Docsity
Docsity

Prepare for your exams
Prepare for your exams

Study with the several resources on Docsity


Earn points to download
Earn points to download

Earn points by helping other students or get them with a premium plan


Guidelines and tips
Guidelines and tips

Pagbasa at Pagsusuri ng Ibat-Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik, Lecture notes of English

Pagbasa at Pagsusuri ng Ibat-Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

Typology: Lecture notes

2020/2021
On special offer
30 Points
Discount

Limited-time offer


Uploaded on 04/18/2021

ash12-
ash12- 🇵🇭

5

(4)

1 document

Partial preview of the text

Download Pagbasa at Pagsusuri ng Ibat-Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik and more Lecture notes English in PDF only on Docsity! HAND-OUT PARA SA Pagbasa at Pagsusuri ng Ibat-ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik Gng. Nancy Jane Serrano-Fadol | 1 Kagawaran ng Edukasyon Pambansang Punong Rehiyon Tanggapan ng mga Paaralang Pansangay Lungsod ng Quezon NORTH FAIRVIEW HIGH SCHOOL Senior High School HAND-OUT PARA SA Pagbasa at Pagsusuri ng Ibat-Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik PAGBASA ✓ Ang pagbasa a isang proseso ng pagtanggap at paginterpreta ng mga impormasyong nakakoda sa anyo ng wika sa pamamagitan ng limbag na midyum. ✓ Ang pagbasa ay isang susi ng pagtuklas sa mas malawak pang karunungan, sa pagbasa ndidivelop ng tao ang kanyang katauhan, natatamo ang kaligayahan at nakakamatan ang kasiyahan at kayamanang dulot ng tekstong kaniyang binabasa. MGA KAHALAGAHAN NG PAGBASA 1. PANGKASIYAHAN. Sa sandali ng kawalang magawa, sa halip na magtunganga, magmuknok, o magpakabagot sa mabagal na pagtakbo ng oras, pagbasa, makapupulot ng siya. 2. PANGKAALAMAN. Maraming impormasyon tungkol sa mga bagay-bagay sa kapaligiran ang mapanunutuhan ng pagbabasa. 3. PANGMORAL. Kinakabatiran ng mga aral sa buhay na mapanghahawakan sa araw-araw na pakikihamok sa mga problemang sumusubok sa tao sa kanyang pananaw at diresyong pupuntahan ang pagbabasa. 4. PANGKASAYSAYAN. Nababalikan ang mga nakaraan, napg-iingatan ang kasalukuyan, at napaghahandaan ang kinabukasan sa tulong ng pagbabasa. 5. PANGKAPAKINABANAGAN. Sa pagbabasa nakatutuklas na matatayog na kaisipan sa paglikha ng mga bagay-bagay na nagsisilbing puwersa ng tao para sa lunsarin niya ang landas patungong inisyatibo ng malayuning aktibidad. 6. PAMPAGLALAKBAY-DIWA. Dahil sa pagbabasa ang mga lugar na di pa nararating at hinahangad ay nagkakaroon ng pamilyaridad. PANGUNAHING PROSESO NG PAGBASA UNA. Kilalanin ang mga nakasulat o nakaimprentang simbolo para magkaroon sa isip ng imahe nito. PANGALAWA, ang komprehensyon. Ito ang aksyon o proseso ng pagkuha at pagintindi sa ipinakakahulugan ng mga nalimbag na simbolo. PROSESO NG PAGBASA AYON KAY GRAY 1. PERSEPSYON. Ang kakayahang bigkasin ng may pang-unawa ang mga salita 2. KOMPREHENSYON. Ang kakayahang maunawaan ang nilalaman ng tekto. 3. REAKSYON. Nangangailanagn ng paghuhusga at pagwwaari 4. INTEGRASYON. Ang kakayhang maiangkop sa buhay ng mambabasa ang anumang konseptong naunawaan upang maging mahalagang bahagi nng karansan. MGA TEORYA SA PAGBASA 1. TRADISYUNAL NA PANANAW/ BOTTOM-UP. • Ayon sa teoryang ito nagsisimula ang pagbasa sa mga nakaprint na input grafik a istimyulus. • Teksto ang pinakamahalagang elemento ng pagbasa. • Tinatawag din itong data driven/outside-in sapagkagkat nagmumula sa teksto ang pag-unawa at hindi sa mambabasa. • Ang mambabasa ay itinuturing na passive 2. KOGNITIV (TOP-DOWN). • Ayon sa teoryang ito, ang pag-unawa ay nagsisimula sa isip ng tagabasa (top) papunta sa teksto (down). • Active na maituturing ang tagabasa sapagkat tagalay niya ang ang dati nang kaalaman sa wika tulad ng semantiko, grapo-fonik at sintaktik na ginagamit niya sa pagbasa. • Maaring tawaging inside-out dahil nagmumula sa existing knowlewdge ang inilalpaat o iniaangkop sa tekstong binabasa. 