Docsity
Docsity

Prepare for your exams
Prepare for your exams

Study with the several resources on Docsity


Earn points to download
Earn points to download

Earn points by helping other students or get them with a premium plan


Guidelines and tips
Guidelines and tips

Filipino Lesson Plan Grade 4., Slides of English Literature

I made this document for may education purpose.

Typology: Slides

2021/2022

Uploaded on 03/27/2022

karen-bien-balinado
karen-bien-balinado 🇵🇭

1 document

Partial preview of the text

Download Filipino Lesson Plan Grade 4. and more Slides English Literature in PDF only on Docsity! visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education Republic of the Philippines Commission on Higher Education Region IV – A CALABARZON Municipality of Lipa KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Captivating knowledge Through Education MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 6 I. MGA LAYUNIN Sa katapusan ng aralin ang mga bata ay inaasahang: a) Nalalaman ang kahulugan ng panitikan. b) Nakapagbibigay ng mga halimbawa ng akdang pampanitikan. c) Nakapagpapahayag ng kahalagahan ng panitikan. II. PAKSANG ARALIN Paksa: Kahulugan ng Panitikan at Aspekto ng Akdang Pampaninitikan Sanggunian: http://panitikankarunungangbayan.blogspot.com/2015/04/ano-ang-panitikan-ang- panitikan-ay.html https://www.facebook.com/MajobeNiJordan/posts/mga-akdang-pampanitikanmga-akdang- tuluyan-ay-yaong-mga-nasusulat-sa-karaniwang-t/2559109217671160/ Kagamitan: Laptop, PowerPoint presentation, visual aid, GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG AARAL I. PANIMULANG GAWAIN a. Panalangin - Ang lahat ay magsitayo at simulan natin ang ating araw sa pananalangin. ________ maari mo bang pangunahan ang pagdarasa. Ama namin sumasalangit ka, Sambahin ang pangalan mo. Mapasaamin ang kaharian mo. Sundin ang loob mo dito sa lupa para nang sa langit. Bigyan mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw araw; At patawarin mo kami sa aming mga sala, Para nang pagpapatawad namin sa nagkakasalaan sa amin; At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso, At iadya mo kami sa lahat ng masama. Amen. visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education Republic of the Philippines Commission on Higher Education Region IV – A CALABARZON Municipality of Lipa KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Captivating knowledge Through Education b. Pagbati Magandang umaga mga bata. Kumusta naman kayong lahat? c. Pagtatala ng liban sa klase May liban ba para sa araw na ito? Mabuti naman mga bata. Nagagalak akong malaman na kompleto kayo sa araw na ito. Magandang umaga din po teacher. Mabuti po ma’am. Wala po teacher! a. PANLINANG NA GAWAIN a. Tukoy alam Hanap Salita (mag papaskil ang guro ng dalawang visual aids ng hanap salita at kailangang mahanap ng mga mag aaral ang mga tamang salita sa mga gulong letra sa loob ng kahon) b. Pangkatang Gawain: (Ang mga mag aaral ay hahatiin sa apat upang maisagawa ang aktibiti. Bawat grupo ay maghahanda ng papel at ballpen/pentel pen na kung saan ay duon isusulat ang mga nahanap na salita sa mga gulong letra. Bago sumagot ay bibilang ng tatlo ang guro, saka lamang maaring magsagot ang bawat grupo. Ang unang pangkat na makapagtataas ng kanilang sagot at syang panalo at pupunta sa una upang bilugan ang salitang nahanap. Ang pinakamaraming puntos ay siyang panalo.) Panuto: Hanapin ang mga salitang kaugnay sa ating talakayin tungkol sa panitikan. Maaring bilugan o guhitan ang sagot. visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education Republic of the Philippines Commission on Higher Education Region IV – A CALABARZON Municipality of Lipa KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Captivating knowledge Through Education