Docsity
Docsity

Prepare for your exams
Prepare for your exams

Study with the several resources on Docsity


Earn points to download
Earn points to download

Earn points by helping other students or get them with a premium plan


Guidelines and tips
Guidelines and tips

Komunikasyon at pananaliksik, Essays (high school) of English

I need answers for this module and I can't download the document so I need 30 points to download the document

Typology: Essays (high school)

2020/2021

Uploaded on 11/22/2021

jerico-perez
jerico-perez 🇵🇭

5

(2)

2 documents

Partial preview of the text

Download Komunikasyon at pananaliksik and more Essays (high school) English in PDF only on Docsity! Senior High School Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Ikalawang Kwarter — Modyul 1 Sitwasyong Pangwika sa Pilipinas (Iba’t bang Gamit ng Wika) Kagawaran ng Edukasyon ° Republika ng Pilipinas Boe > ae 3 * MODYUL 1 4 t Keer ———————————— wMO sr Sitwasyong Pangwika sa Pilipinas (Iba’t Ibang Gamit ng Wika) SFO ) ALAMIN Pangkalahatang Ideya Matutunghayan natin sa kasalukuyang panahon ang mga Sitwasyong Pangwika sa ika-21 siglo na napakaraming pagbabago dala ng panahon at sa malaking epekto nito sa atin, at ng makabagong teknolohiya sa mga pagbabago sa kalagayan o sitwasyon ng ating wika. Ang wikang Filipino ay kunwari na tinatawag nating salamin ng kultura ng ating bansa at ang tanging puso ng ating bayan dahil ito mismo ay nagbibigay-buhay sa kasarian ng ating bayan, Pilipinas. Ang isang bansang walang sariling wika at hindi matapat na tinatangkilik ng mamamayan ay isang bayang walang sariling bandila at walang kultura. Sa ganon, tayo, mga Pilipino, ay may ating sariling wika at yun ay tinatawag nating wikang Filipino. Syempre, bawat bayan rin naman ay may kani- kanilang wika rin. Sa pag-gagamit ng sariling wika, tivak na magpupuyos ang kalooban ng isang tao kunwari may kommunikasyon sa isa't isa na mga Pilipino sa kanilang mga emosyon. Sa sariling wika, dito maibahagi at mapagunawan sa kung ano ang mapapahayag ng isang tao. SITWASYONG PANGWIKA SA PILIPINAS (IBA’T IBANG GAMIT NG WIKA) Sitwasyong Pangwika Sa Pilipinas (Iba’t Ibang Gamit Ng Wika) NG PAGKATUTO @ BALIKAN [SP Gawain 1 Panuto: lbigay ang iyong mga mahalagang natutunan sa nakaraan aralin o nakaraang kwarter. Isulat ang iyong sagot sa hiwalay na sagutang papel. Ang aking mahalagang natutunan sa nakaraang kwarter ay mga sumusunod: Panuto: Sa pamamagitan ng graphic organizer sa ibaba, magbigay ng sariling pagpapakahulugan sa salita na nakasulat sa loob ng parihaba. Iba’t ibang gamit ng wika Sitwasyong pangwika sa Tandaan: Sa pagsagot sa mga pokus na tanong. Subuking sagutin ang mga Pokus na Tanong na ibibigay ang sariling hinuha bilang sagot sa mga ito. Isulat ang sagot sa hiwalay na sagutang papel. 8 ang pagtatanong, pagnanaliksik, pag-eeksperimento, panonood ng mga balita sa telebisyon o dyaryo, at iba pa. 6. Imahinatibo Ang wika ay Imahinatibo ay may kaugnayan sa pag-iisip kahit anumang imahinatibo na bagay. Madalas itong kinukwento sa paraang pagsusulat 0 pagsasalita na produkto. Halimbawa sa wikang ito ay ang pagtula, pagawit, pagkukwento ng kwento, pagbabasa ng nobela, at iba pa. -7. Representasyunal Ang wikang Representasyunal ay ginagamit sa pagbibigay impormasyon sa paraang pagsusulat at pasalita. Halimbawa nito ay ang paggawa ng mga artikulo tulad ng tesis, research paper; pagsasaysay o pag-uulat, pagtuturo, at iba pa. Sitwasyong Pangwika sa Telebisyon Ang telebisyon ay itinuturing na pinakamakapangyarihang media sa kasalukuyan dahil