Docsity
Docsity

Prepare for your exams
Prepare for your exams

Study with the several resources on Docsity


Earn points to download
Earn points to download

Earn points by helping other students or get them with a premium plan


Guidelines and tips
Guidelines and tips

Pagbabasa at pagsusuri module 4 quarter 4, Exercises of Earth science

Hello hiii halu nsishauiaiajajajjzjzjsjsizjzjsjsjjjsjss

Typology: Exercises

2021/2022

Uploaded on 05/30/2022

ann-gee-1
ann-gee-1 🇵🇭

5

(1)

Partial preview of the text

Download Pagbabasa at pagsusuri module 4 quarter 4 and more Exercises Earth science in PDF only on Docsity! CO_Q4_PPIITTP_SHS Module 5 Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik Ikaapat na Markahan – Modyul 5: Pagbuo ng Isang Maikling Pananaliksik sa mga Napapanahong Isyu Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik Alternative Delivery Mode Ikaapat na Markahan – Modyul 5: Pagbuo ng Isang Maikling Pananaliksik sa mga Napapanahong Isyu Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________ Department of Education – Region IV-A CALABARZON Office Address: Gate 2 Karangalan Village, Barangay San Isidro, Cainta, Rizal 1800 Telefax: 02-8682-5773/8684-4914/8647-7487 E-mail Address: region4a@deped.gov.ph Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Princess R. Penueco Mary Joy B. Elvira Editor: Pilita A. Villanueva Tagasuri: Elma H. Ilagan Marissa O. Aguirre Helen G. Magnaye Ma. Gladys A. Delos Reyes Tagaguhit: Agnes Manaig Tagalapat: Reden M. Cruzado Jasmin V. Facturanan Tagapamahala: Wilfredo E. Cabral Francis Cesar B. Bringas Job S. Zape Jr. Eugenio S. Adrao Ramonito O. Elumbaring Elaine T. Balaogan Fe M. Ong-ongowan Lourdes T. Bermudes Bernadette T. Luna Alona A. Enzinares Violeta I. Francisco Regin Rex P. Tosco Marissa O. Aguirre Ednel A. Almoradie Ma. Gladys A. Delos Reyes 1 CO_Q4_PPIITTP_SHS Module 5 Alamin Ang modyul na ito ay naglalaman ng pagtalakay sa kung paano makabuo ng isang maikling pananaliksik sa mga napapanahong isyu sa ating bansa. Ito ay may kaugnayan din sa napag-aralan mo sa naunang modyul. Makatutulong ito sa iyo upang lalo pang mapaunlad ang iyong kakayahan sa pagsulat ng pananaliksik. Kasanayang Pampagkatuto: ● Nakabubuo ng isang maikling pananaliksik na napapanahon ang paksa (F11EP – IVij) Layunin: ● Nabibigyang kahulugan ang pananaliksik, ● Naipaliliwanag ang kahalagahan ng bawat bahagi nito, at ● Nakasusulat ng isang maikling pananaliksik na napapanahon ang paksa. 2 CO_Q4_PPIITTP_SHS Module 5 Subukin Basahin mabuti ang mga pahayag. Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat ito sa iyong sagutang papel. 