Download Kom Pan G11 Q1 Reviewers and more Study notes History in PDF only on Docsity! Wika - isang sistema ng mga sagisag na binubuo ng mga tunog o kaya ay mga pasulat na letra. pinakamahalagang sangkap at ugnayan sa pakikipagkapwa-tao. ay nagsimula sa salitang <lengua” na ang literal na kahulugan ay dila at wika. Manuel L. Quezon - Ama ng Wikang Pambansa Gleason (1986) - masistemang balangkas, sinasalitang tunog, isinisiayos sa paraant ng arbitraryo Finnocchiaro (1964) - nagbibigay pahintulot sa mga taong may kultura Sturtevant (1968) - mga simbolong arbitraryo ng mga tunog para sa komunikasyong pantao. Hill (1976) - pangunahin at pinakaelaboreyt na anyo ng simbolikong pantao. Brown (1980) - masasabing sistematiko. Bouman (1990) - mga berbal at biswal na signal Webster (1990) - kalipunan ng mga salitang ginagamit at naiintindihan ng isang maituturing na komunidad. Wikang Pambansa - wikang ginagamit ng isang bansa, - kailangang nasa estado ng pagiging lingua franca Wikang Opisyal - wikang ginagamit sa gobyerno at mahahalagang gamit Wikang Panturo - wika na ginagamit sa loob ng paaralan. Lingguwistikong komunidad - wikang ginagamit sa loob ng komunidad, sosyolingguwistiks na tumutukoy sa isang grupong ng mga taong gumagamit sa iisang uri ng barayti ng wika PANAHON NG ESPANYOL • Miguel Lopez De Legaspi (1565) - kauna-unahang Espanyol na gobernador-heneral sa Pilipinas. • Villalobos - nagbigay ng ngalang Felipinas bilang parangal sa Haring Felipe II • Kristiyanismo - Itinuro sa mga katutubo upang maging sibilisado ang mga ito. • Sa panahong ding ito napalitan ang <alibata= ng alpabetong Romano na binubuo ng 29 na titik. • Ang mga prayle ay nagsulat ng mga diksyunaryo at aklat-panggramatika, katekismo at mga • kumpensyonal para mas mapabilis ang pagkatuto nila ng katutubong wika. • Sa panahong ito sumibol ang mga Propagandista. PANAHON NG AMERIKANO • napalitan ng Ingles ang Espanyol bilang wikang opisyal. • Dumami ang natutong bumasa at magsulat sa wikang Ingles dahil ito ang naging wikang panturo sa rekomendasyon ni Komisyong Schurman noong Marso 4, 1899 habang pantulong naman ang wikang rehiyonal. • Marso 24, 1934 - pinagtibay ni Franklin Roosevelt ang Batas Tydings McDuffie PANAHON NG KOMONWELT/MALASARILING PAMAHALAAN • may puwang na sa pamahalaan ang pagtukoy ng wikang pambansa. • Ditto nabuo ang Surian ng Wikang Pambansa (SWP) [ Batas Komonwelt Blg. 184. ] • ipinasok na sa mga kurikulum ang pagtuturo ng wikang pambansa. PANAHON NG HAPON • 1942 - lumunsad sa dalampasigan ng Pilipinas ang mga Hapon at nabuo ang grupong <purista= • Purista - nagnanais na gawing Tagalog na mismo ang maging wikang pambansa • Prof. Leopoldo Yabes – ayon sa kanya, pangangasiwa ng Hapon ang nag-utos na baguhin ang probisyon sa konstitusyon • Niponggo at Tagalog ang naging opisyal na mga wika. • Sa panahong ito namulaklak ang Panitikang Tagalog 1987- KASALUKUYAN • Enero 30, 1987 - Ipinailalim ang Surian ng Wikang Pambansa sa Kagawaran ng Edukasyon, Kultura, at Isports. • Marso 19, 1990, Kautusang Pangkagawaran Blg. 21, - pinalabas ni Kalihim Isidro Cariño na gamitin ang Filipino