3. INTERAKTIV • Ang teoryang ito ay maaaring pinagsanib na bottom-up at top-down, kung saan mula sa kaipinan ng awtor na sumulat ng teksto, ay nagkakakaroon ng interakssyun ang mambabasa sa pamamagitan ng pagtatanong. • Sa teoryang ito binibigyan ng fokus ang proseso at hindi ang produkto. 4. ISKEMA/SCHEMA • Ang teoryang ito ay may paniniwlang walang kahulugang taglay sa ganang sarili ang mga teksto, pasalita man o pasulat, ginagamit na batayan ng mamababasa ang dati ng kaalaman kaugnay ng binabasang teksto. HAND-OUT PARA SA Pagbasa at Pagsusuri ng Ibat-ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik Gng. Nancy Jane Serrano-Fadol | 2 • Bago pa lamang basahin ng isang mamababasa ang isang paksa ay mayroon na siyang ideya sa nilalaman nito, layunin lamang ng pagbabasa na matiyak ang kaniyang hinuha at mapaunlad ang dati nanag kaalaman. 5. METAKOGNISYON • Itinuturing itong isang kognitib na pagkatuto. Kapag sinabing kognitib, ito ay may kinalaman sa paggamit ng kaalaman o knowledge, may kinalaman din ito sa pgakakaroon natin ng skills at kakayahang kontrolin ang mga skkills na ito. • Binabago nito ang pammaaraan sa pag-nawa sa teksto. MGA ELEMENTO NG METAKOGNITIB NA PAGBASA: • PAGUNAWA, pagtukoy sa kahulugan ng teksto. • KAHUSAYAN SA PAGBASA, ang tawag sa maayos, mabilis at tamang pagbasa ng teksto • TALASALITAAN, nakatutulong ang paggamit ng diksyunaryo upang tingnan ang anumang salitang hindi nauunawaan. • PALABIGKASAN, tumutukoy sa malinaw at tamang pagbigkas ng mga salita, maaaring ito ay parirala o pangungusap. MGA PARAAN NG PAGPAPALAWAK NG INTERPRETASYON DENOTASYON. Ito ay ang kahulugan ng salitang nakukuha sa diksyunarom ang literal na kahulugan kaya tinatawag din itong aktwal na kahulugan. • Ang bigkas • Ang bahagi ng pananalita • Ang etimolohiya • Kayarian ng salit • Kasalungat na kahulugan o antonym. KONOTASYON. • Ito naman ang paghihiwatig o asosyativong kahulugan na maaaring nagsassaad ng kultural o pangkaranasang kahulugan. • Tinatawag din itong kontekstwal na kahulugan kaya pinakatitingnan ang salita ayon sa pagkakasama nito sa ibang salita na kolokasyon naman ang tawag. KAANATASAN NG PAGBASA 1. ANG BATAYANG ANTAS. Tinatawag din itong panimulanag pagbasa sapagkat pinauunlad dito ang kakayahan. Elementaryang pagbasa rin ito, samaktuwid, dahil sinisimulang ipinatututo sa paaralang elementarya. 2. INSPEKSYUNAL NA ANTAS. Panahaon ang pinakamahalaga sa antas na ito ng pagbasa, itinatakada sa limitadong oras ang pagbasa sapagkat tanging superfisyal na kaalaman lamang tungkol ssa libro ang kinukuha. Pre-reading. Sistematikong iskiming din kung tawagin na naglalayong tayahin ang isnag kalat kung dapat bang basahin o hindi. 3. MAPANURI O ANALITIKAL NA ANTAS. Interpretibo ito, samakatwid, matalinong hinihinuha ang mga pahiwatig at tagong kahulugang matatagpuan sa teksto. 4. SINTOPIKAL NA ANTAS. Pinakamataas ang antas na ito ng pagbasa, Kumplikado at sistimatiko na humahamon sa kakayahan ng bumabasa. Komparatibo din ito, kung saan dapat na marami nang nabasa ang isang mamababasa para makapaghamabing. MGA TEKNIK SA PAGBASA 1. ISKIMING. Isang teknik sa pagbasa nang madalian para magkaroon lamang ng impresyon sa materyal kung dapat o di-dapat basahing muli. Sa pagbasa itong, ang fokus ay wala ssa detalye kundi sa pangkalahatang kaisipan. 2 hakbang sa iskiming • Prebyuwing. Pag-iisip ito bago magbasa ng mga inaasahang isyu tungkol sa paksang sasaliksikin. • Sarveying o overvyuwing. Ito ay ang pagtingin sa ibat-ibang bahagi ng aklat upang malaman kung may kaugnayan ba ito sa paksang sinasaliksik. 2. ISKANING. Mabilisang pagbabasa na naglalayong makakuha kaagad ng kasgutan sa ispisipikong katanunganm kaya ay matagpuan kaagad ang susing salita. 3. KASWAL. Layunin sa pagbasa ay palipasin lamang ang oras habang naghihintay nang hindi mainip. 