1. Sa bahaging ito matatagpuan ang paglalahad ng suliranin. A. Kabanata I B. Kabanata II C. Kabanata III D. Kabanata IV 2. Binibigyang kahulugan dito ang mga salitang mahalaga o pili na ginagamit sa pananaliksik. A. instrumento C. rasyunal B. kahulugan ng katawagan D. saklaw at limitasyon 3. Nakalatag dito ang teoryang pinagbatayan ng pag-aaral. A. batayang konseptwal C. interpretasyon B. disenyo ng pananaliksik D. respondent 4. Sa bahaging ito matatagpuan ang interpretasyon ng kinalabasan ng pag- aaral. A. Kabanata I B. Kabanata II C. Kabanata III D. Kabanata IV 5. Inilalahad dito ang eksaktong bilang ng mga sumagot sa inihandang kwestyoner-sarbey. A. Instrument C. Rasyunal B. interpretasyon D. respondent 6. Nakasaad dito ang lawak at limitasyon ng pinag-aaralan. A. disenyo C. saklaw at limitasyon B. instrumento D. tritment ng mga datos 7. Sa bahaging ito inilalahad ng malinaw ang naging kasagutan sa bawat suliranin, tanong o layunin na ibinigay sa simula ng pananaliksik. A. Kabanata I B. Kabanata II C. Kabanata III D. Kabanata IV 8. Ipinaliliwanag dito ang pansariling implikasyon at resulta ng pananaliksik. A. interpretasyon C. pagsusuri B. kahulugan ng katawagan D. tritment ng mga datos 9. Nakalagay rito ang sanhi o layunin ng paksang inaaral sa anyong patanong. B. disenyo ng pananaliksik B. paglalahad ng resulta C. kahulugan ng katawagan D. paglalahad ng suliranin 10. Sa bahaging ito inilalahad ang metodo ng pananaliksik. A. Kabanata I B. Kabanata II C. Kabanata III D. Kabanata IV 3 CO_Q4_PPIITTP_SHS Module 5 11. Alin sa sumusunod na kategorya ng “questionnaire” ang HINDI kabilang? A. disenyo B. kalinawan C. kaangkupan D. kasanayan 12. Sa kabanatang ito ipinaliwanag ang interpretasyon sa datos na nakuha sa pananaliksik. A. Kabanata I B. kabanata II C. Kabanata III D. Kabanata IV 13. Ito ay isang paraan ng pagtuklas ng mga kasagutan sa mga partikular na katanungan ng tao tungkol sa kaniyang lipunang ginagalawan. A. karanasan C. pagpapaunlad B. komunikasyon D. pananaliksik 14. Bakit patuloy ang paghahanap ng kasagutan sa iba’t ibang phenomena? A. Dahil sa pangangailangan ng tao B. Dahil naghahanap ng panibagong dagdag kaalaman C. Dahil nais ng tao na makapag-ambag ng kaalaman sa lipunan D. Dahil patuloy na inuunawa ng tao ang mga pangyayari sa kaniyang paligid 15. Ang sumusunod ay mga paraang ginagamit sa pananaliksik upang makakalap ng impormasyon, maliban sa A. debate B. eksperimento C. interbyu D. sarbey 6 CO_Q4_PPIITTP_SHS Module 5 Suriin Upang mas maging mas maliwanag sa iyo ang paggawa ng pananaliksik sa Filipino, narito ang mga mahahalagang bahagi na dapat taglayin ng isang pananaliksik. Subalit bago iyan, alamin muna natin ang kahulugan ng salitang pananaliksik. Ano ang pananaliksik? Ayon kay Susan B. Neuman (1997), na binanggit nina Evasco et al. (2011) sa aklat na “Saliksik: Gabay sa Pananaliksik sa Agham Panlipunan, Panitikan at Sining”, ang pananaliksik ay isang paraan ng pagtuklas ng mga kasagutan sa mga partikular na katanungan ng tao tungkol sa kaniyang lipunan o kapaligiran. Patuloy ang pananaliksik sa sa iba’t ibang paksa at penomenon dahil patuloy na inuunawa ng tao ang mga pangyayari at pagbabago sa kaniyang paligid. Kasabay ng pag- unawa, tumutuklas ang tao ng iba’t ibang imbensyon at kaalaman. Narito ang mga bahagi ng pananaliksik na dapat mong malaman. KABANATA I (Ang Suliranin at ang Kaligiran Nito) I. PANIMULA O INTRODUKSYON (RASYUNAL) Ito ay isang maikling talatang kinapapalooban ng pangkalahatang pagtalakay ng paksa. Dito tinatalakay ang mga