Docsity
Docsity

Prepare for your exams
Prepare for your exams

Study with the several resources on Docsity


Earn points to download
Earn points to download

Earn points by helping other students or get them with a premium plan


Guidelines and tips
Guidelines and tips

Pagbabalik sa Paaralan: Gabay para sa mga Magulang at sa ..., Study notes of English

Gumawa kami ng mahaba-habang pagsangguni sa mga kasosyo sa ... tungkol sa COVID-19 at kung bakit maaaring tila naiiba ang kanilang buhay ng ilang panahon.

Typology: Study notes

2022/2023

Uploaded on 03/01/2023

lakshminath
lakshminath 🇺🇸

5

(1)

1 document

Partial preview of the text

Download Pagbabalik sa Paaralan: Gabay para sa mga Magulang at sa ... and more Study notes English in PDF only on Docsity! Pagbabalik sa Paaralan: Gabay para sa mga Magulang at sa Publiko Setyembre 2020 Pagbabalik sa Paaralan: Gabay para sa mga Magulang at sa Publiko Inilathala ng: Probinsya ng New Brunswick PO Box 6000 Fredericton, NB E3B 5H1 Canada ISBN 978-1-4605-2604-0 (Naka-print na Edisyon) ISBN 978-1-4605-2605-7 (PDF English) Liham mula sa Minister 5 Mahal naming mga mag-aaral, kawani ng paaralan at pamilya, Noong Abril 2020, gumawa ang Department of Education and Early Childhood Development ng mahirap na desisyon na isara ang mga paaralan para sa natitirang 2019–20 akademikong taon. Hindi minaliit ang paggawa ng desisyong ito ay hindi ginawa sa pagmamadali. Ginawa ito na isinasaisip ang kalusugan at kaligtasan ng mga mag-aaral at kawani. Pinangyayari rin ng desisyong ito na makapagpokus ang sistema ng edukasyon sa pangmatagalang mga paghahanda para sa 2020–21 taon ng paaralan para makapagbigay sa mga mag-aaral at kawani ng malusog, ligtas at positibong kapaligiran para pag-aaral at pagtuturo at maibalik ang mga mag-aaral sa normal para sa ikatatagumpay sa akademiko. Noong Hunyo 12, inilabas namin ang mataas na antas ng plano para makapagbigay sa mga distrito ng paaralan ng tagubilin at tulungan silang mapasimulan ang pagpaplano ng isang ligtas at malusog na pagbabalik sa paaralan sa Setyembre. Patuloy mula noon ang kawani ng kagawaran sa paggawang kasama ng Public Health, mga distrito ng paaralan at administrasyon para higit pang bigyang-kahulugan ang planong ito at para pag-ibayuhin pa ang kapaligiran sa pag-aaral na ligtas at mapagpatuloy. Tinitiyak na ang mga mag-aaral sa New Brunswick ay makakakuha ng de-kalidad na edukasyon na mananatiling pangunahing mandato namin. Para matamo ang tunguhing ito, kakailanganin namin ang tulong at suporta ng mga magulang, mag-aaral at ng sistema ng paaralan. Ang mga desisyon at prosesong tinukoy sa planong ito ay hindi ginawa nang basta basta o nang walang masusing pagsasaalang-alang. Gumawa kami ng mahaba-habang pagsangguni sa mga kasosyo sa sistema ng edukasyon, sa mga mamumuhunan at sa Public Health (Pampublikong Kalusugan). May kabahaging pananagutan ang New Brunswickers sa pagtulong na mapanatiling ligtas at malusog ang aming mga paaralan. Kailangang makapanatiling nakakasabay ang mga pamilya sa mga pagbabago sa tagubilin ng Public Health at sa sistemang pang- edukasyon. Sa pamamagitan ng pagpapatibay ng payo ng Public Health sa pamamagitan ng paggawing pagbibigay ng ihemplo, kung sama-sama nating maipapakita sa ating mga mag-aaral na mahalaga ang mga hakbangin sa pagharap sa COVID-19. Nagbibigay ang dokumentong ito ng higit pang detalye ng kung ano ang kailangang malaman ng mga magulang at mag-aaral bago ang pagbabalik sa paaralan sa Setyembre 2020. Patuloy na uunlad