano ang layunin ng neokolonyalismo? A. Layunin nito ang pagbubukas ng bansang pinauutang sa dayuhang pamumuhunan at kalakalan B. Layunin nitong hindi mapasunod ng mapayapa, gumawa ng paraan 10 ang mga neokolonyalista upang guluhin ang isang pamahalaan o ibagsak ito ng tuluyan C. Layunin nitong mabago ng neokolonyalismo ang pananaw ng tinutulungang bansa sa mga bagay na likas na angkin nito D. Layunin nitong patatagin ang pamumuhunan ng kolonyalistang bansa, pigilan ang pagkamit ng tunay na kalayaan at kunin ang mas malaking kita sa negosyo 9. Isa sa mga epekto ng neokolonyalismo ay ang loss of pride o kawalan ng karangalan. Bakit nawalan ng interes ang mga tao sa sariling kultura at mga produkto? A. Dahil malinaw na umaasa nang labis ang mga tao sa mayayamang bansa lalong-lalo na sa may kaugnayan sa United States B. Dahil ang lahat ng aspeto ng kabuhayan ay kontrolado pa rin ng kanluran C. Dahil naimpluwensiyahan ng mga dayuhan, nabubuo sa isipan ng mga tao na lahat ng galing sa kanluran ay mabuti at magaling D. Dahil patuloy pa ring nakatali ang maliliit na bansa sa malakolonyal at makakapitalistang interes ng kanluran
Docsity logo



Copyright © 2024 Ladybird Srl - Via Leonardo da Vinci 16, 10126, Torino, Italy - VAT 10816460017 - All rights reserved