Download Disenyo ng pananaliksik and more Essays (high school) Technology in PDF only on Docsity! Magtala ng 5 plano o nais mong makamit sa iyong buhay limang taon mula ngayon. Sa tapat ng bawat plano ay isulat kung paano at ano ang mga gagawin upang makamit ito. Mga Plano Mga Paraan upang makamit ang mga Plano 1. 2 3 4 5 DISENYO AT PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK BELEN R. PALO Ayon kay David de Vaus (2011), kung mailalatag nang maayos ng isang mananaliksik ang Sistema at disenyo ng pananaliksik, tiyak na makakamit nito ang mga sumusunod: -Matutukoy nang malinaw ang suliranin ng pananaliksik at mapangangatwiranan ang pagkakapili nito -Madaling makabubuo ng rebyu at sintesis ng mga naunang pag-aaral na may kinalaman sa paksa at suliranin ng ginagawang pananaliksik. -Malinaw at tiyak na matutukoy ang mga haypotesis na pinakasentral ng pag-aaral. -Epektibong matutukoy at mailalarawan ang datos na kinakailangan sa pagsubok ng mga haypotesis at maipaliwanag kung paanong makakalap ang mga datos na ito. -Mailalarawan ang mga pamamaraan ng pagsusuri na gagamitin upang alamin kung tama o mali ang mga haypotesis. KUWALITATIBO -kinapapalooban ng mga uri ng pagsisiyasat na ang layunin ay malalimang unawain ang pag- uugali at ugnayan ng tao at ang dahilan na gumagabay dito. Pinapatnubayan ng paniniwalang ang pag-uugali ng tao ay laging nakabatay sa mas malawak na kontekstong pinangyayarihan at ang panlipunang realidad gaya ng kultura, institusyon , at ugnayang pantao na hindi maaaring mabilang o masukat. KUWALITATIBO Pakikisalamuhang obserbasyon(participatory observation) Pakikipanayan Pagsusuri sa nilalaman Tandaan: Layunin nito ang magpaliwanag at magbigay ng inisyal na pagkaunawa tungo sa pagbuo ng desisyon. Takdang Aralin Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na distinksyon ng disenyo ng pananaliksik: 1.Deskriptibo 2.Disenyong Action Research 3.Historikal 4.Pag-aaral ng isang Kaso/Karanasan (Case Study) 5.Komparatibong Pananaliksik 6.Pamamaraang nakabatay sa Pamantayan (Normative Studies) 7.Etnograpikong Pag-aaral 8.Disenyong Eksploratori