Docsity
Docsity

Prepare for your exams
Prepare for your exams

Study with the several resources on Docsity


Earn points to download
Earn points to download

Earn points by helping other students or get them with a premium plan


Guidelines and tips
Guidelines and tips

Pagbasa at Pagsusuri sa Ibat ibang uri ng teksto, Summaries of Law

MODULE 1: Pagsusuri ng Pananaliksik sa Filipino Apat na Bahagi ng Pagsusuri ng Pananaliksik: 1. Layunin - Isinasaad sa layunin ang mga dahilan ng pananaliksik o kung ano ang ibig matamo pagkatapos maisagawa ang pananaliksik sa napiling paksa. Maaaring panlahat at tiyak ang mga layunin. Panlahat ang layunin kung nagpapahayag ito ng kabuoang layon o nais matamo sa pananaliksik. Tiyak ang layunin kung nagpapahayag ito ng mga partikular na pakay sa pananaliksik sa paksa. 2. Gamit Isinasagawa ang pananaliksik upang tumuklas ng mga bagong kaalaman at impormasyon na magiging kapaki-pakinabang sa mga tao. 3. Metodo Tumutukoy sa paraan na gagamitin sa pagkuha ng datos at pagsusuri sa piniling paksa. Ang pangangalap ng datos ay maaaring isagawa sa pamamagitan ng sarbey, interbiyu, paggamit ng talatanungan, obserbasyon, at iba pa. Iba't ibang paraan naman ang maaaring gamitin sa pagsusuri ng datos na gaya ng empirikal, komparatib, at iba pa. 4. Etika Ang etika ng pananaliksik ay nagpapakit

