Docsity
Docsity

Prepare for your exams
Prepare for your exams

Study with the several resources on Docsity


Earn points to download
Earn points to download

Earn points by helping other students or get them with a premium plan


Guidelines and tips
Guidelines and tips

Esp Reviewer for grade 10 students, Study notes of Physical education

For your reviewer in grade 10 I'm 1st quarter

Typology: Study notes

2023/2024

Uploaded on 10/24/2023

rachelle-dela-rosa
rachelle-dela-rosa 🇵🇭

1 document

Partial preview of the text

Download Esp Reviewer for grade 10 students and more Study notes Physical education in PDF only on Docsity! ESP 10 REVIEWER MODULE 1 1.Ang Tao ay nilikha ayon sa wangis ng Diyos kaya’t siya ay tinawag na kaniyang obra maestro. Ano ang nais iparating ng kasabihan? a. Ang tao’y may katangiang tulad ng katangiang taglay Niya. b. Kamukha ng tao ang Diyos. c. Kapareho ng tao ang Diyos. d. Ang tao ay inilikha ayon sa pisikal na katangian ng Diyos. 2.Ano ang pangunahing gamit ng kilos-loob? a. Ito ang pagpili at kilalanin ang pagkakaiba ng nararamdaman o emosyon, paghuhusga at pagpapasiya. b. Ito may kakayahang magnilay o magmuni-muni kaya’t nauunawaan nito ang kaniyang nauunawaan. c. Ito ang kakayahang kumuha ng buod ng esensiya sa mga particular na mga bagay. d. Ang tunguhin ng isip ay katotohanan at kakayahang magnilay. 3.Sa pamamagitan nito ay may kaalaman ang tao sa kung ano ang mabuti sa masama. a. isip c. pagkatao b. kilos-loob d. damdamin 4.Sa pamamagitan ng _____, ang tao ay nakapagpapasiya at isakatuparan ang pinili a. isip c. pagkatao b. kilos-loob d. damdamin 5.Ang ___________ ng tao ay bunga ng nahubog na isip at kilos-loob na batay sa katotohanan sapagkat ang katotohanan ay inaalam sa tulong ng pag-iisip at akmang kilos-loob. a. isip c. emosyon b. kilos-loob d. karunungan MODULE 2 1. Ano ang pinatunayan ni Andrie sa sitwasyon ito? a. ang tao ay may kakayahang pumili ng nais niyang gawin. b. nakagagawa ang tao ng angkop sa kaniyang pagkatao. c. ang tao ay may kakayahang alamin ang katotohanan sa bawat sitwasyon. d. may pag-unawa ang tao sa direksiyon ng kaniyang kilos. 2. Ano ang mensaheng mabubuo tungkol sa mataas na gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob ng tao sa sitwasyong ito? Nagkaroon ng pagsusulit si Andrie. Noong una, nag-iisip siya kung mangongopya sa pagsusulit o hindi. Napagpasiyahan niyang hindi na mangopya. Napagtanto niyang walang kasiyahan sa hindi pinagpagurang tagumpay. Mahalaga ang pagkakaroon ng prinsipyo sa pag-abot ng tagumpay. a. natutukoy ng tao ang gamit at tunguhin ng kaniyang isip at kilos-loob sa angkop na sitwasyon. b. may kakayahaan ang tao na suriin kung ginamit niya nang tama ang kaniyang isip at kilos-loob. c. ang isip at kilos-loob ay ginagamit ng tao sa paghahanap ng katotohanan at sa paglilingkod/pagmamahal. d. may kakayahan ang tao na makagawa ng mga angkop na kilos upang maipakita ang kakayahang mahanap ang katotohanan, maglingkod, at magmahal. 