Docsity
Docsity

Prepare for your exams
Prepare for your exams

Study with the several resources on Docsity


Earn points to download
Earn points to download

Earn points by helping other students or get them with a premium plan


Guidelines and tips
Guidelines and tips

Learning Activity Sheet for ESP 10 Q4, Exercises of Sociology

MELCS BASED LAS FOR ESP10 Q4 WITH CSE AND GAD INTEGRATION

Typology: Exercises

2021/2022

Uploaded on 06/19/2023

aivonne-hope-balais
aivonne-hope-balais 🇵🇭

8 documents

Partial preview of the text

Download Learning Activity Sheet for ESP 10 Q4 and more Exercises Sociology in PDF only on Docsity! KIPIT AGRO-FISHERY HIGH SCHOOL MAIN CAMPUS Name:   Grade & Section:   Contact #   Score: _____________ Date: GAWAIN SA PAGKATUTO EDUKASYON SA PAGPAPAKATO 10 -Ikaapat na Markahan ISYU SA KAWALAN NG PAGGALANG SA KATOTOHANAN / I. PANIMULA: Magandang buhay mahal kong mag-aaral! Kumusta ka na? Sana ay nasa mabuti kang kalagayan. Tadaan, mahalagang ano man ang iyong pinagdadaan ay maari nating pag-usapan. Ngunit, bago ang lahat ay may tanong ako sa iyo. Sa modyul na ito, Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na kaalaman, kakayahan, at pag-unawa: 1. Natutukoy ang mga isyung kaugnay sa kawalan ng paggalang sa katotohanan. 2. Nasusuri ang mga isyung may kinalaman sa kawalan ng paggalang sa katotohanan. 3. Nakapagtatala ng mga gawaing nararapat upang mapanatili ang pagiging tapat. 4. Nakapaglalahad ng sariling damdamin o opinyon sa mga pangyayaring may kaugnay sa kawalan ng paggalang sa katotohanan. II. KASANAYAN SA PAGKATUTO: Quarter 4, Week 3 Napangangatwiranan na: 1. Natutukoy ang mga isyung kaugnay sa kawalan ng paggalang sa katotohanan. EsP10PI-IVc-14.1 2. Nasusuri ang mga isyung may kinalaman sa kawalan ng paggalang sa katotohanan. EsP10PI- IVc-14.2 Marami ang napapahamak sa pagsisinungaling. Marami ang nadadaya, natatapakan, at namamatay. Marami ang gumagawa ng mga bagay na taliwas sa paggalang sa katotohanan. Ang napakalungkot isipin ay iyong mismong mga naririnig at nakikita natin sa mga balita na iyong mga nasa kapangyarihan o posisyon ay gumagawa ng mga bagay na taliwas sa pagiging totoo kung saan sila sana ang maging modelo sa pagiging tapat at totoo. Isa-isahin natin ang mga isyung lumalaganap ngayon sa ating lipunan. 1. PLAGIARISM . Ito ay ang pangongopya at pag-angkin sa mga datos, ideya, pangungusap, buod, at balangkas ng isang akda, programa, himig, at iba pa ngunit hindi kinilala ang pinagmulan. Ito ay maituturing na pagsisinungaling dahil sa pag-angkin ng hindi sa iyo (Atienza, et al, 1996). Ito ay paglabag sa Intellectual Honesty (Artikulo, A.et al, 2003). Halimbawa nito ay ang pangongopya ng mga pangungusap sa artikulo na makikita sa internet at kopyahin sa ginagawang research paper. 