Docsity
Docsity

Prepare for your exams
Prepare for your exams

Study with the several resources on Docsity


Earn points to download
Earn points to download

Earn points by helping other students or get them with a premium plan


Guidelines and tips
Guidelines and tips

it's about 20 characters, Summaries of Law

this has many lesson that you can get and you can learned from the script of doing the role play of drugs prevention and many people should realize that drugs will destroy everything they had. and many people should avoid it, they should control theirselves, and drugs cannot solve problems but it can destroy your life not just by bsjsysjsoshsbakajgsowjbbabsjosojsnsnnsbsbsbsjgsowjebebhsjejjkgifgjkjfipueyidsfjkjderiol ggkfa jdpitdhkktfgjkyriplhrfnktsdjkfwtklurrgjkydgpotqdkirgiuflivydtdllysifigljditsydlslluslidylfufluflskvkgk m m kvhxk jfhclgtskbhdyfkhipigysgkg jchdtjhxljfulrkydjgasklludtqjtslhdururlyeitakcjgigjfkh csurljfluusisuslhdpudoydoyddljfoyfjcludjfydljdyfjvvvudirafydgdkydkydyodludludludjlfluflyfiyfkhuoygluidyfluufljflufotwgkldditdtlhdloyoyhcdhokdxldgisixcholcjldittsydysiuardoouruftssiiljragjtsduulisulkdksoysykiyoyoyykykuurikflhcfurskgftv jvfjdydkhuygbbbbjd jxfirtilgktaljgdiylufoydludlufuldiydufigigigudsdjiteidtoysfjkjhgffhkdfjkgkjfdudufhlirsygggfiydtthl gstfjliyshlifduhh