sagot sa tanong na Ano at Bakit - “Ano ba ang tungkol sa iyong pinag-aaralan paksa?” at “Bakit kailangan pa itong pag-aralan?” Halimbawa: Paksa: Information Technology: Daan sa Makabagong Panahon Rasyunal: Bago sumapit ang information technology, katakot-takot na pasakit at paghihirap ang dinanas upang makatanggap o makapagpadala ng mensahe. Ilang araw o buwan ang kailangang lumipas bago matanggap ang liham. Kuntento na rin sa isang beses na makapag-usap dahil mahal ang overseas long distance. Samakatuwid, mabagal ang paraan ng komunikasyon. Sa paglipas ng panahon, tila ang Mindanao ay naging Quiapo at ang Hongkong ay Divisoria. Kaunting pihit lang sa kompyuter ay konektado ka na sa kabilang bahagi ng mundo. May pagkakataon pa ngang makausap o makita ang isa’t isa sa screen ng kompyuter. Ang lahat ng ito ay dahil sa teknolohiya. (ni Julie Ebal-Wika at Lipunan sa Panahon ng Impormasyon) 7 CO_Q4_PPIITTP_SHS Module 5 II. PAGLALAHAD NG SULIRANIN Sa bahaging ito nakalagay ang sanhi o layunin kung bakit isinasagawa ang pag-aaral. Tinutukoy rin dito ang mga pangunahing suliranin na nasa anyong patanong. Ito ay isa sa pinakamahalagang bahagi ng pananaliksik. Ito ang pokus o sentro ng pag-aaral. Halimbawa: Ang pag-aaral na ito ay may layuning mabatid ang Antas ng Pagtanggap sa Paggamit sa Dinesenyong Rubrics Bilang Pamantayan sa Pagmamarka sa mga Piling Gawain sa Filipino ng mga Guro sa University of Rizal System Taong Pang-Akademiko 2014-2015. Layunin nito na sagutin ang sumusunod na katanungan: 1. Ano ang propayl ng respondente ayon sa edad, kasarian, katayuan sa buhay, bilang ng taon sa pagtuturo at kwalipikasyon edukasyonal? 2. Ano ang antas ng pagtanggap sa paggamit ng rubriks bilang pamantayan sa pagmamarka sa mga piling gawain sa Filipino ng mga guro sa University of Rizal System ayon sa edad, kasarian, bilang ng taon sa pagtuturo at kwalipikasyong edukasyon batay sa disenyo, kalinawan, kaangkupan at kasapatan? III. KAHULUGAN NG KATAWAGAN Binibigyang kahulugan nito ang mga salitang mahalaga o pili na ginagamit sa pananaliksik. Halimbawa: Upang lalong maunawaan ang mga katawagan, ginamit ang konseptwal na kahulugan sa pag-aaral na ito: Batayan. Ito ay bagay na pinagsasaligan o sinusunod. Asignaturang Filipino. Ito ay tumutukoy sa mga bagay-bagay na may kaugnayan sa balarila, mga uri ng pananalita at kahit na ang mga mahahalagang pangyayari sa ating bansa, gamit ang Wikang Pambansa bilang midyum ng instruksyon sa pagtuturo. Guro. Ito ay taong nagtuturo o taong naghahanap- buhay o ang propesyon ay pagtuturo. Kaalaman. Ito ay kakayahang nakukuha ng isang tao sa pamamagitan ng karanasan o pag-aaral. IV. BATAYANG KONSEPTWAL Nakasaad ang teoryang pinagbabatayan ng pag-aaral. Halimbawa: Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng teorya ni Thorndike na tinatawag na Connectionism Theory kung saan nakapaloob dito ang Law of Effect na nagsasaad ng 8 CO_Q4_PPIITTP_SHS Module 5 “The more satisfying the result of a particular reaction, the better the action”. This law applies to any repeated trial or error experiment to an