Docsity
Docsity

Prepare for your exams
Prepare for your exams

Study with the several resources on Docsity


Earn points to download
Earn points to download

Earn points by helping other students or get them with a premium plan


Guidelines and tips
Guidelines and tips

hamon sa pagtuturo ng gramatika, Assignments of English

it is an example of introduction for a research paper about challenges in teaching grammar

Typology: Assignments

2020/2021
On special offer
30 Points
Discount

Limited-time offer


Uploaded on 06/19/2021

sherrie-mei-isip
sherrie-mei-isip 🇵🇭

5

(1)

1 document

1 / 25

Toggle sidebar
Discount

On special offer

Partial preview of the text

Download hamon sa pagtuturo ng gramatika and more Assignments English in PDF only on Docsity! 1 KABANATA I ANG SULIRANIN Kaligiran ng Pag-aaral Isa sa mga pangunahing layunin ng K to 12 Currriculum ay malinang ang kakayahang komunikatibo ng mga mag-aaral kung kaya’t ang Kagawaran ng Edukasyon ay dinisenyo ang asignaturang Filipino upang mapalawak ang kaalaman ng ng bawat mamamayang Filipino sa kanilang sariling wika at ang kagamitan ng wikang nabanggit. “Ang wika ang pinakamalinaw at pinakamahusay magbigay ng himaton sa kung ano ang partikular na pananaw ng tao sa daigdig na kanyang ginagalawan.” -Abad at Ruedes, may-akda ng librong Filipino Bilang Tanging Gamit sa Pagtuturo Kaugnay nito, ang kahusayan sa kakayahang komunikatibo ay matatamo lamang sa pamamagitan ng wastong paggamit ng wika kung kaya’t napakalaking papel ang ginagampanan ng isang guro lalo na sa pagtuturo ng gramatika, ito ay ang pag-aaral sa sistema ng wika. Napakalaking tulong ng wika sa pagpapahayag ng nais na sabihin ngunit napakalaki ring hadlang ang walang sapat na kaalaman sa gramatika na maaaring magdulot ng hindi pagkakaintindihan dahil sa hindi wasto ang pagkakagamit ng wika. Samantala, patuloy rin ang pag-unlad ng wikang Filipino, kung kaya’t napakalaking hamon sa mga guro ang pagbibigay ng sapat na kaalaman sa mag-aaral. Hindi na nakasasapat ang mga napag-aralan sa kolehiyo kaya’t naghahangad pa rin sila ng propesyunal na pag-unlad. Karamihan sa kanila ay nag-enrol sa paaralang gradwado, sumasali sa mga pagsasanay at seminar, sumasangguni sa internet at mga nalathalang libro. Tunay ngang maparaan ang mga 2 guro dahil sa walang sawang paghahangad na matuto dahil sila ang repleksyon ng kanilang mag- aaral. Subalit ang klasrum ay hindi gaya ng fairy tale na lahat ay perpekto. Hindi lahat ng mga mag-aaral ay mayroong kasabikan upang pag-aralan ang gramatika. Filipino nga lang daw ang asignaturang ito at madali lang kung kaya’t hindi na sila nagpopokus at inaantok kapag oras ng diskusyon lalo na sa antas sekundarya. Ang garamatika ay itinuturo lamang sa baitang pito hanggang sampu. Pagtungtung ng Senior High School, ang pokus na ng kurikulum sa Filipino ay sa pagsasalita at pagsulat at sa pamamagitan ng awtput ng mag-aaral, matutukoy kung nahasa ang kanilang kakayahang panggramatika. Samakatuwid, ang layunin ng pagpapaunlad ng kakayahang panggramatika ay upang magkaroon ng kapayapaan at pagkakaisa gamit ang wika at nararapat lamang na ito ay na matutunan ng mga kabataan dahil sabi nga ni Jose Rizal na sila ang pag-asa ng bayan. Sa mga nabanggit na kalagayan