4. KOMPREHENSIV. Matiim na pagbasa na iniisa-isa ang bawat detaly at walang pinalalampas sapagkat maituturing na isang malaking kawalan. 5. KRITIKAL. Tinatawag ding malikhain ang teknik na ito. Sapat na dito ang makuha at maunawaan ang kahulugan ng binabasa sapagkat layunin dito ang maging mapanlikha, ang makatuklas ng panibagong konsepto at magawan ng bagong forma. 6. PAMULING BASA 7. BASANG TALA. Teknik sa pagbsa na sinasabayan ng pagtatala. 8. SURING BASA O REVYU. Maikling kritika na naglalaman ng pagsusuri at pamumuna sa isang akda. HAND-OUT PARA SA Pagbasa at Pagsusuri ng Ibat-ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik Gng. Nancy Jane Serrano-Fadol | 5 Kagawaran ng Edukasyon Pambansang Punong Rehiyon Tanggapan ng mga Paaralang Pansangay Lungsod ng Quezon NORTH FAIRVIEW HIGH SCHOOL Senior High School HAND-OUT PARA SA Pagbasa at Pagsusuri ng Ibat-Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik TEKSTONG NARATIBO • Pagsasalayssay o pagkukuwento ng mga pangyayari sa isang tao o tauhan, nangyari sa isang lugar at panahon o sa isang tagpuan nang may maayos na pagkakasunod-sunod mula simula hanggang katupsan. • Pangunahing layunin ng tekstong ito ang makapagsalaysay ng mga pangyayaring nakapanlilibang o nakapagbibigay-aliw o saya, makapagturo ng mabuting asal, mahahalagang aral at pagpapahalagang katauhan. Ilang halimbawa ng Tekstong Naratibo 1. Maikling Kwento. Ito ay karaniwang kinabibilangan ng limitadong tauhan at tagpuan kaya maaaring matapos sa iisang upuan lamang. 2. Nobela. Binubuo ito ng kawing-kawing na kabanata kaya karaniwang masalimuot ang mga pangyayari at kinabibilangan ng maraming tagpuan at tauhan. 3. Pabula. Ito ay mga kwento o salaysaying nakabatay sa bibliya. 4. Parabula. Kwentong karaniwang tinatampukan ng mga hayop na nakapagsasalita. 5. Mitolohiya. Mga salaysaying tungkol sa mga diyos at diyosa. 6. Alamat. Mga panitikang nagsasalaysay ng mga pinagmulan ng mga bagay sa mundo. 7. Epiko. Mga kwentong nagtatampok ng mga tauhang nagtatagalay ng pambihirang kapangyarihan. Ibat-ibang Pananaw o Punto de Vista (point of view) sa Tekstong Naratibo 1. Unang panauhan. Sa pananaw na ito, isa sa mga tauhan ang nagsasalaysay ng mga bagay na kayang nararanasan, naaalala o naririnig kaya gumagamit siya ng paghalip na ako. 2. Ikalawang panauhan. Dito mistulang kinakausap ng manunulat ang tauhang pinagagalaw niya sa kwento kaya gumagamit siya ng mga panghalip na ka o ikaw subalit tulad ng unang sinabi, hindi ito gaanong ginagamit ng mga manunulat sa knilang mga kwento. 3. Ikatlong panauhan. Ang pangyayari sa pananaw na ito ay nangyayari sa pagitan ng mga taong walang relasyon sa tauhan kaya gumagamit ng panghalip na siya. Tatlong uri ng tatlong panauhan • Maladiyos na panauhan. Nababatid niya ang galaw at iniisip ng lahat ng mga tauhan. Napapasok niya ang isipan ng bawat tauhan at naihahayag niya ang iniisip, damdamin at paniniwala ng mga ito sa mga mambabasa. • Limitadong panauhan. Nababatid niya ang iniiisip at ikinikilos ng isang tauhan ngunit di ng lahat. • Taga-obserbang panauhan. Tanging ang mga pangyayaring nakikita at naririnig niyang mga pagkilos at pangyayari ang sinasabi o isinasalaysay niya. Mga Paraan ng Pagpapahayag ng Dayalogo, Saloobin o Damdamin sa Tekstong Naratibo Direkta o Tuwirang Pagpapahayag. Sa ganitong uri ng pagpapahayag, ang tauhan ay direkta o tuwirang nagsasaad ng kanyang dayalogo, saloobin o damdamin. Sa ganitong paraan nagiging natural at lalong lumulutang ang katangiang taglay ng mga tauhan. Hal. “Donato, kakain na anak.” Tawag ni Gilda sa anak. Di-direkta o Di-tuwirang Pagpapahayag. Ang tagapagsalaysay ang naglalahad ng sinabi, iniisip o nararamdaman ng tauhan sa ganitong uri ng pagpapahayag. Hindi na ito ginagamitan ng oanipi. Hal. Tinawag ni Gina ang anak na si Donato para kumain. Mga