Download It is a reflection paper in a subject filipinolohiya and more Lecture notes Business in PDF only on Docsity! REPLEKSYON Written Task 1: Wisyo ng Konseptong Filipinolohiya Ruben, Jyielce Real B. BSBAMM 1-4 Sa pelikulang "Cart," mas binigyang pansin ko at nakita ko ang pagsasalaysay ng isang karanasan ng mga manggagawang nag-aambag ng kanilang pawis at pagsusumikap sa kanilang trabaho, na nagtataglay ng diwa ng "Anak Pawis." Ito'y nagbibigay diin sa hidwa o alitan sa pagitan ng mga manggagawa at kapitalista, isang tema na may kaugnayan sa konseptong Filipinolohiya ang dinamismo ng talino sa Lipunan. Nakakapagdulot ng sakit sa puso ang makita ang pagtutunggali ng mga manggagawa at kapitalista sa pelikula, na tila isang tinutuklas na realidad na kinakaharap din ng mga Pilipino. Ang ideolohiyang "Anak Pawis" ay naglalarawan ng mga taong nagtatrabaho nang may pagsusumikap at dedikasyon, ngunit kinakaharap ang paglaban para sa tamang pasahod at mga karapatan. Nakakalungkot isipin na sa ilalim ng anino ng kapitalismo, madalas na nagkakaroon ng hidwa sa pagitan ng mga manggagawa at negosyante. Ang pag-aaway sa kita at benepisyo ay nagreresulta sa tensyon at pagkakawatak-watak sa lipunan. Gayunpaman, sa likod ng mga ito, masasilayan pa rin ang tapang at pagsusumikap ng mga manggagawang ipinaglalaban ang kanilang karapatan. Sa akin, ito'y hindi lamang isang kwento ng pagtutol, kundi isang pagninilay-nilay sa kahalagahan ng pagkakaisa. Sa gitna ng paglaban, maaaring matuklasan ang diwa ng bayanihan at pakikipagtulungan. Ang "Anak Pawis" ay hindi dapat mawala sa kaisipan ng mga manggagawang Pilipino, sapagkat sa pagtutulungan, maari nating malabanan ang mga balakid. Sa konteksto ng konseptong Filipinolohiya, napagtatanto ko ang kahalagahan ng pag-unlad ng sariling kultura at pagmamahal sa kapwa. Ang "Cart" ay nagpapakita na Republic of the Philippines POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES Office of the Vice President for Academic Affairs College of Business Administration