Docsity
Docsity

Prepare for your exams
Prepare for your exams

Study with the several resources on Docsity


Earn points to download
Earn points to download

Earn points by helping other students or get them with a premium plan


Guidelines and tips
Guidelines and tips

English for Academic Purposes, Essays (high school) of English

Helpful for students like me..

Typology: Essays (high school)

2021/2022

Uploaded on 11/26/2022

nicole-kate-lumayno
nicole-kate-lumayno 🇵🇭

7 documents

Partial preview of the text

Download English for Academic Purposes and more Essays (high school) English in PDF only on Docsity! Replektibong Sanaysay  Ayon kay Michael Stratford, isang guro at manunulat, ang replektibong sanaysay ay isa sa mga tiyak na uri ng sanaysay na may kinalaman sa pagsasanay na may kinalaman sa pagsuri o pag-arok sa isip o damdamin (introspection). Pagbabahagi ng mga bagay na nasa-isip, nararamdaman, pananaw, at damdamin hinggil sa isang paksa. Maihahalintulad ito sa pagsulat ng dyurnal kung saan nangangailangan ito ng pagtatala ng mga kaisipan at nararamdaman tungkol sa isang tiyak na paksa o pangyayari. Maihahalintulad din ito sa pagsulat ng mga academic portfolio kung saan nagkakaroon ng malalim na pagsusuri ang may-akda kung paano siya umunlad bilang tao kaugnay ng paksa o pangyayaring binibigyang-pansin sa pagsulat.  Ayon kay Kori Morgan, guro mula sa West Virginia University at University of Akron, ang replektibong sanaysay ay nagpapakita ng personal na paglago ng isang tao mula sa isang karanasan o pangyayari. Ibinabahagi ng sumulat ang kanyang mga natutuhan at kung paano ito gamitin sa buhay sa hinaharap o kaya naman ay kung paano pauunlarin ang mga kahinaan hinggil sa isang tiyak na aspekto ng buhay. Dahil ito ay kadalasang nakabatay sa personal na karanasan, malayang makapipili ng paksa o pangyayaring bibigyang-pansin sa pagsulat ang manunulat. Narito ang halimbawa ng mga paksa na maaaring gawan ng replektibong sanaysay: Librong katatapos lamang basahin, katatapos na proyekto hinggil sa pananaliksik, pagsali sa isang pansibikong gawain, praktikum tungkol sa isang kurso, paglalakbay sa isang tiyak na lugar, isyu sa pagkagumon sa ipinagbabawal na gamot, isyung pambansa at politika, paglutas sa isang mabigat na suliranin, isang natatanging karanasan bilang mag-aaral, at marami pang iba. Mga dapat isaalang-alang sa pagsulat ng Replektibong Sanaysay 1. Bumuo ng isang tiyak na paksa o tesis na iikutan ng nilalaman ng replektibong sanaysay. 2. Gumamit ng unang panauhan ng panghalip tulad ng; ako, ko, at akin sapagkat ito ay nagpahiwatig ng personal na karanasan. 3. Mahalagang magtataglay ito ng patunay o patotoo batay sa iyong mga naoobserbahan o katotohanang nabasa tungkol sa paksa nang sa gayon ay higit na mabisa at epektibo ang pagkakasulat nito. 4. Pormal na salita ang gamitin sa pagsulat nito dahil kabilang ito sa akademikong sulatin. 5. Gumamit ng tekstong naglalahad o ekspositori sa pagsulat nito. Gawin itong malinaw at madaling mauunawaan sa pagpapaliwanag ng mga ideya o kaisipan upang maipabatid ang mensahe sa mga mambabasa. 6. Sundin ang mga bahagi sa pagsulat ng sanaysay: introduksiyon, katawan, at kongklusyon. 7. Gawing Organisado at Lohikal ang pagkakasulat ng mga talata. Mga Hakbang sa Pagsulat ng Replektibong Sanaysay Ang Replektibong Sanaysay ay dapat na magtaglay ng introduksiyon, katawan, at wakas o kongklusyon. -Sa pagsulat ng simula, maaaring mag-umpisa sa pagsagot sa mga tanong na: ano, paano, at bakit. Matapos masagot ang mga tanong na ito, lagumin ang iyong mga sagot sa loob ng isang pangungusap. Ito ang iyong magsisilbing tesis o pangunahing kaisipan na siyang magiging gabay sa iyong pagsulat ng replektibong sanaysay. Mga dapat tandaan sa pagsulat ng Introduksiyon: 1.siguraduhing ito ay makapupukaw sa atensiyon ng mambabasa, maaaring gumamit ng iba’t ibang paraan sa pagsulat ng mahusay, gumamit ng kilalang pahayag mula sa isang tao o Quatation, tanong, anekdota, karanasan, at iba pa. 2.Sundan agad ito ng pagpapakilala ng paksa at layunin ng pagsulat ng sanaysay na siyang magsisilbing preview ng kabuuan ng sanaysay. Isulat lamang ito sa loob ng isang talata. Sa pagsulat ng Katawan: 1.dito inilalahad ang mga pantulong o kaugnay na kaisipan tungkol sa paksa o tesis na inilahad sa panimula. Ang mga bahagi ay mga obhetibong datos batay sa iyong naobserbahan o naranasan upang higit na mapagtibay ang kaisipang iyong ipaliliwanag at paggamit ng mga mapagkatiwalaang sanggunian bilang karagdagang datos na magpapaliwanag sa paksa. 2.Sa bahagi ring ito makikita o isusulat ang iyong mga napagnilay- nilayan o mga tauhan, mga gintong aral at mga patotoo kung paano nakatutulong ang mga karanasang ito sa iyo. Sa pagsulat naman ng Konklusyon, 1.muling banggitin ang tesis o ang pangunahing paksa ng sanaysay. Lagumin ito sa pamamagitan ng pagbanggit kung paano mo magagamit ang iyong mga natutuhan sa buhay sa hinaharap. 2.Bilang pagwawakas, maaaring magbigay ng hamon sa mga mambabasa na sila man magnilay sa kanilang buhay hinggil sa iyong natutuhan o kaya naman ay mag-iwan ng tanong na maaari nilang pag-isipan. Tandaang ang replektibong sanaysay ay isang personal na pagtataya tungkol sa isang paksa na maaring makapagdulot na maaaring makapagdulot ng epekto o hindi sa iyong buhay o sa mga taong makababasa nito.
Docsity logo



Copyright © 2024 Ladybird Srl - Via Leonardo da Vinci 16, 10126, Torino, Italy - VAT 10816460017 - All rights reserved