ang planong ito at susulong habang may nagiging available na bagong impormasyon mula sa mga dalubha sa pampublikong kaligtasan. Hinihimok ko kayong lahat na sundin at suportahan ang mga direktiba sa kalusugan at kaligtasan na pinaunlad para sa edukasyon ng inyong anak. Lahat tayo ay may pananagutan na paliitin ang tsansa na mahantad sa COVID-19. Sa pamamagitan ng pagtutulungan, pagiging mapagpitagan at pagbibigay-pansin, patuloy na maipapakita ng New Brunswick ang pagiging nangunguna at pagiging mapagbantay habang magkakasama tayong patuloy na namumuhay sa gitna ng pandemyang ito. Taos-puso, Minister of Education and Early Childhood Development Dominic Cardy Liham mula sa Punong Opisyal ng Medikal 6 Mahal naming mga mag-aaral, kawani ng paaralan at pamilya, Alam namin na ang pagkakaroon ng pagkakataon na makatanggap ng de-kalidad na edukasyon ay susi sa pangkalahatang kalusugan at kagalinganng ating mga anak. Mahalaga ang pagpasok sa paaralan para matuto at umunlad at makapagbigay ng naisaayos na rutina na magpapapangyaring sumulong ang mga bata. Nakipagtulungang mabuti ang Public Health sa Department of Education and Early Childhood Department para sa pagbuo ng pamamaraan sa pagbabalik sa paaralan na magpapangyari sa mga mag-aaral na matuto at makapagturo ang mga guro habang tinitiyak na mayroong mga hakbanging isinasagawa para maprotektahan ang lahat ng miyembro ng aming komunidad ng paaralan: mga mag-aaral, pamilya at paaralan. May mahalagang papel na gagampanan ang mga pamilya na sa ligtas na pagbabalik sa paaralan. Puwedeng makapagbigay ng positibong epekto ang mga pamilya sa kanilang mga anak at makapag-ambag sa kalusugan ng kanilang mga komunidad sa pamamagitan ng: • pagbibigay ng ihemplo ng mga paggawing kailangan para malimitahan ang pagkalat ng COVID-19, tulad ng paghuhugas ng kamay, wastong kagandahang-asal sa pag-ubo at pagbahin at pananatili sa bahay kapag may sakit; • pagsubaybay sa mga anak araw-araw para sa mga sintomas at pagtawag sa 811 o sa kanilang tagapagbigay ng pangunahing pangangalaga para maisaayos na masuri kung may lumitaw na mga sintomas; at • pakikipag-usap sa kanilang mga anak tungkol sa COVID-19 at kung bakit maaaring tila naiiba ang kanilang buhay ng ilang panahon. Nagtulungan ang Public Health sa pagtatatag ng komprehesibong pamamamaraang ito para sa ligtas na pagbabalik sa paaralan at patuloy na makikiisa sa buong taon ng paaralan. Mula sa pagbibigay ng gabay sa mga hakbangin ng pag-iwas hanggang sa pagkontrol paglaganap, makakasama ng ating mga mag-aaral, pamilya at kawani ng paaralan ang Public Health sa bawat hakbang. Taos-puso, Dr. Jennifer Russell, BA, BSc, MD, CCFP Punong Opisyal NG Medikal ng Kalusugan 7 Mga Pamantayang Sinusunod BUHAY NA DOKUMENTO Ang dokumentong ito ay may layuning magbigay-alam sa publiko tungkol sa pagbabalik sa paaralan sa Setyembre 2020. Habang nagkakaroon ng mga bagong tuklas ang mga scientist sa buong mundo patungkol sa paglilipat, pagkontrol at paggamot ng COVID-19, gagamitin ang mga direktiba ng Pamahalaan at maaaring magkaroon ng pagkakaiba sa kung ano ito ngayon. Lahat ng kaugnay na dokumento ay babaguhin para maipakita ang mga bagong update. DE-KALIDAD NA EDUKASYON • Ang mandato namin ay para magbigay ng de-kalidad na edukasyon para sa lahat ng mag-aaral sa pampublikong paaralan. • Makakatanggap ang mga mag-aaral ng de-kalidad at nakabatay sa kurikulum na edukasyon kahit pa hindi ito ipinahihintulot sa gusali ng paaralan dahil sa COVID-19. LIGTAS AT MALUSOG NA KAPALIGIRAN SA