Docsity
Docsity

Prepare for your exams
Prepare for your exams

Study with the several resources on Docsity


Earn points to download
Earn points to download

Earn points by helping other students or get them with a premium plan


Guidelines and tips
Guidelines and tips

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kultirang Pilipino, Essays (high school) of English

Different content of the subject Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.

Typology: Essays (high school)

2021/2022

Uploaded on 11/07/2022

zaibell-jane
zaibell-jane 🇵🇭

1 document

1 / 6

Toggle sidebar

Related documents


Partial preview of the text

Download Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kultirang Pilipino and more Essays (high school) English in PDF only on Docsity! Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino Kasaysayn ng Wikang Pambansa Panahon ng Katutubo Alibata o baybayin ang tawag sa katutubong paraan ng pagsulat Binubuo ito ng labingpitong (17) titik; tatlong (3) patinig at labing-apat (14) na katinig. Panahon ng Kastila Maraming pagbabago ang naganap at isa na rito ang Sistema ng ating pagsulat. Ang dating alibata ay napalitan ng Alpabetong Romano na binubuo naman ng 20 titik, limang (5) patinig at labinlimang (15) katinig. Pagpapalaganap ng Kristiyanismo ang isa sa naging layunin ng pananakop ng mga Kastila. Upang mapadali ang komunikasyon, pinag-aralan ng mga misyonerong Espanyol ang wika ng mga katutubo at ginamit nila ito sa pakikipag-ugnayan sa kanila. Panahon ng Amerikano Dumami na ang natutong magbasa at magsulat sa wikang Ingles dahil ito ang naging tanging wikang panturo batay sa rekomendasyon ng Komisyong Schurman noong Marso 4, 1899. Inirekomenda rin Komisyong Schurman ang pagtuturo ng Ingles sa mga paaralang primary. Sinusugan ito ng Komisyong Taft na nagrekomenda rin ng pagkakaroon ng isang wikang gagamiting midyum ng komunikasyon sa bansa. Batas Blg.74 pagtatag ng Department of Instruction (ang kasalukuyang Kagarawan ng Edukasyon o DepEd) na mangasiwa sa libreng pampublikong edukasyon sa bansa. Itinakda rin nito na hangga’t maaari ay Ingles ang gagamiting wikang panturo sa lahat ng paaralang bayan. Henry Jones Ford- isang propesor nag-aral tungkol sa kalagayan ng Pilipinas. Napag-alamang walag malinaw na resulta ang puspusang pagtuturo ng Ingles sa mga Pilipino . Inirekomenda ni Ford ang paggamit ng wikang katutubo sa mga paaralan. Panahon ng Komonwelt Disyembre 30, 1937 – Nagkabisa ang kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 na wikang tagalog ang gawing batayan sa pagpili ng wikang pambansa ng Pilipinas. Ito ay ipinahayag ni Pangulong Quezon sa pamamagitan ng brodkast sa radio mula sa Malacanang. Disyembre 13, 1939- Nailimbag ang kauna-unahang Balarilang Pilipino na siyang bunga ng walang pagod na pagsusumikap at pagmamalasakit sa wika ni G. Lope K. Santos na kinikilalang “ Ama ng Balarilang Pilipino.” Abril 1, 1940, Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263 – dito ipinalimbag ang diksyunaryong Tagalog-Ingles at ng Balarilang ng Wikang Pambansa upang magamit ng paaralan sa buong kapuluan. Hunyo 19, 1940 – dito sinimulang ituro ang pambansang wikang nakabatay sa Tagalog sa mga paaralang pribado at pampubliko. Panahon ng Hapon Pagkatapos ng digmaan ay binuksan muli ang mga paaralan at ipinagamit ang wikang katutubo bilang wikang panturo at pinakalimutan ang wikang Ingles. Naging maunlad sa panitikan ang Pilipinas. Inalis ang kurikulum ang wikang Ingles at sapilitang ipinaturo ang wikang pambansa at wikang Niponggo. Panahon ng Republika Proklamasyon Blg. 186 noong Setyembre 23,1955 na nagsasabing inilipat ang petsa ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika sa Agosto 13-19 na kung saan itinapat ang huling araw ng pagdiriwang sa kaarawan ni Pangulong Manuel L. Quezon na binigyang karangalan “ Ama ng Wikang Pambansa .” Kautusang Tagapagpaganap Blg. 7 noong Agosto 13 ,1959 na nagsasabing na ang wikang pambansa ay Pilipino. Kautusang Pangkagawaran Blg. 96 (1967) – na pangalanan sa Pilipino ang mga gusali at tanggapan ng ating pamahalaan Resolusyon Blg. 70 (1970) – ay nagsasabing ang wikang pambansa ay nagging wikang panturo sa antas elementarya. Memorandum Sirkular 488, Hulyo 29, 1971. Humiling sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan na magdaos ng palatuntunan sa pagdiriwang ng lingo ng Wikang pambansa tuwing Agosto 13-19. Panahon ng Kasalukuyan Hulyo 15, 1997 – nilagdaan at ipinalabas