Docsity
Docsity

Prepare for your exams
Prepare for your exams

Study with the several resources on Docsity


Earn points to download
Earn points to download

Earn points by helping other students or get them with a premium plan


Guidelines and tips
Guidelines and tips

PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA'T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK, Transcriptions of Biology

PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA'T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK module 3 for Grade 11 students

Typology: Transcriptions

2021/2022
On special offer
30 Points
Discount

Limited-time offer


Uploaded on 02/23/2022

simp-erior
simp-erior 🇵🇭

1 document

1 / 24

Toggle sidebar
Discount

On special offer

Related documents


Partial preview of the text

Download PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA'T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK and more Transcriptions Biology in PDF only on Docsity! SENIOR HIGH SCHOOL Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik Kuwarter 3 - Modyul 3: Tekstong Persuweysib Kagawaran ng Edukasyon e_ Republika ng Pilipinas Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik – Senior High School Alternative Delivery Mode Ikatlong Kuwarter – Modyul 3: Tekstong Persuweysib Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman. Kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na nagamit sa aklat na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsusumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Alain Del B. Pascua Mga Bumubuo ng Modyul para mga Mag-aaral Manunulat: Dexie P. Dilag, Maricar C. Ranara, Bonifacio N. Gegato Jr, Marben A. Oco Tagasuri ng Nilalaman: Johanna Vanessa C. Obedencio Tagasuri ng Lengguwahe: Mary Ann A. Maglangit, Russel Kerr E. Galarroza Tagabalibasa: Louella Jean B. Mariano Tagasuri : Helen R. Lucman,PhD Leonor C. Reyes,MAEDFIL Mga Tagaguhit: Perlito L. Lomongo Naglayout: Jupiter B. Acosta Mga Tagapamahala: Pangulo: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III Regional Director Pangalawang Pangulo:Dr. Victor G. De Gracia Jr. CESO V Assistant Regional Director Jonathan S. dela Peña, PhD, CESO V Schools Division Superintendent Rowena H. Para-on, PhD Assistant Schools Division Superintendent Mala Epra B. Magnaong, Chief ES, CLMD Members: Neil A. Improgo, PhD,EPS-LRMS; Bienvenido U. Tagolimot, Jr.,PhD, EPS-ADM; Erlinda G. Dael, PhD, CID Chief; Sally S. Aguilar, PhD, EPS Filipino; Celieto B. Magsayo, LRMS Manager; Loucile L. Paclar, Librarian II; Kim Eric G. Lubguban, PDO II Inilimbag sa Pilipinas Kagawaran ng Edukasyon - Sangay ng Misamis Oriental Office Address: Don Apolinar Velez Street, Cagayan de Oro City, 9000 Telephone Nos: (088) 881-3094 | Text: 0917-8992245 E-mail Address: misamis.oriental@deped.gov.ph ALAMIN Sa modyul na ito makikita ang yugto ng pagkatuto na balikan, tuklasin, suriin, pagyamanin, isaisip at isagawa. Sa simula at wakas ng modyul ay may mga pagtataya na naglalayong subukin ang iyong kaalaman bago at matapos ang aralin. Sa bawat yugto ng pagkatuto ay may inihandang gawain upang mapaunlad ang iyong kasanayan sa pangkabatiran (cognitive), pandamdamin (affective), at sayko-motor (psychomotor). Nakapaloob sa modyul na ito ang mga kasanayang pampagkatuto na dapat malinang bilang isang mag-aaral: 1. Natutukoy ang kahulugan at katangian ng mahalagang salitang ginamit ng tekstong Persuweysib. (FIIPT-IIIa-88) 2. Naibabahagi ang katangian at kalikasan ng tekstong Persuweysib. (FIIPS-IIIb-91) 3. Nakasusulat ng ilang halimbawa ng tekstong Persuweysib. (F11PU – IIIb – 89) 4. Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa binasang tekstong Persuweysib sa sarili, pamilya, komunidad, bansa at daigdig. (F11PB – IIId – 99) 5. Naipaliliwanag ang mga kaisipang nakapaloob sa binasang tekstong Persuweysib. (F11PS – IIIf – 92) 6. Nagagamit ang mabisang paraan ng pagpapahayag: kalinawan, kaugnayan at bisa sa reaksiyon ng sinulat (F11PU – IIIfg – 90) Bago pa sagutan ang kasunod na bahagi, siguraduhing aasahan lamang ng mag-aaral ang sariling kaalaman tungkol sa paksa. Sa pagkakataong ito, hindi mahalaga ang iskor na kanyang makukuha. Iwasang ipasilip ang mga mga kasunod pa na pahina. 2 SUBUKIN PANUTO: Batay sa iyong personal at kasalukuyang kaalaman, sagutin ang mga sumusunod na tanong at pumili ng sagot mula sa kahon sa ibaba. Isulat sa patlang ang titik na katumbas ng inyong sagot. _____ 1. Ayon kay Aristotle, ang elementong ito ng panghihikayat ay tumutukoy sa lohikal na pagmamatuwid ng manunulat. _____ 2. Ayon kay Aristotle, ang elementong ito ng panghihikayat ay tumutukoy sa emosyon ng mambabasa _____ 3. Ayon kay Aristotle, ang elementong ito ng panghihikayat ay tumutukoy sa reputasyon ng manunulat _____ 4. Ito ay isang uri ng propaganda device na nagbibigay ng hindi magandang puna sa isang produkto _____ 5. Ito ay isang uri ng propaganda device na gumamit ng isang sikat na personalidad upang mailipat sa produkto ang kasikatan nito. _____ 6. Ito ay isang uri ng propaganda device na pinalalabas na ordinaryong tao ang isang sikat na tao. _____ 7. Ito ay isang uri ng propaganda device na hinihikayat ang iba pa na gumamit ng produkto dahil marami na ang gumagamit nito. _____ 8. Ito ay isang uri ng propaganda device na gumagamit ng magagandang pahayag ukol sa produkto _____ 9. Ito ay isang uri ng propaganda device na gumagamit ng sikat na tao upang direktang i-endorso ang produkto _____ 10. Ito ay isang uri ng propaganda device na binabanggit lahat ng magagandang katangian ng produkto at hindi ang masasama. _____ 11. Kung ang tagapagsalita ay may mainam na reputasyon ay mas madali siyang makakumbinse. Ibig sabihin ay epektibo ang elementong ____. _____ 12. Konsiderasyon ng tagapagkumbinse ang sitwasyon at damdamin ng kanyang tagapakinig upang mas madali ang panghihikayat. Paraan ito upang mahasa ang elementong ____. _____ 13. Ang maayos na daloy ng mga impormasyon sa pagsasalita sa pangungumbinse ay isang patunay na isinaalang-alang ng nangungumbinse ang kanyang _____. _____ 14. “Inirerekomenda ng lahat ng mga dentista ang HIMALA TOOTHPASTE kontra pangingilo.” Ito ay halimbawa ng propaganda device na ____. 