Docsity
Docsity

Prepare for your exams
Prepare for your exams

Study with the several resources on Docsity


Earn points to download
Earn points to download

Earn points by helping other students or get them with a premium plan


Guidelines and tips
Guidelines and tips

News Report script for Radio broadcasting, Summaries of Law

You can use this for references for different types of broadcasting just like radio broadcasting and also for news report.

Typology: Summaries

2022/2023

Uploaded on 12/05/2023

luna-bby
luna-bby 🇵🇭

1 document

1 / 10

Toggle sidebar

Related documents


Partial preview of the text

Download News Report script for Radio broadcasting and more Summaries Law in PDF only on Docsity! 4 patay, 45 sugatan sa Marawi bombing!   Doris Franche-Borja, John Unson - Pilipino Star Ngayon  December 4, 2023 | 12:00am Agad nagpatawag ng media briefing si Defense Secretary Gilbert Teodoro kasama sina AFP Chief of Staff LtGen. Romeo Brawner at PNP Chief Directorate Staff Lt. General Emmanuel Peralta sa Camp Aguinaldo kaugnay sa nangyaring pambobomba sa Dimaporo Gym ng Mindanao State University sa Marawi City, kahapon. Jesse Bustos MANILA, Philippines — Apat ang kumpirmadong patay habang 45 ang sugatan sa pagpapasabog sa Dimaporo Gymnasium Mindanao State University, Marawi City kahapon ng umaga. Sa inisyal na report ni PNP-Police Regional Office-Bangsamoro Autonomus Region (PRO BAR Director PBGen. Allan Cruz, tatlo ang dead-on-the-spot habang isa ang namatay sa Amai Pakpak Medical Center. Nasa Code Blue ang nasabing ospital. Ayon kay Nobleza, nangyari ang pagsabog alas-7:30 ng umaga habang nagmimisa na dinaluhan ng mga estudyante at guro. Sinabi ni Nobleza na tinitignan din nila ang  anggulo ng paghihiganti matapos na mapatay sa operasyon ang nasa 11 miyembro ng Dawlah Islamiyah (DI) kabilang ang lider nito noong Disyembre 1 sa Datu Hoffer Ampatuan, Maguindanao del Sur. Naka-full alert status ang PNP sa lahat ng probinsiya na sakop ng PRO BAR. Napag-alaman naman kay Police Maj. Gen. Emmanuel Peralta, chief of PNP directorial staff, improvised explosive device (IED) ang ginamit sa pagpapasabog. Nagsasagawa na ng post blast investigation ang explosives and ordnance (EO) units ng PNP at AFP mula sa mga nakuhang fragments ng 60-millimeter mortar ng IED. Inaalam na rin nila ang posibleng mga suspek sa insidente. Samantala, sinabi naman ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. na malakas ang ebidensiya na ang pagsabog ay gawa ng “foreign element”. Tumanggi muna itong magbigay ng impormasyon sa posibleng nasa likod nito upang maiwasan na ma-preempt ang imbestigasyon ng PNP at AFP. Ani Teodoro, kailangan na sigurado ang mga awtoridad sa pagtukoy sa mga salarin upang mabigyan ng hustisya ang mga biktima sa insidente. Kinondena naman ni Lanao del Sur Governor Mamintal “Bombit” Alonto Adiong Jr. ang insidente at tiniyak na pananagutin ang nasa likod ng pagsabog. Aniya, isa na itong uri ng  terorismo. Suspendido muna ang klase sa paaralan habang gumugulong ang imbestigasyon. Nagpakalat na rin ng dagdag security personnel para bantayan ang MSU. Boykot, unfollow: Andrea bugbog sarado sa mga Kathryn fan  Abante News  December 1, 2023 ADVERTISEMENT Unbothered ba si Andrea Brillantes sa mga bira sa kanya ng mga netizen? Aba, habang sinusulat ito, naka-open pa rin ang comment section ng Instagram niya, kaya malayang-malaya ang mga galit na galit sa kanya na batikusin, bastusin ang kanyang pagkatao, ha! Kaloka nga ang mga mensahe ng mga faney kay Andrea, na umabot pa sa may pagbabanta pa, na may mga video raw silang bubuhayin, para masira nang tuluyan ang pagkatao ni Andrea. Si Blythe nga ang tinuturong dahilan kung bakit daw nagkahiwalay sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Sa Instagram post niya ng video nila ni Luis Manzano, na promo ng vlog ng huli, nakakapanghina ang mga batikos, lait kay Andrea, ha! Hindi mo nga kakayaning sikmurain ang mga mensahe sa kanya. Heto nga ang ilang chika ng mga faney, na sinala na namin, dahil sa totoo lang, nakakabaliw ang mga sinasabi sa kanya, ha! “Hahaha, nakakahiya what more pag umedad pa to baka sumira ng pamilya to.” “The whole PH is rooting for your downfall gurl.” “Tawag diyan attention seeker. Tapos kapag tinira ng mga basher niya, magpaawa, feeling victim.” “Shutttaaa aanhin mo ang ganda kung ganiyan ugali.” “Te wala na. Break na sila dahil sayo. Buset ka.” “Don’t worry girl, karma is coming.” “Every year ka na lang ba may issue?” “Tama ka na. Masaya ka ba sa ginawa mo? Habangbuhay mong dadalhin lahat ng pangungutya naming mga KathNiel fans sa iyo.” “Hindi ka na nahiya. Tinatawag mo pang ate si Kathryn. Wala kang delikadesa. Sana makatulog ka ngayong gabi.” “Wag kang magpapakita sa akin, sasabunutan kita.” “Go to hell.” “Nakakatakot ang mga ginagawa mo.” At siyempre, may mga nanawagan ng cancel Andrea Brillantes. May mga sumisigaw ng i-unfollow siya sa lahat ng social media account niya. At may panawagan din na huwag suportahan ang mga teleserye, pelikula na kasama niya, lalo na raw ang negosyo, o endorsement niya, ha! “Guys just unfollow her.” “Wag na din i-support mga eni-endorse niya pati mga palabas niya sa TV.” Pero, hindi rin naman pumayag ang mga supporter ni Andrea, at todo tanggol, at palaban din sila sa mga sumisira sa kanilang idolo. “Madalas ang mga inaatake yung mga tunay na mabait. Blythe kung alam mong wala kang kasalanan, taas noo ka pa rin sa mga basher mo. Mag-pray ka lang kay God.”
Docsity logo



Copyright © 2024 Ladybird Srl - Via Leonardo da Vinci 16, 10126, Torino, Italy - VAT 10816460017 - All rights reserved