Docsity
Docsity

Prepare for your exams
Prepare for your exams

Study with the several resources on Docsity


Earn points to download
Earn points to download

Earn points by helping other students or get them with a premium plan


Guidelines and tips
Guidelines and tips

English for Academic Purposes, Essays (high school) of English

Helpful for students like to know if you have

Typology: Essays (high school)

2022/2023

Uploaded on 11/26/2022

nicole-kate-lumayno
nicole-kate-lumayno 🇵🇭

7 documents

Partial preview of the text

Download English for Academic Purposes and more Essays (high school) English in PDF only on Docsity! Piling Larang Reviewer BATAYAN NG PAGSULAT “Ang pagsulat ay isang komprehensibong kakayahan na naglalaman ng wastong gamit, talasalitaan, pagbubuo ng kaisipan, retorika at iba pang mga elemento.” - Xing at Jin “Ang kakayahan sa pagsulat nang mabisa ay isang bagay na totoong mailap para sa nakararami sa atin maging ito'y pagsulat sa unang wika o pangalawang wika man.” - Badayos “Ang pagsulat ay isang biyaya, isang pangangailangan at isang kaligayahan ng nagsasagawa nito.” - Keller “Writing is rewriting”. Paglalarawan ni Murray sa mabuting manunulat – “A good writer is wasteful”. Metapora ni Murray: He saws and shapes and cuts away, discarding wood… The writer cannot build a good strong piece of writing unless he has gathered an abundance of fine raw materials. - Donald Murray “Ang pagsulat ay isang eksplorasyonpagtuklas sa kahulugan, pagtuklas sa porma at ang manunulat ay gumagwa nang pabalik- balik nagtutuon sa isa sa mga batayang kasanayan sa bawat panahon nang kanyang matuklasan kung ano ang kanyang isusulat at kung paano niya iyon maipapahayag nang mahusay.” - Donald Murray “Ang pasulat ay ekstensyon ng wika at karanasang natamo ng isang tao mula sa kanyang pakikinig,pagsasalita at pagbabasa.” - Peck at Buckingham AKADEMIKONG PAGSULAT Intensyon ng pag-aaral na ito na makapag- ambag sa pagpapaunlad ng wikang Filipino upang lalong mapabilis ang intelektwalisasyon nito. Marapat lamang sundin, hamak man, ang mga katangi-tanging sulatin na pinasimulan ng mga Pilipinong propesor tulad nina Nicanor Tiongson, Virgilio Enriquez, Emerita Quito, Wilfrido Villacorta at Isagani Cruz na gumamit ng wikang Filipino bilang instrumento sa pagsusuri, paglilinaw at pagsasaayos ng mga konseptong naglalarawan ng ating katauhan, buhay at lipunan. Sa sanaysay na ito, tinalakay at sinuri ang limang pangunahing konsepto sa ekonomiks sa diwang Pilipino. Ang layunin ay hindi lamang upang makapagbigay ng panimulang introduksyon sa isang mahalagang sangay ng agham panlipunan kung hindi gamitin ang kaalamang ito sa paglutas ng pangunahing problemang pangkabuhayan at pangkaunlaran. ANO ANG AKADEMIKONG PAGSULAT? 1. Pormal na sulatin o akdang isinagawa sa isang akademikong institusyon o unibersidad sa isang particular na larangang akademiko 2. Ito ay sumasaklaw sa mga sulating inihahanda ng isang mag-aaral kaugnay sa kanyang pag-aaral. Kabilang dito ang pagsulat ng report, reaksyong papel, konseptong papel, jornal at pamanahong papel. 3. Ito ay isang pagsulat na naglalayong linangin ang mga kaalaman ng mga mag- aaral kaya ito na tinawag na intelektwal na pagsulat. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang tesis, term paper, lab report at iba pa. MAHAHALAGANG KONSEPTO NG AKADEMIKONG PAGSULAT AYON KAY KAREN GOCSIK (2004) 1. Ginagawa ng mga iskolar at para sa mga iskolar. 2. Nakalaan sa mga paksa at mga tanong na pinag-uusapan o interesante sa akademikong komunidad. 