Docsity
Docsity

Prepare for your exams
Prepare for your exams

Study with the several resources on Docsity


Earn points to download
Earn points to download

Earn points by helping other students or get them with a premium plan


Guidelines and tips
Guidelines and tips

Learning Activity Sheet, Study notes of French Language

Learning Activity Sheet for every students

Typology: Study notes

2020/2021

Uploaded on 02/13/2022

feolino-escario-shera-ruth
feolino-escario-shera-ruth 🇵🇭

4 documents

Partial preview of the text

Download Learning Activity Sheet and more Study notes French Language in PDF only on Docsity! Republic of the Philippines Department of Education Region v SANGAY NG SORSOGON PAMBANSANG MATAAS NA PAARALAN NG CALAO CALAO PRIETO-DIAZ, SORSOGON Ang Pamilya Bilang Natural na Institusyon SANAYANG PAPEL BLG. 3 Kwarter 1 Pangalan:_______________________ Baitang:___________________ Seksyon: _______________________ Petsa: _____________________ I. PANIMULANG KONSEPTO Sa ating lipunan ngayon na samo’t-sari ang problema, kailangan mo bilang isang anak ang matibay na pundasyon ng pagpapahalagang moral upang huwag malito at mapasama. Kung kaya kailangan mo ang matatag na pamilyang handang harapin ang mga hamon sa araw – araw ng iyong buhay. Sa aralin na ito, mabibigyan mo ng patunay na sa pamilya nag-uugat ang pagtutulungan at pagmamahalan na makatutulong sa pag-unlad ng iyong sarili tungo sa mabuting pakikipagkapuwa. II. KASANAYANG PAMPAGKATUTO MULA SA MELCS  Napatutunayan kung bakit ang pamilya ay natural na institusyon ng pagmamahalan at pagtutulungan na nakatutulong sa pagpapaunlad ng sarili tungo sa makabuluhang pakikipagkapuwa. (EsP8PB- Ib-1.3 ) III. MGA GAWAIN A. Pangganyak. Gawain 1: Sagutan ang mga sumusunod na katanugnan 1. Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataong mag post sa iyong Facebook wall sa araw na ito, paano mo ipapahayag ang iyong natutunan sa nakaraang modyul? _______________________________________________________________________________________ _______________________________________________________________________________________ 2. Bakit ang pamilya ang orihinal na paaralan ng pagmamahalan? _______________________________________________________________________________________ _______________________________________________________________________________________ 3. Ano-ano ang mahahalagang gampanin na dapat isakatuparan ng magulang bilang unang guro sa tahanan? _______________________________________________________________________________________ _______________________________________________________________________________________ B. Pag-aralan Mo.  Ang paksa tungkol sa pamilya marahil ang pinakanakapupukaw ng interes na pag- uusapan sa mas maraming pagkakataon, masaya man ito o minsan ay malungkot. Nakalulugod pag-usapan ang masasayang alaala sa pagkakataon na nagsasama-sama ang pamilya.. Patunay ito na tayong mga Pilipino ay likas na makapamilya. Kaya mahalagang maging mas malalim ang pagkilala at pag-unawa lalo na isang batang katulad mo tungkol sa bagay na ito. Dahil katulad ng kahit na sino sa buong mundo, ikaw rin ay nagmula sa isang pamilya. EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO  Naipaliwanag sa naunang modyul na ang pamilya ang pangunahing institusyon sa lipunan na nabuo sa pamamagitan ng pagpapakasal ng isang lalaki at babae dahil sa kanilang tunay at