Docsity
Docsity

Prepare for your exams
Prepare for your exams

Study with the several resources on Docsity


Earn points to download
Earn points to download

Earn points by helping other students or get them with a premium plan


Guidelines and tips
Guidelines and tips

Bahaghari Script of Role play, Summaries of Music and Technology: Algorithmic and Generative Music

Role Play Bahaghari Script of Role play

Typology: Summaries

2021/2022

Uploaded on 10/07/2022

marjori-anne-delos-reyes
marjori-anne-delos-reyes 🇵🇭

1 document

Partial preview of the text

Download Bahaghari Script of Role play and more Summaries Music and Technology: Algorithmic and Generative Music in PDF only on Docsity! Narrator:Magandang umaga sainyong lahat, sa puntong ito ay hayaan niyong kwentuhan ko kayo, ang kwentong ibabahagi ko ay tungkol sa isang pamilya na buo at masayang nagsasama na sinubok ng tadhana upang masukat ang haba at laki ng tiwala at pagmamahal ng bawat isa sa kanila. Ang pamilyang tinutukoy ko ay ang pamilyang bahaghari. Si Ara at Ryan Bahaghari ay ang mga magulang sa pamilyang ito at si Chamie naman ay ang ina ni Ryan at nagsisilbing lola ng mga anak nila, ang mag-asawang Bahaghari ay may pitong anak ito ay sila Marlyn ang panganay, sinundan ni John, Erica, Jamby, Angelica, Lenny, at ang bunso sa magkakapatid na si Marjori. Mama: Mga anak bilisan nyo na diyan at mahuhuli na kayo sa klase pati ako, kanina ko pa kasi kayo ginigising ang tagal-tagal niyo bumangon at mag-ayos ng mga sarili niyo, malalaki naman na kayo ahh. Papa: Ma, tama na yan aga aga highblood ka na naman. Mama: Sino ba naman hindi mahahighblood kung ganto mga anak mo. Papa: Sige na ako na ang bahala dito mamaya pa naman ako pupunta sa bukid, ako na ang magaasikaso sa mga anak natin Lola: Hoy Ryan! Baka nakakalimutan mo na pati ako ay dapat mong asikasuhin at alagaan hindi mo hindi mo ako anak pero ikaw anak ko at ina moa ko. Papa: Si mama naman oh! Syempre aalagaan ko rin ang matampuhin kong mama. Chamie: Yung arinola ko puno na itapon mo na yun at linisan. Mama: Pa! alis na ako late na kasi ako sa trabaho ko Jamby, Lenny, Marjori hali na kayo. Narrator:Nakalimutan ko sabihin na maingay pala ang pamilyang ito, Si Ara ang ina ng pamilya at isang hotel Manager at ang padre de pamilya naman na si Ryan ay isang mambubukid sa sarili nilang bukirin. (Nagliligpit ng kinainan si John, si Erica ay nakaupo at si Angelica ay naglilinis sa loob ng bahay kasama ang panganay niyang kapatid na si Marlyn.) Papa: John!, anak asan ka? John: Nasa kusina po Papa: Wala ka naman pasok diba, samahan mo nga ako sa bukid John: Pa, ayoko po ang init-init po dun saka madamo po Marlyn: Pa, ako po gusto kong sumama, tutulong po ako sainyo Papa: Anak hindi ka pwede sa bukid, panglalaking trabaho iyon dito ka nalang sa bahay samahan mo ang lola mo Marlyn: Pero pa gusto ko sa bukid, magpapakain ng mga manok, pato at magpapastol ng mga kambing at baka natin, promise po tutulungan ko po kayo. Papa: Huwag ng makulit dito ka lang sa bahay at ligpitin ang dapat na ligpitin magluto ka na rin ng tanghalian natin Papa: At ikaw naman John bitawan mo na yang hugasin na yan, trabaho ng babae ikaw gumagawa asan ba si Erica, iwan mo na yan kapatid mo