3. Nararapat na maglahad ng importanteng argumento. IBA’T IBANG KATANGIAN NG AKADEMIKONG PAGSULAT IMPORMATIB NA PAGSULAT Kilala rin sa tawag na expository writing.Ito ay naghahangad na makapagbigay impormasyon at mga paliwanag. Ang pokus nito ay ang mismong paksang tinatalakay sa teksto. MAPANGHIKAYAT NA PAGSULAT Kilala sa tawag na persuasive writing. Ito ay naglalayong makumbinsi ang mga mambabasa tungkol sa isang katwiran, opinyon o paniniwala. Ang pangunahing pokus nito ay ang mambabasa na nais maimpluwensyahan ng isang awtor. MALIKHAING PAGSULAT Ito ay ginagawa ng mga manunulat ng mga akdang pampanitikang tulad ng maikling katha, nobela, tula, dula at iba pang malikhain o masining na akda. Kadalasan ang pangunahing layunin ng awtor dito ay magpahayag lamang ng kathang-isip, imahinasyon, ideya, damdamin o kumbinasyon ng mga ito. PANSARILING PAGPAPAHAYAG Pagsulat o pagtatala ng mga bagay na nakita, narinig, nabasa o naranasan. Sa layuning ito, ginagawa ang pagsulat bunga ng paniniwalang ito’y mapapakinabangan. HALIMBAWA NG MGA AKADEMIKONG PAGSULAT  Nobela  Dyornal  Editoryal  Talumpati  Balita  Ensayklopidya  Talaarawan  Tula  Proposal  Sulat Pamamaalam ANYO NG PAGSULAT “Bawat paksa, layunin, at kahalagahan ng akademikong sulatin ay tinutugunan ng isang mainam na paraan kung paano ito ‘iuulat’ o “sasabihin” sa mambabasa.” IBA’T IBANG ANYO NG AKADEMIKONG PAGSULAT 1) Paglalahad (ekpositori) – kung ang teksto ay nagbibigay-linaw o nagpapaliwanag hinggil sa proseso, isyu, konsepto, o anumang paksa na nararapat na alisan ng pag-aalinlangan 2) Paglalarawan (deskriptiv) – kung ang teksto ay bumubuo ng isang imahe sa pamamagitan ng paglalantad ng mga katangian nito. 3) Pagsasalaysay (narativ) – kung ang teksto ay nagkukwento ng mga magkakaugnay na pangyayari. 4) Pangangatwiran (argumentativ) – kung ang teksto ay may layuning manghikayat at magpapaniwala sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga rason at ebidensya. ORGANISASYON NG TEKSTO Titulo o Pamagat Naglalaman ito ng titulo o pamagat ng papel; pangalan ng sumulat, petsa ng pagkasulat o pagpasa, at iba pang impormasyon na maaaring tukuyin ng guro. Mga Paraan ng Pagsisimula Binanggit nina Arrogante (2000); Leyson at Montera (2005) na maraming paraan ang maaaring gamitin sa pagsisimula ng sulatin. Narito ang ilang mungkahing paraan sa May pamamaraan o angkop na metodolohiya na tutulong sa ikahuhusay ng pananaliksik MASUSI KRITIKAL. - sa paggamit ng mga datos at sa pagtitimbang-timbang sa mga ideya. DOKUMENTADO - sa mga materyales na ginagamit bilang pagkilala sa gawain ng iba at mga datos na nakuha. LAYUNIN NG PANANALIKSIK 1. Tumuklas ng bagong datos at impormasyon. - Nagbibigay-sigla ang mga bagong impormasyon dahil sa orihinalidad ng ideya at mga datos nito. 2. Magbigay ng bagong interpretasyon sa lumang ideya. - Pwede mong tingnan ang isang ideya mula sa ibang anggulo, perspektiba, at pananaw kaysa dati nang paraan ng pagtingin ng iba dito. Bago pa rin ito, dati na nga lang alam ng marami ang paksa. 3. Maglinaw sa isang pinagtatalunang isyu. - Maraming bagay ang pinagtatalunan, pinag-uusapan at pinagkakainteresan sa komunidad, sa mga institusyon, at sa bansa. Magandang gumawa ng panananliksik para makatulong sa paglilinaw sa mga bagay na ito. 4. Manghamon sa katotohanan o pagiging makatwiran ng isang tanggap o pinapalagay na totoo o makatotohanang ideya. - Ang isyu ukol sa kabayanihan ni Bonifacio ay nagiging paksa ng mga usapan, diskusyunan, hamunan, balitaktakan sa mga klasrum, simposyum, radio, TV, magasin at mga dyaryo. Ang ganitong paksa ng mga pananaliksik ay nanghahamon sa mga tinatanggap at ipinapalagay na totoong ideya at siyang interes nayon ng mga mananaliksik. 