PAG-AARAL • Bawat paaralan ay magkakaroon ng operasyonal na plano na inilalatag ang mga panuntunang pangkalusugan at pangkaligtasan. • Ibabahagi ang mga operasyonal na plano ng indibidwal na paaralan sa mga magulang bago magpatuloy ang paaralan. • Ang paggugrupo-grupo (bubble1) ng klase sa Kindergarten hanggang Baitang 8 ay magpapaliit ng panganib na mailipat ang sakit dahil sa pagkakaayos ng paaralan at nagsusulong ng ligtas na paghahalubilo ng mga bata. Pabibilisin ng paggugrupo- grupo ng klase ang pagsunson ng nakasalamuha. • Gagamitin sa mga mataas na paaralan ang blended learning (magkahalong paraan ng pag-aaral), lilikha ng higit pang pasadyang mga opurtunindad sa pag-aaral at gagamit ng pagdistansya sa katabi para mabawasan ang panganib sa masalin ang sakit. BUONG PANAHONG PAG-AARAL • Mahalaga ang edukasyon para sa pag-unlad ng mga bata at para sa kinabukasan ng probinsya. • Kahit nasa anong baitang ng Public Health ang probinsya, magpapatuloy na buong panahon ang pag-aaral. • Ang pamantayan ng pagiging kabilang ay isang haligi ng ating sistema ng edukasyon. PAKIKIPAGTULUNGAN SA PUBLIC HEALTH • Ang planong ito ay pinaunlad kasama ng Public Health at ng Opisina ng Punong Opisyal ng Medikal. • Gumaganap ng mahalagang papel ang Public Health sa pagtiyak ng isang malusog at ligtas na kapaligiran ng paaralan. Patuloy kaming makikipagtulungan sa Public Health sa buong taon ng paaralan para tiyaking napapanahon ang impormasyon at nasusunod ang pinakamahuhusay na kasanayan. • Kapag may nakumpirmang positibong kaso ng COVID-19 sa isang paaralan, makikipagtulungan ang paaralan sa Public Health para suportahan ang pagsunson ng nakasalamuha. • Gagawa ng may kabatirang pagpapasya ang Public Health at tuwirang makikipag-usap sa distrito, paaralan at mga magulang tungkol sa susunod na mga hakbang. 1 Ang terminong “bubble” ay tumutukoy sa mga mag-aaral na nakatalagang mananatiling magkakasama sa paggugrupo-grupong ito habang nasa paaralan . Pamamahala ng Paglaganap ng Sakit 10 Kinukumpirma ng Public Health ang isang pisitibong kaso / mga kaso sa isang paaralan Ipinapaalam ng Public Health sa distrito ng paaralan at paaralan ang isang positibong kaso / mga kaso. Ang paaralan, sa pakikipagtulungan sa Public Health ay makikipag-ugnayan sa komunidad ng paaralan. Ginagawa ng Public Health ang pagsunson ng mga nakasalamuha at aabisuhan ang may mga kaugnayang indibidwal. Ipapaalam ng Public Health ang mga kasunod na hakbang at uutusan na magbukod ng sarili ang mga indibidwal, may kaugnayang grupo ng klase o populasyon ng mag-aaralng sarili Ipapaalam ng Public Health sa mga indibidwal kung kailan sila puwedeng bumalik sa paaralan. Lahat Tayo Samama Dito 10 BAWAT NEW BRUNSWICKER AY MAY PAPEL NA GAGAMPANAN • Maging mabait. Huwag hatulan ang iba. Magtuon ng pansin sa paggawa ng iyong bahagi. • Alagaan ang iyong sarili at pamilya sa pamamagitan ng pananatiling aktibo at itaguyod ang wellness (kagalingan). • Mahalaga ang pagsusuri. Bago umalis patungong paaralan, tiyaking walang sakit ang iyong anak. Repasuhin ang mga tanong sa pagsusuri tuwing umaga. • Kung ikaw o ang iyong anak ay may mga sintomas ng COVID-19 o hindi mabuti ang pakiramdam mo, manatili sa bahay. • Ang mga magulang ng mga mag-aaral na may mga espesipikong alalahanin sa kalusugan ay dapat makipag- usap sa kanilang medical practitioner tungkol sa pagbabalik sa paaralan. Ang kaugnay na impormasyon ay dapat ibahagi sa paaralan para sa angkop na pagpaplano. PROTEKTAHAN ANG IYONG SARILI, PROTEKTAHAN ANG IBA • Dapat