ng babae gumawa niyan. John: Opo Papa: Ma una na po kami, mga anak kayo na bahala sa lola niyo at bahay natin. (Nakita ni Chamie si Erica na nakataas ang dalawang paa sa upuan habang naka upo ito at nagcecellphone, pagkatapos kumuha ito ng hanger at pinalo ang paa ni Erica) Erica: Aray!!!!! Chamie: Hoy! Kababae mong tao nakataas iyang mga paa mo, sumisilip na yung pagkababae mo!! Erica: Lola naman! Ang OA niyo naman po, komportable po kasi ako kapag ganto ang upo ko, wala namang mawawala Chamie: Aba!! Sumasagot ka pang bata ka! Tumayo ka nga diyan at tulungan mo dun ang kapatid mo maglinis Erica: Lola kaya na po yun ni Angelica (akmang papaluin ito ni Chamie ng hanger) Erica: Uyy lola mamamalo ka na naman heto na po tatayo na ako Chamie: Kababaeng tao apaka batugan! Mga kabataan nga nama ngayon Mabuti pamg dun muna ako sa bakuran magpahangin. (Habang naglilinis ang dalawang magkapatid lumapit si Erica kay Angelica) Erica: Angelica, aalis ako saglit ahh huwag kang magsusumbong ahh babalik lang naman ako Angelica: Ate naman hindi pa nga tayo tapos sa mga gawain dito sa bahay Erica: Kayang-kaya mo naman na yan saka ate mo ko kaya sundin mo ko kung hindi papaluin rin kita ng hanger Angelica: San ka naman kasi pupunta ate? Erica: Basta, Alis na ako byee huwag kang maingay Angelica: Ate!! Huy!! Narrator: Palihim ngang umalis ng bahay si Erica para puntahan ang kanyang kasintahan at sa pamilyang Bahaghari si Erica ay talagang pasaway at hilig suwayin ang mga patakaran sa loob ng bahay nila. Erica: Hi Babe! (Akmang yayakapin nito si Bea pero tinabig papalayo ni Bea si Erica) Bea: Lumayo ka nga sakin! Nakakainis ka! Erica: Sorry na Babe kung napag antay kita ng saglit dito sa may kanto nahirapan kasi akong lumabas sa bahay naming ehh Jamby: Sige po kuya Leny: Huwag kang mag-alala tanggap ka namin at naiintindihan ko yang nararamdaman mo kaya kakampi mo ako Jamby: Siyempre ako din John: Thank you Girls, let’s go sa kwarto dun na lang tayo, aayusan ko kayo ang Chaka niyo ehh Narrator:Tama ang narinig at nasaksihan niyo, Bakla si John ang uniko ijo ng pamilyang Bahaghari ay isa rin palang ija. Samantala dumating naman na sa bahay ang panganay sa magkakapatid na si Marlyn na tila pagod na pagod galing sa klase isa itong graduating College student Marlyn: Ang sakit ng ulo ko dahil sa Thesis namin idagdag mo pa ang mga ibang gawain sa ibang subjects ko, nakakagapod pero kakayanin ko to kasi dapat na maging Bread winner ako sa pamilya naming lalo na ako pa ang panganay, iidlip muna ako saglit medyo maaga pa namn para magluto ng hapunan. (Dumating nadin galing sa paaralan ang bunsong si Marjori) Marjori: Ate? Kuya? Lola? Asan sila? (Pumunta sa kusina walang Nakitang tao) Marjori: Wala naman tao dito sa kusina, wala ring pagkain nagugutom na ako Marjori: Baka nasa kwarto sila ate tignan ko nga Marjori: Ate! Nagugutom na po ako, ayy tulog si ate marlyn kawawa naman ang ate ko mukhang pagod na pagod galing school, ayy mabuti pa ako na lang ang magsasaing para sa hapunan namin at magluluto ako ng itlog kasi gusto ko pritong itlog ulam ko Narrator:At tuluyan na ngang nakatulog si Marlyn dala ng sobrang pagod, samantala naghanda na rin ng hapunan nila si Marjori ng mag- isa dahil sa