sa dami ng mamamayan na naabot nito. Sa paglaganap ng cable 0 satellite connection ay lalong dumami ang manonood saan mang sulok ng bansa. Ang magandang balita, wikang Filipino ang nangungunang midyum sa telebisyon sa ating bansa. Malakas ang impluwensya ng maga programang gumagamit ng wikang Filipino sa mga nanonood. Hidni kasi uso ang mag-subtitles o mag-dub ng mga palabas sa mga wikang rehiyonal. Ang madalas exposure sa telebisyon ang isang dahilan kung bakit sinasabing 99% ng mga Pilipino ang nakakapagsalita ng Filipino at maraming kabataan ang namumulat sa wikang ito bilang kanilang unang wika maging sa lugar na hindi kabilang sa Katagalugan. Sitwasyong Pangwika sa Radyo at Diyaryo Katulad ng telebisyon, Filipino rin ang nangungunang wika sa radyo. Ang halos lahat ng mga estasyon ng radyo sa AM man o sa FM ay gumagamit ng Filipino sa iba't ibang barayti nito. Mayroong programa sa FM tulad ng Morning Rush, na gumagamit ng Ingles sa pagbobroadcast ngunit ang nakararami ay gumagamit ng Filipino. Sa mga panrehiyonal na radyo ang kanilang diyalekto ang ginagamit ngunit kapag may kinapanyam ay gumagamit sila ng Tagalog. Sa diyaryo naman, Ingles ang ginagamit sa broadsheet at Filipino sa Tabloid. Tabloid ang mas binibili ng masa dahil sa mas mura at nakasulat sa wikang higit na naiintindihan. Ang lebel ng Filipinong ginagamit sa mga tabloid ay hindi ang pormal na wikang karaniwang ginagamit sa broadsheet. Ang mga headlines ng tabloid ay malalaki at sumisigaw na nakakapang-akit ng mga mambabasa. 11 Sitwasyong Pangwika sa Pelikula Bagama’t mas maraming banyaga kaysa lokal na pelikula ang naipalalabas sa ating bansa taon-taon ang mga lokal na pelikulang gumagamit ng midyum na Filipino at mga barayti nito ay mainit ding tinatangkilik ng mga manonood. Katunayan, sa dalawampung nangungunang pelikulang ipinalalabas noong 2014, batay sa kinita, lima sa mga ito ang local na tinatampukan din ng mga local na artista. lyon nga lang, Ingles ang karaniwang pamagat ng mga pelikulang Pilipino.Hindi na matatawarang Filipino ang wika ng telebison, diyaryo at pelikula. Sitwasyong Pangwika sa Iba pang Anyo ng Kulturang Popular Isa sa katangian ng wika ang pagiging malikhain. Sa patuloy na paglago ng wika ay umusbing ang iba't ibang paraan ng malikhaing paggamit dito dala na rin ng mga pagbabagong pinalalaganap ng media. Flip Top Ito'y pagtatalong oral na isinasagawa nang pa-rap. Nahahawig ito sa balagtasan dahil ang mga bersong nira-rap ay magkatugma bagama't sa flip top ay hindi nakalahad o walang linaw na paksang pagtatalunan. Kung ano lang ang paksang sisimulan ng naunang kalahok ay siyang sasagutin ng kaniyang katunggali. Di tulad ng balagtasan na gumagamit ng pormal na wika sa pagtatalo, sa fliptop ay walang nasusulat na iskrip kaya karaniwang ang mga salitang ibinabato ay di pormal at mabibilang sa iba’t ibang barayti ng wika. Para Pangkaraniwan din ang paggamit ng mga salitang nanlalait para mas makapuntos sa kalaban. Mayroong mga Fliptop na isinasagwa sa wikang Ingles subalit ang karamihan ay sa wikang Filipino. Sa ngayon ay marami na ring paaralan ang nagsasagawa ng Fliptop lalo na sa tuwing ginugunita ang Buwan ng Wika. Pick-up Lines May mga nagsasabing ang pick-up lines ay makabagong bugtong kung saan may tanong na sinasagot ng isang bagay na madalas maiuugnay sa pag-ibig at iba pang aspekto ng buhay. Sinasabing nagmula ito sa boladas ng mga binatang nanliligaw na nagnanais magpapansin, magpakilig, magpangiti at magpaibig sa dalagang nililigawan. Ang wikang ginagamit sa mga pick-up lines ay karaniwang