2. INTELLECTUAL PIRACY . Isang halimbawa nito ay ang pagrerecord ng movie o pelikula sa sinehan at itoy inilipat sa cd, at ibinenta. Ang paggamit ng walang pahintulot mula sa mga taong orihinal na gumawa ay maituturing na pagnanakaw. Ito ay maaaring sa paraan ng pagpaparami, pagpapakalat, pagbabahagi at panggagaya sa pagbuo ng bagong likha. Ang mga taong gumagawa ng ganitong mga gawain ay lumalabag sa batas– Karapatang-ari (Copyright infringement). Copyright holder-tawag sa taong may orihinal na gawa o may ambag sa anumang bahagi at iba pang mga komersiyo. Mga dahilan ng kung bakit nakagagawa ng ganitong uri ng pagnanakaw. a. presyo, b. kawalan ng mapagkukunan, c. kahusayan ng produkto, d. sistema/paraan ng pamimili, e. anonymity 3. WHISTLEBLOWING. Isang akto ng paghahayag ng mga maling gawaing nagaganap o hindi naaayon. Whistleblower naman ang tawag sa taong nagsiwalat sa illegal na gawain. Maraming nagaganap na rebelasyon sa ating lipunan. Yung iba ay mga rebelasyon ng mga ginagawang salungat sa batas ng mga nasa posisyon. Sa ginagawang aksyon ng whistlebower ay maaaring manganib ang kanyang buhay. Maaaring mabangga niya ang mga mataas pa sa kanya na pweding maging dahilan ng pagkakatanggal niya sa trabaho at mawalan ng kabuhayan. Paano nga ba ang mga ito masusugpo? Ang tao ay may kakayahang kumuha ng buod o esensiya. Kaya dapat ay laging ipanig ang sarili sa mga bagay at kilos na tama, mamuhay sa katotohanan, sumunod sa mga batas, at tanggapin ang pagkakamali. Samakatwid, isiwalat ang nararapat isiwalat sa simple at matapat na pamamaraan at gaya nga ng kasabihan “the III. KAALAMAN AT KAISIPAN: HONESTY IS THE BEST POLICY Ito ang mga katagang kalimitang nakikita natin sa paaralan lalo na sa loob ng mga classrooms. Ito rin ang nagiging bukambibig ng ating mga guro tuwing may pasulit. Marahil narinig mo na ang salitang katotohanan. Ito ang kabaliktaran ng salitang pagsisinungaling. Ito ay ang paghahayag sa totoo. Bawat tao ay nag-aasam na makita, marinig o malaman ang katotohanan dahil ito ay magbibigay sa kanya ng kapanatagan, katiwasayan, at kaluwagan sa buhay. Ito ay mahalaga sapagkat magbibigay ito ng matatag na ugnayan at pagiging isa. Nagdudulot ito ng mabuti at matatag na pakikipagkapwa. Bakit may mga taong nagsisinungaling? May nagiging bulag, pipi, at bingi? May mga naglilihim? Maaaring makagawa ng kasinungalingan ang tao sa pamamagitan ng salita at gawa upang pagtakpan ang pagkakamali at upang maging malinis ang imahe sa mata ng iba. May tatlong uri ang kasinungalingan. Ito ay ang jocose lies, officious lies, at pernicious lies. Ibat-ibang paraan ng pagtatago ng katotohanan. a. Lihim - Ito ay ang pagtatago ng mga impormasyon na hindi pa naibubunyag o naisisiwalat na maaaring masama o mabuti depindi sa intensiyon. Posibleng magdala ng sakit o kaya nama’y panganib sa taong nagtatago nito. b. Mental Reservation -Ito ay ang maingat na paggamit ng mga salita sa pagpapaliwanag na kung saan ay walang ibinibigay na tiyak na impormasyon sa nakikinig kung may katotohanan nga ito. c. Prinsipyo ng Confidentiality - Sa prinsipyo ng confidentiality, ang pagsasabi ng totoo ay hindi lamang pagpapahayag nang ayon sa nasa isip, ito rin ay maipahayag sa mas malalim na pag-iisip, pananalita, at pagkilos bilang isang taong nagpapahalaga sa katotohanan. d. Evasion - pag-iwas e. Equivocation - paglilihis ng mga maling kaalaman V. GAWAIN / DAGLIANG PAGSUBOK: Gawain 1: Sagutan natin. Panuto: Sagutin ang sumusunod. Ilagay sa kalahating papel.
Docsity logo



Copyright © 2024 Ladybird Srl - Via Leonardo da Vinci 16, 10126, Torino, Italy - VAT 10816460017 - All rights reserved