Elemento ng Tekstong Naratibo 1. Tauhan Dalawang paraan ng pagpapakilala ng tauhan ▪ Expository. Kung ang nagsasalaysay ang magpapakilala o maglalarawan sa pagkatao ng tauhan. HAND-OUT PARA SA Pagbasa at Pagsusuri ng Ibat-ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik Gng. Nancy Jane Serrano-Fadol | 6 ▪ Dramatiko. Kung kusang mabubunyag ang karakter dahil sa kanyang pagkilos o pagpapahayag. Karaniwang tauhan sa mga akdang naratibo ▪ Pangunahing tauhan. Ito ay ang bida kung saan umiikot ang mga pangyayari sa kwento mula simula hanggang sa katapusan ▪ Katunggaliang tauhan. Siya ang sumasalungat o kalaban ng pangunahing tauhan. ▪ Kasamang tauhan. Karaniwang kasama o kasangga ng pangunahing tauhan. Ang pangunahing papel o tungkulin niya ay sumuporta, magsilbing hingahan o kapalagayang-loob ng pangunahing tauhan. ▪ May-akda. Bagamat ang namamayani lamang ay ang kilos ng tauhan, sinasabing ang may-akda at pangunahing tauhan ay iis. Sa likod kasi ay laging nakasubaybay ang kamalayan ng makapangyarihang awtor. Dalawang uri ng tauhan ▪ Bilog (Round Character). Kung ang isang tauhan ay multidimesyunal o maraming saklaw ang personalidad. Ito ang uri ng tauhang nagbabago ang personalidad sa loob ng kwento. ▪ Lapad (Flat Character). Ito ang tauhang nagtataglay ng iisa o dalawang katangiang medaling matukoy o predictable. Ito ang uri ng tauhang hindi nagbabago ang personalidad sa loob ng kwento. 2. Tagpuan at Panahon. Ito ay tumutukoy hindi lamang sa lugar kung saan naganap ang pangyayari sa akda kundi gayundin ang panahon (oras, petsa, taon) maging ang damdaming umiiral sa kapaligiran nang maganap ang mga pangyayari sa kwento. 3. Banghay. Ito ang tawag sa maayos na daloy o pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa mga tekstong naratibo upang magbigyang-linaw ang temang taglay ng akda. Karaniwang banghay ng tekstong naratibo ▪ Panimula o introduksyon (orientation o introduction). Pagkakaroon ng isang epektibong simula kung saan maipakikilala ang mga tauhan, tagpuan at tema. ▪ Suliranin (problem). Pagpapakilala ng suliraning ihahanap ng kalutasan ng mga tauhan particular nan g pangunahing tauhan. ▪ Saglit na kasiglahan (rising action). Pagkakaraoon ng saglit na kasiglahang hahantong sa pagpapakita ng aksiyong gagawin ng tauhan tungo sa paglutas ng suliranin. ▪ Kasukdulan (climax). Patuloy sa pagtaas ang pangyayaring humahantong sa isang kasukdulan. ▪ Kakalasan (falling action). Pababang pangyayaring humahantong sa isang resolusyon. ▪ Wakas (ending). Pagkakaroon ng isang makabuluhang wakas. May akdang hindi sumusunod sa ganitong kalakaran ng pagbuo ng banghay na tinatawag na anachrony o mga pagsasalaysay na hindi nakaayos sa tamanag pagkakasunod-sunod, mauuri ito sa tatlo. ▪ Analepsis (flashback). Ditto ipinapasok ang mga panyayaring naganap sa nakalipas. ▪ Prolepsis (flash-forward). Ditto naman ay ipinapasok ang mga pangyayaring magaganap pa lamang sa hinaharap. ▪ Ellipsis. May mga puwang o patlang sa pagkakasuno-sunod ng mga pangyayari na nagpapakitang may bahagi sa pagsasalaysay na tinanggal o hindi isinama. 4. Paksa o tema. Ito ang sentral na ideya kung saan umiikot ang mga pangyayari sa tekstong naratibo. Mahalagang malinang ito ng husto sa kabuuan ng akda upang mapalutang ng may-akda ang pinakamahalagang mensaheng nais niyang maiparating sa kaniyang mambabasa. HAND-OUT PARA SA Pagbasa at Pagsusuri ng Ibat-ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik Gng. Nancy Jane Serrano-Fadol | 7 Kagawaran ng Edukasyon Pambansang Punong Rehiyon Tanggapan ng mga Paaralang Pansangay Lungsod ng Quezon NORTH FAIRVIEW HIGH SCHOOL Senior High School HAND-OUT PARA SA Pagbasa at Pagsusuri ng Ibat-Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik TEKSTONG PROSIDYURAL • Isang espesyal na uri ng tekstong ekspositori ang tekstong ito kung saan inilalahad ang serye o mga