5. Magpatunay na makatotohanan o balido ang isang ideya, interpretasyon, paniniwala, palagay, o pahayag. - Balido o totoo ang isang ideya kung ito’y mapapatunayan o mapapasubalian ng mga makatotohanang datos. Puwede mong patunayang balido o totoo sa pamamagitan ng pananaliksik ang paniniwala mong hindi nabibigyan ng sapat na atensyon at suporta ang isports sa Pilipinas. 6. Magbigay ng historikal na perspektiba para sa isang senaryo. - May mga ideyang makabuluhang tingnan o suriin ang hinaharap o kinabukasan nito. Ngunit sa pagtukoy at pagsusuri dito ay kailangan ang pananaliksik sa kasaysayan nito. GAMIT NG PANANALIKSIK SA LIPUNANG PILIPINO Sa Pang-Araw-Araw na Gawain - Marami pang mga pagpapatunay, paglilinaw, pagpapatibay, pagpapasubali at pagdaragdag ng mga kaalaman at ideya ang nagagawa ng tao sa pang-araw-araw niyang pamumuhay.Ang mga ito’y mga kasagutan o katugunan sa mga tanong ng tao sa sarili at sa komunidad sa araw-araw niyang gawain. Sa Akademikong Gawain - Tinatawag na sulating pananaliksik or panahunang papel ang bunga ng gawaing ito na ginagawa ng paris mong estudyante. Sa mga nagtatapos naman, tinatawag itong tesis o kaya’s disertasyon. - May iba’t ibang pormat at metodolohiya ang pananaliksik, depende sa larangan. Mapag-aaralan mo ang mga ito kapag nasa larangan ka na. Para sa layunin ng kursong ito, ang mga pangkalahatang kaalaman lang ukol sa pananaliksik ang pag- aaralan mo. Sa Kalakal/Bisnes - Bago pumasok sa isang bisnes, ang isang korporasyon o indibidwal ay gumagawa muna ng pananaliksik at/ o feasibility study ukol sa potensyal sa market at tubo at ikatatagumpay ng bisnes na pinasok. Titignan dito ang clientele o mamimili, lugar, uri ng produktong ipinagbibili, atbp. Sa gayon, maiiwasan ang sobra o walang kabuluhang paggasta, pagkalugi at pagsasayang ng oras at pagod. Sa Iba’t Ibang Institusyong Panggobyerno - Para sa serbisyong panlipunan, ang mga upisina o institusyong panggobyerno ay nagsasagawa ng pananaliksik para sa kani-kanilang mga pangangailangan. MANANALIKSIK Tungkulin at Responsibilidad ng Mananaliksik MATIYAGA sa paghahanap ng mga datos mula sa iba’t ibang mapagkukunan maging ito’y sa aklatan, upisina, institusyon, tao, media, komunidad at maging sa Internet MAPARAAN sa pagkuha ng datos na hindi madaling kunin at nag-iisip ng sariling paraan para makuha ang mga ito SISTEMATIKO sa paghahanap ng materyales, sa pagdodokumento dito at sa pag-iiskedyul ng mga gawain tungo sa pagbubuo ng pananaliksik. Kailangang nakaprograma ang mga gagawin para hindi masayang ang panahon. MAINGAT sa pagpili ng mga datos batay sa katotohanan at sa kredibilidad ng pinagkunan sa pagsiguro na lahat ng panig ay sinisiyasat; at sa pagbibigay ng mga konklusyon, interpretasyon, komento at rekomendasyon. Ang katotohanan ay mahirap pasubalian kung ito’y napatunayan ng mga ebidensya. Halimbawa, ang isang pangunahing dokumento na may awtentikong pirma ay mas solido at matibay na patunay kaysa sa sekondaryong dokumento ng pahayag ng isang tagamasid lamang Ang kredibilidad ng pinagkunan ng datos ay napapatunayan sa motibo, awtoridad, at realidad (pagiging totoo) ng datos. Halimbawa, lalong may kredibilidad ang sinulat ng isang historyan kaysa ng isang matematisyan kung tungkol sa yugto ng kasaysayan ang datos Lahat ng panig ay sinisiyasat kung matiyagang hahanapin ang lahat ng datos ukol sa paksa kahit na may makitang negatibong