individual. Sinasabi na ito ay isinasagawa sa anumang bagay o pagsubok na hindi napagtagumpayan ng isang indibidwal. Ito ay may kinalaman sa pag-aaral ng mga mananaliksik sapagkat ang Rubriks ay instrumentong ginagamit ng mga guro bilang batayan sa kanilang pagmamarka. Maihahalintulad ito sa Law of Effect sa kadahilanang ito ay tumutukoy sa pag-alam ng kalakasan maging kahinaan ng isang indibidwal. Dito nagkakaroon ng batayan kung paano maiwawasto ang bagay na hindi napagtagumpayan. V. SAKLAW AT LIMITASYON NG PAG-AARAL Dito nakasaad ang lawak at limitasyon ng pinag-aaralan. Halimbawa: Ang saklaw ng pag-aaral ay limitado lamang sa pagbatid sa Antas ng Pagtanggap sa Paggamit sa Dinesenyong Rubrics Bilang Pamantayan sa Pagmamarka sa mga Piling Gawain sa Filipino ng mga Guro sa University of Rizal System Taong Pang-Akademiko 2014-2015. Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa iba’t ibang kampus ng University of Rizal System na may kursong Edukasyon. Ang katanungan ay limitado lamang tulad ng propayl ng tagatugon ayon sa edad, kasarian, bilang ng taon sa pagtuturo at kwalipikasyong edukasyonal batay sa kategorya ng rubrics tulad ng disenyo, kalinawan, kaangkupan at kasapatan. KABANATA II (Metodo Ng Pananaliksik) I. DISENYO NG PANANALIKSIK Nililinaw sa bahaging ito ang ginamit na disenyo ng pananaliksik Halimbawa: Pamamaraan ng Pananaliksik Ang mga mananaliksik ay gumamit ng deskriptibong paraan sa pag-aaral na ito upang mabatid ang Antas ng Pagtanggap sa Paggamit ng Disenyong Rubriks Bilang Pamantayan sa mga Piling Gawain sa Filipino ng mga Guro sa University of Rizal System Taong Pang-Akademiko 2014-2015. Ayon kay Javier (2005), na binanggit ni Danao ang deskriptibong pananaliksik ay kinapapalooban ng pagpapaliwanag, pagtatala, pag-aanalisa, interpretasyon at kadalasang sumasaklaw sa pagkukumpara at pagtutulad, pagdiskubre sa mga sanhi at bunga ng mga kalagayang nagaganap sa mga bagay at pangyayari sa kasalukuyan. Layunin ng pag-aaral na ito na makapangalap ng mga tamang datos o impormasyon upang mapatunayan ang nasabing pag-aaral. 11 CO_Q4_PPIITTP_SHS Module 5 Suliranin 2. Sa pagsusuri sa Antas ng Pagtanggap sa Paggamit ng Rubriks Bilang Pamantayan sa Pagmamarka ng mga guro, ginamit ng mga mananaliksik ang mean rank gamit ang iskala ni Likert. Iskala Punto Interpretasyong Berbal 4.20-5.00 5 Napakataas na Pagtanggap (NNP) 3.40-4.19 4 Mataas na Pagtanggap (MNP) 2.60-3.39 3 Katamtamang Pagtanggap (KP) 1.80-2.59 2 Mababang Pagtanggap (MP) 1.00-1.79 1 Napakababang Pagtanggap (NP) KABANATA III (Pagsusuri at Interpretasyon ng Datos) I. PAGSUSURI Ito ay nagagawa sa pamamagitan ng pagpapahayag o pagpapaliwanang ng kinalabasan ng pinag-aaralan. Halimbawa: Suliranin Blg. 1: Ano ang propayl ng mga tagasagot ayon sa kasarian, edad, bilang ng taon sa pagtuturo, at kwalipikasyong edukasyonal? Talahanayan 1 Respondente ayon sa Kasarian Kasarian F % Lalaki 6 28.57 Babae 15 71.43 kabuuan 21 100 Ipinakikita sa talahanayan 1 na ang mga babaeng guro ay nangunguna sa ranggo na may kabuuang 15 o 71.43 bahagdan, samantalang ang mga lalaki ay may