ng pagtuturo ng gramatika, ito ang naging sandigan ng mananaliksik sa pagsasagawa ng pag-aaral. Nilalayon ng mananaliksik na matukoy ang mga hamong kinakaharap sa pagtuturo ng gramatika sa sekundarya mula sa karanasan at persepsyon ng mga guro ng asignaturang Filipino. Paglalahad ng Suliranin Ang pag-aaral na ito naglalayong tukuyin ang mga hamong kinakaharap sa pagtuturo ng gramatika sa sekundarya. Tiniyak ng pag-aaral na ito na tuklasin ang mga sumusunod: I. Ano-ano ang mga hamong kinakaharap ng mga guro sa pagtuturo ng gramatika? 5 KABANATA II BATAYANG TEORYA Ang pagtuturo ng wika ay pabago-bago kasabay ng patuloy na pag-unlad ng wika at edukasyon. Kaugnay nito, maraming nagsilabas na teorya ang naglalayong makapagbigay ng lohikal na balangkas sa pag-aaral ng wika. Sa tulong ng mga teoryang ito, maraming pag-aaral din ang naisagawa na ang tanging hangarin ay upang isulong ang kakayahan ng mga guro at mag-aaral sa wika. Ang mga pag-aaral na ito, partikular sa mga may kaugnayan sa pagtuturo ng gramatika sa Filipino ay makikita sa kabanatang ito. Kaugnay na Kaugnay na Pag-aaral at Literatura Sa napakaraming aspeto ng pag-aaral ng wika, maituturing na pinakamahirap ituro ang gramatika o balarila. Ito ay mapatutunayan sa mababang performans ng mga mag-aaral sa pagbubuo ng pangungusap gamit ang wikang Filipino. Napakahalagang matutunan nila kung paano iprisinta at pag-aralan ang istruktura ng gramatika ng wikang ginagamit upang makompleto ang kanilang pananaw sa pag-aaral ng wika. Makikita sa seksyong ito ang komprehensibong paglalarawan sa gramatika o balarila at ang kalikasan nito. Kahulugan ng Gramatika o Balarila 6 Sa tiyak na pagpapakahulugan, ang gramatika o balarila ay ang wastong pagsasaayos ng mga salita upang makabuo ng pangungusap na may wastong kahulugan. Isinasaalang-alang dito ang ugnayan ng bawat salita upang makapaghatid ng malinaw na ideya o mesahe. Nakatuon ang gramatika sa pag-aaral ng mga antas ng wika. Semantika o Palasurian. Ang salitang semantik mismo ay nagsasaad ng isang hanay ng mga ideya, mula sa mga palasak hanggang sa teknikal. Madalas itong gamitin sa mga ordinaryong wika upang tukuyin ang suliranin sa pag-unawa ng mga salita o konotasyon at madalas na paksa ang suliraning ito sa mga pormal na pagtatanong sa mahabang panahon. Ang terminong ito ay nagmula sa wikang Griyego σημαντικός (semantikos), “makabuluhan”, mula samakabuluhan”, mula sa σημαίνω (semaino), “makabuluhan”, mula saibig sabihin, ibig ipahiwatig”, at mula sa σῆμα (sema), “makabuluhan”, mula satandá, marká, sagiság, simboló”. Sa linggwistika, ito ay ang pag-aaral ng interpretasyon ng mga palatandaan o”. Sa linggwistika, ito ay ang pag-aaral ng interpretasyon ng mga palatandaan o simbolo na ginagamit ng kawatan o pamayanan sa loob ng partikular na kalagayan at konteksto. Kaugnay ng pananaw na ito, bawat tunog, ekspresyon ng mukha, wika ng katawan, ay mayroong makahulugang nilalaman, at bawat isa ay may mga sangay ng pag-aaral. Sa mga nakasulat na wika, ang istruktura ng talata at bantas ay may nilalaman na semantiko, gayundin sa iba pang anyo ng wika. Morpolohiya o Palabuuan. Ang salitang morpolohiya ay nahahati sa dalawa, “makabuluhan”, mula samorf” (form) at “makabuluhan”, mula saology” (sángay ng