3 _____ 15. “Mula pagkabata, ito na ang ginagamit kong germicidal soap kaya natitiyak ko ang pagiging epektibo nito.” Ito ay halimbawa ng propaganda device na ____. A. BANDWAGON B. CARD- C. GLITTERING STACKING GENERALITIES D. ETHOS E. TRANSFER F. LOGOS G. PATHOS H. NAME-CALLING I. PLAIN FOLKS J. TESTIMONIAL K. PERSUWEYSIB L. PANGHIHIKAYAT BALIKAN Ilarawan ang imahe sa ibaba gamit ang karaniwan at malikhaing paraan. KARANIWAN MALIKHAIN ___________________________________ ___________________________________ ___________________________________ ___________________________________ ___________________________________ ___________________________________ ___________________________________ ___________________________________ ___________________________________ ___________________________________ 4 Halimbawa: Ang isang Artistang nanghihikayat ng mga turista upang bisitahin ang isang isla sa Pilipinas. 2. Logos: Ang Opinyon o Lohikal na pagmamatuwid ng manunulat/ Tagapagsalita Ang salitang Griyego na logos ay tumutukoy sa pangangatwiran. Nangangahulugan din itong panghihikayat gamit ang lohikal na kaalaman. Tumutukoy rin ito sa pagiging lohikal na nilalaman o kung may katuturan ba ang sinasabi upang mahikayat o mapaniwala ang tagapakinig na ito ay totoo. Sa ating lipunan, malaki ang pagpapahalaga sa lohika at pagiging makatwiran ng mga estratehiya gamit ang mga retorikal na pangangatwirang pabuod (Deductive) at pasaklaw (Inductive). Halimbawa: Ang isang taong nanghihikayat na bumili ng kanilang sabon dahil ang sabon na iyon ay makakaputi. 3. Pathos: Emosyon ng mambabasa/ Tagapakinig Pathos ang elemento ng panghihikayat na tumatalakay sa emosyon o damdamin ng mambabasa o tagapakinig. May kakayahan ang tao na gumawa ng sariling desisyon dahil mayroon siyang pag-iisip at lahat ng ginagawa ng tao ay bunga ng kaniyang pag-iisip. Subalit hindi niya nakikita na malaki rin ang impluwensiya ng emosyon kagaya ng galit, awa, at takot sa pagdedesisyon at paghuhusga. Emosyon ang pinakamabisang motibasyon upang kumilos ang isang tao. Halimbawa: Ang pagsasalaysay ng isang kuwentong makaantig ng puso tulad ng galit o awa ay isang mabisang paraan upang mahikayat silang pumanig sa manunulat. PROPAGANDA DEVICES Ang panghihikayat sa taong bumili ng isang produkto o iboboto ang isang kandidato ay isang bagay na dapat ay masusing pinag-iisipan. Kung mapapansin, ang mga patalastas sa telebisyon, sa mga diyaryo, at magasin ay kinakailangang makapukaw ng atensiyon upang mapansin. Ang mga eksperto sa likod ng mga propagandang ito ay may mga ginamit na propaganda device. Ating alamain kung ano-ano ito: 1. Name-Calling- Ito ay ang pagbibigay ng hindi magandang puna o taguri sa isang produkto o katunggaling politiko upang tangkilikin. Karaniwang ginagamit ito sa mundo ng politika. Halimbawa: Ang pekeng sabon, bagitong kandidato 2. Glittering Generalities- Ito ay ang magaganda at nakakasilaw na pahayag ukol sa isang produktong tumutugon sa mga paniniwala at pagpapahalaga ng mambabasa. Halimbawa: Mas nakakatipid sa bagong Tide. Ang iyong damit ay mas magiging maputi. Bossing sa katipiran, bossing sa kaputian. 7 3. Transfer- Ang paggamit ng isang sikat na personalidad upang mailipat sa isang produkto o tao ang kasikatan. Halimbawa: Pagpromote ng isang artista sa isang hindi sikat na brand 4. Testimonial- Kapag ang isang sikat na personalidad ay tuwirang nag- endorso ng isang tao o produkto. Halimbawa: Ang isang taong nagpapatunay na siya ay pumuti dahil sa ginamit niyang sabon sa pamamagitan ng pagpapakita ng ebidensiya. Kapag eleksyon, sinasabi at nagbibigay ng testimonya ang kandidato na huwag ding kakalimutan ng sambayanan ang kanyang kapartido. 