tiyakin ng bawat mag-aaral at kawani ng paaralan na magdala sila ng community mask sa paaralan. Dapat linisin araw-araw ang pantakip sa bibig at ilong. • Ang masuri kapag may nakikitang sintomas ay pagiging responsable. • Susundin ng kawani ng paaralan ang mga panuntunan para sa mga mag-aaral na may sakit. TAWAGAN ANG 811 KAPAG MAYROON KANG MGA SINTOMAS • Tingnan ang website ng Public Health para sa pinakabagong listahan ng mga sintomas. • Sundin ang payo ng Public Health: sila ang mga eksperto. KAGANDAHANG ASAL SA PERSONAL NA KALIGTASAN • Isa sa pinakamahusay na mga paraan ang regular na paghuhugas ng kamay para maprotektahan ang iyong sarili at iyong pamilya na huwag magkasakit. Maghugas kapag aalis ng bahay, pagdating sa paaralan at sa buong maghapon. • Hugasan ang mga kamay mo gamit ang sabon at tubig o gumamit ng panlinis ng kamay. Himigin nang dalawang beses ang kantang “Happy Birthday”. • Takpan ang iyong bibig at ilong gamit ang iyong siko o tisyu kapag umuubo o bumabahin. Itapon kaagad ang nagamit nang tisyu. • Iwasang hawakan ang iyong mga mata, ilong at bibig. KAGALINGAN AT SEGURIDAD • Magpapatuloy nang walang sagabal ang mga programang pagbibigay ng agahan at miryenda para tiyakin ang seguridad ng pagkain. • Tutulong ang mga magulang, mag-aaral at paaralan sa pagtataguyod ng kultura ng paggalang at pagiging palaisip. • Isusulong at gagawing Ihemplo ang ligtas at malusog na mga paggawi. • Ilalaan ang suportang mental na kalusugan at kagalingan. Mga Paaralan 11 Magbabago ang tanawin sa mga paaralan sa Setyembre. Para maasikaso ang mas maliliit na grupo, may ilang paaralan na kailanganing gumawa ng mga espasyo sa silid-aralan. Marahil gagamitin nila ang mga cafeteria o aklatan. Bawat paaralan ay magkakaroon ng operasyonal na plano na may mga detalye kung paano kikilos sa gusali ang mga mag-aaral at kawani ng paaralan. OPERASYONAL NA PLANO • Magkakaroon ng operasyonal na plano ang mga paaralan na binabalangkas ang kanilang mga panuntunang pangkalusugan at pangkaligtasan. Ibabahagi ang planong ito sa mga magulang at sa komunidad ng paaralan. • Rerepasuhin ng mga paaralan kung paano kikilos ang mga mag-aaral at kawani ng paaralan sa loob ng gusali para matiyak na may pagdistansya sa katabi at pananatilihing buo ang paggugrupo-grupo ng klase. • Susundin ang paggugrupo-grupo ng klase o pagdistansya sa katabi sa panahon ng recess, pahinga at oras ng tanghalian. MGA BUS • Lahat ng mag-aaral sa K to 5 ay magpapanatili ng distansyang isang metro (isang mag-aaral kada isang upuan) at hindi kailangang magsuot ng pantakip sa bibig at ilong. • Maaring magkatabing umupo ang dalawang miyembrong magkasama sa iisang bahay nang hindi na kailangang magsuot ng pantakip sa bibig at ilong. • Magsusuot ng community face mask (pantakip sa bibig at ilong) ang mga mag-aaral sa mga Baitang 6 hanggang 12 kapag sumasakay at bumababa ng bus. Puwedeng tanggalin ng mag-aaral ang kanilang pantakip sa bibig at ilong kung nag-iisa sila sa upuan o katabi ang isa na kasama sa iisang bahay habang bumabyahe sa bus. • Maaaring muling isaasyos ng mga distrito ng paaralan ang mga ruta ng bus. • Maaaring baguhin ng mga paaralan ang kanilang mga iskedyul para maiangkop ang mga pagbabago sa ruta. KONTROLADO AT LIMITADONG ACCESS • Para makatulong sa pagsunson ng mga nakasalamuha, lilimitahan ang pagpunta sa mga paaralan para makontrol ang daloy ng mga tao. • Lilimitahan ang daloy ng kawani ng paaralan at iba pang indibidwal sa pagitan ng mga paaralan kapag posible ito. • Ipapatupad ang