kabuuang 6 o 28.57 bahagdan. Nakalahad sa datos na ang mga kababaihan ay mas higit na marami ang bilang kaysa sa kalalakihan. Wika ng dating Kalihim ng Edukasyon na si Jesli A. Lapuz (2008) “Male teachers were a vanishing breed, accounting for only a very small portion of the entire teacher population in the country at present.” II. INTERPRETASYON Sa pagbibigay interpretasyon ng kinalabasan ng pag-aaral, ipinahahayag dito ang pansariling implikasyon at resulta ng pananaliksik. Halimbawa: Kompositong Talahanayan sa Antas ng Pagtanggap sa Dinisenyong Rubriks Bilang Pamantayan sa Pagmamarka ayon sa Kasarian 12 CO_Q4_PPIITTP_SHS Module 5 Lalaki Babae Kabuuan Kategorya Wx R IB Wx R IB Wx R IB Disenyo 4.36 2 NNP 4.33 1 NNP 4.35 1.5 NNP Kalinawan 4.06 3 MNP 4.32 2 NNP 4.19 3 MNP Kaangkupan 3.86 4 MNP 4.30 3 NNP 4.08 4 MNP Kasapatan 4.56 1 NNP 4.14 4 MNP 4.35 1.5 NNP Kabuuan Wx 4.21 NNP 4.27 NNP 4.24 NNP Ipinakikita sa talahanayan 5 na ang mga babae pagdating sa kategoryang disenyo ay nangunguna na may Wx 4.33 at interpretasyong berbal na napakataas na pagtanggap samantalang ang kasapatan naman ang nakakuha ng pinakamababang antas na may Wx na 4.14 at interpretasyong berbal na mataas na pagtanggap. Sa mga datos ng mga lalaki, ang kasapatan ang nangunguna sa ranggo na may Wx na 4.56 at interpretasyong berbal na napakataas na pagtanggap samantalang ang kaangkupan ang nakakuha ng pinakamababang antas na may Wx na 3.86 at interpretasyong berbal na mataas na pagtanggap. Sa pinagsamang kabuuan ng lalaki at babae, disenyo at kasapatan ang nangunguna sa ranggo. Ang kabuuang Wx ay 4.24 ay nagsasaad na ang antas ng pagtanggap sa dinesenyong rubriks ayon sa kasarian ay napakataas ang pagtanggap. Ayon sa isang pahayag na nakuha sa internet “Ang pagsasaalang-alang sa mga komento at suhestyon ng mga mag-aaral ay nakatutulong din sa pagdididisenyo ng isang rubriks, sa kadahilanang ang mga ito ay maaaring naglalaman ng tama at maling paniniwala na maaring hindi maikonsidera ng isang nagdidisenyo.” Halimbawa: Konklusyon Batay sa komprehensibong paglalagom ng mga datos, ang mga sumusunod na konklusyon ay inilahad: 1. Hinggil sa pansariling datos ukol sa kasarian, higit na nakararami ang mga gurong babae, may edad na 35 taong gulang pataas, nagtuturo ng 16 taon pataas at may masteral units at masteral degree. 2. Mataas ang antas ng pagtanggap ng mga guro sa dinisenyong rubriks, sapagkat nakikita nila na maayos at makatutulong ito bilang pamantayan sa pagmamarka ng mga gawain sa Filipino. KABANATA IV (Paglalahad Ng Resulta Ng Pananaliksik) Dito inilalahad nang isa-isa at malinaw ang mga naging kasagutan sa bawat suliranin o tanong o layunin na binigay sa simula ng pananaliksik. Halimbawa: 13 CO_Q4_PPIITTP_SHS Module 5 Batay sa isinagawang pag-aaral ng antas ng pagtanggap sa paggamit ng disenyong rubriks, binigyang diin ang mga sumusunod: 1. Propayl ng mga respondente A. Hinggil sa kasarian, karamihan sa mga gurong respondente ay babae na may 15 o 71.43 na bahagdan samantalang ang lalaki ay 6 o 28.57 na bahagdan. B. Hinggil sa edad, karamihan ng mga guro