epekto sa ginagawang pananaliksik Ang mga konklusyon, interpretasyon, puna at rekomendasyon ay hindi mo basta gagawin o ibibigay kung hindi mo pa nabibistay, natitimbang, at nasusuri ang mga argumento at mga batayang datos. ANALITIKAL sa mga datos at interpretasyon ng iba ukol sa paksa at mga kaugnay na paksa. Halimbawa, analitikal ka kung malinaw mong nakita na ang isyu ng rape ay may iba’t ibang dimensyon – pisikal, emosyonal, moral, ekonomiko, sosyal at politikal. KRITIKAL sa pagbibigay ng interpretasyon, konklusyon, at rekomendasyon sa paksa. Hindi lahat ng datos at mga pagaaral ay basta mo tinatanggap kung hindi sinusuri muna at tintingnan ang mga implikasyon, kabuluhan, pinagmulan, at kaugnayan ng isang ideya sa iba pang ideya o kaya’y ng mga partikular na ideya sa kabuuang ideya. Halimbawa, magiging kritikal ka kung makikita mo na ang EDSA Revolution ay hindi lamang isang pangyayaring naganap noon Pebrro 25, 1986 kungdi bunga ito ng matagal na panahon ng paninikil sa karapatan, kolonyalismo, at iba pang mga kadahilanan MATAPAT sa pagsasabing may nagawa nang pag-aaral ukol sa paksang pinag-aaralan mo; sa pagkuha ng mga datos nang walang itinatago/iniiwasan/ ipinagkakaila nang walang pagkilala at permiso sa kinunan; at sa pagtanggap sa limitasyon ng pananaliksik. RESPONSABLE sa paggamit ng mga nakuhang datos, sa mga tao/institusyong pinakunan mo ng mga ito, at sa pagsisigurong maayos at mahusay ang mabubuong pananaliksik mula pormat hanggang sa nilalaman at sa prosesong pagdadaanan. ETIKA AT RESPONSIBILIDAD NG MANANALIKSIK 1. Kilalanin mo ang ginamit mong ideya. Anumang hindi iyo ay ipaalam mong hindi iyo sa pamamagitan ng mga tala at bibiliograpiya. 2. Huwag kang kumuha ng datos kung hindi ka pinapayagan o walang permiso. Sa mga bukas na salansan ng libro sa aklatan, dyaryo, magasin, programa sa radio, TV, pelikula at teatro,hindi kinakailangang hingin ang permiso ng mga sumulat/may-ari para banggitin, sipiin o magamit na materyal sa pananaliksik.Kailangan lang silang kilalanin sa bibliograpiya Gayunpaman, may mga materyal na kailangang ihingi ng permiso ng may- ari.Halimbawa, may mga pribadong koleksyon ang mga indibidwal o kaya’y mga kumpidensyal na dokumento na hindi basta ipinahihiram ng may-ari.Hingin din ang permiso sa pag-teyp ng mga interbyu.Kung ayaw ng iniinterbyu na mai-video siya o kaya’y mai-teyp ay huwag pilitin.Pero huwag namang gawin ito nang patago. 3. Iwasan mong gumawa ng mga personal na obserbasyon, lalo na kung negatibo ang mga ito o makakasirang-puri sa taong iniinterbyu. Maging obhetibo at maingat sa pagbibigay ng obserbasyon, kung kinakailangang gawin ito.Pero kung maiiwasan, manatili sa paksa ng interbyu. 4. Huwag kang mag-shortcut. Anumang pag-shortcut ay masasabing bunga ng katamaran. Ayaw nang magpagod pa. Tinatamad na. Gusto na agad matapos. Pero anumang pag-shortcut ay magbubunga rin ng di-kasapatan ng datos na magreresulta sa di rin sapat na pagsusuri. · Kulang/hindi tapos ang paghahanap ng materyales. · Hindi na sinusuri nang malalim ang materyales. · Mabilisang nagbibigay ng konklusyon/rekomendasyon para matapos lang. ng ating bayan. Mahalaga ang mainam na pagsulat ng panukalang proyekto dahil dito binabase ang ideya na minsan ay umaabot sa milyun-milyong salapi. (Panitikan.com) Ano ang layunin sa pagsusulat ng panukalang proyekto? Ang layunin sa pagsulat ay ang makuha ang suporta ng inyong lokal na pamahalaan o alinmang ahensya ng pamahalaan na siyang makakatulong upang makamit ang layunin. Mas makakabuti para sa lahat kung ang panukala ay