hakbang sa pagbuo ng isang gawain upang matamo ang inaasahan. Nagpapaliwanag ito kung paano ginagawa ang isang bagay. • Layunin nitong maipabatid ang mga wastong hakbang na dapat isagawa tungkol sa isang tiyak na gawain. Mga dapat tandaan sa pagsulat ng tekstong prosidyural ✓ Kailangang malawak ang kaalaman sa paksang tatalakayin. ✓ Nararapat ding malinaw at tama ang pagkakasunod-sunod ng dapat gawin upang hindi mailto o magkamali ang gagawa nito. ✓ Gumamit ng mga payak ngunit angkop na salitang medaling maunawaan ng sinumang gagawa. ✓ Maglakip ng larawan larawan o ilustrasyon kasama ng mga paliwanag upang higit na maging malinaw ang pagsasagawa ng hakbang. Karaniwang itinatampok sa isang tekstong prosidyural ✓ Mga materyales ✓ Mga hakabang ✓ Paalala ✓ Alternatibo ✓ Tapos na produkto TEKSTONG PERSUWEYSIB • Ito ay may subhetibong tono sapagkat malayang ipinapahayag ang kaniyang paniniwala o pagkiling tungkol sa isyung may ilang panig. Taglay nito ang personal na opinion o paniniwala ng may-akda. • Ang ganitong uri ng teksto ay may iskrip para sa patalastas, propaganda sa eleksyon at pagrerekrut para sa isang samahan o networking. • Layunin nito na ang manghikayat at mangumbinsi sa babasa ng teksto. Isinusulat ito para mabago ang takbo ng isip ng mambabasa at makumbinsi na ang punto ng manunulat, at hindi sa iba, ang siyang tama. Uri o Paraan ng Panghihikayat (ayon kay Aristotle) Ethos. Ito ay tumutukoy sa kredibilidad ng manunulat. Dapat makumbinsi ng isang manunulat ang mambabasa na siya ay malawak na kaalaman at karanasan tungkol sa kaniyang isinusulat para makapanghikayat. Pathos. Tumutukoy ito sa gamit ng emosyon o damdamin upang mahikayat ang mambabasa. Ayon pa nga kay Aristotle, karamihan sa mga mambabasa ay medaling madala ng kanilang emosyon o galit kaya epektibong paraan ito para makumbinsi sila. Logos. Ito ay tumutukoy sa gamit ng lohika upang makumbinsi ang mambabasa. Kailangang mapatunayan ng manunulat sa kaniyang mga mababasa na batay sa mga impormasyon o datos na kaniyang nailatag. Propaganda Device Name Calling. Ito ay nagbibigay ng hindi magandang taguri sa isang produkto o katunggalian politico upang hindi tangkilikin. Karaniwang ginagamit ito sa mundo ng politiko. Hal. Ang pekeng sabon, bagitong kandidato, trapo. HAND-OUT PARA SA Pagbasa at Pagsusuri ng Ibat-ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik Gng. Nancy Jane Serrano-Fadol | 10 Lalo Pang Nilimitahang Paksa : Mga Dahilan ng Labis at Madalas na Pagpupuyat ng mga Mag-aaral sa Ikalabing-isang Baitang ng Mataas na Paaralan ng Camp General Emilio Aguinaldo at Ang Epekto nito sa Kanilang Gawaing Pampaaralan Pangangalap ng Paunang Impormasyon Ang mga paunang impormasyon (background information) ay magbibigay ng ideya sa mananaliksik kung bakit kailangang pag- aralan aang napiling paksa at gagabay sa pagpili ng papanigang pananaw sa bubuuing pahayag na tesis. Upang matiyak na ang mga impormasyong makukuha sa internet ay tiyak at mapagkakatiwalaan, may mga domain extension na nagtatapos sa .gov (government), .org (organization) at .edu (educational institution) Maari ring sumangguni sa mga aklat, pangkalahatang sanggunian tulad ng almanac, atlas at encyclopedia, gayundin din ng pahayagan, journal at magasin Tingnan din kung kalian nailimbag ang mga aklat na gagamitin, kung higit sampung taon nang nalathala ay maaring may mga bago nang impormasyon o hindi napapanahon ang mga impormasyong taglay nito. Mga Uri ng Datos datos ng kalidad o qualitative data – mga kulay, tekstura, lasa, damdamin, mga pangyayari at sasagot sa mga tanong na paano at bakit. Datos ng kailanan o quantitative data – tumutukoy sa mga dami o bilang ng mga bagay o sagot ng mga sinarbey o interbyu ng respondent *may mga pagkakataon ding kinakailangang gumamit ang isang mananaliksik ng dalawang uri ng datos upang higit na mapagtibay ang