ay nasa edad 35 taon pataas o 66.66 na bahagdan, samantalang 31-34 at 25 taon pababa naman ang may pinakamababang bilang na 2.0 o 9.52 bahagdan. C. Hinggil sa bilang ng taon sa pagtuturo nangunguna ang mga gurong nagtuturo nang 16 taon pataas na may kabuuang 10 o 47.62 bahagdan, pumapanghuli ang 6-10 na may 4.76 na bahagdan. D. Hinggil sa kwalipikasyon edukasyonal, una ang mga gurong may masteral units at masteral degree na may magkaparehong bilang na 8 o 38.09 bahagdan. 2. Antas ng pagtanggap sa paggamit ng dinisenyong rubriks: A. Sa disenyo, ang natamong Wx ay 4.28 at may interpretasyong berbal na napakataas na pagtanggap. B. Sa kalinawan, ang natamong Wx ay 4.18 at may interpretasyong berbal na mataas na pagtanggap. C. Sa kaangkupan, ang natamong Wx ay 4.12 at may interpretasyong berbal na mataas na pagtanggap. D. Sa kasapatan, ang natamong Wx ay 4.09 at may interpretasyong berbal na mataas na pagtanggap. Pagyamanin Ang pagsulat ng isang pananaliksik ay isang proseso. Upang makabuo ka ng pananaliksik ay gawin mo ang mga pagsasanay sa ibaba. PAGSASANAY 1 Maglista ng tatlong paksa na maaari mong pag-aralan sa iyong gagawin pananaliksik. Pumili ng mga paksang tumatalakay sa napapanahong isyu sa lipunan. Tandaan, isa sa mga salik na isinasaalang-alang sa pagpili ng paksa sa pananaliksik ay ang iyong interes dito. Isulat sa iyong sagutang papel ang mga paksang iyong mapipili. 16 CO_Q4_PPIITTP_SHS Module 5 Isaisip Sagutin ang sumusunod na mga tanong. 1. Sa iyong palagay, bakit mahalagang pag-aralan ang pananaliksik? ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ 2. Paano nakatutulong sa pamumuhay ng tao ang pagsasagawa ng pananaliksik? ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ 3. Bilang isang mag-aaral, naging makabuluhan ba sa iyo ang pag-aaral ng pananaliksik? ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ Isagawa PAGSASANAY 1 Sa mga naunang gawain ay nagawa mong makapili at makagawa ng sariling paksa na maaaring magamit sa pagsulat ng isang maikling pananaliksik. Pumili ng isang paksang higit na pumukaw ng iyong atensyon mula sa bahagi ng Pagyamanin. Gamitin ang kahon sa ibaba upang maibigay ang mga hinihinging impormasyon ukol sa iyong paksa. Maaari kang magsaliksik mula sa iba’t ibang batayan upang mapagtibay ang iyong gagawing pananaliksik. Gamitin ang pamantayan sa pagsulat. Tandaan, mayroon kang dalawang linggo upang gawin ito. Pamantayan sa pagsulat ng pananaliksik Kaukulang puntos Napapanahon at kapaki-pakinabang ang napiling paksa 10 Organisado at malinaw ang pagkalahad ng mga impormasyon sa bawat bahagi ng pananaliksik 10 May kaisahan ang mga ideyang nakapaloob sa pananaliksik 10 Inilahad ang mga sangguniang ginamit 10 KABUUAN 40 17 CO_Q4_PPIITTP_SHS Module 5 BAHAGI NG PANANALIKSIK NILALAMAN NG MGA BAHAGI Paksa Rasyonal at Kaligiran ng Paksa Paglalahad ng Suliranin Kahulugan ng Katawagan Layunin at Kahalagahan ng Pag- aaral Batayang Konseptwal Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral Disenyo ng Pananaliksik Mga Sangguniang Ginamit 18 CO_Q4_PPIITTP_SHS Module 5 PAGSASANAY 2 