pagmamalasakit niya sa kanyang ate pero ng nalaman ito ng kanilang ina tila hindi ito natuwa kaya napaag pasyahan ng pamilya na mag-usap usap para maging malinaw ang lahat. Mama: Lahat na ba andito? Yung lola niyo asan? Tulog na ba? Chamie: Teka lng hindi pa ako tulog tinignan ko lng kong nasa ilalim na ba ng kama ko yung arinola ko baka kasi nakalimutan na namn ni Ryan ilagay dun Ryan: Andun na po yun ma, maupo ka na po Ara: Mukhang andito na ang lahat, nagpatawag ako ng biglaang pagpupulong kasi napapansin ko na andami ng mga lihim ang bawat isa na tinatago kung kaya magsalita na ang gustong magsalita Erica: Tomboy po ako ma Ara: Oh tomboy raw ang ate niyong si Erica, Ano!? Tomboy ka!? Ryan: Oh, Ma sumisigaw ka na naman huminahon ka lang Ara: Hindi mob a narinig yung sinabi ng anak mo! Tomboy raw siya at kalian pa Erica!? Erica: Bata pa lng po ako ma, natatakot lang ako umamin saenyo baka kasi hindi niyo ako matanggap Chamie: Kaya pala kung makalaro kng ng holen at pogs nung bata ka pa daig mo pa ang lalaki at kung paiyakin mo ang kuya mo noon wagas mas malakas suntok mo kaysa kay kuya mo ehh John: Kasi po la Bakla po ako simula pa noong bata pa ako Chamie: Ay Diyos Ginoo!! Anong sabi mo! John: Bakla po ako! O my ghad I’m scared na tuloy Ryan: Bakla ka John? Kaya pala ang lamya-lamya mo at hindi ka maasahan sa bukid John: Pa, Sorry na po pinilit ko naman magpakalalaki promise pero hindi ko po talaga kaya babae po tlga ang puso’t isip ko Ryan: Pano na yan? Sino na magpapatuloy at mag-aalaga ng bukirin natin? Marlyn: Ako po Pa kaya ko pong alagaan ang bukirin natin Ryan: Hindi ka bagay dun anak trabaho ng mga lalaki yun, hindi para sa mga babae ang trabaho sa bukid Ara: Tumigil ka nga diyan Marlyn! Anong kaya mong alagaan ang bukirin natin ehh simpleng hapunan nga natin ngayon tinulugan mo at pinagawa mo pa sa bunso mong kapatid, hindi ka ba nahiya ikaw pa naman ang panganay dito tapos hindi ka pa maasahan sa gawaing bahay , simpleng gawain na nga lng ng babae hindi mo pa nagawa Marlyn: Ma, hindi ko naman po sinasadya na nakatulog ako pagod na pagod kasi ako dahil sa mga gawain sa paaralan naming saka po malaki naman na po si bunso Ara: Kahit na! Pano kung nabanlian sya nung mainit na mantika oh kaya nasunog yung bahay natin, pagiging panganay pa nga lang dito sa bahay napapabayaan at hindi mo na naggamanan ang alagaan pa kaya ang bukid natin Marlyn: Ang sakit mo naman po magsalita ma, ngayon lang naman yun nangyari bat parang wala na akong nagawang tama bilang panganay ng pamilyang ito, hindi niyo alam kung paano ko pasanin ang mabigat na responsibilidad ng isang babaeng panganay sa pamilyang ito, ang hirap ma, sobrang hirap na pagsabayin ang pag-aaral at pag aalaga ng mga kapatid ko na dapat na ikaw ang gumagawa kasi anak mor in po ako ma Ara: Anong gusto mo magutom tayo dito sa bahay, nagtatrabaho ako ng sobra para lang sa mga bayari at gastusin sa bahay natin dahil kung hindi ako magtatrabaho san tayo pupulutin sa kangkungan? Hindi sapat ang perang nakukuha natin sa bukid kaya kung hindi ako magtatrabaho magugutom tayo, kaya ikaw pag igihan mong makatapos ng pag-aaral para makaroon ka ng sarili mong kompanya hindi yung bukid ang gusto mong alagaan Marlyn: Bakit po ma? Purke