Docsity
Docsity

Prepare for your exams
Prepare for your exams

Study with the several resources on Docsity


Earn points to download
Earn points to download

Earn points by helping other students or get them with a premium plan


Guidelines and tips
Guidelines and tips

learning activity sheet, Study notes of French Language

learning activity sheet for high school students

Typology: Study notes

2020/2021

Uploaded on 02/13/2022

feolino-escario-shera-ruth
feolino-escario-shera-ruth 🇵🇭

4 documents

Partial preview of the text

Download learning activity sheet and more Study notes French Language in PDF only on Docsity! Republic of the Philippines Department of Education Region v SANGAY NG SORSOGON PAMBANSANG MATAAS NA PAARALAN NG CALAO CALAO PRIETO-DIAZ, SORSOGON Ang Pamilya Bilang Natural na Institusyon SANAYANG PAPEL BLG. 2 Kwarter 1 Pangalan:_______________________ Baitang:___________________ Seksyon: _______________________ Petsa: _____________________ I. PANIMULANG KONSEPTO Ang pamilya na itinuturing na pinakamaliit ngunit pinakamahalagang institusyon sa lipunan ay may malaking tungkulin na dapat gampanan. Bilang munting paaralan ng buhay, ito ang siyang ugat at unang gabay ng iyong pagkatao. Dito unang naranasan ang iba’t- ibang pagpapahalaga na maaaring magamit bilang gabay sa iyong pakikipagkapuwa. Sa modyul na ito, masusuri mo naman ang kahalagahan ng pagmamahalan, pagtutulungan, at pananampalataya na umiiral sa iyong pamilya. II. KASANAYANG PAMPAGKATUTO MULA SA MELCS  Nasusuri ang pag-iral ng pagmamahalan, pagtutulungan at pananampalataya sa isang pamilyang nakasama, naobserbahan o napanood. (EsP8PB- Ia-1.2) III. MGA GAWAIN A. Pangganyak. Gawain 1. 1. Gamit ang hashtag(#), ano ang mahalagang aral na iyong natutunan sa nakaraang aralin at gawain? _______________________________________________________________________________________________ _______________________________________________________________________________________________ 2. Gumawa ng sariling pangungusap gamit ang mga sumusunod na salita. Iugnay ito sa nangyayaring pandemya sa kasalukuyan, ang COVID-19. a. PAGMAMAHAL b. PAGTUTULUNGAN c. PANANAMPALATAYA _______________________________________________________________________________________________ _______________________________________________________________________________________________ _______________________________________________________________________________________________ B. Pag-aralan Mo. Ang pamilya bilang pundasyon ng lipunan ay may malaking gampanin na maging modelo sa mga mahahalagang pagpapahalaga na dapat maitanim sa puso at isip ng kanilang mga anak. Sila ang salamin ng mabubuting gawain na kailangang matutunan mo bilang anak tungo sa mabuting pakikipagkapuwa. Ang mga pagpapapahalagang naitanim sa puso mo ng iyong mga magulang ang magsisilbing gabay na maging maingat at maayos ka sa pagpapasiya sa araw-araw ng iyong buhay. Ang mga EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO pagpapahalagang ito na kailangang malinang saiyo ng iyong pamilya ay ang pagmamahal, pagtutulungan at pananampalataya sa Diyos. 1. Pagmamahal.  Sa pamilya, binibigyang-halaga ang kasapi dahil sa pagiging tao niya, hindi dahil sa kaniyang kontribusyon o magagawa sa pamilya. Ang ugnayang dugo ang likas na dahilan kung bakit itinuturing ang kapamilya bilang parang sarili (another self), may dignidad at may karapatang mahalin dahil sa pagiging tao niya at hindi sa kung anong mayroon siya (halimbawa: kapangyarihan, kagandahan, o talent). Umiiral sa pamilya ang pagmamahal na lubusan at walang hinihintay na kapalit (radical and unconditional love). Kagaya ng isang sanggol na nasa sinapupunan pa lamang ng ina ay minamahal ng kaniyang mga magulang kahit hindi pa nila nakikita ang kaniyang anyo – ang mensahe ng pagmamahal na ipinararating sa pamamagitan ng haplos, ang pag-aalaga sa kalusugan ng ina dahil alam na ito ay para rin sa kapakanan ng batang nasa sinapupunan, at ang pagtitiis sa matinding kirot bunga ng panganganak dahil alam na pagkatapos nito ay hindi maipaliwanag na kaligayahan dahil masisilayan na ang pinakahihintay – lahat ito ay dahil sa pagmamahal na hindi nakabatay sa kaanyuan, katangian, at kakayahan. 2. Pagtutulungan.  Ang pagtutulungan ay natural ding dumadaloy sa pamilya sapagkat kaligayahan ng bawat kasapi na makitang mabuti ang kalagayan ng buong pamilya. Kilala ang mga Pilipino sa pagkalinga sa kanilang mga anak. Palaging handang tumulong ang mga miyembro sa oras ng pangangailangan ng bawat isa. Katulad ng ibang pagpapahalaga, itinuturo din ng magulang sa anak na mula pa nang sila ay maliliit, sinasanay na sa paghahati-hati ng mga gawaing bahay, binibigyan ng tungkulin ang mga mas nakatatandang kapatid sa kanilang nakababatang kapatid, at nagtutulungan ang bawat isa sa kanilang mga takdang-aralin. Dito makikita kung gaano kahalaga ang pagtutulungan sa pamilya. 3. Pananampalataya  Ang pagsasabuhay ng bawat miyembro ng pamilya ng mga aral at kautusan ng kanilang pananampalataya ay lubhang mahalaga. Ito ang siyang magbubuklod sa kanila upang sila ay maging buo at matatag. Sabi nga sa isang kasabihan, “Ang pamilyang nagsasama-sama sa isang panalangin at pananampalataya ay manatiling magkakasama.” Marahil ito ang dahilan kung bakit marami sa atin ang mas nanaising makasama sa buhay ang may kaparehong pananampalataya. Ngunit kung minsan ay hindi nga lamang nangyayari ito sapagkat makapangyarihan ang pag-ibig. Ganunpaman anoman ang uri ng relihiyon mayroon ang bawat isa higit sa lahat ay may kinikilalang Diyos ang isang pamilya na maging sentro ng kanilang buhay. Mga Tanong: 1. Mahalaga ba ang pamilya para sa isang indibidwal? Sa lipunan? Bakit? _______________________________________________________________________________________ _______________________________________________________________________________________ 2. Bakit mahalagang malinang sa isang pamilya ang pagmamahal, pagtutulungan at pananampalataya sa Diyos? _______________________________________________________________________________________ _______________________________________________________________________________________
Docsity logo



Copyright © 2024 Ladybird Srl - Via Leonardo da Vinci 16, 10126, Torino, Italy - VAT 10816460017 - All rights reserved