Docsity
Docsity

Prepare for your exams
Prepare for your exams

Study with the several resources on Docsity


Earn points to download
Earn points to download

Earn points by helping other students or get them with a premium plan


Guidelines and tips
Guidelines and tips

Komunikasyon at Pananaliksik, Lecture notes of English

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

Typology: Lecture notes

2019/2020
On special offer
30 Points
Discount

Limited-time offer


Uploaded on 10/12/2021

ferds-mangindla
ferds-mangindla 🇵🇭

4.5

(4)

2 documents

Partial preview of the text

Download Komunikasyon at Pananaliksik and more Lecture notes English in PDF only on Docsity! Senior High School Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Ikalawang Kuwarter — Modyul 3 Ang Rehistro at Iba’t bang Barayti ng Wika a* en eens ere stone IN Kagawaran ng Edukasyon ° Republika ng Pilipinas Komunikasyon at Pananaliksik Tungo sa Wika at Kulturang Pilipino Alternative Delivery Mode Ikalawang Kwarter — Modyul: Ang Rehistro at Iba't lbang Barayti ng Wika Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman. Kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya 0 tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak 0 trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atop.) na nagamit sa aklat na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsusumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Allain Del B. Pascua Mga Bumubuo ng Modyul para mga Mag-aaral Manunulat:Piolen C. Petalver, Maria Concepcion A. Macalaguing, Dulce Amor S. Loquias, Celena J. Cabato Tagasuri ng Nilalaman: Dolores A.Tacbas Tagasuri ng Lengguwahe: Desiree E. Mesias Tagasuri: Sheryl A. Resgonia Tagabalibasa: Desiree E. Mesias Mga Tagaguhit: Mary Jane P. Fabre, Ulysses C. Balasabas Naglayout: Mary Jane P. Fabre Mga Tagapamahala: Sally S. Aguilar, PhD, EPS | Pangulo: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III Panrehiyong Direktor Pangalawang Pangulo: Dr. Victor G. De Gracia Jr. CESO V Pangalawang Panrehiyong Direktor Jonathan S. dela Pefia, PhD, CESO V Tagapamanihala Rowena H. Para-on, PhD Pangalawang Tagapamanihala Mala Epra B. Magnaong, Chief ES, CLMD Miyembro: Neil A. Improgo, PhD, EPS-LRMS; Bienvenido U. Tagolimot, Jr., PhD, EPS-ADM; Erlinda G. Dael, PhD, CID Chief, Sally S. Aguilar,PhD, EPS Filipino; Celieto B. Magsayo, LRMS Manager, Loucile L. Paclar, Librarian II; Kim Eric G. Lubguban, PDO II Inilimbag sa Pilipinas Kagawaran ng Edukasyon - Sangay ng Misamis Oriental Office Address: Don Apolinar Velez Street, Cagayan de Oro City, 9000 Telephone Nos: (088) 881-3094 | Text: 0917-8992245 E-mail Address: misamis.oriental@deped.gov.ph &) ALAMIN Panimulang Ideya Binabati kita dahilmatagumpay mongnatapos ang mga naunang aralin! Ngayon ay mashahamunin naman kayo sa araling ito ang inyong mga kakayahan at kaalaman tungkol sa wika. Ang wika man ay namamatay o nawawala rin. Mangyayari ito kung hindi na ginagamit at nawala na ang pangangailangan dito ng linggwistikang komunidad na dating gumagamit nito. May iilang salitang Filipino na patay na o unti-unti ng nawawala dahil hindi na nagagamit, tulad ng perang nawala na sa sirkulasyon kaya’t nakalimutan na ng mga tao. Paano kaya maiiwasang mamatay ang wika? Ayon kina Paz, Hernandez at Peneyra (2003), hindi mamamatay ang isang wika hangga’t may mga gumagamit pa rin ng mga ito bilang kanilang unang wika habang ginagamit pa sa pamilya, sa pang-araw-araw na gawain at sa pakikipaghalubilo sa kapwa. Alam mo bang mahalaga ang ginagampanang papel ng wika sa buhay ng tao? Ngunit dahil lagina natin itong