kaalaman) kung kaya’t ito ay nangangahulugang pag-aaral sa istruktura ng mga salita o ang morpema (Aganan, 1999). Tinatawag din itong kayarian ng wika at ang ugnayan nito sa iba pang wika (Paz, 2003). Sintaks o Palaugnayan. Sa linggwistika, ang sintaks ay pag-aaral sa mga prinsipyo at alituntunin ng pagbubuo ng pangungusap sa natural na wika. Karagdagan nito, ito rin ay tumutukoy sa pamamahala sa istraktura ng pangungusap ng anumang indibidwal na wika, tulad 7 ng “the syntax of Modern Irish”. Ang hangarin ng mga propesyunal sa ganitong disiplina ay upang makabuo ng isang iisang alituntunin o na maaaring ilapat sa bawat wika. Ponolohiya o Palatunugan. Ang salitang ponolohiya ay nagmula sa salitang Griyego na φωνή, phōnē, “makabuluhan”, mula satunó”. Sa linggwistika, ito ay ang pag-aaral ng interpretasyon ng mga palatandaan og, boss”. Ito ay sangay ng lingwistiká na nag-aaral sa ponema o ang pinakamaliit na yunit ng tunog, tinig o “pitch”, tunog, diin o “stress”, at paghinto o “juncture”. Pinag-aaralan din ang ugnayan ng mga tunog ng iba pang wika at ang sistemá ng mga tunog na ito upang makabuo ng tunó”. Sa linggwistika, ito ay ang pag-aaral ng interpretasyon ng mga palatandaan og na may kahulugan. Isinasaalang-alang din dito ang “makabuluhan”, mula saTatlong Salik ng Pagsasalita” nina Bernales, et al. (2002). Nakasaad sa 1987 konstitusyon ng Pilipinas, Article. XIV, Sek.6, na ang wikang Filipino ang lingua franca ng Pilipinas. Nangangahulugan lamang ito na ang wikang Filipino ay alam at naiintidihan ng lahat. Ang wikang Filipino kung gayon bilang wikang Pambansa ang sumisimbolo sa pagbubuklod at identidad ng bawat Pilipino. Kaugnay nito, sinabi rin ni Henry Gleason na ang “makabuluhan”, mula sawika ay binubuo ng mga tunog na pinili at inayos sa paraang arbritaryo ng mga taong nabibilang sa iisang kultura”. Batay dito, magkaugnay ang wika at kultura at sa pamamagitan ng wastong paggamit ng wika, naihahayag din nang wasto ang kultura ng kinabibilangan. Kaya’t sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng kakayahang gramatikal: a) nagkakaroon ng maayos na komunikasyon; b) naihahatid ng tama ang mensahe; c) nagkauunawaan nang lubos ang taong nag-uusap. Ito ay ayon kay Dr. Hymes na nilinang ni John J. Gumperz bilang tugon sa “makabuluhan”, mula salinguistic competence” ni Noam Chomsky noong 1965. Sinuportahan naman ito nina Bagaric, et.al. (2007) at ayon sa kanila, hindi nakasasapat na ang isang tao ay maalam sa wika subalit walang kahusayan sa gramatika. Nararapat lamang na 10 Kaugnay ng systemic grammar ang tungkuling semantiko at ang ideyang, ang wika ay penomenong umiiral sa loob ng lipunan at nagaganap ang hangarin nito batay sa kontekstong sitwasyunal (Morley 1985). Ayon kay Halliday (1973), mayroong tatlong tungkulin ang wika – ang ideational, interpersonal, at ang tekstwal. Ang tungkuling ideational ay may kinalaman sa pagbubuo at pagpapanatili ng theory of experience ni John Dewey, samantalang sa kognitibong kahulugan (Kennedy in Carter 1982) naman ang pokus ng tungkuling interpersonal. Mga elemento sa pagbubuo ng teksto naman ang binibigyang-pansin ng tungkuling tekstwal. Sa kabilang dako, ang universal grammar (Chomsky 1965) ay may pananaw na likas na sa mga bata ang kakayahang matuto ng wika. Ito raw ay nakaimbak na sa kani-kanilang isipan mula pa pagkabata kung kaya’t nagagawa nilang makabuo ng pangungusap kahit na hindi pa nagkakaroon ng pormal na edukasyon. Subalit ang kalikasang ito ay hindi alam ang bokabolaryo ng kahit na anong wika kunga kaya’t idinagdag ni Chomsky na dapat na ituro at matutunan ang alituntunin sa pagbubuo ng salita at pagpapakahulugan. 