Docsity
Docsity

Prepare for your exams
Prepare for your exams

Study with the several resources on Docsity


Earn points to download
Earn points to download

Earn points by helping other students or get them with a premium plan


Guidelines and tips
Guidelines and tips

Defense Q&A FOR A TOURISM THESIS, Thesis of Tourism and Sustainability

CONTAINS ANSWERS TO POSSIBLE QUESTION DURING A THESIS DEFENSE.

Typology: Thesis

2020/2021

Uploaded on 11/25/2021

epic-xx
epic-xx 🇵🇭

5

(1)

1 document

1 / 2

Toggle sidebar

Related documents


Partial preview of the text

Download Defense Q&A FOR A TOURISM THESIS and more Thesis Tourism and Sustainability in PDF only on Docsity! ¢ Bakit ito ang napiling paksa na pag-aralan? - Napili naming pag-aralan ang paksang ito dahil ayon kay Weaver and Lawton, 2010, Holloway et al., 2009, at sa UNESCO 2015 lubos na mahalaga ang kontribusyon ng turismo sa ekonomiya ng isang lugar, ngunit sa kabila nito, walang mga pag-aaral patungkol sa turismo ng Candon particular na ang mga persepsyon ng mga turista, na siyang isang susi upang mas mapaganda pa ang turismo at serbisyo sa Candon na siyang kaagapay sa pag-unlad ng lungsod. © Bakit ganito ang title niyo? - Ang katagang “ (Hindi) Candon ang iyong destinasyon” ay isang kontradiksyon sa umiiral na tatak pan-turismo o tagline ng lungsod na “Candon your destination”. Bilang mga estudyante ng kursong may kaugnayan sa negosyo, kinikilatis namin ang ablilidad ng isang produkto o serbisyo na bumenta, at sa kasamaang-palad, kulelat ang Candon kung ikukumpara ito sa Vigan City at iba pang mga karatig bayan. © Bakit sa persepsyon ng mga turista kayo nag-focus? - Hindi mabubuhay ang isang negosyo kung walang mga kostumer, ganito din sa turismo, ang pinakamahalagang sangkap nito ay ang mga turista- kung kaya, mahalagang pag-aralan ang persepsyon nila, upang mas mag-karoon ng kaalaman sa kaisipan ng mga turista na siyang makatutulong sa pag-papaganda ng turismo sa lungsod at maimproba ang mga bagay na tingin nila ay hindi kanais-nais sa lugar. ® — Sino taga tugon ninyo? - Ang mga tagatugon namin ay ang sampung napiling mga turista na kasaluuyang bumibisita at bumisita na sa lungsod. Pinili namin sila sa pamamagitan ng snowball sampling. © — Bakit sampu lamang ang taga-tuon? - Sa isang kwalitatibong pananaliksik, hindi kinakailangan ng maraming taga-tugon, kung naabot na ang tinatawag na “saturation point”, kung saan paulit-ulit na ang mga kasagutan ng mga respondante. Hanggang sampu lamang ang mga resondents dahil nagiging repetitive na ang kanilang mga kasagutan at wala ng bagong data na nakakalap. © ~~ Bakit Snowball Sampling ang ginamit ninyo sa pag-pili ng taga-tugon? - Ang snowball sampling ay ginagamit ng mga mananaliksik upang matukoy ang mga potensyal na taga-tugon sa mga pag-aaral kung saan ang mga taga-tugon ay mahirap hanapin. Dahil kakaunti lamang ang turista sa Candon, nagsimula muna kami sa kilala naming turista, pagkatapos ay nag-tanong mula sa kanila kung may ibang turista pa silang kilala. ¢ — Saan at pano ginawa/ginanap ang panayam? - Ang panayam ay ginawa ng face to face sa mga kasalukuyang bumibisita sa lungsod, at messenger chatting naman sa mga nakaalis na sa lungsod. ¢ ~Bakit Thematic Analysis ang gamit sa pag-interpreta sa data? - Ang Thematic Analysis ay ang tool na ginagamit upang bigyang-kahulugan at pag-aralan ang mga nakalap na datos mula sa panayam, ito ay isa sa mga pinakakaraniwang anyo ng pagsusuri sa kwalitatibong pananaliksik. Ang pagsusuri ay ginamit upang magbigay ng ideya tungkol sa pananaw ng mga turista sa mga inisyatiba sa turismo ng lokal na pamahalaan .Ang mga nakolektang datos ay kwalitatibo at ang pagsusuri ay kinabibilangan ng pagtatangkang tukuyin ang mga tema o gumawa ng mga paglalahat tungkol sa kung paano aktuwal na nakikita 0 nararanasan ang isang partikular na kababalaghan. Kaya naman angkop ang thematic analysis para sa pag-aaral na ito.
Docsity logo



Copyright © 2024 Ladybird Srl - Via Leonardo da Vinci 16, 10126, Torino, Italy - VAT 10816460017 - All rights reserved