Matapos ang ginawa sa Pagsasanay 1, ipagpatuloy ang paggawa ng maikling pananaliksik sa pamamagitan ng paggawa ng Kabanata 3 at Kabanata 4. Subalit bago gumawa at magpasagot ng inyong mga talatananugan, ipakita at ipawasto muna ito sa inyong guro. Matapos maiwasto ay doon lamang mag-uumpisang gumawa ng sarbey o talatanungan na ipasasagot sa pamamagitan ng online o kung hindi online ay sa personal subalit may patnubay ng guro. Para sa paglalapat ng estadistika, maaaring magpatulong sa mga guro ng Matematika upang malapatan ng tamang pormula. Tayahin Basahing mabuti ang mga pahayag. Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat ito sa iyong sagutang papel. 1. Nakasaad dito ang lawak at limitasyon ng pinag-aaralan. A. disenyo C. saklaw at limitasyon B. Instrument D. tritment ng mga datos 2. Sa bahaging ito inilalahad ang metodo ng pananaliksik. A. Kabanata I B. Kabanata II C. Kabanata III D. Kabanata IV 3. Binibigyang kahulugan dito ang mga salitang mahahalaga o pili na ginagamit sa pananaliksik. A. instrumento C. rasyunal B. kahulugan ng katawagan D. saklaw at limitasyon 4. Nakalagay rito ang sanhi o layunin ng paksang inaaral sa anyong patanong. A. disenyo ng pananaliksik C. paglalahad ng resulta B. kahulugan ng katawagan D. paglalahad ng suliranin 5. Sa bahaging ito matatagpuan ang paglalahad ng suliranin. A. Kabanata I B. Kabanata II C. Kabanata III D. Kabanata IV 6. Sa bahaging ito inilalahad nang malinaw ang naging kasagutang sa bawat suliranin, tanong o layunin na ibinigay simula ng pananaliksik. A. Kabanata I B. Kabanata II C. Kabanata III D. Kabanata IV 7. Nakalatag dito ang teoryang pagbabatayan ng pag-aaral. A. batayang konseptwal C. interpretasyon B. disenyo ng pananaliksik D. respondent 8. Inilalahad dito ang eksaktong bilang ng mga sumagot sa inihandang kwestyoner-sarbey. A. instrumento C. rasyunal B. interpretasyon D. respondent 21 CO_Q4_PPIITTP_SHS Module 5 Susi sa Pagwawasto Tayahin C B B D A D A D C A A D D C D Pagyamanin Subukin A B A C D C D A D B D C D D A 22 CO_Q4_PPIITTP_SHS Module 5 Sanggunian De Laza, Crizel Sicat & A. E. Batnag (2016). Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. Manila, Philippines: Rex Book Store. Ebal, Julie -Wika at Lipunan sa Panahon ng Impormasyon Information Technology: Daan sa Makabagong Panahon Evasco et al. (2011). Saliksik: Gabay sa Pananaliksik sa Agham Panlipunan, Panitikan at Sining. https://www.academia.edu/40167390/PAGBUO_NG_GABAY_SA_SULATING_PANA NALIKSIK_SA_SENIOR_HIGH_SCHOOL_converted20190825_80570_15gkrd Gonzales, Ma. Francisca, J. Pasay, & P. Penueco (2016). Antas sa Pagtanggap sa Paggamit ng Dinesenyong Rubrics Bilang Pamantayan sa Pagmamarka sa mga Piling Gawain sa Filipino, Philippines, URSP. Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR) Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600 Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985 Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph
Docsity logo



Copyright © 2024 Ladybird Srl - Via Leonardo da Vinci 16, 10126, Torino, Italy - VAT 10816460017 - All rights reserved