3. Bakit kaya ni Arvin na kontrolin ang sarili at ang udyok ng kaniyang damdamin? a. ang tao ay may kamalayan sa sarili. b. malaya ang taong pumili o hindi pumili. c. may kakayahan ang taong mangatwiran. d. may kakayahan ang taong mag-abstraksiyon. 4. Ano ang mensaheng mabubuo tungkol sa kakayahan ng tao sa sitwasyong ito? a. ang tao ang namamahala sa kaniyang sarili at walang ibang makapagdidikta sa kaniya ng kailangan niyang gawin. b. magagawa ng taong kontrolin ang kaniyang pandamdam at emosyon at ilagay ang paggamit nito sa tamang direksiyon. c. kailangang maging maingat ang tao sa pagpili ng kaniyang kakainin upang maiwasan ang pagkakasakit. d. hindi maaaring pantayan ng hayop ang kakayahang taglay ng tao kaya nga ang tao ay natatangi. 5. Nabibigyang kahulugan ng isip ang isang sitwasyon dahil sa kamalayan at kakayahang mag- abstraksiyon. Kapag nabigyan ng kahulugan ang isang bagay o sitwasyon nagkakaroon ito ng tawag (calling) sa tao na dapat tugunan. Ano ang kaisipan mula rito? a. nagkakaroon ng kabuluhan ang mabuhay sa mundo. b. nabibigyang daan nito ang pagtulong sa kapuwa. c. napauunlad nito ang kakayahang mag-isip. d. nagkakaroon ng pagpipilian ang kilos-loob. MODULE 3 1. Ang sumusunod ay mga prinsipyo ng Likas na Batas Moral maliban sa: a. Kasama ng lahat ng may buhay, may kahilingan ang taong pangalagaan ang ating buhay. b. Kasama ng mga hayop, likas sa tao ang pagpaparaming uri at papag-aralin ang mga anak. c. Bilang rasyonal, may likas na kahilingan ang tao na alamin ang katotohanan, lalo na tungkol sa Diyos at mabuhay sa lipunan. d. Bilang tao na nilikha ng Diyos may puwang ang tao na magkamali dahil sa pagkakamali mas yumayaman ang kaalaman at karanasan ng tao. 2. Bakit mahalagang mahubog ang konsensiya ng tao? Si Arvin ay mahilig sa chocolate subalit nang nagkaroon siya ng sakit na diabetes naging maingat na siya sa pagpili ng kaniyang kinakain kahit gustong-gusto niya nito. d. kahinaan 14. Kailan nagkakamali sa paghatol ang konsensiya? a. Kapag nakinig sa sinasabi ng ibang tao b. Kapag mahina ang paninindigan ng isang tao c. Kapag napilitan ito dahil wala nang ibang pagpipilian d. Kapag taliwas sa katotohanan ang taglay niyang kaalaman 15. Ang konsensiya ay bumubulong na wari’y sinasabi sa atin, “Ito ang mabuti, ang dapat mong gawin”, “Ito ay masama ang hindi mo dapat gawin”. Anong yugto ng konsensiya ang kinapapalooban nito? a. Alamin at naisin ang mabuti b. Ang pagkilatis sa partikular na kabutihan sa isang sitwasyon c. Paghatol para sa mabuting pasiya at kilos d. Pagsusuri ng Sarili/Pagninilay MODULE 4 1. Alin sa mga sumusunod ang dahilan kung bakit may Likas na Batas Moral? A. Hindi ito maihahalintulad sa pagbabago na hindi natatapos. B. Kailangan ito ng lahat ng tao C. Mahalagang isabuhay ng bawat isa para sa ikabubuti ng lahat. D. Upang bigyang direksiyon ang pamumuhay ng tao. 2. Ang konsensiya ng tao kung saan nakalapat na ang Likas na Batas Moral ay ginagamit na ________________________. A. Pagbabago sa mga bagay na nagawa. B. Batayan ng kabutihan ng mga gawain. C. Personal na pamantayang moral ng tao. D. Batayan sa karunungan at kabutihan ng Diyos. 