Typology: Summaries

2021/2022

Uploaded on 05/22/2023

loyla-langit
loyla-langit 🇵🇭

1 document

Partial preview of the text

Download it's about 20 characters and more Summaries Law in PDF only on Docsity! Script in NSTP ROLE PLAY: Unang Kabanata: Sa isang bayan sa bukid na nag nga-ngalang Sitio Palarao may isang buong pamilya ang nakatira, isa ang pamilya nila sa kilalang pamilya sa kanilang lugar, kilala sila hindi dahil sa sila ay mayaman, kundi kilala sila dahil sa kanilang kabaitan sa kapwa nila tao, at may busilak na puso ang bawat isa sa kanila. Ang pamilya na ito ay nag sisimula sa pangalang: NANAY AT TATAY: (Tatay) Mang Berto (Alkhader Barahim) (Nanay) Aling Clara (Loyla Langit) MGA ANAK: (Anak) Kuya Mikoy (Tdazmahal Bari) (Anak) Ate Maya (Asmira Akmad) (Anak) Kuya Sanjo (Nurdima Andas) (Anak) Bunso Ikay (Mahasina Abdurasid) Nakalipas ang isang linggo, ang Bayan ng Sitio Palarao ay mag kakaroon ng selebrayson na Fiesta, sa kanilang bayan lahat ng tao ay pupunta at makikidalo, at may iba’t-ibang paligsahan ang magaganap at iba pang kasiyahan. (Habang nag-lalaro sa court na malapit sa kanilang simpleng tirahan, tumakbo si Ikay papunta sa kanilang bahay. Ikay: *tumakbo* INAAAY! ITAAAY! Aling Clara: Oh Anak, bakit ano ang nangyari? Mang Berto: Bakit pawis ka? Ikay: Magkakaroon po ng Fiesta bukas, dadalo po ba tayo sa bayan? Mang Berto: Jusko Anak! Akala ko kung ano. Aling Clara: Ikay talaga naman oh! Oo, naman anak. Ikay: YEHEEEEY! (napatalon sa tuwa si Ikay) Mang Berto: Oh siya, papasok muna ako sa opisina at paniguradong pag-uusapan na naming ang tungkol sa Barangay Hall ang Fiesta na magaganap bukas. Oh Ikay, sa bahay kana muna para may kasama ang nanay mo, uuwi na rin yun ang mga kapatid mo. Aling Clara: O sige, mag iingat ka mahal. Ikay: Opo Tatay, excited na akong sina Kuya Sanjo, Kuya Mikoy At Ate Maya. Pagka-alis ng tatay na si Mang Berto, dumating na ang tatlo pa nilang anak na galing sa eskwelahan, sina Mikoy, Sanjo at Maya. Ika-dalawang kabanata: Ang kanilang tatay na si Mang Berto ay kilala bilang isang sikat at napakabait na Barangay Chairman sa kanilang lugar, maraming kaso na ang naging malinis, at napabuti ang kanilang bayan laban sa DROGA. Kaya ang mga tao sa bayan ng Palarao ay nagpapasalamat dahil sa may Lider sila na sobrang mag-mahal hindi lang sa pamilya kundi pati na rin sa bayan. *(Selebrasyon ng Fiesta)* Nag-simula na ang Fiesta sa kanilang bayan, maraming tao ang dumalo, wala kang makikita na gulo, ang makikita mo lamang ay puro mga tao na punong puno ng saya, tawanan. (Matapos ang selebrasyon ng Fiesta, ay nagsi uwian na rin ang mga tao sa kani kanilang tahanan, at ang lahat ay umuwi ng walang halong lunkot, kundi puro saya ang dala.) Nauna ng umuwi sina Aling Clara at ang kaniyang mga anak, ngunit nagpa iwan muna si Mang Berto dahil may pupuntahan pa daw muna ito. Mang Berto: Mahal, mauna na kayong umuwi, dahil may pupuntahan pa kami na importante, ako’y uuwi din agad-agad. Aling Clara: Sige mahal, mag iingat ka, hihintayin ng mga anak mo sa bahay, at tayo ay sabay sabay ng kakain ng dinner. Mang Berto: Sige mahal, mga anak ma uuna na ako, mag iingat kayo. Ikay: Opo Tatay! Sanjo: Mag-iingat ka Tay! Mikoy: Sige po Tay! Maya: Opo Tay, mag-iingat ka po sa daan. *naglalakad pauwi si Mang Berto* At ng nakauwi na siya ng bahay, agad ng kinausap niya ang kaniyang asawa sa hinaharap ng kanilang lugar dahil sa droga. Aling Clara: Oh mahal, ayos kalang ba? Mang Berto: Nag-aalala ako sa sitwasyon ng ating lugar, pati narin sa ating pamilya. Aling Clara: Bakit ano ba ang problema mahal? Mang Berto: Napag usapan naming kanina sa opisina at may inireport ang mga tao ditto sa lugar natin na kumkalat nanaman ang ipinagbabawal na gamut. Aling Clara: Jusko mahal! Maya: Oh, Nay, Tay! Mano po. (nag si mano ag kanilang mga anak na kakauwi galing eskwelahan, ngunit ang kuya Sanjo nila lamang ang wala.) Mang Berto: Pag palain ka ng Diyos anak. Wala nanaman ang kuya mo? Mikoy: Hindi na naming nakita mula kaninang umaga tay. Ikay: Ate Maya! Kuya Mikoy! *NGUMITI* Dito ay nagtataka at nag aalala na ang mag asawang Aling Clara at Mang Berto sa kanilang anak na si Sanjo, na tila ba nag iba na ang kilos ng anak. Halos pumayat na ito at pa iba iba na ang ugali. At hindi parin nakakabalik ng bahay simula ng nagpaalam na pumunta sa eskwelahan ay hindi na ito nakabalik, at mag-gagabi na. MAKALIPAS ANG ISANG BUWAN. Marami na ang nangyari sa Bayan ng Palarao. Ang dati ay, walang ingay na maririnig, puro ingay sa kasiyahan lamang. Ngayon puro ingay na ng mga nahuhuling