Download johndreyCARLOARAO MANY and more Study notes Computer science in PDF only on Docsity! JUNE 27, 2018 After Duterteās āstupid Godā remark, Tagle asks Catholics to be fools for Christ Bordadora, Norman Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle on Wednesday asked Filipino Catholics to "be at peace" amid the uproar generated by President Rodrigo Duterte's recent remarks on a "stupid God" and doubts over Christian doctrine. Tagle added that while addressing questions on God and his ways was important, Filipinos should not be distracted from pressing issues such violence, various addictions, crime, among others. "Celebrate the faith! Fill up the churches! Sing loudly at mass. Pray fervently. Serve joyfully. Tell the world of God's love for you," Tagle said in a statement while quoting from an exhortation from Pope Francis. "Be fools for Christ. Be at peace. God is the Savior. We do not need to save God. It is God who will save us," he added. āNB, GMA News Mula sa Epiko ni Gilgamesh salin sa Ingles ni N.K. Sandars saling-buod sa Filipino ni Cristina S. Chioco Mga Tauhan: Anu - Diyos ng kalangitan; ang Diyos Ama Ea - Diyos ng karunungan; kaibigan ng mga tao Enkido - Kaibigan ni Gilgamesh; matapang na tao na nilikha mula sa luwad Enlil - Diyos ng hangin at ng mundo Gilgamesh - Hari ng Uruk at ang bayani ng epiko Ishtar - Diyosa ng pag-ibig at digmaan; ang reyna ng mundo Ninurta - Diyos ng digmaan at pag-aalitan Shamash - Diyos na may kaugnayan sa araw at sa mga batas ng tao Siduri - Diyosa ng alak at mga inumin Urshanabi - Mamamangkang naglalakbay araw-araw sa dagat ng kamatayan patungo sa tahanan ng Utnapishtim Utnapishtim - Iniligtas ng mga diyos mula sa malaking baha upang sirain ang mga tao; binigyan ng mga diyos ng buhay na walang hanggan. 1. Nagsimula ang epiko sa pagpapakilala kay Gilgamesh, ang hari ng lungsod ng Uruk, na ang dalawang katlo ng pagkatao ay diyos at ang sangkatlo ay tao. Matipuno, matapang, at makapangyarihan. Ngunit mayabang siya at abusado sa kaniyang kapangyarihan. Dahil sa kaniyang pang-aabuso, patuloy na nananalangin ang kaniyang mga nasasakupan na nawaāy makalaya sila sa kaniya. 2. Tinugon ng diyos ang kanilang dasal. Nagpadala ito ng isang taong kasinlakas ni Gilgamesh, si Enkido, na lumaking kasama ng mga hayop sa kagubatan. Nagpang-amok ang dalawa nang sila ay magkita. Nanalo si Gilgamesh. Ngunit sa bandang huli ay naging matalik na magkaibigan sila. Di naglaon ay naging kasa-kasama na ni Gilgamesh si Enkido sa kaniyang mga pakikipaglaban. Una, pinatay nila si Humbaba, ang demonyong nagbabantay sa kagubatan ng Cedar. Pinatag nila ang kagubatan. Nang tangkain nilang siraan ang diyosang si Ishtar, na nagpahayag ng pagnanasa kay Gilgamesh, ipinadala nito ang toro ng Kalangitan upang wasakin ang kalupaang pinatag nila bilang parusa. Nagapi nina Gilgamesh at Enkido ang toro. Hindi pinahintulutan ng mga diyos ang kanilang kawalan ng paggalang kaya itinakda nilang dapat mamatay ang isa sa kanila, at iyon ay si Enkido na namatay sa matinding karamdaman. 3. Habang nakaratay si Enkido dahil sa matinding karamdaman, sa sama ng loob ay nasabi niya sa kaniyang kaibigan ang ganito: āAko ang pumutol sa punong Cedar, ako ang nagpatag ng kagubatan, ako ang nakapatay kay Humbaba, at ngayon, tingnan mo kung ano ang nangyari sa akin. Makinig ka kaibigan, nanaginip ako noong isang gabi. Nagngangalit ang kalangitan at sinagot ito ng galit din ng sangkalupaan. Sa pagitan ng dalawang ito ay nakatayo ako at sa harap ng isang taong ibon. Malungkot ang kaniyang mukha, at sinabi niya sa akin ang kaniyang layon. Mukha siyang bampira, ang kaniyang mga paa ay parang sa leon, ang kaniyang mga kamay ay kasintalim ng kuko ng agila. Sinunggaban niya ako, sinabunutan, at kinubabawan kaya ako ay nabuwal. Pagkatapos ay ginawa niyang pakpak ang aking mga kamay. Humarap siya sa akin at inilayo sa palasyo ni Irkalla, ang Reyna ng Kadiliman, patungo sa bahay na ang sinumang mapunta roon ay hindi na makababalik 4. Sa bahay kung saan ang mga tao ay nakaupo sa kadiliman, alikabok ang kanilang kinakain at luad ang kanilang karne. Ang damit nilaāy parang mga ibon na ang pakpak ang tumatakip sa kanilang katawan, hindi sila nakakikita ng liwanag, kundi pawang kadiliman. Pumasok ako sa bahay na maalikabok, at nakita ko ang dating mga hari ng sandaigdigan na inalisan ng korona habang buhay, mga makapangyarihan, mga prinsipeng naghari sa mga nagdaang panahon. Sila na minsaāy naging mga diyos tulad nina Anu at Enlil ay mga alipin ngayon na tagadala na lamang ng mga karne at tagasalok ng tubig sa bahay na maalikabok. Naroon din ang mga nakatataas na pari at ang kanilang mga sakristan. May mga tagapagsilbi sa templo, at nandun si Etana, ang hari ng Kish, na minsaāy inilipad ng agila sa kalangitan. Nakita ko rin si Samugan, ang hari ng mga tupa, naroon din si Ereshkigal, ang Reyna ng Kalaliman, at si Belit-Sheri na nakayuko sa harapan niya, ang tagatala ng mga diyos at tagapag-ingat ng aklat ng mga patay. Kinuha niya ang talaan, tumingin sa akin at nagtanong: āSino ang nagdala sa iyo rito?