Download it's about a book or a story i wanted to write but can't and more Study Guides, Projects, Research English in PDF only on Docsity! Simula Simula âWalanghiya ka talaga!â I felt something hit my head. Lumingon ako sa likuran at sinalubong ang namumulang mata ng aking ina. Bumaba ang tingin ko sa aking paanan at nakita doon ang basong binato niya sa akin. Muli ay tumingin ako sa kanya at bumuntong hininga. âHindi nga po ako ang kumuha ng pera niyo. Wala akong alam sa sinasabi niyo.â Mas lalong nagalit ang kanyang mukha. Mabilis ang naging paghakbang nito papalapit sa akin. Akmang sasampalin ako nito nang agad akong nakaiwas. Umatras ako palayo sa ina at umupo sa sahig malayo sa kanya. Nanatili itong nakatayo sa kanina kong pwesto. Nanginginig at galit na galit. Cristina Bernardo, my mother, being abusive wasnât new to me at all. Hindi ko alam kong tama bang sabihin ngunit nakasanayan ko na ang mga ito. Mula nang magkaisip ako at hanggang ngayon ay wala siyang pinagbago. Hindi na rin bago sa akin ang pagbibintang niya sa mga nawawalang gamit at pera. Mas pinagkakatiwalaan niya pa ang mga lalaking inuuwi niya sa bahay kaysa sa akin na anak niya. âHuwag ka ng magsinungaling, Julia. Ibalik mo na ang pera ng mama mo.â Rodel, my motherâs boyfriend, spoke. Nandidiri kong siyang tinignan. Mula sa paa niyang maitimâpapunta sa katawan niyang puro tattoo hanggang sa ulo niyang kalbo. His whole being disgusted me. Halatang pinatulan ang nanay ko dahil sa benipisyong nakukuha mula sa namayapa kong ama. Hindi pa sapat sakanila na binaboy nila ang bahay kaya pati pera na iniwan sa akin ni Papa para sa pag-aaral ko ay ninakaw nila. Napansin ni Rodel ang nanlilisik kong mata kaya dinutdot nito ang noo ko gamit ang kanyang hintuturo. âHuwag mo âkong tinitignan ng masama kung ayaw mong makatikim saâkin.â Iniwas ko ang ulo sakanya. Ngumisi lang ito at tinignan ako ng nakakaloko. My blood boiled in anger. Huwag niya din akong sasagadin dahil baka mapatulan ko na talaga siya. âAno, Julia? Hindi ka talaga aamin?!â muling nagsalita si Mama. Tumayo ako sa kinauupuan at tinignan siya. âWala nga po akong ninanakââ hindi ko na nagawang tapusin ang sasabihin ko nang malakas niya akong sinampal. Naramdaman ko ang pag-init ng aking pisnge habang nagngingilid ang luha sa aking mata. I hate you. Dahan-dahan ay inangat ko ang aking ulo nang walang bahid ng luha. Hinding-hindi ako iiyak. Wala akong ninakaw kaya wala ako dapat ikatakot. âWala akong ninakaw.â Matigas na sabi ko. Sampal niya muli ang sumalubong sa akin. Mas masakit. Mas malakas. I hate you so much. Inangat kong muli ang aking ulo at matapang na sinalubong ang kanyang tingin. Mas lalo siyang nagalit sa ginawa ko. Akmang sasampalin na naman ako nito nang may pumigil sa kanya. âCRISTINA!â sigaw ni Tita Cora habang hawak hawak ang kamay ng aking ina. Nagpumiglas si Mama hanggang sa mabawi ang kamay sa kanyang kapatid. âHuwag kang makielam dito, Cora! Husto na ang pagtitimpi ko sa bata na âyan!â dinuro ako ni Mama. Agad hinarang ni Tita Cora ang katawan niya sa akin upang salagan ang maaari pang gawin ni Mama. âWala ka pa ring karapatang saktan siya! Anak mo siya!â ani ng tiyahin. Nakita kong ang pag iling ni Mama sa mga sinambit ni Tita Cora. Kitang-kita ang pagkadisgusto sa kanyang mukha. âWala akong anak na magnanakaw!â bulyaw ni Mama. Tumingin sa akin si Tita Cora nang may nangungusap na mata. Umiling ako sakanya upang sabihin na hindi ko âyon magagawa.