Docsity
Docsity

Prepare for your exams
Prepare for your exams

Study with the several resources on Docsity


Earn points to download
Earn points to download

Earn points by helping other students or get them with a premium plan


Guidelines and tips
Guidelines and tips

Detailed Lesson Plan, Transcriptions of Electromagnetism and Electromagnetic Fields Theory

This paper is a example of lesson plan

Typology: Transcriptions

2020/2021

Uploaded on 12/26/2022

AndreaDomingo
AndreaDomingo 🇵🇭

1 document

Partial preview of the text

Download Detailed Lesson Plan and more Transcriptions Electromagnetism and Electromagnetic Fields Theory in PDF only on Docsity! Masusing Banghay Aralin sa Pagtuturo ng Filipino I. LAYUNIN Pagkatapos ng isang oras na talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang: a. Natutukoy ang kahulugan at elemento ng maikling kwento. b. Nakasusulat ng sariling maikling kwento. c. Napahahalagahan ang ating panitikan.     II.    PAKSANG ARALIN a. Paksa:   Maikling Kwento b. Sanggunian: SlideShare c. Kagamitan:   PowerPoint Presentation at bond paper para sa jumbled wird d. Metodolohiya: Pagtuturo na nakapokus sa mag-aaral at Pagtuturo ng tulong-tulong     III. PAMAMARAAN GAWAING GURO GAWAING MAG-AARAL A. Panimulang Gawain 1. Paghahanda Bago tayo magsimula, Faye mari mo bang pangunahan ang ating panalangin. Bago kayo maupo, ayusin ang inyong upuan at pulutin ang mga kalat sa ilalim ng inyong upuan. 2. Pagganyak Bago natin simulan ang ating talakayan, mayroon akong inihandang gawain para sa inyo. Mayroon akong ipapakitang magkakahalong letra at inyo itong bubuoin upang maging  Manalangin tayo!  Panginoon, maraming salamat po sa araw na ito, salamat po sa biyayang aming natatanggap sa araw-araw. Patawarin mo po kami sa aming nagawang kasalanan. Gabayan niyo po kami ngayon sa aming gagawing talakayan, nawa’y maikintal sa aming isipan ang aming tatalakayin sa araw na ito. Amen. salita. Paunahan sa pagbuo nito. I-gugrupo ko kayo. Ito ang unang grupo, ikalawang grupo at ito ang ikatlong grupo at ito ang oang-apat na grupo. May karagdagang puntos kung sino ang unang mabubuo nito. Handa na ba kayo? Kung ganon simulan na natin. Unang grupo ano ang inyong nabuo na salita? Magaling! Dahil unang natapos ang unang grupo mayroon silang karagdagang puntos. Ikalawang grupo, ano ang inyong nabuo? Ikatlong grupo? Ikaapat na grupo? Magagaling!  3. Paglalahad Nabuo niyo ng tama ang mga salita. Ngayong nabuo niyo na ang mga salita, ano ang unang pumapasok sa inyong isipan? Tama! Mga elemento ng maikling kwento. Ano pa sa palagay niyo ang kulang? Tama! Ngayon ay ating nang alamin ang kahulugan ng Opo. (Sinasagaw ang aktibiti) (Unang grupo unang natapos) Mam tagpuan po. Tauhan po. Banghay po mam. Mensahe. Mam mga elemento po. Suliranin po. 3. Pagtalakay  Batay sa ating tinalakay klas, ano ang maikling kwento? Tama. Sino naman ang tinuring na ama ng maikling kwentong tagalog? Tama. Ano-ano naman ang elemento ng maikling kwento? Mahusay! Ano naman ang limang bahagi ng banghay? Magaling! C. Pangwakas na Gawain 1. Paglalapat Ngayon naman ay pumunta kayo sa dati niyong grupo at bumuo kayo ng sarili niyong maikling kwento at pumili ng isa niyo kagrupo na siyang magbabasa sa harapan. Bibigyan ko kayo ng bente minutos upang gumawa. Bago natin simulan, ibibigay ko muna ang pamantayan sa pagpuntos. Pagkamalikhain         -  10 Kaugnayan sa Tema  -  5 Presentasyon             -  15 Kabuuan                     -  30 Simulan na natin sa unang grupo. Maraming salamat. Ngayon ay ang ikalawang grupo. Isang maiksing salaysay ng mahalagang pangyayari at kapupuluan ng aral. Mam si Deogracias A. Rosario po. Mam tauhan, tagpuan, banghay, suluranin, tunggalian, paksang diwa at kaisipan. Panimula, saglit na kasiglahan, kasukdulan, kakalasan at wakas po. (Naghahanda) (Pumumta sa harapan) Maraming salamat. Ngayon naman ay ang ikatlong grupo. Maraming salamat ikatlong grupo, ngayon naman ang panghuling grupo. Maraming salamat. Maaari na kayong bumalik sa inyong upuan. 2. Pagpapahalaga Ayan, sa inyong palagay klas, bakit nga ba mahalagang pag-aralan ang maikiling kwento? Mahusay! Ngayon naman klas, bilang isang kabataan, paano mo mapapahalagahan ang ating panitikan? Mahusay! Meron pa ba? Napakahusay naman ng inyong mga kasagutan. Palakpakan niyo ang inyong mga sarili. Dito na nagtatapos ang ating talakayan sa araw na ito. Maraming salamat sa inyong pakikinig at kooperasyon. Magkita-kita ulit tayo bukas, paalam. (Pumunta sa harapan) (Pumunta sa harapan) (Pumunta sa harapan) (Bumalik sa dating upuan) Mam dahil isa sa mga rason ay ipinapakita nito ang kultura ng Pilipinas at dahil na rin sa marami tayong mapupulot na aral mula rito. Mam sa pamamgitan po ng patuloy na pagbasa at pagbahagi sa ating kapwa at gayon na rin sa patuloy na paggamit nito bilang inspirasyon o halimbawa para sa paggawa ng isang teksto, akda, sulatin o obra. Mam sa pamamagitan naman po ng paglinang ng ating kakayahan sa aspeto ng panitikan dahil gaya ni Dr. Jose Rizal ay naipagtanggol niya ang ating bansa gamit lamang ang papel at lapis. IV. EBALWASYON Panuto:  Basahin at unawain ang mga sumusunod. Isulat sa isang malinis na papel ang tamang sagot. _____1. Ito ang pinakamataas ta kapana-panabik na pangyayari sa isang kwento. Dito na nangyayari ang problema sa kwento. _____2. Ito ay tumutukoy sa parte kung saan unti-unti nang naayos ang problema. Dito malalaman kung magtatagumpay ba ang pangunahing tauhan o hindi. _____3. Ito ay maaaring tao laban sa tao, tao laban sa sarili, tao laban sa lipunan at tao laban sa kalikasan. _____4. Ito ay tumutukoy sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento. _____5. Isang maiksing salaysay ng mahalagang pangyayari at kapupuluan ng aral. _____6-10. Ibigay ang limang bahagi ng banghay. V. Kasunduan     Magsaliksik ng isang maikling kwento at ibigay ang mga tauhan, tagpuan, paano nagwakas ang kwento at ang aral na mapupulot mula rito. Inihanda ni: Bb. Andrea E. Domingo           Mag-aaral Ipinasa kay: Bb. Marijoe Monterubio Pimentel                                                            Guro
Docsity logo



Copyright © 2024 Ladybird Srl - Via Leonardo da Vinci 16, 10126, Torino, Italy - VAT 10816460017 - All rights reserved