Filipino at ang mga barayati nito, subalit nagagamit din ang Ingles at Taglish. Hugot Lines Ang hugot lines na tinatawag ding love lines 0 love quotes ay isa pang patunay na ang wika nga ay malikhain. Hugot lines ang tawag sa mga linya ng pag- ibig na nakakikilig, nakatutuwa, cute, cheesy, o minsa’y nakaiinis. Karaniwang nagmula ito sa linya ng ilang tauhan sa pelikula o telebisyong nagmamarka sa puso't 12 isipan ng mga manonood subalit madalas nakagagawa rin ng sarili nilang “hugot lines” ang mga tao depende sa damdamin o karanasang pinagdaraanan nila sa kasalukuyan. Minsan ang mga ito ay nakasulat sa Filipino subalit madalas, Taglish ang gamit na salita sa mga ito. Sitwasyong Pangwika sa Text Ang pagpapadala at pagtanggap ng SMS (short messaging system) na lalong kilala bilang text message o text ay isang mahalagang bahagi ng komunikasyon sa ating bansa. Katunayan, humigit-kumulang apat na bilyong text ang ipinadadala at natatanggap sa ating bansa araw-araw kaya naman tinagurian tayong “Texting Capital of the World” Sitwasyong Pangwika sa Social Media at Internet Sa panahong ito ay mabibilang na lang marahil sa daliri ang tao lalo na ang kabataang wala ni isang social media account tulad ng Facebook, Instagram, Twitter, Printerest, Tumblr at iba pa. Maging mga nakatatanda tulad ng mga lolo at lola ay kabilang na rin sa mga netizen na umaarangkada ang social life sa pamamagitan ng social media. Sitwasyong Pangwika sa Kalakalan Wikang Ingles ang higit na ginagamit sa boardroom ng malalaking kompanya at korporasyon lalo na sa mga pag-aari 0 pinamuhunan ng mga dayuhan at tinatawag na multinational companies. Sitwasyong Pangwika sa Pamahalaan Sa bisa ng Atas Tagapagpaganap Blg. 335, serye ng 1998 na "nag-aatas sa lahat ng mga kagawaran, kawanihan, opisina, ahensiya, at instrumantaliti ng pamahalaan na magsasagawa ng mga hakbang na kailangan para sa layuning magamit ang Filipino sa opisyal na mga transaksyon, komunikasyon, at korespondensiya,”naging mas malawak ang paggamit ng wika sa iba’t ibang antas at sangay ng pamahalaan. Sitwasyong Pangwika sa Edukasyon Sa mababang paaralan (K hanggang Grade 3) ay unang wika ang gamit bilang wikang panturo at bilang hiwalay na asignatura, samantalang ang wikang Filipino at Ingles naman ay itinuturo bilang magkahiwalay na asignaturang pangwika. Sa mas mataas na antas ay nanatiling bilingguwal kung saan ginagamit ang wikang Ingles bilang mga wikang panturo. 13 3. Ampalaya kaba? Kasi kahit anong pait ay naranasan ko; ikaw pa rin kasi ang SUSTANSIYA ng buhay ko! 4. “Kailangang inumin ang gamot na ito ka-apat sa isang araw.” 5. HBD 6. Kita tayo mamaya! 7. Boy: Google ka ba? Girl: Bakit? Boy: Kasi...nasa iyo na ang lahat ng hinahanap ko. 8. “Mahal mo ba ako dahil kailangan mo ako o kailangan mo ako kaya mahal mo ako? (Claudine Barreto bilang Jenny, MILAN 2004) 9. Magbawas ka naman ng timbang, ang taba-taba mo na. 10. Ikaw ay kasalukuyang nanood o nagbabasa ng balita tungkol sa COVID 19. @) C. PAGYAMANIN Pagsasanay 1 Panuto: Pakinggan ang pahayag ni Pangulong Duterte na makikita sa youtube na may URL na: https://Awww.youtube.com/watch?v=mkIWs48HSaQ. Pagkatapos tukuyin ang iba’t ibang gamit ng wika sa mga napakinggang pahayag mula sa balita sa telebisyon. Pangatwiranan ang sagot. Isulat ang sagot sa nakalaang espasyo. Ang iba’t ibang gamit ng wika na aking naintindihan sa aking napanood na balita ay ang mga sumusunod: Ito ang napili kung gamit ng wika dahil ito ay (ano ang nakita mong dahilan) 16 Pagsasanay 2 Panuto: Pakinggan ang balita tungkol sa COVID 19 