Download Cheat sheet for English Quarter 4 module 2 and more Cheat Sheet English in PDF only on Docsity!
Matutunghayan mo ngayon ang kaligirang
pangkasaysayan ng Noli Me Tangere. Bago mo basahin ito,
pansinin muna ang mga tanong upang maging gabay mo
Sa pagsagot sa kasunod na bahagi: Bakit kaya
pinamagatang Noli Me Tangere ang nobelang isinulat ni Dr.
Jose P. Rizal? Ano-ane ang mga pangyayan na nagtulak
kay Rizal upang isulat ang nasabing nobela? Naging
matagumpay ba ang pagsulat mya sa nobela at paano niya
nalagpasan ang mga balakid sa pagsulat nitoP? Ngayon,
inaasahan kong babasahin mo ang teksto na may pag-
unawa at tumatak sana sa iyong isipan ang mahahalagang
impormasyon at pangyayari sa buhay ni Rizal.
Kaligirang Pangkasaysayan
ng Noli Me Tangere
Ang Noli Me Tangere ay ang kauna-unahang nobelang naisulat ni Rizal nang
magdadalawampu't apat na taong gulang pa lamang siya at inialay sa Inang-bayan.
Ito ay naglalahad sa kanser ng lipunan sa pahanon ng mga Espanyol.
Ito ay isang pariralang Latin na hinango sa Ebanghelyo ni San Juan (20:13-
17) sa Bibliya na nangangahulugan “Huwag mo akong salingin® o mas kilala sa
Ingles na “Touch Me Not”. Ang buong berso ay tumutukoy kay Hesukristo na
nagsabi kay Maria habang tumatangis na: “Huwag mo akong hawakan sapagkat
hindi pa ako nakakaakyat sa aking Ama. Pumunta ka sa mga kapatid ko. Sabihin
mo sa kanila na ako ay papaitaas sa aking Ama at inyong Ama, sa aking Diyos at
inyong Diyos.”
Bakit kaya pinamagatang Noli Me Tangere ang kanyang nobela? Narito ang
sinabi ni Rizal sa kanyang sulat sa isang niyang kaibigan: Ang aklat ay naglalaman
ng mga bagay na hanggang sa kasalukuyan ay walang sinumang makapangahas
na bumanggit. Ang mga bagay na iyon ay napakaselan kaya’t walang makasaling
man lamang. Pinangahasan kong gawin ang di mapangahasang gawin ng sinuman.
Sinagot ko ang mga paninirang-loob ng daan-daang taon ay ikinulapol sa amin at
Sa aming bayan. Inilarawan ko ang kalagayan ng lipunan at ang ayos ng
pamumuhay roon, ang aming mga paniniwala, mga pag-asa, mga hangarin, mga
karaingan, mga pagdadalamhati. Itinambad ko ang mga pagpapaimbabaw na sa
balat kayong relihiyon ay siyang nagpahirap at nagmalupit sa amin. Ipinakilala ko
ang kaibahan ng tunay sa di-tunay na relihiyon sa reliniyong ang kinakalakal ay
ang Banal na Kasulatan upang mapagsalapi, upang kami'y papaniwalain sa mga
kaululang sukat ikahiya ng Katolismo kung kaya lamang malalaman. Inangat ko
ang tabing upang ipakita kung ano yaong nasa likod ng madaya at nakasisilaw na
pangako ng aming pamahalaan. Sinabi ko sa aming mga kababayan kung ano-ano
ang aming mga kapintasan, ang aming mga bisyo, ang aming pagwawalang-bahala
Sa mga pagdaralita roon na nagpapakilala ng karuwagan at tunay na masisisi sa
atin. Saan man ako makakita ng kabaitan, ito'y naging ipinagbabansag at pinag-
uukulan ng karampatang paggalang. Ang mga pangyayaring aking isinaysay ay
pawang katotohan at tunay na nangyari; ang mga lyon ay maaari kong patunayan.