ginagamit, hindi natin gaanong naoobserbahan ang tungkulin nito.Natural na lamang sa atin ito tulad ng ating paghinga at paglakad. Sa araling ito, ang iyong kaalaman at pagkamalikhain ay hihimukin. Ang dating kaalaman ay maiuugnay mo rin dito. Pati na rin ang karanasang pansarili ay maari mong pagkunan ng iyong mga kasagutan. Tutulungan kang muli ng mga inihandang gawain. Alam kong makakaya mong sagutin ito. Kaya mo to! Handaka na ba? Simulan mo na. gr eT ar F y MODYUL 34 x OS we MNO 2 Ang Rehistro ng Wika — SKQ— Pangkalahatang Ideya Sa modyul na ito, tatalakayin ang kahalagahan ng wika bilang instrumento ng komunikasyon. Ang mga kasanayang matututunan dito ay makatutulong nang malaki upang ihanda ka sa mga gawaing may kinalaman sa pagkakaroon ng mabungang interaksyon. Nilalaman ng Modyul Mahalagang matutunan mo bilang mag-aaral ang register at iba’t ibang barayti ng wika. Makatutulong ito sa iyo upang madagdagan ang iyong karanasan, kaalaman, at kamulatan sa mga kaalamang pandaigdig nang sa gayo'y mapakinabangan ito ng iyong komunidad at lipunan. Mga Layunin Sa modyul na ito, inaasahang sa katapusan ng araling ito ay matatamo mo ang sumusunod na kasanayang pampagkatuto: 1. Natutukoy ang iba’t ibang register barayti ng wika na ginagamit sa iba’t ibang sitwasyon (Halimbawa: Medisina, Abogasya, Media, Social Media, Enhinyerya, Negosyo, at iba pa) sa pamamagitan ng pagtatala ng mga terminong ginamit sa mga larangang ito. ( F11WG - Ile - 87 ) 2. Nakasusulat ng mga tekstong nagpapakita ng mga kalagayang pangwika sa kulturang Pilipino. ( F11PU — Ilc - 87) af PANGKALAHATANG PANUTO Ang disenyo ng Modyul para sa paglinang sa kasanayang pampagkatuto ay binubuo ng yugto ng pagkatuto, tampok dito ang tuklasin na magbibigay ng maikling pagsasanay kaugnay sa paksa sa bawat aralin at sa kasanayang pampagkatuto na dapat malinang. Matutunghayan naman sa bahaging suriin ang mga konseptong pangwika. Makikita naman sa bahaging pagyamanin ang mga mahahalagang kaisipan na napapaloob sa konseptong pangwika na lilinangin sa aralin. Tinatasa sa isagawa na bahagi kung natamo ba ang mga kasanayang pampagkatuto sa bawat aralin at kung sapat na ang mga kaalamang natutunan ng mga mag-aaral. Kabilang dito ang ilang gawaing magpapaigting sa mga natutunan sa araling tinalakay. Malaki ang maitutulong sa iyo ng modyul na ito. Higit na maayos at kapaki-pakinabang ang pag-aaral kung susundin mo ang mga panuto o tuntunin sa paggamit sa aralin. 1. Sagutin mo nang maayos ang panimulang pagtataya na susukat sa iyong dating kaalaman. 2. lwasto ang mga sagot. Hingin mo ito sa iyong guro. Kung marami kang mali huwag kang mag-alala. Tutulungan kang linawin ito habang sinusuri mo ang paksa na nakapaloob dito. 3. Basahin at pag-aralang mabuti ang mga paksa. Isagawa mo ang mga kaugnay na gawain. Mababasa mo kung paano ito gagawin. 4. Sagutin mo ang pangwakas na pagtataya sa kabuuan kung “Gaano ka kahusay at kung paano mo inunawa ang bawat aralin?” kunin mong muli sa iyong guro ang susi ng pagwawasto. Maging matapat ka sa pagwawasto. 5. Kaibigan mo ang modyul na ito. Huwag mong sulatan at ingatang huwag masira. Gumamit ka ng hiwalay na sagutang papel o notbuk. 