11 KABANATA III METODOLOHIYA Ang kabanatang ito ay naglalahad ng disenyo ng pananaliksik, mga respondente, instrumentong ginamit, at istatistikal na paglalapat. Disenyo ng Pag-aaral Ang pag-aaral na ito ay isinagawa ayon sa disenyo ng pamaraang deskriptiv-analitik na pananaliksik. Tinangkang ilarawan at suriin ng mananaliksik sa pag-aaral ang persepsyon ng mga guro ng Filipino partikular sa mga hamong kinakaharap sa pagtuturo ng gramatika sa antas sekundarya. Mga Respondente Sa pag-aaral, anim na guro ng Filipino mula sa Paoay National High School, Paoay, Ilocos Norte ang kalahok. Mula sa 50 na guro ng naturang paaralan, sila ang napili ng mananaliksik sapagkat sila lamang ang nagtuturo ng Filipino mula ikapitong baitang hanggang baitang-12. Instrumentong Pampananaliksik Ang pananaliksik na ito ay isinagawa sa paraang pagsasarbey sa pamamagitan ng google forms. Naghanda ang mananaliksik ng talatanungan na naglalayong makapangalap ng mga datos tungkol sa persepsyon ng mga guro sa pagtuturo ng gramatika. Ang mga katanungang ito ay 12 hango kina Borg (1998) at Pazaver at Wang (2009) na ginamit ni Yusob (2018) sa kanyang pag- aaral na “Challenges of Teaching Grammar in Tertiary Level: Learning fron English Lecturers’ Insights”. Nabigyan din ng kalayaan ang mga respondente na magbigay ng sarili nilang persepsyon na wala sa listahan. Bukod sa mga datos na nakuha mula sa mga respondente, sumangguni rin ang mananaliksik sa iba’t ibang hanguang nailathalang tisis, aklat, proposal, at pamanahong-papel. Mayroon ding mga impormasyong nagmula sa internet. Istatistikal na Paglalapat Ang mga datos na nakalap ay nai-tabulate, naanalisa at nabigyang interprestasyon sa tulong ng paggamit ng angkop na statistical tools.  Mean. Sa pagdetermina ng suliranin sa pagtuturo ng gramatika, ginamit ang mean at pangrarango. Mean = ∑X ÷ N  Likert scale. Ginamit ang 5-point scale na may deskripsiyong lubos na hindi sumasang-ayon, hindi sumasang-ayon, hindi makapagpasiya, sumasang-ayon, at lubos na sumasang-ayon. Iskeyl Deskripsiyon Saklaw 5 Lubos na Sumasang-ayon 4.21 - 5.00 4 Sumasang-ayon 3.41 - 4.20 3 Hindi Makapagpasiya 2.61 - 3.40 2 Hindi Sumasang-ayon 1.81 - 2.60 1 Lubos na Hindi Sumasang-ayon 1.00 - 1.80 Pigura 1: Ginamit sa pagdetermina sa makakalap na datos.  Frequency. Sa pagtukoy kung alin sa mga hamon ang pinakapangunahing kinakaharap ng mga guro sa pagtuturo ng gramatika, ginamit ang frequency. 