karagdagang mga panuntunang pangkalusugan at pangkaligtasan sa sinumang hindi mag- aaral o miyembro ng kawani ng paaralan na pumapasok sa gusali ng paaralan. • Makakapasok lamang ang mga magulang sa paaralan kung may appointment sila o kung susundo ng anak na may sakit. • Kailangang magsuot ng pantakip sa bibig at ilong ang mga magulang, magpanatili ng pagdistansya sa katabi at susunod sa anumang mga panuntunang pangkalusugan at pangkaligtasan. PINAG-IBAYONG PAGLILINIS AT PAGDISIMPEKTA • Nakapagtatag ng pinag-ibayong paglilinis at pagdisimpekta at babalangkasin ito sa bawat operasyonal na plano ng paaralan. • Bumibili ang mga distrito ng paaralan ng mga supply na panlinis at ise-secure para matiyak na magagamit kapag kailangan. MGA ISTASYON SA PAGLILINIS NG KAMAY • Maglalagay ng mga istasyon sa paglilinis ng kamay sa bawat klase at sa bawat pasukan ng paaralan. • Kailangang regular na maghugas ng kamay o magsabonng kanilang mga kamay ang mga mag-aaral at kawani ng paaralan. MGA DRINKING FOUNTAIN (INUMAN) • Magiging available ang mga istasyon mapagkukunan ng tubig para sa bote at maglalagay ng mga karatula para maitampok ang ligtas na paggamit nito. • Hindi gagamitin ang mga water fountain (inuman). Mga Silid-aralan 14 MGA COMMUNITY MASK (PANTAKIP SA BIBIG AT ILONG) • Isang mabisang kagamitan ang mga community mask para makontrol ang pagpasa ng COVID-19. • Lahat ng mag-aaral at kawani ng paaralan ay dapat na mayroong malinis na pantakip sa bibig at ilong na magagamit sa buong maghapon sa paaralan. • Inirerekumenda ang mga pantakip sa bibig at ilong sa lahat ng emerhensyang pagsasanay pero hindi sa puntong makakasagabal sa pagtugon sa pagsasanay. • Hindi kailangang magsuot ng pantakip sa bibig at ilong ang mga mag-aaral sa loob ng kanilang grupo. • Hinihimok ang mga mag-aaral sa K–5 na magsuot ng pantakip sa bibig at ilong sa mga karaniwang lugar kapag nasa labas ng mga grupo ng klase na nasa loob ng gusali ng paaralan. Halimbawa, pagpunta sa silid-hugasan, pagbisita sa resource teacher, atbp. • Dapat gumamit ng pantakip sa bibig at ilong sa mga karaniwang lugar sa labas ng kanilang klase ang mga mag-aaral sa Baitang 6–12. PAGHIHIRAMAN NG MGA MATERYAL • Lahat ng pinaghihiramang materyal tulad ng mga computer, kagamitan na pampisikal na edukasyon, mga instrumentong pangmusika, mga microwaves, atbp. ay ididisimpekta sa pagitan ng mga paggamit. • Isang mag-aaral lamang ang dapat gumamit ng mga materyal na hindi puwedeng idisimpekta. Halimbawa, playdough (minamasa). • Kakailanganing magdisimpekta ng kanilang mga lamesa at upuan ang mga mag-aaral sa Baitang 6-12 pagkatapos ng bawat klase. Pag-aaral 15 Magiging buong panahon ang pag-aaral para sa lahat ng mag-aaral. Ituturo ang regular na kurikulum at magkakaroon ng regular na mga ebalwasyon at mga card ng ulat. Magkakaroon ng mga karagdagang resources na susuporta sa kagalingan at mental na kalusugan. PAG-AARAL NG KINDERGARTEN HANGGANG BAITANG 8 • Mapapasapaaralan nang buong panahon ang mga mag- aaral mula Kindergarten hanggang Baitang 8. • Isasama sa kurikulum ang mga aktibidad na nagsusulong ng mabuting kalusugan at kamalayan sa kaligtasan. • Babawasan ang bilang ng kawani ng paaralan na magtuturo sa grupo ng klase. • Pinasisigla ang mga aktibidad ng pag-aaral sa labas, kasama na ang panahon ng pagmiryenda, pag-aaral na nakadepende sa lugar at ng hindi nakaistrukturang oras. PAG-AARAL SA MATAAS NA PAARALAN • Makikibahagi ang mga mag-aaral sa mataas na paaralan sa kapaligirang magkahalong paraan ng pag-aaral, sa