3. Ano ang layunin ng Likas na Batas Moral? A. Kalayaan ng tao B. Kabutihan ng tao C. Kahusayan ng tao D. Kaayusan ng tao 4. Ito ang ginagamit sa pagpapasiya kung ano ang tama at mali sa kasalukuyang panahon. A. Likas na Batas Moral B. Konsensiya na nahubog sa batas-moral C. Kalayaan D. Isip, puso at kamay 5. Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng kaalaman ganap na mahahanap ng tao ang _____________. A. Katotohanan B. Kapayapaan C. Yaman D. Katalinuhan 6. Alin sa mga sumusunod ang kahalagahan ng paghubog ng konsensiya? A. Mahalaga ito upang maging ganap na tao B. Nakatutulong ito sa tao na makilala ang katotohanan C. Mahalaga ito upang hindi makagawa ng masama D. Nakatutulong ito sa pagpapakatao ng tao. 7. Ito ay pamantayang ginagamit ng tao upang suriin ang iniisip, salita at gawa A. Kilos-Loob B. Konsensiya C. Mga batas D. May awtoridad 8. Ano ang dahilan kung bakit mahalagang malaman ng tao ang katotohanan tungkol sa paghubog ng konsensiya? A. Upang alam ang gagawin sa mga susunod na araw B. Upang magamit nang mapanagutan ang kaniyang kalayaan C. Upang makaiwas sa paggawa ng kasalanan D. Upang magkaroon ng maayos na pamumuhay 9. Bakit kailangan nating maglaan ng panahon para sa regular na pananalangin? A. Dahil sa pamamagitan nito nahuhubog ang ating konsensiya B. Dahil ito ay nakasaad sa Likas na Batas Moral C. Dahil nakasanayan na nating manalangin D. Dahil ito ang turo sa atin ng Diyos 10. Isa sa mga sumusunod ang hakbang na makatutulong upang ang konsensiya ng tao ay kumiling sa mabuti. A. Humingi ng tulong sa tamang tao kapag kinakailangan B. Iwasan ang mga pagkakamaling nagawa C. Talikuran ang mga pagkakamali D. Unawain at pagnilayan ang mga karanasan na hamon ng buhay 11. Ano ang nagsisilbing gabay sa tamang pagpapasya at pagkilos? A. Batas B. Mga pagtuturo ng magulang tungkol sa tama o mali. C. Konsensiyang nahubog sa Batas-Moral D. Mga batas ng mga may awtoridad 12. Alin sa mga sumusunod ang sinusuri ng konsensiya? A. Kung ang kilos ay tama o mali B. Pamumuhay ng isang tao C. Ang mga maling nagawa ng tao D. Kung nakagawa ka ng kabutihan 13. Alin sa mga sumusunod ang kahalagahan ng pagsisimula mula pagkabata ang paghubog ng konsensiya? A. Mahalaga ito upang makaiwas sa gulo. B. Mahalaga ito upang makaiwas sa maling paghusga sa mabuti o masama sa hinaharap. C. Mahalaga ito upang ang gagawin ng bata sa hinaharap ay pawang kabutihan D. Mahalaga ito upang masanay siya sa tamang pamumuhay. 14. Ang ating kakayahang maunawaan at piliin ang mabuti patungo sa mabuting pagkilos ay nagmula sa __________________. A. Nagmula ito sa mga itinuro sa atin ng ating mga magulang B. Nagmula sa mga itinuturo ng mga awtoridad. C. Nagmula sa ipinamana ng magulang D. Nagmula sa konsensiyang nahubog nang mahusay 15. Kailan natin masasabi na hinuhubog natin ang ating konsensiya? A. Kapag kumikilos tayo na walang nasasaktan B. Kapag kumikilos tayo nang may pananagutan C. Kapag kumilos tayo ayon sa utos ng may likha D. Kapag kumikilos tayo ayon sa kagustuhan natin MODULE 5 1. Nalaman ni Pedro na ang hinihiling na marka para matanggap sa Senior High STEM track ay 85% pataas kaya bumuo siya ng pasya na pagbubutihin niya ang pag-aaral sa