15 aaral na wala silang interes sa gramatikang Filipino. Sa panahong pandemya, sa social media nakatuon ang mga mag-aaral kung kaya’t nawawalan sila ng interes sa gramatikang Filipino”. Lumabas din sa pag-aaral na hindi kinaharap na hamon ng mga guro sa pagtuturo ng gramatika ang pag-alam sa interes ng mag-aaral. Sa average mean nito na 3.66 na may interpretasyong sumasang-ayon, makikita na ang mga estudyante ay bahagi nang hamong kinakaharap sa pagtuturo ng gramatika ng mga guro ng Filipino ng Paoay National High School. Karanasan. Ang ikalawang salik ay ang karanasan ng mga guro na may kaugnayan sa pagtuturo ng gramatika. Mahihinuha sa talahanayan 2 ang bahaging ginagampanan ng karanasan ng mga guro sa hamong kinakaharap sa pagtuturo ng gramatika. Makikita sa talanahayan na sumasang-ayon ang mga guro na isang hamon ang estratehiya sa pagtuturo ng gramatika (4.33), na sinundan naman ng kakulangan ng pagsasanay o training (2.83) na may interpretasyon na hindi makapagpasya. Lubos namang hindi sumasang-ayon ang lumabas sa, walang sapat na karanasan sa pagtuturo ng gramatika (1.83). Talahanayan 2. Salik Karanasan sa Pagtuturo ng Gramatika Kategorya Mean Paglalarawan Ranggo Karanasan  Walang Sapat Na Karanasan Sa Pagtuturo Ng Gramatika 1.83 Lubos Na Hindi Sumasang-Ayon 3  Estratehiya Sa Pagtuturo Ng Gramatika 4.33 Sumasang-Ayon 1  Kakulangan Ng Pagsasanay O Training 2.83 Hindi Makapagpasiya 2 Average Mean 2.99 Hindi Makapagpasiya Batay sa lumabas na resulta ng pag-aaral, mapapansin na mayroong bahaging ginagampanan ang estratehiya sa mga hamong kinakaharap sa pagtuturo ng gramatika. Ito rin ay 16 may kaugnayan sa Grammar Translation Method (GTM) ni Karl Plotz (1819-1881), na kung saan ito ay isang estratehiya sa pagtuturo ng gramatika. Isinasalin ng guro ang aralin sa gramatika sa tulong ng unang wika ng bata, pagkatapos ay hinahayaan niyang ang bata naman ang magbigay ng halimbawa gamit ang kanyang wika, at susunod ang target na wika. Gaya ng metodong ito, maaaring matamo ang layunin sa pagtuturo kung lalapatan ng wastong estratehiya ang pagtuturo ng gramatika. Lumabas din sa pag-aaral na hindi makapagpasya ang mga guro kung ang kakulangan ba ng pagsasanay ay isang hamon sa kanila, at lubos na hindi sinang-ayunan na kinakaharap nilang hamon ang kawalan ng sapat na kaalaman sa pagtuturo ng gramatika. Ito ay sinuportahan ng pahayag ni respondent 2, “makabuluhan”, mula samay sapat na kaalaman sa pagtuturo ng gramatika, mga mag-aaral ang kulang sa interes sa pag-aaral”. Dinagdag din ni respondent 3, “makabuluhan”, mula sakulang ang oras na gugugulin sa pagtuturo ng bawat competency/kasanayan sa mga mag-aaral. Naniniwala ako na kahit gaano karami ang pagsasanay naming mga guro upang makasalok ng mga epektibong estratehiya kung hindi mailalapat dahil sa kakulangan ng oras, mababaliwala ang lahat ng ito”. Sa kabuuan, hindi nakapagpasya ang lumabas na resulta ng karanasan ng mga guro bilang bahagi ng suliranin sa pagtuturo ng gramatika na mayroong average mean na 2.99. Pasilidad. Ang pasilidad ay mga kagamitang may kaugnayan sa pagtuturo ng gramatika. Makikita sa talahanayan 3 ang bahaging ginagampanan ng pasilidad sa pagtuturo ng gramatika. Batay sa mean ng pag-aaral, mayroong 3.5 ang kakulangan ng pasilidad sa pagtuturo ng gramatika na may interpretasyong sumasang-ayon, at 2.33 naman ang mayroong pasilidad ngunit hindi epektibo na may interpretasyon na hindi sumasang-ayon. 17 Talahanayan 3. Salik Pasilidad sa Pagtuturo ng Gramatika Kategorya Mean Paglalarawan Ranggo Pasilidad  Kakulangan ng Pasilidad sa Pagtuturo ng Gramatika 3.5 Sumasang-Ayon 1  Mayroong Pasilidad ngunit Hindi Epektibo 2.33 Hindi Sumasang-Ayon 2 Average Mean 2.91 