resulta Mga paraan sa pangangalap ng datos sarbey (survey) o paggamit ng talatanungang nabibilang nang tumpak ang mga resulta pakikipanayam (interview) o pagtatanong sa isang taong dalubhasa o maalam sa paksang pinag-aaralan etnograpiya (ethnography) o ang pakikipamuhay sa subject ng pag-aaral upang direktang makakuha ng impormasyon Mga katutubong paraan ng pangangalap ng datos pakapa-kapa – natural na pagkatoto tungkol sa subject ng pananaliksik sa pamamgitan ng malapitang engkwentro pagtatanong-tanong – pag-uusisa ng kaswal na impormasyon sa mga respondent gaya ng ano, sino, kalian at ilan pakikipagkwentuhan – kaswal na pakikipag-usap n nagbibigay sa knila ng pagkakataong magsalita ginabayang talakayan – pag-uusap ng isang pangkat na may sinusunod na gabay nakikiugalian pagmamasid – pag-oobserba sa mga respondent habang namumuhay na gaya nila pagdalaw-dalaw – pagpupunta-punta sa mga respondent upang panapanahong makamusta sila at makakuha ng datos pakikisama – hindi pagturing na ibang tao sa mga subject ng pag-aaral sa pamamagitan ng pakikipagkaibigan panunulayan – sandaling pagtira sa tahanan ng isang tagapamayanan upang malapitan at malalim na mapag-aaralan Ang pahayag na tesis (thesis statement) ay naglalahad ng pangunahing o sentral na ideya ng sulating pananaliksik. Isa itong matibay na pahayag na naglalahad sa pinapanigang posisyon o pananaw ng mananaliksik hinggil sa paksa na handa niyang patunayan sa pamamagitan ng nakalap na mga datos at ebidensiya. Pagbuo ng Mahusay na Pahayag na Tesis Nakasasagot bai to sa isang tiyak na tanong? Tumutugma ba ito sa sakop ng pag-aaral Nakapokus ba ito sa isang ideya lang? Maari bang patunayan ang posisyong pinaninindigan nito sa pammagitan ng pananaliksik Paraan ng Paglalahad sa Pahayag ng Tesis Isulat sa pamamagitan ng isang suliranin kasama ang opinion mo Talakayin ang kasalukuyang kalagayan ng isang isyu Mag-isip ng maaring maging solusyon sa isang suliranin Tingnana ang isyu sab ago at naiibang perspektibo Magpanukala kung paano ang mundo naiiba kung nangyari/hindi nangyari ang paksa Pagkomparahin ang dalawang bagay na halos magkapareho Maglahad ng ideya kung paano naimpluwensiya nito ang isang paksa kaya ito nagging ganito Ang Konseptong Papel Sa pamamagitang ng konseptong papel ay mailalahad mo ang magagawa mo upang mapatunayan ang iyong paksa at pahayag na tesis. Ito na ang magsisislbing proposal para sa gagawin mong pananaliksik. Ayon kay Constantino at Zafra may apat na bahagi ang konseptong papel: Rationale – bahaging nagsasaad sa kasaysayan o dahilan kung bakit napili ang paksa Layunin – ditto mababasa ang hangarin o tunguhin ng pananaliksik base sa paksa Metodolohiya – inilalahad dito ang mga kaparaanan gagamitin ng mananaliksik sa pangangalap ng datos Inaasahaang output o resulta – inilalahad ang inaasahang kalalabasan o resulta ng pananliksik HAND-OUT PARA SA Pagbasa at Pagsusuri ng Ibat-ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik Gng. Nancy Jane Serrano-Fadol | 11 PANIMULANG PAHINA NG PANANALIKSIK MGA PANGUNAHING BAHAGI NG PANANALIKSIK PANGHULING BAHAGI NG PANANLIKSIK Dahon ng Pamagat Sertipikasyon Paghahandog Pasasalamat Abstrak ng Pag-Aaral Talaan ng Nilalaman Tala ng mga Tsart Kabanata I : Panimula Kabanata II : Revyu ng Kaugnay na Pag-aaral at Literature Kabanata III : Metodolohiya Kabanata IV : Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos Kabanata V : Lagom, Konklusyon at Rekomendasyon tala ng sanggunian/bibliografi apendiks mga tala ng sarbey mga pinasagutang porma mga itinalang panayam mga larawan tala ng impormasyon ng mananalik ANG KABANATA I : ANG SULIRANIN AT SANLIGAN NITO Panimula - Ito ang bahaging naglalatag ng mga panimulang impormasyon tungkol sa paksa na magsasakonteksto sa mga mambabasa kung ano ang pinanggagalingan ng pananaliksik Paglalahad ng Suliranin Ipotesis Kahalagahan ng Pag-aaral