Docsity
Docsity

Prepare for your exams
Prepare for your exams

Study with the several resources on Docsity


Earn points to download
Earn points to download

Earn points by helping other students or get them with a premium plan


Guidelines and tips
Guidelines and tips

EFFECTS OF CORRUPTION TO AN ECONOMY, Essays (university) of Economics of the Public Sector

this documents covers and states the possible effects of corruption not just to the economy of the country but also to it's people. Ang mahihirap ay nanatiling mahirap dahil hindi natatamasa ang mga serbisyong panlipunan at pankabuhayan ng pamahalaan na pinatatakbo ng mga pondo, na siyang nawawala o nababawasan dahil sa katiwalian at korupsiyon

Typology: Essays (university)

2020/2021

Uploaded on 04/07/2021

mecute
mecute 🇺🇸

5 documents

1 / 1

Toggle sidebar

Related documents


Partial preview of the text

Download EFFECTS OF CORRUPTION TO AN ECONOMY and more Essays (university) Economics of the Public Sector in PDF only on Docsity! EPEKTO NG KORAPSYON - Ang mahihirap ay nanatiling mahirap dahil hindi natatamasa ang mga serbisyong panlipunan at pankabuhayan ng pamahalaan na pinatatakbo ng mga pondo, na siyang nawawala o nababawasan dahil sa katiwalian at korupsiyon - Mababang kalidad ng edukasyon dahil sa dahil walang pondo para sa pagpapagawa ng mga paaralan at pasilidad, pagkuha at pagpapasahod ng mga bagong guro, at pagbili ng mga aklat. - Naapektuhan ang mga magsasaka dahil sa kawalan ng pondo para sa mga proyektong pang agrikultura tulad ng patubig, lansangan, at pataba. - Pagtaas ng unemployment rate dahil sa kawalan ng tiwala ang mga mamumuhunan at negosyante na nagreresulta pa sa pagtaan ng insidente ng krimen - Hindi maayos na serbisyong medikal dahil sa kulang na mga nurse, doktor, gamut at mga makabagong teknolohiya o kagamitan - Pagiging "substandard" ng mga proyekto ng pamahalaan gaya ng pagpapatayo ng lansangan sa maling proseso ng paggawa o pagtitipid ng materyales - Nadadamay at napapasama ang matutuwid at tapat na opisyal ng pamahalaan at nagiging dahilan ito ng desmoralisasyon (demoralization) sa kanilang hanay - Nakakahadlang sa pag unlad ng bansa PORMA NG KORAPSYON - pagtakas sa pagbabayad ng buwis. ito ay talamak partikular na sa pribadong sektor dahil sa pagtanggi ng mga nagnenegosyong pribado na dapat na ideklara ang kanilang taunang kinita at magbayad ng mga angkop na buwis sa pamahalaan. - ghost projects at pasahod. Ang katiwaliang ito ay talamak sa mga ahensiya ng pamahalaan na nasasangkot sa pormulasyon at pagpapatupad ng mga programa at proyekto partikular na sa imprastruktura at sa pagbibigay ng mga sahod, mga allowance at mga benepisyong pensiyon. - nepotismo at paboritismo. Ang mga matataas na opisyal ay maaaring maglagay o humirang mga kamag-anak at kaibigan sa mga posisyon ng pamahlaan kahit pa hindi kwalipikado. - Pangingikil. Ito ay talamak sa mga ahensiyang nag-iisyu ng mga clearance at ibang mga dokumento, mga nasasangkot sa pagrerecruit ng mga tauhan o mga nagsasagawa ng mga serbisyon na direktang pumapabor sa mga ordinaryong mamamayan. - Bribery(panunuhol) o lagay system. Ito ay ang pag aalok, pagbibigay, pagtanggap o paghingi ng anumang bagay na may halaga upang impuwensiyahan ang aksyon ng isang opisyal o empleyado ng pamahalaan. - Fraud o pamemeke. Ito ay tumutukoy sa pandaraya o panlilinlang sa layuning makalamang o makakuha ng salapi o iba pang benepisyo. - pag-iwas sa subasta sa publiko ng pagkakaloob ng mga kontrata. Ang paglisan ng mga mga opisina ng pamahalaan partikular na ang mga komite ng mga subasta at pagkakaloob ng mga kontrata sa pamamagitan ng subasta sa publiko o pagkakaloob ng mga kontrata sa mga pinaborang mga negosyo o kontraktor na makapagbibigay sa kanila ng mga personal na benepisyo.
Docsity logo



Copyright © 2024 Ladybird Srl - Via Leonardo da Vinci 16, 10126, Torino, Italy - VAT 10816460017 - All rights reserved