5. Plain Folks- Karaniwan itong ginagamit sa kampanya o komersiyal kung saan ang mga kilala o tanyag na tao ay pinalalabas na ordinaryong taong nanghihikayat sa boto, produkto, o serbisyo. Halimbawa: Ang kandidato tuwing eleksyon ay hindi nagsusuot ng magagarbong damit at pinapakita nila na nagmula at galing rin sila sa hirap. 6. Card Stacking- Ipinakikita nito ang lahat ng magagandang katangian ng produkto ngunit hindi binabanggit ang hindi magandang katangian. Halimbawa: Lucky Me, Pinapakita dito ang magandang dulot nito sa pamilya, ngunit sa labis na pagkain nito, nagdudulot ito ng sakit sa bato at UTI. 7. Bandwagon- Panghihikayat kung saan hinihimok ang lahat na gamitin ang isang produkto o sumali sa isang pangkat dahil ang lahat ay sumali na. Halimbawa: Buong bayan ay nag-e- LBC peso padala na. 8 PANUTO: Buuin ang web map sa ibaba batay sa iyong pang-unawa sa bagong aralin. PAGYAMANIN Basahin ang isang halimbawa ng tekstong Persuweysib. Ang tekstong ito ay isa sa apat na liham na isinulat ni Mary Jane Fiesta Veloso habang siya ay nasa bilangguan ng Republika ng Indonesia. Isa siya sa mga nasa death row ng nasabing pamahalaan dahil sa pagkasangkot niya sa isang kaso. Para sa karagdagang kaalaman tungkol dito ay maaaring bisitahin ang website na ito: https://en.wikipedia.org/wiki/Mary_Jane_Veloso 9 Sagutin ang sumunod na tanong. Ano ang mensaheng nais iparating ni Mary Jane sa kabataan? Ipaliwanag ang epekto nito sa iyo? ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ RUBRIK SA PAGSULAT NG TEKSTONG PERSUWEYSIB Pamantayan Puntos Natamong Puntos Malawak na pang-unawa sa tekstong binasa 10 Kahusayan sa paggamit ng wika 5 Sumusunod sa wastong balarila, baybay at 5 panuntunan sa pagsulat KABUUAN 20 puntos Kung nakukulangan ang mag-aaral sa pag-unawa sa aralin, maaaring bisitahin ang site na ito para sa karagdagang paliwanag: https://www.slideshare.net/NoldanneQuiapo/ang- tekstong-persweysib-pagbasa-at-pagsusuri-ng- ibatibang-texto-sa-pananaliksik 12 ISAISIP Mahusay! Binabati kita sa panibagong biyaya ng kaalaman na iyong natutunan mula sa modyul na ito. Sa puntong ito, natitiyak kong may sapat ka nang kaalaman tungkol sa Tekstong Persuweysib. Tandaan lang na… Ayon kay Aristotle, upang mas kapanipaniwala ang panghihikayat kailangang bigyan ng konsiderasyon ang iyong reputasyon o ______, ang kahusayan sa pagsasaayos ng ideya o ________ at ang kahandaan ng tagapakinig o mambabasa sa iyong panghihikayat o ______. May pitong (7) propaganda devices na maaaring gamitin upang mas madali ang pangungumbinse: 1. ______________ 5. _________________ 2. ______________ 6. _________________ 3. ______________ 7. _________________ 4. ______________ ISAGAWA Halimbawang nagtitinda ka ng isang produkto, paano mo kukumbinsehin ang iyong mga mamimili na tumangkilik sa iyong produkto? Gagawa ka ngayon ng sarili mong patalastas. Mamili ka ng kahit na anong bagay na makikita sa loob ng inyong bahay. Gumawa ka ng iskrip ng magiging artista sa iyong patalastas. Buuin lang ang hinihinging detalye sa ibaba: 13 Sa ibaba ay halimbawa ng isang iskrip ng patalastas na siya ninyo ring gagawin. Produkto: Propaganda Device: Card-Stacking Iskrip: (Iisang tauhan lang ang patalastas.) Ikaw ba ay nababahuan na sa iyong hininga? Ikaw ba ay nahihilo na