Download Naratib na teksto Pananaliksik and more Study Guides, Projects, Research English in PDF only on Docsity! Naratib o Pagsasalaysay - Isang uri ng tekstong nagpapahayag ng mga serye ng pangyayaring magkaugnay - Pagsulat na nagpapahayag ng karanasan, maaaring totoo o likhang isip, at gumagamit ng oras bilang siyang pinakapag-uugatan ng istruktura nito - Maaaring impormatib, mapanghikayat o nakaaaliw ang salaysay Mga Uri ng Tekstong Naratib A. Epiko- isang mahabang tulang nagsasalaysay ng mga kagila-gilalas na pakikipagsapalaran ng isang bayani B. Pabula- isang maikling kwentong naglalaman ng aral na karaniwang kinasasangkutan ng mga hayop bilang pangunahing tauhan na kumikilos na tulad ng mga tao C. Pantasya- mga kwentong natutungkol sa mga tauhang hindi makatotohanan kaugnay ng mga bagay na hindi naman maaaring mangyari D. Kwentong bayan- Mga katutubong kwentong naglalarawan ng kultura ng isang pangkat E. Leyenda- Kwentong nakabase sa mga totoong pangyayari ngunit nailahad sa pamamaraang eksaherado kaugnay ng isang bayani F. Mito- isang kwento naglalayong ipaliwanag ang misteryo ng buhay o kalikasan G. Dula- isang kwentong naglalaman ng mga dayalogo at isinulat hindi upang basahin ngunit upang itanghal sa entablado H. Balita- Impormasyong kaugnay ng mga pangyayaring kagaganap lamang na karaniwang nakapaloob sa mga dyaryo o sa balita sa telebisyon o radyo o sa internet I. Talambuhay- isang detalyadong pagsasalaysay tungkol sa buhay ng isang tao J. Sariling talambuhay- ito ay isang detalyadong pagsasalaysay tungkol sa buhay ng mismong manunulat K. Parabula- ito ay kwento ng mga aral ni Hesu Kristo Mahahalagang Katangian ng isang salaysay: 1. Tauhan- Lahat ng kwento ay may tauhan. Iba-iba ang uri ng tauhan dahil ito ang kailangan upang umusad ang isang salaysay. Karaniwang may bida at kontrabida ang isang salaysay. 2. Banghay- Bawat salaysay ay nararapat na may banghay ng mga pangyayari.