agad na maaprobahan. Makakamit ang layunin ng lahat ng taong may kinalaman sa proposal at maraming tao ang pamamaligaya. Mga Parte ng isang Panukalang Proyekto  Pamagat ng Proyekto  Proponent ng Proyekto  Deskripsiyon ng Proyekto  Rasyonal ng Proyekto  Layunin ng Proyekto  Estratehiya  Implementasyon at Iskedyul  Halimbawang Format  Mga Kasangkot sa Proyekto  Badyet POSISYONG PAPEL Ang posisyong papel ay isang akademikong sulatin na naglalahad ng mga katwiran ukol sa panig sa isang isyu. Naglalaman ito nang malinaw na tindig sa isyu, mga argumento at ebidensya. Ang posisyong papel ay isang akademikong teksto/ sulatin na nangangatwiran at nagbibigay ng paninindigan sa isang partikular na isyu. Inilalahad nang malinaw ang mga argumento at pinapatibay ito ng mga malalakas na ebidensya. Kailangang manaliksik upang makakuha ng mga ebidensya. At bilang pangwakas, may aksyong ginagawa ang sumulat sa isyung inihain. Ang pangangatwiran ay isang uri ng panghihikayat. Nanghihikayat itong pumanig sa opinyon ng manunulat. Binubuo ito ng mga matitibay na argumento o mga dahilan upang mapasang-ayon ang mga mambabasa. Sinusuportahan naman ng mga ebidensya ang mga argumento upang mapatibay ito at mas makumbinsi ang mga mambabasa. Ang mga ebidensya sa mga argumento ay maaaring kunin sa obserbasyon, mga pahayag mula sa awtoridad (pulis, abogado, dalubhasa, doktor, propesor, atbp.), istatistiks o kaya’y mga mapagkakatiwalaang datos at pag-aaral. TALUMPATI Ang talumpati ay isang tekstong binibigkas sa harap ng maraming tao at ito ay isang uri ng akademikong teksto/sulatin na maaaring gamitan ng paglalarawan, pagsasalaysay, paglalahad at pangangatwiran. Katangian ng Apat na Anyo ng Pagsulat Para sa paglalahad, ang susing salita ay pagpapaliwanag na sumasagot sa mga tanong na Sino, Ano, Bakit, Saan, Kailan at Paano. Sa paglalahad, maaaring magbigay ng enumerasyon ng mga bagay na inilalahad o di kaya’y suriin ito batay sa bahagi o uriin ayon sa kategorya. Nagpapaliwanag din ito ng kahulugan at kahalagahan ng isang konsepto o salita. Para sa pagsasalaysay, ang susing salita naman ay pagkukuwento. Pagkukuwento ito ng isang pangyayari o mga pangyayaring ugnay-ugnay at may karakterisasyon o pag- unlad ng tauhan. Para sa paglalarawan, ang susing salita dito ay pagpapakita ng katangian. Nagpapahayag ito ng mga katangian batay sa limang pandama: pangingin, pandinig, pang-amoy, panlasa at panalat. Para sa pangangatwiran, ang susing salita ay panghihikayat. Nanghihikayat itong pumanig sa opinyon ng tagapagsalita. Binubuo ito ng mga matitibay na argumento o mga dahilan upang mapasang-ayon ang mga tagapakinig. Sinusuportahan naman ng mga ebidensya ang mga argumento upang mapatibay ito at mas makumbinsi ang mga tagapakinig. Ang talumpati ay isang tekstong binibigkas kaya dapat madulas bigkasin ang mga salita at angkop ang haba ng mga pangungusap. Ito rin ay nangangailangan ng nakakapukaw ng interes na introduksyon. Sa gitnang bahagi nito, maaaring gamitin ang paglalahad, pangangatwiran, paglalarawan at pagsasalaysay. At dapat ito ay may konklusyon o pagtatapos na naglalagom ng pangunahing punto ng talumpati. BALANGKAS Ang balangkas ay isang naksulat na plano ng mahahalagang bahagi ng isang sulatin na nakaayos ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga ito. Mahalagang bahagi lamang ang nakapaloob dito upang magsilbing patnubay sa gagamitin ukol sa magiging nilalaman ng isang sulatin. Mahalaga ang paggawa ng balangkas sa paghahanda ng ulat o anumang sulatin katulad ng pag-uulat, pananaliksik, at pagsasaayos ng mga impormasyon. Matapos makuha ang mga impormasyong kailangan sa iyong ulat ang susunod mong iisipin ay kung alin sa maraming impormasyon mong nakuha ang iyong isasama sa ulat. Sa bahaging ito, mahalaga ang paghahanda ng isang balangkas. Mga Katangian ng Pagbabalangkas 1) Kapag ikaw ay gumawa ng balangkas, mas mapagiisipan mong mabuti kung paano mo sisimulan o tatapusin ang iyong sanaysay. 