Download Halimbawa ng Tekstong Impormatibo and more Essays (high school) English in PDF only on Docsity! Panuto: Gumawa ng tekstong impormatibo tungkol sa LORMA San Juan Campus. Pwedeng magsaliskik sa internet ng mga impormasyon tungkol dito. Ang teksto ay naglalaman lamang ng 300 salita, lagyan ito ng akmang pamagat. Lorma Colleges: Ang Ehemplo ng Matagumpay na Institusyon Sa humigit-kumulang limampung taong serbisyo ng institusyong ito sa maraming estudyante at iba’t ibang taong naging matagumpay mula dito, ang Lorma Colleges Inc. ay patuloy pa rin sa layunin nitong maghatid ng mataas na kalidad ng edukasyon sa mga kabataan. Ang paaralang ito ay itinatag ng mag-asawang Dr. Rufino N. Macagba Sr. at Dra. Crispina Lorenzana-Macagba upang makapagtaguyod sila ng nursing school bilang suporta sa mabilis na paglawak ng Lorma Medical Center o Lorma Hospital noong 1970. Ngayon, hindi lamang limitado sa ganitong uri ng paaralan ang institusyong ito. Sila ngayon ay nag-aalok na ng iba’t ibang uri ng programa sa kolehiyo tulad ng Radiologic Technology, Pharmacy, at ng Psychology na makikita sa pangunahing kampus nito sa Carlatan, San Fernando, La Union. Mayroon din silang programang nakalaan naman para sa mga kabataang nasasakop ng pangunahing edukasyon tulad ng pre-school, elementarya, at hayskul na matatagpuan sa kampus ng Urbiztondo, San Juan, La Union. Makikita rin dito na hindi limitado para sa mga Pilipino ang institusyong ito. Ito ay dahil tumatanggap din sila ng mga mag-aaral mula sa mga ibang bansa kaya naman mas napapalawak nila ang kanilang layunin. Mula sa mga kursong ito, napapatunayan naman ng Lorma Colleges ang kanilang kakayanan na linangin ang mga estudyante na pairalin ang kani-kanilang angking talino sapagkat patuloy silang kinikilala ng iba’t ibang organisasyon tulad ng CHED bilang isa sa mga kahanga-hangang institusyon sa rehiyon. Karamihan din sa mga pananaliksik ng kanilang mga mag-aaral ay kinikilala pa sa iba’t ibang nasyon. Sa ngayon, ang Lorma Colleges ay walang tigil pa rin sa pagkamit nila ng kanilang misyon bilang isang institusyon. Sila’y hindi lamang nagsusumikap na maging mahusay sa pangangalaga ng kalusugan, edukasyon, at serbisyong pamayanan kundi pati na rin sa PANGALAN Mustrada, Leila Denise U. TAON AT SEKSYON 11 HAS 3 GAWAIN 1 TEKSTONG IMPORMATIBO