Docsity
Docsity

Prepare for your exams
Prepare for your exams

Study with the several resources on Docsity


Earn points to download
Earn points to download

Earn points by helping other students or get them with a premium plan


Guidelines and tips
Guidelines and tips

Komunikasyon at Pananaliksik, Exercises of Environmental science

Komunikasyon at Pananaliksik for grade 11

Typology: Exercises

2021/2022

Uploaded on 09/04/2022

ebhojilla
ebhojilla 🇵🇭

5

(1)

6 documents

Partial preview of the text

Download Komunikasyon at Pananaliksik and more Exercises Environmental science in PDF only on Docsity! Kahulugan at Kabuluhan ng Konseptong Pangwika Self Learning Worksheet in Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino 11 First Quarter- Week 1 EMALYN A. YAHIN Developer Department of Education • Cordillera Administrative Region ii Republic of the Philippines DEPARTMENT OF EDUCATION Cordillera Administrative Region SCHOOLS DIVISION OF ABRA Actividad-Economia St., Zone 2, Bangued, Abra Published by: DepEd Abra-Learning Resource Management and Development Section COPYRIGHT NOTICE 2020 Section 9 of Presidential Decree No. 49 provides: “No copyright shall subsist in any work of the Government of the Philippines. However, prior approval of the government agency of office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work for profit.” This material has been developed for the implementation of K-12 Curriculum through the Curriculum Implementation Division (CID)—Learning Resource Management Section. It can be reproduced for educational purposes and the source must be acknowledged. Derivatives of the work including creating an edited version, an enhancement or a supplementary work are permitted provided all original work is acknowledged and the copyright is attributed in the intext citation. No work may be derived from this material for commercial purposes and profit. Borrowed materials (e.g., texts, illustrations, musical notations, photos, and other copyrighted contents) included in this Self Learning Worksheet are owned by their respective copyright and intellectual property right holders, DepEd is represented by the Filipinas Copyright Licensing Society ( FILCOLS), Inc. in seeking permission to use these materials. Publishers and Authors do not represent nor claim ownership over them. This self learning worksheet is intended for educational purposes and will be subjected for further Learning Resource Copyright evaluation. The inventory of copyrighted third party content will also be prepared. This Learning Material is owned by the Department of Education, Schools Division of Abra, Curriculum Implementation Division,Learning Resource Management Section accessed at https://lrmsabra.blogspot.com . v TALAAN NG NILALAMAN Pahina Copyright Notice ………………………………………………..……...…..…. ii Preface ………………………………………………………………...…….… iii Acknowledgement…………………………………………………. …….…... iv Pagsusuri at Pagtatalakay…………………………………………………… 1 Gawain 1…...………………………………………………………………….. 4 Gawain 2……………………………………………………….………………. 5 Gawain 3………………………………………………………………………. 6 Gawain 4 ……………………………………………………………………… 7 Gawain 5………………………………………………………………………. 8 Paglalahat……………………….……………….…….……………………… 9 Susi sa Pagwawasto…………………………………………...………… 11 1 Pagsusuri at Pagtatalakay Kahulugan, Katangian, Kalikasan at Kahalagahan ng Wika Bakit kaya may wika? Mahalaga ba ito? Nabubuhay tayo sa daigdig ng salita (Fromkin at Rodman, 1983). Sa pagsasalita gumagamit tayo ng wika. Mayaman ang wika at isa itong malawak na larangan. Hindi nauubos ang mga kaalamang natututuhan at natutuklasan tungkol sa wika. Ano nga ba ang wika? Ano ang kahalagahan nito? Ano ang taglay nitong kalikasan at katangian? Ang salitang wika ay nagmula sa wikang Malay at isinalin sa wikang Ingles, at ito’y nakilala bilang language. Samantalang ang lengguwahe naman ay umusbong sa wikang Latin na nangangahulugang “dila” sapagkat nagagamit ang dila sa paglikha ng maraming kombinasyon ng mga tunog. Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan. Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog at mga kaugnay na batas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan. Ginagamit ang pamamaraang ito sa pagpapaabot ng kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng pagsasalita at pagsulat. Isa rin ito likas na makataong pamamaraan ng paghahatid ng kaisipan at damdamin at mga hangarin sa pmamagitan ng isang kaparaanang lumiikha ng tunog, at kabuuan din ito ng mga sagisag sa paraang binibigkas. Inilarawan ni Henry Gleason, na ang wika ay isang masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit sa komunikasyon ng mga taong nabibilang sa isang kultura Ano nga ba ang ibig ipakahulugan ni Henry Gleason sa kanyang tinuran na depinisyon sa wika. Isa- isahin natin ang mga katangian ng wika na kanyang nabanggit sa kanyang depinisyon ng wika. 1. Masistemang balangkas- Kung pagsasama-samahin ang mga tunog ay makakabuo ng makabuluhang yunit ng salita, ng parirala, ng sugnay, pangungusap at ng talata. Mayroong sinusunod na pamantayan o mga hakbang upang makabuo ng mga salitang gagamitin. Kapag nakabuo ng mga salita, maaari na itong ayusin bilang parirala, pangungusap, o talata. 2. Binibigkas na tunog- Hindi lahat ng tunog ay wika sapagkat hindi lahat ng tunog ay may kahulugan. Sa tao, ang pinakamakahulugang tunog na nalilikha natin at kung gayo’y kasangkapan ng komunikasyon sa halos lahat kung hindi man sa lahat ng pagkakataon. Samakatuwid, ito ang mga tunog na nalilikha ng ating aparato sa pagsasalita na nagmumula sa hanging nangagaling sa baga o ang pinanggagalingan ng lakas o enerhiya, nagdaraan sa pumapalag na bagay na lumilikha ng mga tunog o artikulador, minomodipika ng resonador. - 2 - 3. Pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo- Pinagkakasunduan ang anumang wikang gagamitin ng mga grupo ng tao para sa kanilang pang- araw- araw na pamumuhay. 4. Upang magamit ng mga taong may isang kultura- Magkaugnay ang wika at kultura at hindi maaaring paghiwalayin. Katulad ng nabanggit, ang kultura ang nagpapayaman sa wika samantalang ang wika naman ang nagbibigay ng ngalan o salita sa lahat ng mga gawaing nakapaloob sa kultura. Sa pangkalahatan, batay sa mga kahulugan ng wika na tinalakay, masasabi na ang wika ay kabuuan ng mga sagisag na binubuo ng mga tunog na binibigkas o sinasalita at ng mga simbolong isinusulat. Sa pamamagitan ng wika, nagkakaunawaan, nagkakaugnay, at nagkakaisa ang mga tao. Kasangkapan ang wika upang maipahayag ng tao ang kanyang iniisip, maibahagi ang kanyang karanasan, at maipadama ang kanyang nararamdaman. Gayundin, bawat bansa ay may sariling wikang nagbibigkis sa damdamin at kaisipan ng mga mamamayan nito. Sa wika nasasalamin ang kultura at pinagdaanang kasaysayan ng isang bansa. Kalikasan ng Wika 1. Pinagsama-samang tunog (Combination of Sounds) - dahil sa binigyan ng simbolo (letra) ang mga tunog, ang pagsasama- samang ito ay lumikha ng mga salita. 2. May dalang kahulugan (Words have meanings)- bawat salita ay may dalang kahulugan sa kanyang sarili lalo’t higit kung ginagamit na sa pangungusap. 