buong taon. Aling salik ng pagpapasya ang nakatulong sa kanyang pagpapasyang mag-aral ng maigi? a. Mga payo o Gabay c. Sitwasyon b. Impormasyon d. Pagkakataon 2. Sa paghahanap ni Pedro ng mapapasukan na paaralan, naghanap siya ng mas malapit sa kanilang tinitirhan para makatipid siya sa pamasahe. Gusto niyang maglakad na lamang dahil tatlo na silang magkakapatid na mag-aaral at halos hindi magkasya ang araw-araw na kita ng kanyang mga magulang. Aling salik ng pagpapasya ang isinaalang-alang niya sa paghahanap ng paaralan? a. Mga payo o Gabay c. Sitwasyon b. Impormasyon d. Pagkakataon 3. Ang pakikinig sa mga isinasagawang “Information Education Campaign” ay isang paraan para makabuo ng pasya kung aling Senior High Track ang paghahandaan. a. Tama dahil sa mga impormasyon naksalalay ang ating pasya. a. Magpasa ng batas sa kongreso. b. Manahimik at maglathala ng mga storya ng naging biktima ng pang aapi sa social media. c. Gumawa ng plakard at magwelga sa kalsada o sa labas ng gate ng paaralan. d. Makipag-usap sa kaukulang tao at magbigay ng suhestiyon o panukala tungkol sa isyo. 3. Lahat na naibigay ay mabubuting dulot ng pagsasabuhay ng tunay na kalayaan maliban sa isa. a. Nagkakaroon ng katahimikan at katiwasayan sa damdamin, loob ng pamilya at sa pamayanan. b. Nagkakaroon ng pagkitil ng sariling kahusayan sa paggawa at pagbibigat tulong sa kapwa tao. c. Nagkakaroon ng katibayan ng pagsasama, kapatiran at pagtulong sa kapwa. d. Nagkakaroon ng malayang pagpili, pagbibigay ng sariling pananaw sa mga isyu na nararasan sa ating komunidad. 4. Ano ang pangunahing elemento sa pagtugon ng tunay na kalayaan? a. Kalayaang pumili b. Pagkamit ng hustisya c. Karapatang bumili at magtinda d. Responsibilad at pagsilbi 5. Alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita na ang tunay na kalayaan ay pagtugon nang may pagmamahal at paglilinkod? a. Nagagawa ni Asuncion ang bumili ng mga kagamitan na sunod sa uso. b. Malakas ang loob ni Agustin kaya lahat ng ayaw niya ay nasasabi niya ng walang kasinungalingan. c. Kadakilaan sa kalooban ni Ginang Teresa Diamante ang magbigay ng ayuda sa mga bahay ampunan kahit kaunti. d. Matamlay si Corason na sumama sa kanyang nanay sa lugar ng mga bakwit dahil may lakad sila ng kanyang kaibigan. MODULE 8 1. Para maiangat ang dignidad ng lahat ng tao, dapat tumulong ang Lipunan dahil dito nagsisimula. Ang pangungusap ay: a. Tama, dahil itinatadhana ng saligang batas ang paggalang sa pagkakapantay-pantay ng lahat ng tao. b. Tama, dahil ang tunay na diwa ng pagiging isang bansa ay nasapagkikilala sa karapatan at dignidad ng lahat ng tao. c. Mali, dahil sa Diyos nagmumula ang dignidad ng tao. d. Mali, dahil kailangang igalang ng mamamayan ang katayuan ng mga tao na mas mataas ang katungkulan sa pamahalaan. 