iyon na binili para sa kanya ngayong taon. “Mama, patawad po. Binigay ko po sa kaibigan ko sa labas ng paaralan ang bagong sapatos na bili niyo para sa akin,” pagtatapat ng bata. “Ano? Binilhan ka ng bago tapos ipamimigay mo lang pala? Walang mali sa pagbibigay anak pero sana, inisip mo rin na binili namin ng papa mo iyon para sa iyo. Nag sinungaling ka pa,” sabi ni Vina sa anak. Pinuri ng ina ang bata sa pagiging mapagbigay nito pero pinaalalahanan rin niya na mali ang magsinungaling kahit ano pa ang dahilan. Inihayag niya rin kay Kulas na sana ay pahalagahan nito ang mga binibigay nila ng ama niya dahil pinaghihirapan nila ito. Humingi ng patawad si Kulas at nangako sa ina na pahahalagahan na niya ang susunod na mga sapatos at mga gamit na ibibigay sa kanya ng mama at papa niya. Nangako rin siyang hindi na siya magsisinungaling. c. Pagtatalakay at Pagpapahalaga -Sino ang pinakatauhan sa kwento? -Bakit nag-away ang mga magulang ni Kulas? -Anong dahilan bakit luma ang gamit na saptos ni Kulas sa pagpasok? -Anong aral ang nakuha ninyo sa binasang kwento? -Mahusay mga bata! -Si Kulas! -Dahil luma padin ang ginagamit na sapatos ni Kulas sa pagpasok. - Binigay po ni Kulas sa kanyang kaibigan sa labas ng paaralan. -Matutong magpahalaga sa regalong bigay ng magulang. -Huwag magsinungaling kahit na mabuti ang iyong ginawa/intensyon. visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education Republic of the Philippines Commission on Higher Education Region IV – A CALABARZON Municipality of Lipa KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Captivating knowledge Through Education -Ngayon naman ay dadako na tayo sa ating aralin tungkol sa Kahulugan ng Panitikan at Aspekto ng akdang pampanitikan. Ang panitikan ay nagsasabi o nagpapahayag ng mga kaisipan, mga damdamin, mga karanasan, hangarin at diwa ng mga tao. At ito rin ang pinakapayak na paglalarawan lalo na sa pagsulat ng tuwiran o tuluyan at patula. Ang salitang panitikan ay nanggaling sa salitang "pang-titik-an" na kung saan ang unlaping "pang" ay ginamit at hulaping "an". At sa salitang "titik" naman ay nangunguhulugang literatura (literature), na ang literatura ay galing sa Latin na litterana nangunguhulugang titik. -Noong 1983, para kay Arrogante, isang talaan ng buhay ang panitikan kung saan nagsisiwalat ang isang tao ng mga bagay na kaugnay ng napupuna niyang kulay ng buhay at buhay sa kanyang daigdig na kinabibilangan. Ginagawa ito ng isang tao sa pamamagitan ng malikhain pamamaraan. -Noong 1995, inilarawan ni Salazar ang panitikan bilang isang lakas na nagpapagalaw sa lipunan. Dinagdag pa niyang isa itong kasangkapang makapangyarihan na maaaring magpalaya sa isang ideyang nagpupumiglas upang makawala. Para sa kanya, isa rin itong kakaibang karanasang pantaong natatangi sa sangkatauhan. -Ang panitikan ay nagsasalaysay din sa pamahalaan, lipunan at mga pananampatalaya at mga karanasang may kaugnay ng iba’t ibang uri ng damdamin tulad ng pag-ibig, kaligayahan, (Ang mga mag aaral ay tahimik na nakikinig sa talakayan) visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education Republic of the Philippines Commission on Higher Education Region IV – A CALABARZON Municipality of Lipa KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Captivating knowledge Through Education kalungkutan, pag-asa, pagkapoot, paghihiganti, pagkasuklam, sindak at pangamba. Uri ng Panitikan 1. TULUYAN o PROSA - nagpapahayag ng kaisipan. Ito'y isinusulat ng patalata. 2. PATULA - nagpapahayag ng damdamin. Ito'y isinusulat ng pasaknong. Mga Akdang Pampanitikan Mga akdang tuluyan ay yaong mga nasusulat sa karaniwang takbo ng pangungusap. 