Hindi Makapagpasiya Bilang suporta sa pagsang-ayon sa kakulangan ng pasilidad, pinahayag ni respondent 1 na, “makabuluhan”, mula sa…kulang ang mga akmang pasilidad na posibleng magamit sa pagtuturo ng gramatika lalo kung hindi gagamitin ang husay ng guro na maghanap ng kapaki-pakinabang na resorses na magiging mabisa at kawili-wili…” binanggit din ni ni respondent 5 na, “makabuluhan”, mula saang kawalan ng resources ng mag-aaral gaya ng internet, gadget na magagamit sa online learning kung kayat hindi matagumpay ang pagtuturo”. Sa kabila ng pagsang-ayon ni respondent 5 na kulang ang pasilidad, sinabi nito na, “makabuluhan”, mula sangunit sa tulong ng modyul at iba pang learning tools ay naisasakatuparan ang pagkatuto ng mga mag-aaral”. Sa kabuuan, ang average mean nito ay 2.91 na may paglalarawan na hindi makapagpasya na nangangahulugang ang mga guro ng Filipino ng Paoay National High School ay hindi matukoy kung kabilang ba ang pasilidad sa kinakaharap na hamon sa pagtuturo ng gramatika sa ngayon. Persepsyon ng Guro. May mahalagang papel ang pananaw ng guro sa pagtuturo ng gramatika, negatibo man o positibo. Makikita sa talahanayan 4 ang pananaw ng mga guro sa pagtuturo ng gramatika. Lumabas sa pag-aaral na hindi sumasang-ayon ang mga guro na mahirap ituro ang gramatika (2.16) at mahirap ituro ang gramatika (1.25). Talahanayan 4. Persepsyon sa Pagtuturo ng Gramatika Kategorya Mean Paglalarawan Ranggo Persepsyon ng Guro  Mahirap ituro ang gramatika 2.16 Hindi Sumasang-ayon 1  Boring ituro ang gramatika 1.25 Hindi Sumasang-ayon 2 20 tutugon sa pangangailangan ng mga mag-aaral (4.33) at hindi naman makapagpasiya na masyadong maraming oras ang iginugugol sa pagtuturo ng gramatika (2.66). Talahanayan 6. Persepsyon sa Aralin sa Pagtuturo ng Gramatika Kategorya Mean Paglalarawan Ranggo Aralin  Pagbubuo ng aralin na tutugon sa pangangailangan ng mga mag- aaral 4.33 Lubos na Sumasang-ayon 1  Masyadong marami ang oras na igugugol sa pagtuturo ng gramatika 2.66 Hindi Makapagpasiya 2 Average Mean 3.45 Sumasang-ayon Makikita sa resulta na isang hamon din ang pagbubuo ng araling tutugon sa pangangailangan ng mag-aaral sa pagtuturo ng gramatika. Gaya ng Grammar Translation Method (GTM) ni Karl Plotz (1819-1881), ang sentro ng pagtuturo’t pagkatuto ay ang mga mag- aararal. Kaugnay ng kurikulum sa Filipino, ang pondasyon sa kasanayang panggramatika ay mula elementarya, at nililinang sa sekundarya subalit sa Juinior High School lamang. Sa Senior High School, dito magaganap ang aplikasyon ng mga unang natutunan. Naniniwala si respondent 3 na, “makabuluhan”, mula sawalang retention” na nagaganap sa mga mag-aaral kung kayat babalik at babalik ang guro sa basic concept”. Dagdag pa ni respondent 4 na, “makabuluhan”, mula samadaling mawalan ng interes ang mga mag- aaral” kung hindi isasaalang-alang ang pagtugon sa kanilang pangangailangan. Sa oras naman na iginugugol sa pagtuturo ng gramatika, ipinahayag ni respondent 2 na, “makabuluhan”, mula sasapat lang, subalit mag-aaral ang may problema kung minsan”. Sa average mean ng kategoryang ito na 3.45 na may interpretasyong sumasang-ayon, pinatutunayan na ang karanasan ng mga guro sa aralin ay isa ring hamon sa pagtuturo ng gramatika sa sekundarya. 