7.Ang sumusunod ay kabilang sa mga depenisyon ng 3 Dimensyon ng Register ng Wika maliban sa a)lto ay ang paraan kung paano isinasagawa ang komunikasyon, pasalita o pasulat b)Ito ay kadalansang ginagamit sa bahay at kadalasan na galing sa mga bata at matanda c)Para kanino ginagamit ang salitang ito? d)Ginagamit ang style sa pagtukoy sa rehistro 8.Saan kabilang ang Register ng Wika? a)Dayalek b)Barayti ng Wika c)Komunikasyond)Soysolek 9.Alin sa sumusunod ang depenisyon ng MODE? a)lto ay ang paraan kung paano isinasagawa ang komunikasyon, pasalita o pasulat b)Ito ay paraankung papaano isinasagawa ang komunikasyon, pasalitao pasulat. c)Ayon ito sa mga relasyon ng mga kalahok d)Ang ibig sabihin, tungkol ito sa paano at _kanino ginagamit ang salitang ito? 10.Ang salitang "TERM" ay nangangahulugan ng a)Pahayag b)Gaano kahaba ang termino o serbsiyo ng isang tao (ex. termino ng isang Vice President) c)lingguwistika d)Dalubhasa https://quizizz.com/admin/quiz/5dcbea1288a941001df07439/register-ng-wika Ang Register at Iba’t Ibang Barayti ng Wika Nakapaloob sa araling ito ang tungkol sa register at iba’t ibang barayti ng wika YUGTO NG PAGKATUTO EES — Sa puntong ito, subuking sagutin ang mga sumusunod na katanungan bilang paghahanda sa gawaing may kinalaman sa mga konseptong pangwika. A. TUKLASIN >) Ang pagkakaroon ng register at iba’t ibang barayti ng wika ay dulot ng pakikipag-ugnayan ng iba’t ibang pangkat ng mga tao sa loob ng iba’t ibang phenomenon. Dahilsa ugnayang ito, nalilinang ang wikang may pagkakaiba sa orihinal o istandard na pinagmulan nito. Kaya sa araling ito susubukin ang iyong kakayahan at kaalaman. Panuto:Sa pamamagitan ng larawang nakikita sa ibaba, magbigay ng _ sariling pagpapakahulugan ng salitang nakasulat. Isulat ang iyong sagotsa hiwalay na papel o notbuk. SAGOT: QQ. ty B.SURIIN Ang Register at Iba’t Ibang Barayti ng Wika Sa isang akademikong pagbasa, madalas tayong nakatatagpo ng mgasalitang sabiglang malas ay iba ang kahulugan o hindi akma ang pagkakagamit dahil sa kahulugang taglay nito. Dapat nating tandaan na maraming salita ang nagkakaiba-iba ng kahulugan ayon sa larangang pinaggamitan nito. Ito ay tinatawag naregister ng wika. Mga Halimbawa ng Register: » Mga salitang jejemon » Mga salitang binabaliktad » Mga salitang ginagamit sa teks » Mga salitang ginagamit ng mga iba’t ibang propesyon gaya ng mga doktor Mahalagang matukoy ang larangan kung saan ito ginamit upang hindi maipagkamali ang kahulugan ng salita at maging madali ang pag-unawa rito. May mga akronim tayo tulad ng CA na ang Kahulugan sa medisina ay cancer, calcium sa nutrisyon, Communication Arts sa Komunikasyon at Civil Aeronautics sa kursong Aeronotics , Chartered Accountant, Chief Account sa Accounting , Chronological Age, Coast Artillery at Consular Agent. Samantala, ang withdrawal ay maaaring mangangahulugang pag-atras 0 pagsuko sa larangan ng military, pagkuha ng salapi sa bangko(science) , pagtigil o pagpigil sa bagay na gustong sabihin o gawin (komunikasyon). Ano ang gamit ng wika sa iba’t ibang larangan? Narito ang ilang Halimbawa: Salita Larangan Kahulugan Komposisyon ( Musika Piyesa 0 awit composition) Lengguwahe Sulatin Agham Pinagsama-samang elemento Isyu (issue) Politika Usaping pampolotika/ panlipunan / C. PAGYAMANIN Panuto: Basahin ang web biogni Cris Israel Lumansang na pinamagatang WHAT IF CONYO LAHAT THE PEOPLE HERE IN PINAS. Sagutin ang mga tanong pagkatapos. WHAT IF CONYO LAHAT NG TAO HERE IN ‘PINAS Magnanakaw: Holdap! Make bigay all your thingies! Don’t make galaw or | will make tusok you! Pulis: Make suko na, we made you napaliligiran! Impeachment trial: You are so asar!I’m galit na to you! Raliyista: Let's make baka, don't be takot! Don't be sossy, join the rally! Newscaster: Oh my gosh, | have hot balita to everyone! Pasahero 1: Sir! Payment Pasahero 2: Manong, faster please! I’m nagmama-hurry! Customer: Pa-buy ng water, yung naka shachet! (ice tubig) Karpintero: Can | hammer na the pokpok? Pari: You're so bad, see ka ni God. Magtataho: Taho! Make bili na while it’s init pa, I'll make it with extra sago! Bibili ng taho: Is it sarap? Pwede pa-have? “Sip! mula kay A. Dayag, Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Plipino:Phoenix,Inc 2016 p.55 - Narito ang ilan pang mga tanong na ibinatay sa iyong binasang web blog. Gawin ang isinasaad sa bawat bilang sa iyong hiwalay na sagutang papel o notbuk. 