walang kondisyong pagmamahal. Nang dahil dito, ito ay maituturing na likas na institusyon na walang sinomang nagdidikta sa pagbuo nito. Maaaring patuloy na nagkakaroon ng magkakaibang pagpapakahulugan ang pamilya sa paglipas ng panahon ngunit isa ang mananatili, ang pamilya bilang isang likas na institusyon. Bakit nga ba? Narito ang pitong mahahalagang dahilan : 1. Ang pamilya ay pamayanan ng mga tao (community of persons) na kung saan ang maayos na paraan ng pag-iral at pamumuhay ay nakabatay sa ugnayan ng bawat kasapi nito. Ito ay may misyong bantayan, ipakita, at ipadama ang pagmamahalan. Itinatag ito bilang isang maliit na komunidad ng buhay at pagmamahal. Ang pagmamahal ang siyang nagpapatunay na ang pamilya ay pamayanan ng mga tao. 2. Nabuo ang pamilya sa pagmamahalan ng isang lalaki at babaeng nagpasiyang magpakasal at magsama nang habang buhay. Nilikha ng Diyos ang tao bunga ng kaniyang pagmamahal at kasabay nito siya rin ay tinawag upang magmahal kaya’t likas ang pagmamahal sa tao. Ang pagpapakasal ng dalawang taong nagmamahalan ang magpapatibay sa isang pamilya. 3. Ang pamilya ang una at pinakamahalagang yunit ng lipunan. Ito ang pundasyong patuloy na sinusuportahan ng lipunan dahil sa gampanin nitong magbigay-buhay. 4. Ang pamilya ang orihinal na paaralan ng pagmamahalan. Dito binibigyang- halaga ang kasapi dahil sa pagiging tao niya, hindi dahil sa kaniyang kontribusyon o magagawa sa pamilya. Umiiral dito ang pagmamahal na lubusan at walang hinihintay na kapalit. 5. Ang pamilya ang una at hindi mapapalitang institusyon ng buhay sa lipunan( the first and irreplaceable school of social life). Sa pamamagitan ng pamilya, ginawang makatao at mapagmahal ang lipunan dahil sa kontribusyon nito na huhubugin at tuturuan ng mga pagpapahalaga ang bawat kasapi nito. 6. May panlipunan at pampolitikal na gampanin ang pamilya. Ang mga pagpapaahalagang itinuturo ng iyong mga magulang ay gabay tungo sa mabuting pakikipag-ugnayan sa iyong kapuwa. May gampanin ang iyong pamilya na makipagtulungan sa mga gawaing panlipunan gaya ng pagtulong sa nangangailangan at pakikibahagi sa gawaing pampolitikal gaya ng pagpili ng tamang mamumuno sa bansa. 7. Mahalagang misyon ng pamilya sa kanilang mga anak na bigyan ng tamang edukasyon, gabayan sa mabuting pagpapasiya, at hubugin ang pananampalataya. Bukod sa pagkakaroon ng anak, may pananagutan ang mga magulang na gabayan ka upang lumaki at umunlad ka sa mga pagpapahalaga at maisabuhay mo ang misyon ng Diyos. Ang tungkulin ng mga magulang na magbigay ng edukasyon sa iyo ang bukod-tangi at pinakamahalaga nilang gampanin. Ito ay hindi mapapalitan (irreplaceable ) at hindi mababago (inalienable) kaya’t hindi puweding ipaubaya o iasa ang tungkuling ito sa iba. Kasama sa edukasyong ito ang pagsasanay ng mga anak sa pagsasabuhay ng mga pagpapahalaga tulad ng simpleng pamumuhay, katarungan (sa pamamagitan ng paggalang sa dignidad ng kapwa), paggabay sa mabuting pagpapasiya, edukasyon sa pananampalataya, at pagpapaunlad nito. Sa gabay ng mga dahilang ito, napapatunayan mo na ang pamilya ang likas na institusyon na huhubog sa pagkatao ng isang indibiduwal. Ito ang institusyong magpapaunlad sa mga pagpapahalagang makatutulong sa iyong sarili tungo sa makabuluhang pakikipagkapuwa.
Docsity logo



Copyright © 2024 Ladybird Srl - Via Leonardo da Vinci 16, 10126, Torino, Italy - VAT 10816460017 - All rights reserved