Batayang Konseptwal - Isang dayagram na nagpapaliwanag sa magiging takbo ng pananaliksik sa isang tingin. Saklaw at Deliimitasyon - Ito ang bahaging naglalatag ng mga sitwasyon o pangyayaring kinaharap ng mga mananaliksik na maaring nakaapekto sa resulta ng pananaliksik Depinisyon ng mga termino – sa bahaging ito, iniisa-isa ang mahahalagang termino ginagamit sap ag-aaral. Hindi lamang ito simpleng tumutukoy sa malalaim na salitang ginamit sa saliksik, kundi lalo sa mga teknikal na terminong ginamit. • operasyunal na pagpapakuhulugan – bibigayang linaw ang mga ito sa paraang kung paano ginamit sa loob ng pangungusap o sa pananaliksik ang termino • konseptwal na pagpapakahulugan – ito ay ang standard na kahulugan na matatagpuan sa diksyunaro Binubuo ito ng mga sumusunod: • termino – salitang binibigyang-depinisyon • genus – uri ng klasipikasyon ng salitang binibigyang depinisyon • differentia - aktuwal na katangian o kahulugan ng salita KABANATA 2 : KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA Sa bahaging ito inilalahad ang mga tesis, journal, aklat at anumang babasahin sa anyong nakalagom at malapit sa paksang sinaliksik. Uri ng literatura: aklat, peryodikal, journal, magasin, Di-nalimbag na batis: pelikula, programa sa telebisyo at radio, web site at blog Mga Uri ng Tala Direktang sipi – ginagamit kung isang bahagi lamang ng aklat ang nais sipiin, kinakalingang lagyan ng panipi (“ ”) ang bawat mungkahing tala at ellipsis (…) naman kung bahagi lamang ng sipi ang gagamitin Buod ng tala – ginagamit kung ang nais lamang gamitin ay ang pinakamahalagang ideya Presi – mula sa ssalitang Pranses na precis na ang ibig sabihin ay pruned or cut down. Ginagamit ito kung nais panatilihin ang punto de vista ng may akda sa pamamagitan ng keywords. Sipi ng sipi – ang ganitong uri ay ginagamitan din ng panipi Hawig o paraphrase – hustong paglalahad ng mga ideya ngunit sa mas higit na payak na salita Salin/sariling salin – ginagamit kung ang tala ay nasa wikang banyaga Pagsasaayos ng Datos kronolohikal – ginagamit kung ang datos ay ayon sa pagkakassunod-sunod ng pangyayari heograpikal o batay sa espasyo – ginagamit kung ang ipinapakita ay ang lokasyon, lugar o iba pang ginagamit ng espasyo komparatibo – ginagamit kung nasi ipakita ang pagkakaiba at pagkakatulad ng dalawang bagay sanhi/bunga – ginagamit kung nais bigyang diin ang sanhi at bunga ng paksang sinisiyasat pagsusuri – ang prinsipyong ito ay ginagamit kung nais ipakita ang paghihimay-himay ng isang buong kaisipan Bibliografi bibliografi - Tinatawag ding talaaklatan o talasanggunian ay listahan o talaan na mga aklat, peryodikal, jornal, magasin, pahayagan, di-limbag na batis tulad ng pelikula, programa sa telebisyon at radyo, tape, cassete, CD o VCD, website sa internet, at iba pang sangguniang ginagamit sa pananaliksik Sitasyon - Kung gagamit ng salita, sulat, o ideya ng iba, kailangang bigyan ng kredito ang orihinal na may-ari ng mga ito. • MLA (Modern Language Association) - Ang MLA ay malimit na ginagamit sa mga kursong humanities. Sa mga kursong humanities, nabibigyan ng malaking pokus ang awtor. Kaya naman, sa MLA, palaging nauuna ang pangalan ng awtor sa pahina ng bibliyo. HAND-OUT PARA SA Pagbasa at Pagsusuri ng Ibat-ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik Gng. Nancy Jane Serrano-Fadol | 12 • APA (American Psychological Association) - Ang APA ay madalas na ginagamit sa mga dokumento sa mga kursong panlipunan (social science). Kung ang MLA ay may pokus sa awtor, sa APA naman ay mas pinahahalagahan ang petsa. Sa pahina ng “References,” ang petsa ay inilalagay pagkatapos na pagkatapos ng pangalan ng awtor. • CMS (Chicago Manual of Style) - Ang CMS ay malimit na ginagamit sa mga klase at kursong may kinalaman sa kasaysayan. Sa kasaysayan, ang pinahahalagahan ng lubos ay ang pinagmulan ng ideya o ng