babae ako hindi na ako pwede magmana ng bukid natin, gusto ko ma ang bukid kahit pang lalaki pa yang trabaho kaya kong gawin kasi gusto ko yung ginagawa ko at opo ma nag- aaral po ako ng mabuti hindi niyo lang nakikita kasi hindi kayo marunong mangamusta, kung hindi pa nga umamin si John at Erica ay wala pa rin kayomg alam sa kung anong nagyayari na saming magkakapatid Ryan: Teka nga lang, maupo nga muna kayong lahat at may sasabihin ako, John, Erica wala akong problema kung anuman kayo, tanggap ko kayo kasi mga anak ko kayo at kung saan kayo masaya susuportahan ko kayong lahat John&Erica: Salamat po pa Ryan: At sa mama niyo naman gusto kong humingi ng tawad dahil ang responsibilidad na dapat ako ang gumagawa ay ang mama niyo ang gumagawa, masakit rin sa loob ko na ako yung haligi ng tahanan ng pamilya natin pero walang magandang trabaho para buhayin ang pamilya natin, nahihiya na nga ako saenyong lahat dahil imbes na ang mama niyo ang nasa bahay lamang para alagaan kayo ay ako yung kasama niyo na wala rin masyadong alam sa mga gawain sa bahay. Kaya Ma, pasensya ka na ahh kung bakit ikaw pa yung nagmumukhang haligi at padre de pamilya ng ating pamilya hayaaan mo magsusumikap ako na makahanap ng trabaho para makapagpahinga ka na dito sa bahay Chamie: Teka nga lng naguguluhan na ako sainyong lahat kasi ang alam ko ay dalawa lng ang kasarian ng tao babae at lalaki tapos yung dalawa kong apo ehh tomboy at bakla ayyy Diyos ko naguguluan na ako Angelica: Lola babae at lalaki pa namn po si ate at kuya kung babasehan po ang kasarian nila noong sila ay ipinanganak pero po kasi mayroon po tayong pansariling pagkakilanlan sa ating mga sarili na maaaring epekto ng iba’t ibang salik sa lipunan. Jamby: Kaya po may mga lalaki na maaaring lalaki dahil sa kanilang kasarian ngunit mas komportable silang kumilos ng tulad sa mga babae katulad na lng po ni kuya John Leny: Meron din po la na babae na maaaring babae dahil sa kanilang kasarian ngunit mas komportable silang kumilos ng tulad sa mga lalak katulad na lng po ni Ate Erica Chamie: Ganun ba mga apo, Salamat sainyo dahil nalinawan na ako sa mga nangyayari sa mga kapatid niyo Ara: Sandali nga muna, Marlyn alam mo na ba lahat ng ito? At ikaw Ryan kukunsintehin mo na lng ba ang mga kahibangan ng mga anak mo? Ano na lang ang sasabihi ng mga tao sakin satin! Marlyn: Ma naman, buksan niyo naman po ang puso’t isip niyo! Opo! Alam ko na bakla si John at tomboy si Erica pero pinili kong manahimik at pabayaan sila kasi ayaw ko silang pangunahan sa pagsabi ng totoo sainyo saka bakit po ba palagi niyo na lng sinisisi si papa? Ara: Alangan naman na sisihin ko ang lola niyo! Chamie: Oh! Wag niyo ko masali-Sali sa away niyo ha nananahimik ako rito! Ara:Alam mo na pala ang tungkol sa mga kapatid mo pero hinayaan mo lang! Tignan mo ang nangyari! Sige nga sagutin mo nga ako nagging mabuting ate ka ba talaga sa kanila ha? Marlyn: Oo ma! Oo! Naging mabuting ate ako sa kanila hindi mo yun nakikita kasi wala ka naman pakialam samin Ara: Huwag mong sasabihin na wala akong pakialam sainyo!lahat ng ginagawa ko para sainyo!
Docsity logo



Copyright © 2024 Ladybird Srl - Via Leonardo da Vinci 16, 10126, Torino, Italy - VAT 10816460017 - All rights reserved