sapagbigkas ng panunumpa sa katapatan • Agosto 14, 1991, Republic Act Blg. 7104 - nilagdaan ni Pangulong Corazon Aquino BATAS SA PAGPAPAUNLAD NG WIKANG PAMBANSA Seksyon 3, Artikulo 14, Saligang Batas (1935) - Hanggang walang itinatakda ang batas, ang ingles at kastila ay patuloy na mga wikang opisyal. Batas Komonwelt Blg.184 (1936) - Ang pagtatakda ng lupon, kapangyarihan at tungkulin tungo sa pagbuo ng wikang pambansa batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika sa bansa. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 (1937) – Tagalog maging batayan ng wikang pambansa Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263 (Abril 1, 1940)- Pagtuturo ng wikang pambansa na batay sa tagalog sa paaralan Batas ng Komonwelt Blg. 570- wikang opisyal ang Tagalog simula Hulyo 4, 1946. Proklamasyon Blg. 12- Ipinalabas noong Marso 26, 1954 ni Pangulong.Ramon Magsaysay ang pagkakaroon ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika mula Marso 29- Abril 4 Saligang-Batas ng 1987, Artikulo XIV(14), Seksyon 6- Itinalaga na Filipino ang wikang pambansa Sa Panahon ng Pangulong Quezon – Tagalog Sa Panahon ni Kalihim Romero – Pilipino Sa Panahon ng Pangulong Aquino – Filipino Homogenous na Wika - salitang Griyego na "homo" = pareho , "genos" = uri o yari pagkakatulad ng mga salita. Heterogenous na WIka - ay tumutukoy sa pagkakaiba-iba ng wikang ginagamit Barayting pansamantala; Register - barayting bunga ng sitwasyon at disiplina Istilo - barayting batay sa bilang at katangian ng kinakausap Midyum - barayting batay sa pamamaraang gamit sa komunikasyon, maaaring pasalita o pasulat BARAYTI NG WIKA Dayalekto - barayti ng wika na ginagamit ng partikular na pangkat ng mga tao. Idyolek - barayting kaugnay ng personal na kakanyahan ng bawat indibiduwal Sosyolek- barayti ng wikang nakabatay sa katayuan o antas panlipunan o dimensyong sosyal ng mga taong gumagamit ng wika. Etnolek- nagmula sa etniko Ekolek- tawag sa mga salitang ginagamit sa tahanan Unang Wika - tinatawag na mother tongue, wikang katutubo na kinagisnan at natamo mula sa pagkasilang Pangalawang Wika - wikang natutunan sa paaralan o sa pakikipag-ugnayan sa ibang tao Reperensiya - kohesiyong gramatikal na tumutukoy sa mga panandang salita na gumamit panghalip Uri ng Kohesyong Gramatik al na Patungkol/Reperensiya: Anapora - ginagamit sa hulihan Katapora - ginagamit sa unahan Ellipsis - tumutukoy sa pagtitipid o pagbabawas sa pagpapahayag. Halliday (1973) – <Explorations in the Functions of Language = tungkuling ginagampanan ng wika sa ating buhay ay kinakategorya. GAMIT NG WIKA ni M.A.K. Halliday (1973) 1. Interaksyonal - pagtatatag at pagpapanatili ng relasyong sosyal sa kapwa tao. 2. Instrumental - pagtugon sa mga pangangailangan, o pag uutos 3. Regulatori - pagkontrol o paggabay sa kilos o asal ng ibang tao. 4. Personal - pagpapahayag ng sariling damdamin o opinyon 5. Imahinatibo - pagpapahayag ng imahinasyon sa malikhaing paraan. 6. Heuristik - paghahanap o paghihingi ng impormasyon 7. Representatibo/Impormitbo- pag-uulat, pagpapaliwanag ng pagkakaugnay-ugnay ng mga bagay, pagpapahayag ng hinuha