2. Kailan maaaring mawala ang dignidad ng isang tao? a. Kapag siya ay naging masamang tao. b. Sa sandaling nalabag ang kanyang karapatang pantao. c. Sa oras na niyapakan ng kapwa ang kanyang pagkatao d. Wala sa nabanggit 3. Paano mapananatili ang mataas na antas ng dignidad ng tao? a. Kumilos bilang kagalang-galang na indibidwal. b. Panatilihin ang kabutihan sa sarili at sa kapwa upang laging makuha ang paggalang ng kapwa. c. Palaging iangkop ang sarili sa pangkat na kinabibilangan upang maging karapat-dapat sa kanilang pagkilala d. Isabuhay ang pagpapahalaga hindi sa kung anong ari-arian mayroon kundi sa karangalan bilang tao. 4. Ano ang pinakamahalagang maitutulong ng pagkakaroon ng dignidad ng tao? a. Magiging malaya ang tao na ipakita ang kanyang totoong sarili. b. Mapananatili ang damdamin ng pagmamalaki sa lahat ng tao. c. Masisiguro na magagawa ng tao ang lahat ng kanyang nais nang walang pag-aalinlangan. d. Ang lahat ay nagkakaroon ng karapatan na umunlad sa paraang hindi makasasakit o makakasama sa ibang tao. 5. Paano mo matutulungan ang isang pulubi na maiangat ang kanyang dignidad bilang tao? a. Palagi siyang bigyan ng pagkain at pera sa araw-araw. b. Tulungan siyang hanapin ang kanyang pamilya upang may mag-aruga sa kanya. c. Humanap ng isang instituyon na maaaring kumalinga sa kanya at mabigyan siya ng disenteng buhay. d. Lapitan siya at kausapin sa araw-araw upang maitaas ang kanyang konsepto sa kanyang sarili. MODULE 9 1. Ang mga sumusunod ay mga pananagutan ng tao batay sa kanyang dignidad maliban sa: a. Igalang ang sariling buhay at buhay ng kapwa. b. Isaalang-alang ang kapakanan ng kapwa bago kumilos. c. Maging pantay sa pakikitungo sa lahat ng tao sa lahat ng pagkakataon d. Pakitunguhan ang kapwa ayon sa iyong nais na gawin nilang pakikitungo sa iyo. 2. Paano maipakikita ang pagkilala at pagpapahalaga sa dignidad ng isang tao? a. Pahalagahan ang tao bilang tao hangga’t siya ay nabubuhay. b. Ibigay ang bahagi ng sarili sa kapwa kahit hindi pa ito kakilala. c. Maging tapat sa lahat ng ginagawa para sa kapwa at sa pakikitungo sa mga ito. d. Maglaan ng panahon upang iparamdam sa malapit na kapwa ang pagmamahal at pagpapahalaga 3. Sino ang hindi tunay na nagpapakita ng paggalang sa dignidad ng kanyang kapwa? a. Isang negosyante na nagbibigay ng malaking halaga bilang puhunan ng isang empleyado na tumatanda na. b. Isang pilantropong lagging nakahandang magbigay ng tulong sa kapwa na nangangailangan ng kanyang tulong. c. Isang politikong labis ang katapatan sa kanyang panunungkulan sa pamahalaan. d. Isang taong may pagdama at pag-unawa sa damdamin ng kapwa. 4. Ang mga pahayag ay mga obligasyon ng bawat tao upang mapangalagaan ang dignidad maliban sa isa? a. Igalang ang sariling buhay at buhay ng kapwa. b. Gamitin ang kapwa para sa kapakinabangan ng sarili. c. Isaalang-alang ang kapakanan ng kapwa bago kumilos. d. Pakitunguhan ang kapwa ayon sa iyong nais gawin nilang pakikitungo sa iyo. 5. Ang mga sumusunod ay may hakbangin tungo sa panghabambuhay na proseso ng pagpapatibay ng katatagang moral tungo sa ultimong kabutihan maliban sa isa? a. Pagtanggap sa anumang puna ng ibang tao. b. Pagtanggap sa sariling limitasyon. c. Pagtawag sa isang moral na tagapayo. d. Pagsasabuhay ng panghabambuhay na paninindigan sa kabutihan.
Docsity logo



Copyright © 2024 Ladybird Srl - Via Leonardo da Vinci 16, 10126, Torino, Italy - VAT 10816460017 - All rights reserved