Maaaring ang aklat ko ay may mga kapintasan kung sining at ganda ang pag-
uusapan; iyan ay di ko itatanggi; datapwa’t ang hindi matutulan ay ang kawalan ng
“pagkiling ng aking pagsasalaysay.”
Sa kanyang kabataan ay nasaksihan na niya ang kalunos-lunos na
kondisyon ng Pilipinas dahil sa pang-aalipin at pang-aabuso ng mga Espanyol. Ilan
sa mga kondisyong ito ay ang panghahagupit ng mga guardia civil sa mga
Pilipinong hindi tama ang pagsaludo at hindi nag-aalis ng sombrero kapag
dumaraan sa harapan nila, pati na rin ang pagmamalupit sa mga kabataan at
kababaihan. Habang nag-aaral si Rizal sa Ateneo ay nasangkot ang kanilang
pamilya sa isang eskandalo. Nagpagbintangan ang kanyang ina na kasabwat sa
panlalason sa asawa ng kanyang kapatid na si Jose Alberto. Inaresto at pinalakad
ito mula Calamba hanggang Sta. Cruz, ang kabisera ng Laguna. Ang pangyayaring
ito ay nagpapakita ng kalupitan at kawalang-katarungan sa mga Pilipino sa
panahong Espanyol. Nang labing-isang taong gulang si Rizal ay nagkaroon ng pag-
aalsa sa Cavite sa pamumuno ni Sarhento. La Madrid na kung saan ang tatlong
pari na sina Padre Mariano Gomez, Padre Jose Burgos at Padre Jacinto Zamora
(GOMBURZA) ay idinawit sa pag-aalsang nabanggit. Ang tatlong paring martir ay
binitay noong Pebrero 17, 1872 sa paraang garrote sa Bagumbayan (Luneta o Rizal
Park sa kasalukuyan). Si Rizal ay nakaranas rin ng kalupitan ng mga Espanyol
noong taong 1878 habang naglalakad siya sa isang madilim na daan ay nadaanan
niya ang tenyente ng guardia civil at hindi siya nakasaludo o kaya’y nagsabi ng
magandang gabi sa kadahilanan hindi niya ito nakilala. Pinalo ang kanyang bibig
at likuran. Ang mga kaganapang ito ay tumatak sa isipan ni Rizal. Kaya sa murang
isipan niya ay napukaw ang malayang isipan na maghanggad ng pagbabago sa
kanyang Inang-bayan sa pamamagitan ng edukasyon.
Ang nakaimpluwensiya kay Rizal na sumulat ng isang nobela ay ang aklat
na The Wondering Jew (Ang Hudyong Lagalag) at ang aklat ni Harriet Beecher
Graciano Lopez - Jaena, Evaristo Aguirre, Eduardo de Lete, Julio Lorente at
Valentin Ventura. Sa kasamaang palad ay hindi natupad ang plano ni Rizal sa
kadahilanang ang kanyang mga kababayan ay hindi sumulat patungkol dito
bagkus sumulat lamang sila patungkol sa kababaihan. Dahil sa nangyari,
napagdesisyunan niya na isulat mag-isa ang nasabing nobela.
niya ang kalagayan ng mga Pilipino sa pamumuno ng mga Kastila sa Pilipinas.
Plano ni Rizal na gawin ang nobela sa pagtutulungan ng mga kapwa niya
manunulat na Pilipino na nasa Madrid. Pinanukala niya ito sa isang pagtitipon ng
mga Pilipino sa tahanan ng mga Paterno noong Enero 2, 1884. Ang lahat ng naroon
ay halos sumang-ayon sa ideya gaya nina Pedro, Maximo, at Antonio Paterno;
GAWAIN 3 at 4: Ilagay sa isang long sized bond paper. Pwedeng sulat- kamay/ type written. COPY AND ANSWER EXCEPT SA PANUTO. 20 POINTS GAWAIN 4 Gawain 3 sa