kapag ika’y nagsasalita? Ikaw ba ay pagod na pagod na sa tuwing nabibili mo ang mga toothpaste na panira sa iyong dila? Gusto ninyo bang magkaroon ng toothpaste na garantisadong gagawin ang iyong ngipin na mas malinis, matibay, malakas, at maputi? Puwes, ito ang nababagay sa inyo, ang bagong BLITZKRIEG TOOTHPASTE. Endorser: Patay agad ang germs at bacteria sa ngipin at dila. Parang isang “Blitzkrieg Warfare” na ginamit pa ng mga Aleman/German noong ikalawang giyera dahil magugulat ka nalang na kasing-puti na ng ngipin ng sampaguita. Ikaw rin ay makakapagsalita na ng mas mabilis kumpara sa dati dahil ang dila mo’y mas malinis at makinis. Wala ng gagambala pa sa’yo. Magiging masayahin ang mga mambibili nito. Presyo’y di katumbas ng halaga dahil ito’y mumurahin lamang. Hindi mamahalin na parang ginto Meron itong kakaibang epekto sa iyong kalusugan. Hindi ka na magiging ubuhin, sakitin, sipunin, pawisin, lamigin, at initin. Sa sobrang lakas ng ngipin mo, pag ika’y sinuntok, ang nanuntok pa ang nasaktan. Maraming iba’t ibang lasa, nalulunok ito ng hindi nalalason. Ano pa ang hinihintay mo? Lumipat ka na sa mas pinagkakatiwalaang toothpaste ngayon, walang iba kundi and BLITZKRIEG TOOTHPASTE! Ang mag-aaral ay maaaring mamili kung ilang karakter ang kanilang gagamitin sa kanilang patalastas. Pagalawin ang imahinasyon at maging direktor sa sariling produksyon. 14 _____ 12. Konsiderasyon ng tagapagkumbinse ang sitwasyon at damdamin ng kanyang tagapakinig upang mas madali ang panghihikayat. Paraan ito upang mahasa ang elementong ____. a. Logos b. Ethos c. Pathos d. Ethospathos _____ 13. Ang maayos na daloy ng mga impormasyon sa pagsasalita sa pangungumbinse ay isang patunay na isinaalang-alang ng nangungumbinse ang kanyang _____. a. Logos b. Ethos c. Pathos d. Ethospathos _____ 14. “Inirerekomenda ng lahat ng mga dentista ang HIMALA TOOTHPASTE kontra pangingilo.” Ito ay halimbawa ng propaganda device na ____. a. Name -Calling c. Bandwagon b. Testimonial d. Plain folks _____ 15. “Mula pa pagkabata, ito na ang ginagamit kong germicidal soap kaya natitiyak ko ang pagiging epektibo nito.” Ito ay halimbawa ng propaganda device na a. Name -Calling c. Bandwagon b. Testimonial d. Plain folks PARA SA MAG-AARAL Kumusta ang daloy ng pag- unawa? Sigurado akong maraming kang natutunan sa modyul na ito. Isang gawain na lang at tiyak magtatagumpay ka na naman. BINABATI KITA! 17 KARAGDAGANG GAWAIN Tukuyin kung anong propaganda device ang ginamit sa mga sumusunod na commercial taglines at political ads. 3. ___________________________ 1. ________________________ 4. ___________________________ 2. ___________________________ 5. ___________________________ 18 SUSI NG PAGWAWASTO AVINOWLLSAL ONIOVIS aNv> AVINGINTLS aL Onndto Qadeada SGLLUIVASNGD Dadaeoond Zz eas TAPE SHEMET -¢ E WerriViey SwOTEY] «1 Ndo-sav * ode nay paoy vaysON) + oat seqmor * sddsu NVMITVaS NISWTHOAL SNTO NIV Td ONITIVD AWYN SSLLITVAINGAD ONIAGLIIITO “AVINOWLLSSLL NODVMANVa DNIMOVILS TAVO *MGASNVeLL gtmucum “oT “LL BT “ZL “IL “aT <noemanAo ONTMOVIS GVO * SALLITVAANAD ONINALLITO * ONITIVO GNYN * NODVMUNVH * SM10d NIVTd * dISIVSI sad os NIVAWVD DNVDVUDVAV 19
Docsity logo



Copyright © 2024 Ladybird Srl - Via Leonardo da Vinci 16, 10126, Torino, Italy - VAT 10816460017 - All rights reserved