kinokopya. Samakatwid, kapag gagamit ng istayl na CMS, kailangang ilagay ang pinanggalingan ng impormasyon sa footnote or sa endnote. MLA (Modern Language Association) APA (American Psychological Association) CMS (Chicago Manual of Style) LIBRO Pollan, Michael. The Omnivore’s Dilemma. New York: Penguin New York: Penguin Pollan, M. (2006). The omnivore’s dilemma. New York, NY: Penguin Group. Pollan, Michael. The Omnivore’s Dilemma. New York: Penguin Group, 2006. DYORNAL Bagchi, Alaknada. “Conflicting Natinalisms: The Voice of the Subaltern in Mahasweta Devi’s Bashai Tudu.”Tulsa Studies in Women’s Literature 15:1 (1996): 41-50. Print. Bagchi, A. (1996). Conflicting nationalisms: The voice of the subaltern in Mahasweta Devi’s Bashai Tudu. Tulsa Studies in Women’s Literature (15.1), 41-50. Bagchi Alaknada. “Conflicting Nationalisms: The Voice of the Subaltern in Mahasweta Devi’s Bashai Tudu.” Tulsa Studies in Women’s Literature 15.1 (1996): ONLINE Awtor. Titulo ng website. Petsa ng pagkakagawa (gumamit ng n.d. kung walang petsa nakalagay). Medium. Petsa kung kailang binisita ang site. Awtor. (Taon [gamitin ang n.d. kung hindi ito nakalagay). Titolo ng artikulo o pahina. Larger Publication Title, volume o numero ng isyu. Retrieved from http://url address Awtor. Titulo ng dokyumento. URL or DOI KABANATA 3 : METODOLOHIYA Metodolohiya – Ang bahagi ng pananaliksik ang tumatalakaay sa prosesong sinusunod upang maisakatuparan ang pananaliksik Desinyo ng Pananaliksik o kwalitatibo - Ang disenyo ng pananaliksik na inoobserbahan at sinusuri ang realidad sa layuning makabuo ng teoryang makapagpapaliwanag ditto o kantitatibo – gumagamit ng datos na nabibilang Paraang Sampling Pokus ng Pag-aaral - respondent Instrumento ng Pananaliksik - talatanungan o mga talang tanong Tritment ng mga Datos Frequency count Percentage ANG KABANATA 4 : PRESENTASYON AT INTERPRETASYON presentasyon at interpretasyon - Sa bahaging ito inilalahad ang mga resultang natuklasan sa pag-aaral. ang presentasyon ay tumutukoy sa proseso ng pag-oorganisa ng mga datos sa lohikal, sikwensyal at makahulugang kategorya at klasipikasyon ayon sa isinasagawang pag-aaral at interpretasyon 3 paraan ng presentasyon ng mga datos (Claderon at Gonzales) tekstwal na presentasyon • Gumagamit ng mga patalatang pahayag upang ilarawan ang mga datos. • May layuning maipokus ang atensyon sa ilang mahahalagang datos upang magsilbing suplement ng presentasyong tabular at grapikal. • Kailangang magtaglay ng tatlong katangian: kaisahan, kohirens at empasis (Bernales, et al., 2002) tabular na presentasyon • Ginagamitan ng isang istatistikal na talahanayan • Sa presentasyong ito, ang mga magkakaugnay na datos ay inaayos nang sistematiko • Ang bawat numerikal na datos ay itinatala sa ilalim ng isang kolum at katapat ng isang hanay (row) upang ipakita ang ugnayan ng mga iyon sa isang tiyak, kompak, at nauunawaang anyo grapikal na presentasyon • grap - isang biswal na presentasyong kumakatawan sa kwantiteytiv na baryasyon o pagbabago ng mga baryabol, o kwantiteytiv na komparison ng pagbabago ng isang baryabol sa iba pang baryabol o mga baryabol sa anyong palarawan o diagramatic. • Ang mga pinakagamiting graf sa pananaliksik ay ang mga ss.: linyang grap (line graph), bilog na grap (Pie graph), bar grap (bar graph), piktograf (pictograph) ANG KABANATA 5 : LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON lagom - Ito ay ang paglalahat na nabuo ng mga mananaliksik matapos na gawin ang pag-aaral konklusyon – ito ay ang pagbuo ng interpretasyon mula sa paghahambing ng mga salik at ng suliranin ng pananaliksik rekomendasyon – dito inilalatag ang mga mungkahi ng mananliksik upaang mapaunlad ang anumang resultang nakuha sa pannaliksik
Docsity logo



Copyright © 2024 Ladybird Srl - Via Leonardo da Vinci 16, 10126, Torino, Italy - VAT 10816460017 - All rights reserved