3. May ispeling- bawat salita ay may sariling ispeling o baybay 4. May gramatikal na estruktura (grammatical structure) - Ponolohiya (pagsasama ng tunog upang bumuo ng salita) - Morpolohiya – pag-aaral ng mga salita - Sintaks (pagsasama ng mga salita upang bumuo ng pangungusap) - Semantiks (ang kahulugan ng mga salita at pangungusap) 5. Sistemang Oral-Awral (Oral-Awral System)- sistemang sensora sa pisikal ng tao, pasalita (oral), pakikinig (awral) - dalawang mahalagang organo (bibig at tainga) na nagbibigay hugis sa mga tunog na napakinggan 6. Pagkawala ng Wika (Language Loss)- maaaring mawala kapag di nagagamit 7. Iba-iba- dahil sa iba’t iba ang kultura ng pinagmulang lahi, ang wika ay iba- iba sa lahat ng panig ng mundo - 5 - Gawain 2 Bigyang Kahulugan! Panuto: Isulat sa kahon kung ano wika para sa iyo. WIKA - 6 - Gawain 3 Sagutin Mo! Panuto: Basahing mabuti at sagutin ang mga sumusunod na tanong. 1. Mahalaga ba sa iyo bilang isang mag- aaral na malaman ang mga katangian at kalikasan ng wika? Bakit? ______________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ 2. Paano mo maipapakita ang pagmamahal mo sa wikang iyong ginagamit? ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ 3. Paano mo naman pinahahalagahan ang wikang ginagamit ng ibang tao? ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ - 7 - Gawain 4 Ipaliwanag Mo! Panuto: Ipaliwanag ang mga sumusunod na kalikasan at katangian ng wika, ayon sa sariling ideya o pagkakaunawa sa mga ito. 1. Pinagsama- samang tunog ______________________________________________________________ 2. May dalang kahulugan ______________________________________________________________ 3. May ispeling ______________________________________________________________ 4. May gramatikal na estruktura _____________________________________________________________ 5. Sistemang oral (pasalita)- awral (pasulat) ______________________________________________________________ 6. Pagkawala ng wika _____________________________________________________________ 7. Iba- iba ang wika ______________________________________________________________ 8. Ang wika ay sinasalitang tunog ______________________________________________________________ 9. Ang wika ay pinili at isinasaayos sa paraang arbitraryo ______________________________________________________________ 10. Ang wika ay masistemang balangkas _____________________________________________________________ 10 4. May gramatikal na estruktura (grammatical structure) - Ponolohiya (pagsasama ng tunog upang bumuo ng salita) - Morpolohiya – pag-aaral ng mga salita - Sintaks (pagsasama ng mga salita upang bumuo ng pangungusap) - Semantiks (ang kahulugan ng mga salita at pangungusap) 5. Sistemang Oral-Awral (Oral-Awral System)- sistemang sensora sa pisikal ng tao, pasalita (oral), pakikinig (awral) - dalawang mahalagang organo (bibig at tainga) na nagbibigay hugis sa mga tunog na napakinggan 6. Pagkawala ng Wika (Language Loss)- maaaring mawala kapag di nagagamit 7. Iba-iba- dahil sa iba’t iba ang kultura ng pinagmulang lahi, ang wika ay iba- iba sa lahat ng panig ng mundo- may etnograpikong pagkakaiba sapagkat napakaraming minoryang grupo (ethnic groups) ang mga lahi o lipi. Kahalagahan ng Wika 1. Kahalagahang Pansarili - Naipapahayag niya ang kanyang damdamin ng personal at napapaunlad ito gamit ang bawat kaalaman sa kapaligiran at ekstensyon. 2. Kahalagahan Para sa Kapwa -Dahil sa wika, nagkakaroon ng isang maayos na relasyong panlipunan. 3. Kahalagahang Panlipunan- Wika ang dahilan kung bakit minamahal sinumang nilalang ang kanyang sariling kultura, at mula sa pagmamahal na ito, uusbong ang kanyang pagkakakilanlan. 4. Kahalagahang Global/Internasyonal- Ang wika ay tagapagpalaganap ng kaalaman o karunungan na nagagamit saan man sa mundo. 10
Docsity logo



Copyright © 2024 Ladybird Srl - Via Leonardo da Vinci 16, 10126, Torino, Italy - VAT 10816460017 - All rights reserved