ni Pangulong Fidel V. Ramos ang Proklamasyon Blg. 1041 na nagpapahayag ng taunang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa mula Agosto 1-31 na dating Linggo ng Wika. Horizontal at Vertical na batayan ng wika Horizontal o Konseptuwan na Batayan Ipinapakitang ang pag-unlad ng pambansang wika ay bunsod ng iba’t ibang wikang nag-aambag dito. 1. Ang Filipino ang itinakdang pambansang wika. 2. Ang mga wika sa Pilipinas gaya ng iba pang panunahing wika tulad ng Ilocano, Pangasinan, Kapampangan, Bicolano, Cebuano, Hiligaynon, Meranao at iba pa. 3. Ang mga banyagang wika gaya ng Inges na itinakda ding opisyal na wika ng Pilipinas at iba pang natutuhan ng mga Filipino. Vertical na Batayan Ipinapakitang produkto ng kasaysayan ang pag unlad ng wika. Nagpatupad ang pamahalaan ng polisiyang pangwika na nagtatakdang wikang gagamitin, itataguyod, palalaganapin at pagyayamanin sa bansa Ang Filipino bilang pambansang wika, ay nag-ugat ito sa Panahon ng Komonwelt nang isulong ni Pangulong Quezon ang pagkakaroon ng iisang wikang magbubuklod sa Pilipinong may magkakaibang lahi, wika at kultura. Ayon sa Saligang Batas ng 1935, ang pagtukoy sa magiging pambansang wika mula sa umiiral na katutubong wika, sa bansa. Napili ang Tagalog at pinagtibay sa bias ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134, s. 1937. Sa bisa Kautusang Pangkagawaran Blg. 7, s. 1959 tinawag na “Pilipino” ang pambansang wika na isang hakbang tungo sa lalong pagsasabansa ng wika na dati ay inuugnaay lamang sa mga Tagalog Administrasyong Marcos hanggang bandang pagtatapos ng administrasyong Arroyo noong 2010, ipinatupad ng pamahalaan ang patakarang bilingguwal na layuning mapaghusay ang kakayahan ng mga Pilipino sa komunikasyong Filipino at Ingles. Halimbawa: Wikang Filipino 2. Punto- ang natatanging paraan ng pagbigkas ng isang tao. Halimbawa: Ala e! Bakit ga?- Batangas 3. Diyalekto/Dayalekto- wikang ginagamit sa isang partikular na lugar o lalawigan. Halimbawa: Maayo nga aga! (Hilgaynon) Maayong buntag! (Bisaya) Maupay ng aga ka ninyo nga tanan! (Waray) 4. Pidgin- ang pidgin ay umusbong na bagong wika o tinatawag sa Ingles na “Nobody’s Natives Language”. Isang uri ng barayti ng wika na tumutukoy sa wikang walang pormal na istruktura. Nadedelop ito dahil na rin sa pangangailangan na makabuo ng isang pahayag. Halimbawa: Kayo bili akin tinda. 5. Creole- barayti ng wika na nadebelop dahil sa mga pinaghalo-halong mga salita ng indibidwal mula sa magkaibang lugar hangaang sa ito ay naging pangunahing wika sa isang particular na lugar. Halimbawa: wikang Chavacano (pinaghalong wikang Kastila at Filipino). Dimensyong Sosyal- tumutukoy sa personal na pinagmulan ng isang tao. Barayti ng Dimensyong Sosyal Sosyolek, Idyolek, Rehistro, Jargon, Balbal, Estillo ng pananalita 1. Sosyolek- Nakabatay ang pagkakaiba nito sa katayuan o istatus ng isang gumagamit ng wika sa lipunang kanyang ginagalawan. Halimbawa: It so mainit na man dito! Sinetch itey! Repapips! Alaws na ako datung! 2. Idyolek- natatanging paraan ng pagsasalita ng tao na nagsisilbi niyang pagkakakilanlan. Halimbawa: Hindi ko kayo tatantanan! Ang buhay ay weather, weather lang! 3. Register- anyo ng wika batay sa uri o paksa ng talakayan o larangang pinag-uusapan. Maari ito maging sitwasyonal kung ang rehistro ay akma sa sitwasyon at okupsyonal kung gamit ng mga propesyonal. Halimbawa: (Sitwasyonal) Pagmimisa ng pari gamit ang wikang eklesiyastiko. (Okupasyanal) Pag-uusap-usap ng mga doctor gamit ang wikang medical. 4. Jargon- baryasyon ng wikang may kaugnayan sa nagsasalita o gumagamit ng wika. Ito ay barayti ng wikang espisyalisadong ginagamit ng partikular na propesyon. Hal. Justice, court, hearing Class record, lesson plan, kurikulum 5. Balbal- itinuturing na salitang kalye. Tinatawang rin itong “slang” sa Ingles. Ito ang pinakamababang uri ng wika. Halimbawa: ermat, tom jones, parak, yosi, gurang, SKL 6. Estilo ng Pananalita- tumutukoy sa pormalidad ng paggamit ng wika. Divergence- ang pananalitang lumilikha ng distansyasa kausap upang iparamdam dito ang pagkilala sa kaniyang katayuan o awtoridad. Halimbawa: “May gusto po sana akong sabihin sa inyo, Dr. Reyes, kung mamarapatin ninyo.” Convergence- ang paggamit ng mga pananalitang nagpaparamdamng paglapit o pagiging komportable sa kausap. Halimbawa: “Friend, may sasabihin sana ako.”
Docsity logo



Copyright © 2024 Ladybird Srl - Via Leonardo da Vinci 16, 10126, Torino, Italy - VAT 10816460017 - All rights reserved