1. Ano kaya ang mangyayari kung sa ganitong paraan magsasalita ang lahat ng mga Pilipino? Ipaliwanag. 2. Kung makasanayan mo ang ganitong paraan ng pagsasalita ay maaaring madala mo na rin ito hanggang sa iyong pagtanda at maging sa iyong paghahanapbuhay. Paano kaya kungnewscaster ka na ng isang respetadong news and public affairs program sa telebisyon subalit ganito ka magsalita: “Oh my gosh, | have hot balita to everyone! Ano ang magiging posibleng epekto nito sa ating pakikipagtalastasan sa ating kapwa? 3. Batay sa isinagot mo sa bilang 2, Paano mo maisusulong ang maayos at malinaw na pakikipag-usap sa iyong kapwa? “4 % } \ 4D. ISAGAWA DIMENSYON REGISTER 1 Ld Rare elaine] kung paano Nakaukol ito sa at isinasagawa ang komunikasyon, ayon sa larangang sangkot pasalita o pasulat. ng komunikasyon. en we 3. oe mer) ng mga kalahok. Nangangahulugang para https://prezi.com/uzv33_hfdzt7/rehistro-ng-wika/ DIMENSYON | HALIMBAWA SALITA KAHULUGAN NG REGISTER KOMPOSISYON FIELD MUSIKA KOMPOSISYON | PIYESA/AWIT MODE PASALITA TENOR MANG-AAWIT Panuto:Satulong ng grapikong presentasyon sa itaas, magbigay ng sariling paliwanag base sa konseptong naiintindihan. Isulat ang iyong sagotsa hiwalay na sagutang papel o notbuk. 1. Sa ano-anong pagkakataon sa buhay mo maaaring makatulong ang mga kaalaman ukol sa mga barayti ng wika? Magtala ng limang paraan. 2. Gumawa ng poster-islogan, batay mga tanong na ito: Paano mo mailalarawan/mapahahalagahan ang iyong unang wikang naiintindihan? Paano naiiba ang paraan mo ng pagsasalita sa iba pang taong nagsasalita rin ng wikang ginagamit mo? Poster-islogan Susi ngPagwawasto sa Subukin at Tayahin WP ONAUAWNE pocopo oo o @ 10.a Gawain 1 Ginagamit ang rehistro sa pagtukoy sa mga barayti ng wika ayon sa gumagamit Gawain 2 1. Pagpapalakad ng makina 2. Pagtistis 3. Pamamahala 4. Pagsasakatuparan ng isang plano Gawain 3 Sagot: Nasa guro ang pagpapasya kung tama Gawain 4 Sagot: Nasa guro ang pagpapasya kung tama SANGGUNIAN A. Mga Aklat Dayag, Alma M. at del Rosario, Mary Grace. Pinagyamang Pluma Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. 927 Quezon Avenue, Quezon City: Phoenix Publishing House, 2016. Jocson, Magdalena O. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. 1253 Gregorio Araneta Avenue, Quezon City: Vibal Group, Inc. 2016 Marquez, Servillano, T. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. 927 Quezon Ave.., Quezon City: SIBS Publishing House, INC. 2016 Quexbook Hub ( PERCDC Learnhub) Komunikasyon at Pananaliksik B. Websites https://www.scribd.com/doc/1302761 15/Ang-Rehistro-ng-Wika-pptx https://tinycards.duolingo.com/decks/2zG8bNm S/diskurso-at-komunikasyon https://www.google.com/search?q=rehistro+ng+wika+clip+art&tbm=isch&ved=2ahUKE wjM1d2ljeXpAhXjlaY KHfBaBK4Q2-cCegQIABAA&oq=rehistro+ng+wika+cli https://prezi.com/uzv33_hfdzt7/rehistro-ng-wika/ http://filipinoforfilipinos.blogspot.com/201 6/1 0/rubric-sa-ginawang-isloganposter.html https://www.coursehero.com/file/p2k51 ahp/Ito-ay-barayti-ng-wika-na-nagmula-sa- etnolongwistikongn-grupo-Taglay-nito-ang/ https://quizizz.com/admin/quiz/Sdcbea1 288a94 1001 df07439/register-ng-wika
Docsity logo



Copyright © 2024 Ladybird Srl - Via Leonardo da Vinci 16, 10126, Torino, Italy - VAT 10816460017 - All rights reserved