2) Kapag ikaw ay gumawa ng balangkas, mapipili mo ang mga ideya o konsepto na nais mong isama sa sanaysay. Dapat lahat ng ito ay magkakaugnay. 3) Kapag ikaw ay gumawa ng balangkas, mas magiging madali sa iyong ayusin ang mga ideya sa iyong sanaysay. Mapipili mo kung ano ang mga ideyang nais mong ilagay sa panimula, katawan at katapusan ng iyong sanaysay. 4) Kapag ikaw ay gumawa ng balangkas, maiiwasan mong mawala sa pokus habang nagsusulat ng sanaysay dahil para itong mindmap. Gagabayan ka nito para maisulat ng malinaw ang iyong mga ideya. 5) Kapag ikaw ay gumawa ng balangkas, maiiwasan mong maging paulit-ulit ang mga ideya sa iyong sanaysay, dahil sa simula pa lang ay nakaplano na kung ano ang mga ideyang isasama mo at hindi. Mga Uri ng Balangkas 1) Pamaksang Balangkas (topic outline) - Ito ay binubuo ng salita o parirala lamang dahil matipid ito sa pananalita o pahayag. Madalas ginagamitan ito ng mga pangngalang-diwa (gumagamit ng panlaping makangalan na pag. 2) Pangungusap na Balangkas (sentence outline) - Ito ay binubuo ng mga buong pangungusap na naglalaman ng pangunahing ideya at maynor na ideya. 3) Patalatang Balangkas (paragraph outline) - Ito ay binubuo ng mga pangungusap na naglalahad ng nilalaman ng buong mga talata ng sulatin. Tandaan na kung ano ang ginamit sa simula pa lang, ay ganoon din dapat ang kabuuan ng balangkas. Siguraduhing ang balangkas ay mayroong: 1) angkop na pagbabahagi ng mga ideya 2) angkop na pagkakasunod-sunod ng mga ideya 3) kawastuhan at kasapatan ng mga pantulong na paksa sa ilalim ng bawat paksa Ang layunin ng balangkas ay makapagbigay ng isang mahusay na “imahe” sa anumang isusulat na teksto. Mga Dapat Isaalang-alang sa Paggawa ng Balangkas 1. Basahin muna nang pahapyaw ang isang tekto bago magtala ng mga paksa o detalye. 2. Suriin ang pagkakaayos ng mga ideya sa binasang teksto. Ito ba ay nasa ayos na kronolohikal, mula sa simple patungo sa kumplikadong mga ideya, sanhi at bunga, malawak na paksa patungo sa mga tiyak na ideya, mga tiyak na ideya patungo sa malawak na paksa o lohikal na ayos at iba pa. 3. Pag-aralan kung ano-ano ang mahahalaga o pangunahing ideya at ang mga pantulong na ideya. 4. Tiyakin kung anong uri ng balangkas ang angkop na gamitin sa paksa. 5. Sundin ang halimbawa ng pormat ng balangkas na nakalarawan sa teksto. 6. Gumamit ng wastong bantas. 7. Tandaan na ang balangkas ay maaaring baguhin o palitan kung kinakailangan. Mga Tuntunin sa Pagsulat ng Balangkas 1. Piliin ang mga pangunahing paksa. Gamitin ang bilang Romano tulad ng I, II, III, o IV. Ayusin ang mga bilang nang magkakapantay. 2. Isulat ang maliliit na paksa tungkol sa pangunahing paksa. Gamitin ang malalaking titik tulad ng A, B, C, o D. Lagyan ng tuldok ang malaking titik at isulat nang may kaunting pasok ang maliit na paksa. 3. Para sa mga detalye ng bawat maliit na paksa, gamitin ang mga bilang na 1,2,3,4 at iba pa. 4. Gamitin ang malaking titik sa simula ng pangunahing paksa, maliliit na paksa at mga detalye. HAYS -Stem D Student-
Docsity logo



Copyright © 2024 Ladybird Srl - Via Leonardo da Vinci 16, 10126, Torino, Italy - VAT 10816460017 - All rights reserved