Case Report sa Super Radyo Bala) (DZWH) na_— mapakinggan o- makikita sa url na _ ito: https://www.youtube.com/watch?v=4r_qE3FrYRc. Pagkatapos tukuyin ang iba't ibang gamit ng wika sa mga napakinggang pahayag mula sa radyo. Pangatwiranan ang sagot. Isulat ang sagot sa nakalaang espasyo. Ang iba't ibang gamit ng wika na ginamit sa aking napakinggang balita sa Super Radyo (DZWH) ay ang mga sumusunod: Ito ang napili kung gamit ng wika dahil ito ay (ano ang nakita mong dahilan) Pagsasanay 3 Panuto: Pakinggan ang Panayam ng ONE MINDANAO kay City Mayor Oscar Moreno ng Cagayan de Oro City tungkol sa pagdeklara ng Community Quarantine sa syudad ng Cagayan de Oro na mapakinggan o makikita sa url na_ ito: https://www.youtube.com/watch?v=yyRYG22ASG8. Pagkatapos tukuyin ang iba’t ibang gamit ng wika sa mga napakinggang pahayag mula sa radyo. Pangatwiranan ang sagot. Isulat ang sagot sa nakalaang espasyo. Ang iba't ibang gamit ng wika na ginamit sa aking napakinggang panayam ng One Mindanao kay City Mayor Oscar Moreno tungkol sa pagdeklara ng Communit Quarantine sa CDO ay ang mga sumusunod: Ito ang napili kung gamit ng wika dahil ito ay (ano ang nakita mong dahilan) 17 Pagsasanay 4 Panuto: Basahin ang balita na ipinaskil ng Patrol.ph ng ABS-CBN news tungkol kay Kim Chiu binalikan ang pinagdaanan dahil sa viral 'bawal lumabas' statement. Na ipinaskil noon May 26, 2020 03:48 p.m. Pagkatapos tukuyin kung anong gamit ng wika ang ginamit sa balita. Isulat ang sagot sa nakalaang espasyo sa ibaba. MAYNILA — Binalikan ni Kim Chiu ang mga pinagdaanan niya bunsod ng kontrobersiyal na pahayag niyang “bawal lumabas,” mula sa pamba-bash hanggang sa makahanap siya ng lakas na bumangon sa pagsubok. Binitiwan ni Chiu ang nakakalitong pahayag sa isang Facebook Live noong Mayo 8, kung saan binatikos nila ng mga kapuwa Kapamilya stars ang pagpapatigil ng gobyerno sa free broadcast operations ng ABS-CBN. Sa panayam kamakailan ng ABS-CBN News, ibinahagi ni Chiu na mas positibo na siya, ilang linggo matapos umiwas sa social media dahil sa pambabatikos na kaniyang natanggap mula sa netizens. “Lumabas na ako with a different perspective, more happy me. ‘Yon, hindi ako lumabas noong mga panahong nagsilabasan lahat ng memes ko,” ani Chiu. “| stopped talking to people, even ‘yong mga Viber group ko, nag-out ako, wala akong kinausap except sa lahat ng tao dito sa bahay namin,” kuwento niya. Bukod sa memes, nagkaroon din ng Tiktok videos ng mga taong sumasayaw sa mga kantang hango sa kaniyang mga pahayag. Doon umano napagtanto ni Chiu na may mga tao naman siyang napasaya dahil sa nangyari. “Tapos sabi ko, ‘ah, madami pa lang sumaya’. Hindi naman pala nila ako jinudge na bobo ako... hindi naman pala lahat ‘yon ang sinabi,” aniya. Kalaunan ay ni-release ni Chiu sa digital streaming platforms ang kantang hango sa kaniyang mga pahayag. SAGOT: Ang ginamit na wika sa balita ay ang sapagkat ito ay 18 (cil @) KARAGDAGANG GAWAIN Sintesis Panuto: isulat ang sintesis ng aralin gamit ang Reflection Sheet. Gawin sa espasyong nakalaan sa ibabang bahagi. Gayahin ang kasunod na_ pormat. Pagkatapos isulat ng patalata ang sintesis. DAPAT NA MALAMAN DAPAT NA MAUNAWAAN DAPAT NA MAISAGAWA Dapat kung malaman ang tungkol sa mga: Dapat kung maunawan ang tungkol sa: Dapat kung maisagawa ang: Para sa iyo llahad ang pinakamahalagang natutuhan mo sa Araling ito. 24 Senior High School Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Ikalawang Kwarter — Modyul 2 Mga Sitwasyong Pangwika sa Pilipinas Kagawaran ng Edukasyon ° Republika ng Pilipinas ARALIN 2 | Mga Sitwasyong Pangwika sa Pilipinas || Nakapaloob sa araling ito ang tungkol sa iba’t ibang sitwasyong pangwika sa Pilipinas YUGTO NG PAGKATUTO A.TUKLASIN https://www.google.com/search?q=sitwasyong+pangwika+sa+pilipinas&rlz=1C1RLNS_enPH901PH9028&sxsrf=ALeKkO34P5MfsU h_n9SBOyqhPNCSZLC2Bw:1593011376264&source=Inms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwj!_NHp3ZrqAhVBMd4KHUHUA10Q_A UoAXoE CAsQAw& biw=1366&bih=65 7#imgrc=RjUn2clh1D129M Sa puntong ito, subuking sagutin ang mga sumusunod na katanungan bilang paghahanda sa gawaing may kinalaman sa sitwasyong pangwika sa Pilipinas. Suriin ang larawan na nasa itaas sa tuklasing bahagi. Handa ka na ba? Alam kong masisiyahan ka sa mga matutuklasan mo habang pinag-aaralan ang araling ito. Sinasabi na malayo na ang nalakbay ng wikang Filipino. Nasaan na nga ba o ano na nga ba ang kalagayan ng Wikang Filipino sa ika-21 siglo sa iba’t ibang larangan? Ating alamin. Panuto: Sa pamamagitan ng listing, magtala ng pamagat ng mga pelikula at dulang Pilipino na napag-aralan,napanood o nabasa mo na. Mula rito, pumili ng isang naibigang pelikula at dulang Pilipino. Ipaliwanag kung bakit naibigan ang mga ito. Gayahin ang kasunod na pormat sa kuwaderno. Pamagat ng Pelikula: — Mga Tauhan Mahahalagang Mga Nakuhang at Tagpuan Pangyayari: Aral: Nagustuhan ko ang pelikula dahil Pamagat ng Naibigang Pelikula : Paliwanag: B. SURIIN May partikular na gamit ang wika sa iba't ibang sitwasyon. Tinatawag itong register na isang panlipunang salik na isinaaalang-alang kaugnay ng baryasyon ayon sa gumagamit ng wika. Isa pang pinanggalingan ng baryasyon ng pananalita ng idibiduwal ay depende sa mga sitwasyong paggamit. Hindi lang kaso ito ng kung sino tayo kundi kung anong mga sitwasyon ang kinapapalooban natin. Isa ang pelikula at dula na may sariling register o mga salitang pampelikula o pandula. PELIKULA DULA e Lights, camera,action e Dulang isang yugto e Focus e Right stage ¢ Sinematograpiya e Left stage e = Iskrip e Mensahe e direktor ¢ Galaw ng tauhan Sa pagsusuri ng pelikula ang bigyang pansin ay ang mga elemento nito, gaya ng iskrip, sinematograpiya, direksiyon, pagganap ng artista, produksiyon, musika at mensahe. Sequence o Iskrip - Pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa isang kuwento sa pelikula. Ipinamamalas nito ang tunay na layunin ng kuwento. Sinematograpiya - Pagkuha sa wastong anggulo upang maipakita sa manonood ang tunay na pangyayari sa pamamagitan ng wastong timpla ng ilaw at lente ng kamera. Disenyong Pamproduksyon- Pagpapanatili sa kaangkupan ng lugar, eksena, pananamit at sitwasyon para sa masining na paglalahad ng biswal na pagkukuwento. Tunog at Musika - Pagpapalutang ng bawat tagpo at pagpapasidhi ng ugnayan ng tunog at linya ng mga diyalogo. Pinupukaw ang interes at damdamin ng manonood. Sa pagsusuri ng dulang nakasulat, bigyang-pansin ang mga elemento nito gaya ng tagpuan, uri ng mga tauhan (bilog at lapad), mga diyalogo, tunggalian, wakas, aral, implikasyon ng mga pangyayari sa kasalukuyang lipunan, at estilo ng simula ng dula. Mga Elemento ng Dula Iskrip 0 Banghay - Ito ang pinakakaluluwa ngisang dula. Sa iskrip nakikita ang banghay ng isang dula. Te “Gawain'37) Panuto: A. Bigyang interpretasyon ang gamit ng Maynila, kuko, Tsino, mga manggagawa at Chinatown sa Pelikula. Gayahin ang kasunod na pormat sa sagutang papel. Hal: Tondo= hindi natutulog ang mga tao dahil abala 1. MAYNILA 2. KUKO 3. TSINO 4. MANGGAGAWA 5. CHINATOWN B. Panuto: Batay sa napanood na pelikula, suriin ang lingguwistiko at kultural na pagkakaiba-iba sa lipunang Pilipino. Isulat ang mga sagot sa sagutang papel. Gawing gabay ang mga sumusunod na tanong. 