1. Alamat - ito'y mga salaysaying hubad sa katotohanan.Tungkol sa pinagmulan ng bagay ang karaniwang paksa rito. 2. Anekdota - ito ay isang mahabang salaysaying nahahati sa mga kabanata.Hango sa tunay na buhay ng tao ang mga pangyayari at sumasakop sa mahabang panahon.Ginagalawan ito ng maraming tauhan. 3. Nobela - Ang nobela o kathambuhay ay isang mahabang kuwentong piksyon na binubuo ng iba't ibang kabanata. 4. Pabula - Ang pabula ay isang uri ng kathang-isip na panitikan kung saan mga hayop o kaya mga bagay na walang-buhay ang gumaganap na mga tauhan. visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education Republic of the Philippines Commission on Higher Education Region IV – A CALABARZON Municipality of Lipa KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Captivating knowledge Through Education 6. Kantahin - ay musika na magandang pakinggan. Kadalasang itong maganda kung gusto rin ito ng makikinig. 7. Tanaga - isang maikling katutubong Pilipinong tula na naglalaman ng pang- aral at payak na pilosopiyang ginagamit ng matatanda sa pagpapagunita sa mga kabataan. 8. Tula - Pinagyayaman ito sa pamamagitan ng paggamit ng tayutay. Ang mga likhang panulaan ay tinatawag na tula. -Batid kung naintindihan na ninyo ang kahulugan ng panitikan at aspekto nito. -May tanong ba kayo mga bata? Wala na po teacher! d. Paglalahat -Saan nagmula ang salitan panitikan? -Mag bigay ng ilang halimbawa ng akdang tuluyun. -Mag bigay ng ilang halimbawa ng akdang patula. -Bakit kailangan nating aralin ang Panitikan Pilipino? -Ang salitang panitikan ay nanggaling sa salitang pang-titik-an na kung saan ang unlaping pang ay ginamit at hulaping an. -Alamat, Talambuhay, Maikling Kwento, Salawikain, Nobela. Epiko, Bugtong, tula, kantahin -Mapaunlad po natin ang karunungan sa pagsusulat upang tayo ay mas mapabuti at mapaunlad. -Bilang mga Pilipinong mapagmahal at mapagmalasakit sa ating sariling kultura ay dapat nating pag-aralan an gating panitikan. -Para mabatid natin ang mga kaisipan sa ating panitikan at makapagsanay upang maiwasto visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education Republic of the Philippines Commission on Higher Education Region IV – A CALABARZON Municipality of Lipa KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Captivating knowledge Through Education e. Paglalapat -Ngayon mga bata maghanda ng isang malinis na papel at sumulat ng iyong Talambuhay na bumubuo ng tatlong talata. Sa unang talata ay ang mga personal na impormasyon tungkol sa inyo, sa pangalawang talata ay tungkol sa mga paboritong Gawain o libangan at para sa pangatlo naman ay ang inyong pangarap sa inyong paglaki at bakit ito ang iyong napili. Bibigyan ko kayo ng 15 minutos upang matapos niyo ang inyong Gawain. -Maari na kayong magsimula (Ang mga bata ay tahimik na gumawa ng aktibidad) III.PAGTATAYA: Panuto: Basahing mabuti ang mga pangungusap at gamit ang mga salitang nasa kahon, tukuyin kung anong salita ang hinahanap sa bawat tanong. Isulat sa patlang ang inyong sagot. ____________1. Ito ay maiksing salaysay na naglalaman ng isang kwentong may mahalagang pangyayari. ____________2. Ang mga kwento na kung saan ang mga pangunahing tauhan ay mga hayop ____________3. Nagpapahayag ito ng kaisipan. Ito rin ay isinusulat ng patalata. ____________4. Isang mahabang likhang sining na nagpapakita ng mga pangyayariing pinagdikit sa pamamagitian ng balangkas. ____________5. ito ay iskrip na ginagamit sa mga pagtatanghal sa entablado at kadalasan ay marami itong yugto. Susi sa Pagwawasto: 1. Maikling kwento 2. Pabula 3. Tuluyan 4. Nobela 5. Dula IV.TAKDANG ARALIN: Panuto: Magsaliksik ng limang halimbawa ng isang maikling kwento. Isulat ang sagot sa inyong kwaderno. Inihanda ni: BALINADO, KAREN B. PABULA MAIKLING KWENTO DULA NOBELA TULUYAN
Docsity logo



Copyright © 2024 Ladybird Srl - Via Leonardo da Vinci 16, 10126, Torino, Italy - VAT 10816460017 - All rights reserved