Addict, at nalulong na mga kabataan dahil sa droga. Halos araw-araw may namamatay, pa matanda man ito at mga kabataan. Halos araw-araw may nahuhuli na gumagamit na droga mismo sa kani-kanilang tahanan. At marami ng pamilya ang uti-unting nasisira, nagkaka watak-watak dahil sa droga. Pati na rin si Sanjo, simula noong nagpaalam na pupunta ng eskwelahan hindi na nakabalik ng bahay, at labis ang pangungulila at pag aalala ng pamilya nina Aling Clara at Mang Berto. (At patuloy parin ang kanilang pag hahanap sa kanilang anak na si Sanjo.) Isang araw…… Araw ng, April 29, 2023 kaarawan ni Mang Berto, ang kaniyang buong pamilya ay nag sidalo sa kanilang bahay upang ipagdiwang ang kaniyang kaarawan. Ngunit, hindi gaano masaya si Mang Berto dahil humigit isang buwan itong hindi nakikita ang kaniyang anak na si Sanjo, at ang taning hiling niya lamang sa kaniyang kaarabwan ay makita at mayakap niya na muli ang kaniyang mahal na anak. (Matapos ang selebrasyon sa kaniyang kaarawan.) May biglang tumawag na pulis at may ibinalita sa kaniya na may report na sa kaniyang nawawalang anak na si Sanjo. Pulis Ramon: Maganda hapon po Chairman. Ako po si Pulis Ramon Magsantos (Rhedana Baslani) Pulis 2 (Alkasim Abdulkadil) may report na po kami sa inyong anak na si Sanjo. Ngunit hindi po ito magandang balita……… Habang magkausap sina Mang Berto at Pulis Ramon Magsantos, tila nag iba ang reaksyon ni Mang Berto dahil sa kaniyang narinig at nalaman na masamang balita sa kaniyang anak na si Sanjo, at bigla naman nagtaka ang kaniyang asawa na si Aling Clara at ang mga anak nito ng makitang umiiyak ang kanilang tatay at asawa. Ikay: Tatay, ano po ang nangyayari? Aling Clara: Mahal, bakit? Ano ang nangyari? Mikoy at Maya: Taaaay! *UMIIYAK* Pagkatapos ng tawag, habang tulog si Ikay, agad ng sinabi ni Mang Berto sa kaniyang asawa at mga anak ang totoong nangyari, at kondisyon ni Sanjo ngayon. Hindi nila inakalang na ganoon na pala ang sinapit at pinaggagawa ni Sanjo. Si Sanjo ngayon ay buhay pa, ngunit isa ng Addict, ayon sa report at imbestigasyon ng mga pulis, nalulong na sa droga si Sanjo, nakatira na ito sa isang kilalang sindikato at nagbebenta ng droga. Ayon sa mga pulis halos hindi nila na makilala g lubusan si Sanjo dahil sa lulong na ito sa droga. Ng malaman nila ang balita, napahagulgol sa iyak ang mag asawang sina Aling Clara at Mang Berto pati narin ang dalawa nilang anak na si Maya at Mikoy. (………………………) Napag desisyonan ni Mang Berto at ang kaniyang asawa na humingi ng tulong sa mga pulis na tulungan ang anak nila na si Sanjo, hulihin ito pero huwag patayin. Sang-ayon naman ang pulis, at nagpapasalamat si Mang Berto na tutulungan siya ng mga ka pulisan upang sagipin ang anak sa madilim nitong sitwasyon. Makalipas ang dalawang linggo…… Sa araw na ito ay magaganap ang pag punta ni Mang Berto at mga kapulisan sa mismong hide-out ng kaniyang anak. Ngunit bago sila umalis nakiusap ang tatay ni Sanjo na si Mang Berto na kung mahuli man ang anak niyang si Sanjo huwag ito paputukan ng baril patayin, pakiusap niya na buhayin ang anak dahil naniniwala siya na may pag-asa pang mag bago at bumalik sa katinuan ang anak. Sang-ayon naman ang mga kapulisan. *Tumawag si Mang Berto sa asawa niya na si Aling Clara.* Mang Berto: Mahal? Aling Clara: Mahal? Saan ka? Mang Berto: Pangako ko sa’yo mahal pagkatapos ng aking misyon. Uuwi at babalik ako na kasama kong buhay si Sanjo. Ang anak natin. Mag iingat kayo dyaan. *pinatay ang telepono* Aling Clara: Mahaaaaal! (Labis ang pag aalala nina Aling Clara at ang mga anak nito.) (Bago pumunta ito para makita at iligtas ang anak na si Sanjo, nag dasal muna si Mang Berto na gabayan sa tatahakin nitong misyon para sa anak.) Pulis Ramon Magsantos: Chairman, tara na po! Habang sa byahe, nangangamba si Mang Berto sa kung anong pwedeng manyari, ngunit pinagdadsal niya sana makita at madadala niyang buhay ang kaniyang anak na si Sanjo. Kampante rin siya dahil mga mabubuting pulis rin ang kaniyang kasama sa operasyon. Ilang minuto ang nakalipas, nakarating na sila sa mismong hide-out na kung saan si Sanjo. Nagulat si Mang Berto at napaiyak ito ng makita na niya ang kaniyang anak. Sanjo: *gumagamit ng droga pati ng mga iba pa niyang kasama.* (Kausar Isnang, Nur-aini Sali, Per-auna Said, Tadzmahal Bari.) Mang Berto: Anak! Sanjo! Anak! Sanjo: Tayyyy! Sanjo: Ano po ang ginagawa niyo dito? Mang Berto: Kukunin na kita, anak sumama kana saakin.
Docsity logo



Copyright © 2024 Ladybird Srl - Via Leonardo da Vinci 16, 10126, Torino, Italy - VAT 10816460017 - All rights reserved