paaralan at online. • Mapapasapaaralan ang mga mag-aaral di-bababa sa kada ikalawang araw. • Kukunin ang bilang ng dumadalo kapag ang mga mag-aaral ay nag-aaral online. • Para matamo ang mga resulta sa pag-aaral sa kanilang pasadyang plano sa pag-aaral, maaaring irekumenda sa ilang mag-aaral ng pangkat na pang-istratehiya na sila mapasapaaralan araw-araw. • Ang mga mag-aaral na dinidisiplina, tulad ng mga trade, ay maaaring pahintulutan na dumalo araw-araw. • Gagawin ang pag-aaral gamit ang mga istratehiyang pang- edukasyon tulad ng online, nakabatay sa inaasahan (projected-based), at pag-aaral na nakabatay sa pag- obserba at aktuwal (experiential learning). • Matututo ang mga mag-aaral sa paraang pang-indibidwal at kasama ng mga grupo. Magkakaroon ng pagkakataon na makagamit ang mga mag-aaral sa mga virtual na espasyon (virtual spaces) na magpapahintulot sa pagtutulungan, networking at teamwork. • Magdadala ang mga mag-aaral ng kanilang mga sariling eletronikong device sa paaralan para sa pag-aaral. • Pagbubutihin ang IT infrastructure para suportahan angkasabihang Pagkukusang Magdala ng Iyong Sariling Device (Bring Your Own Device Initiative). • Maaaring itatag ang mga lugar para sa pangalawahing pag-aaral sa loob ng lokal na mga komunidad para suportahan ang mga mag-aaral na maaaring walang sariling koneksyon sa internet o waang magagamit na teknolohiya. PISIKAL NA EDUKASYON, MUSIKA AT SINING • Mahalagang bahagi ng kurikulum ang pisikal na edukasyon, musika at sining. Pinasisigla sila at dapat maturuan kapag posible. • Hindi maghihiraman ng mga materyal at kagamitan maliban kung madisimpekta. • Hindi papayagan ang pag-awit at pagpapatugtog ng instrumentong hinihipan. DAGDAG NA KURIKULUM, MGA FIELD TRIP AT IBA PANG AKTIBIDAD • Para sa K–8, ang mga aktibidad na ito ay ipahihintulot kung sila ay nakakatugon sa mga kinakailangan sa paggugrupo-grupo. • Para sa Baitang 9–12, ipapahintulot ang mga aktibidad na ito kung magagawa ng mga mag-aaral ang pisikal na distansya. • Susunod ang mga aktibidad na ito sa anumang karagdagang panuntunang pangkalusugan na kinakailangan ng Public Health. • Poprotektahan ang mga paggugrupo-grupo ng klase kapag nakikibahagi ang mga mag-aaral sa aktibidad na wala sa bakuran ng paaralan. • Inirerekumenda ang mga aktibidad sa labas ng silid at dapat unahin. MGA ASAMBLEYA • Hindi pahihintulutan ang malalaking aktibidad sa paaralan o mga asambleya. Puwede itong isagawa nang virtual. Pag-aaral 16 MALAYUANG EDUKASYON (DISTANCE EDUCATION) SA PANAHON NG PAGLAGANAP NG SAKIT • Magpapatuloy ang edukasyon bilang mandatoryo sa panahon ng paglaganap ng sakit. Ang mga sumusunod na uri ng pag-aaral ay maaaring asahan: Mga Baitang Mga uri ng pag- aaral Pakikipag- ugnayan sa guro K–2 Nakabatay sa papel Araw-araw na pag- check-in 3-5 Nakabatay sa papel na may ilang teknolohiya Rutinang pagtuturong may pakikibahagi 6-8 Nakabatay sa teknolohiya Regular na pagtuturo 9-12 Nakabatay sa teknolohiya Regular na pagtuturo • Maaaring unahin ang mga layunin ng pag-aaral sa panahon ng paglaganap ng sakit. • Ipapamahagi ang mga elektronikong device sa mga mag-aaral sa Baitang 6-8 na walang magamit na teknolohiya kung ang mga mag-aaral ay hindi puwedeng nasa paaralan. • Dapat tiyakin ng mga principal na napapanahon at tumpak ang listahan ng mga mag-aaral na kailangan ng teknolohiya para masuportahan ang mandatoryong pag-aaral.
Docsity logo



Copyright © 2024 Ladybird Srl - Via Leonardo da Vinci 16, 10126, Torino, Italy - VAT 10816460017 - All rights reserved