21 Anong hamon ang pinaka-kinakaharap ng mga guro sa pagtuturo ng gramatika? Talahanayan 7. Mga Hamong Kinakaharap saPagtuturo ng Gramatika Mga Hamon Prikwensi Kabuuan Estudyante Hindi Alam ang Pangangailangan ng mga Mag-Aaral 1 10Pagtatama sa Kamalian sa Gramatika ng mga Mag-Aaral 2 Mga Mag-Aaral Nn Hindi Kahusayan 4 Mga Mag-Aaral na Ayaw sa Gramatika 3 Karanasan Walang Sapat na Karanasan sa Pagtuturo Ng Gramatika 0 8Estratehiya sa Pagtuturo ng Gramatika 6 Kakulangan ng Pagsasanay o Training 2 Pasilidad Kakulangan ng Pasilidad sa Pagtuturo ng Gramatika 2 3 Mayroong Pasilidad ngunit Hindi Epektibo 1 Persepsyon ng Guro Mahirap Ituro ang Gramatika 2 2 Boring Ituro ang Gramatika 0 Ekspektasyon o Inaasahan Mataas ang Ekpektasyon sa mga Mag-aaral 4 8Mataas ang Ekpektasyon sa Klasrum 4 Mataas ang Kompyansa sa Sarili 0 Aralin Pagbubuo ng Aralin na Tutugon sa Pangangailangan ng mga Mag-Aaral 4 7 Masyadong Marami ang Oras na Igugugol sa Pagtuturo ng Gramatika 3 Makikita sa Talahanayan 7 ang mga hamong kinakaharap sa pagtuturo ng gramatika na nahati-hati sa anim na kategorya – mag-aaral, karanasan, pasilidad, persepsyon, ekspektasyon, at aralin. Base sa resulta, mahihinuha na ang pinaka-kinakaharap na hamon ng mga guro sa pagtuturo ng gramatika ay ang Estratehiya sa Pagtuturo ng Gramatika na mayroong 10 na prikwensi. Maliban dito, lumabas din na kung batay sa kategorya, pinakakinakaharap na hamon ang salik estudyante na mayroong kabuuang prikwensi na 10. KABANATA V LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON 22 Sa kabanatang makikita ang muling paglalahad ng layunin ng pag-aaral, buod ng natuklasan, nabuong konklusyon at rekomendasyon batay sa kinalabasan ng pag-aaral. Lagom Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang malaman ang persepsyon tungkol sa hamong kinakaharap sa pagtuturo ng gramatika ng mga guro ng Filipino ng Paoay National High School, Paoay, Ilocos Norte. Gumamit ang mananaliksik ng disenyong deskriptiv-analitik. Nakapokus ang pag-aaral na ito sa mga guro ng Filipino kaya anim na guro mula sa Paoay National High School ang naging respondente. Upang masagot ang layunin ng pag-aaral, naghanda ng talatanungan ang mananaliksik at ipinasagot gamit ang google forms. Ang mga nakalap na datos mula dito ang nagsilbing pangunahing datos na sumagot sa layunin ng pag-aaral. Mga Natuklasan Ang mga hamon sa pagtuturo ng gramatika ay nahati sa anim na kategorya: a. Mag-aaral. Ang mga mag-aaral ay bahagi ng hamong kinakaharap sa pagtuturo ng gramatika batay sa average mean nito na 3.66 na may interpretasyong sumasang-ayon. Partikular na sa mga mag-aaral na may kahinaan. b. Karanasan. Hindi naman napagpasyahan kung bahagi ng hamon sa pagtuturo ang karansan ng guro sa gramatika na may average mean na 2.99. Subalit sinang-ayunan na bahagi sa hamon ang mga estratehiya sa pagtuturo ng gramatika. c. Pasilidad. Lumabas din na hindi nakapagpasya ang resulta ng pasilidad bilang bahagi ng hamon sa pagtuturo ng gramatika na may average mean na 2.91. d. Persepsyon sa Gramatika. Lubos namang hindi sinang-ayunan na mahirap at boring ituro ang gramatika na may average mean na 1.7.
Docsity logo



Copyright © 2024 Ladybird Srl - Via Leonardo da Vinci 16, 10126, Torino, Italy - VAT 10816460017 - All rights reserved