1. Paano ginamit ang mga saliang pampelikula. Isinaalang-alang baa ang antas ng wika? 2. Nababakas ba ang kulturang Pilipino sa sinuring pelikula? 3. Nakaapekto baa ng gamit ng wika (Lingguwistiko) sa paraan ng pamumuhay ng ila sa lipunang Pilipino (Kultural) na ipinakita sa ilang bahagi o pangyayari sa pinanood na pelikula. D. ISAGAWA Panuto: Basahin at unawain ang dulang “Sinag sa Karimlan” ni Dionisio S. Salazar Pagkatapos ay suriin ito ayon sa gamit ng wika sa mga tauhan at ang ilang ipinakitang sitwasyong lingguwistiko gayundin ang kultural na aspeto sa lipunang Pilipino. https://www.marvicrm.com/2017/10/sinag-sa-karimlan-buod Sa isang panig ng pagamutan ng Muntinlupa ay naroroon sina Tony, isang binatang bilanggo dahil sa pagnanakaw. Si Ernan na isang manunulat at professor sa Maynila na nakulong dahil sa pagsunog sa maraming aklat na nagpapakalat ng maling impormasyon. Si Doming na nakulong dahil sa pagbaril sa kalaguyo ng misis at si Bok na labas masok na ng kulungan. Nahospital si Tony matapos syang masaksak sa kadahilanang ayaw nyang sumama sa pagtakas sa kulungan, kasama nya sa kwarto si Ernan na inoperahan dahil almoranas, si Doming naman ay may plaster ang paa at si Bok ay may trangkaso. Dito ay nakilala nila ang isa't isa. Lubos na humanga si Tony kay Ernan sapagkat nabasa na ng binata ang kanyang mga akda. Tinanung din ni Bok kung anung Gang kabilang si Tony ngunit sinabi nitong sawa na sa mga Gang o barkada sapagkat ayun ang naging dahilan ng 10 kanyang pagkakakulong. Kinilalang mabuti ni Ernan si Tony at humanga din sa angking talino ng binata at inakalang ito ay nag-aaral ng batas. Subalit nabanggit ni Tony na elementarya lamang ang kanyang natapos ngunit sya ay valedictorian. Ikinuwento ni Tony na ang kanyang ama ay empleyado at maraming bisyo. Ang kanyang ina ay napakabait kahit di kasya ang sahod na binibigay ng kanyang ama. Nagkaproblema ang pamilya ni Tony ng malaman ng kanyang ina na may babae ang kanyang ama. Naghiwalay ang mga ito at di lumaon ay nagkasakit. Ang kanyang kapatid na babae naman ay namatay. Dahil sa pagkakaospital ng kanyang ina ay di kinaya ni Tony ang mga gastusin kaya't natuto itong bumarkada at magnakaw. Sinisi ni Tony ang lahat sa kanyang ama. Matalinong bata si Tony at nais syang tulungan ni Ernan at ni Padre Abena at nangakong pag- aaralin ang binata. Isang araw, sa hindi inaasahan pagkakataon ay dumalaw ang kanyang amang si Luis sa bilanguan. Nagkita si Tony at ang kanyang ama. Dito nabanggit ng kanyang ama na limang bwan na nyang pinaghahanap ang anak at nang malamang nakakulong ay nilakad nito ang paglaya ni Tony. Humingi ng tulong ang kanyang ama sa isang senador para mabigyan ng parole ang binata. Nakipag-ayos din ang ama ni Luis sa kanyang ina na inakala ni Tony na patay na ngunit ito pala'y magaling na. Sa kabila ng paliwanag ay masama pa rin ang loob ni Tony at nang malaman ito ng ilang kasamahan at nang kanyang nurse na si Ms. Reyes, si Tony ay pinangaralan at pinaalala ang kahalagahan ng isang ama. Nang dumalaw muli ang kanyang ama ay napatawad na nya ito at sila'y nagyakap. A.Paano ipinakita ng tauhang si Bok at Doming ang aspetong lingguwistiko sa lipunang ginagalawan nila bago makulong at habang nakakulong? Ipaliwanang sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga halimbawa. BOK DOMING 11
Docsity logo



Copyright © 2024 Ladybird Srl - Via Leonardo da Vinci 16, 10126, Torino, Italy - VAT 10816460017 - All rights reserved