Typology: Summaries

2021/2022

Uploaded on 10/24/2023

marrian-claire-tulalian
marrian-claire-tulalian 🇵🇭

1 document

1 / 8

Toggle sidebar

Partial preview of the text

Download Pagbasa at Pagsusuri sa Ibat ibang uri ng teksto and more Summaries Law in PDF only on Docsity! MODULE 1: Pagsusuri ng Pananaliksik sa Filipino Apat na Bahagi ng Pagsusuri ng Pananaliksik: 1. Layunin - Isinasaad sa layunin ang mga dahilan ng pananaliksik o kung ano ang ibig matamo pagkatapos maisagawa ang pananaliksik sa napiling paksa. Maaaring panlahat at tiyak ang mga layunin. Panlahat ang layunin kung nagpapahayag ito ng kabuoang layon o nais matamo sa pananaliksik. -Tiyak ang layunin kung nagpapahayag ito ng mga partikular na pakay sa pananaliksik sa paksa. 2. Gamit Isinasagawa ang pananaliksik upang tumuklas ng mga bagong kaalaman at impormasyon na magiging kapaki-pakinabang sa mga tao. 3. Metodo Tumutukoy sa paraan na gagamitin sa pagkuha ng datos at pagsusuri sa piniling paksa. Ang pangangalap ng datos ay maaaring isagawa sa pamamagitan ng sarbey, interbiyu, paggamit ng talatanungan, obserbasyon, at iba pa. Iba't ibang paraan naman ang maaaring gamitin sa pagsusuri ng datos na gaya ng empirikal, komparatib, at iba pa. 4. Etika Ang etika ng pananaliksik ay nagpapakita ng mga etikal na isyu sa iba't ibang bahagi ng proseso ng pananaliksik. May tinukoy na mahahalagang prinsipyo sa etikal na pananaliksik ang American Psychological Association (2003) at ang Center for Social Research Methods (2006) na maaaring maging gabay ng mga nagsisimulang mananaliksik sa anumang larangan. Ilan sa mahahalagang prinsipyong: 1. Pagkilala sa Pinagmulan ng mga Idea sa Pananaliksik. 2. Boluntaryong Partisipasyon ng mga Kalahok. 3. Pagiging Kumpidensiyal at Pagkukubli sa Pagkakakilanlan ng Kalahok. 4. Pagbabalik at Paggamit sa Resulta ng Pananaliksik. MODULE 2 1. Balangkas Teoretikal - ay mga umiiral na teorya sa iba't ibang larang o disiplina na subók na at may balidasyon ng mga pantas. 2. Balangkas Konseptuwal - ay mga konsepto o idea na tutugon sa baryabol ng pananaliksik na maaaring binuo ng mga mananaliksik 3. Datos Empirikal - ang mga datos mula sa resulta ng metodong ginamit sa pangangalap ng datos DATOS EMPIRIKAL Ang datos empirical ay mga impormasyong nakalap mula sa kombinasyon ng dalawa o higit pang metodo ng pananaliksik (obserbasyon, pakikipanayam, at/o ekperimentasyon, atbp.). Ito ay dumadaan sa pagsusuri at maaaring mapatunayan na totoo o hindi, makabuluhan o hindi. TATLONG URI NG DATOS EMPIRIKAL 1. Tekstuwal. Paglalarawan sa datos sa paraang patalata. 2. Tabular. Paglalarawan sa datos gamit ang estadistikal na talahanayan. 3. Grapikal. Paglalarawan sa datos gámit ang biswal na representasyon katulad ng line graph, pie graph, at bar graph. -Line Graph. Maaaring gamitin kung nais ipakita ang pagbabago sa baryabol o numero sa haba ng panahon. -Pie Graph. Isang bílog na nahahati sa iba’t ibang bahagi upang maipakita ang pagkakaiba-iba ng bílang ng isang grupo ayon sa mga kategorya ng iyong pag-aaral. -Bar Graph. Maaaring gamitin kung may dalawa o higit pang datos na magkahiwalay at ipinaghahambing. aaral, tiyak na lugar, at ang hangganan ng kaniyang paksang tatalakayin sa pananaliksik pati na ang tiyak na panahong sakop ng pag-aaral. Mga Estratehiya sa Sampling (Pagsasampol Pagkuha ng Random o Random Sampling Pagkuha ng Nonrandom o Non-random Sampling Random Sampling- Ang bawat miyembro ay mayroong pantay na pagkakataon upang mapili (EQUIPROBABILITY) at maging bahagi ng gagawing sampol ng pag- aaral Uri ng Random Sampling: Simple Random Sampling Stratified Random Sampling Cluster Random Sampling 1. Simple Random- ang bawat miyembro ng populasyon ay may pantay na pagkakataon na magsilbing sampol 2. Stratified Sampling-Pagpili na ang mga tiyak na subgroup ay magkakaroon ng sapat na bílang ng mga kinatawan sa loob ng sampol 3. Sampling na Klaster- Tinatawag ding “Area Sampling”. Pumipili ng mga myembro ng sampol nang pa-klaster kaysa gumamit ng hiwalay na mga indibidwal. Klaster na grupo – grupong may magkakatulad na katangian. Nonrandom Sampling: Systematic Sampling Convenience Sampling Purposive Sampling 1. Sistematikong Sampling- Plano para sa pagpili ng mga miyembro matapos na mapili nang pa-random ang panimula. 2. Convenience Sampling- Batay sa kaluwagan ng mananaliksik o ang accessibility nitó sa nagsasaliksik 3. Purposive Sampling- Ginagamit batay sa paghuhusga at kaalaman ng mananaliksik upang makuha ang representiveness ng populasyon C. Kasangkapan sa Pangangalap ng Datos Sa bahaging ito, inilalahad ng mananaliksik ang mga detalye sa paraan ng pangongolekta ng datos na kinakailangan o ginagamit upang matugunan ang mga suliraning ipinahayag sa pag-aaral. Sa pangangalap ng datos, may tatlong pangunahing ginagamit: 1. Talatanungan Ang talatatanungan ay ginagamit ng mga mananaliksik kung saan ay isinusulat ang mga tanong na pinasasagutan sa mga respondente. pinakamadaling paraan sa pangagalap ng datos. Open-ended na talatanungan- Ang mga respondent ay malaya sa pagsagot. Close-ended na talatanungan- Uri ng talatanungan ng may pagpipilian 2. Ang pakikipanayam Ito ay maisasagawa kung possible ang inter-aksiyong personal.May dalawang uri ito. Binalangkas na pakikipanayam o structured interview Di-binalangkas na pakikipanayam o unstructured interview 3. ObserbasyonKinapapalooban ito ng obserbasyon ng mananaliksik sa sitwasyong pinag-aaralan. May dalawang uri ito: Di-pormal na obserbasyon- Itinatala lamang ang mga napag-usapan at walang limitasyon sa mga impormasyon. Pormal na imbestigasyon o structured observation- Itinatala rito kung ano lamang ang nais obserbahan at ang mga posibleng kasagutan ay binalangkas. D. Paraan ng pangagalalap ng datos Dito ipinapaliwanag kung paano ang pangangalap ng mga impormasyong ginamit. Pangunahing Mapagkukuhanan ng Datos 1. Opinyon ng mga EKSPERTO 2. Pagkonsulta sa mga AKLAT at ARTIKULO 3. OBSERBASYON sa mga karanasan 4. SARILING paniniwala a. Kahusayan sa pagsubok- Isinasaad kung paano gagawin para masubok ang Reliability ng pag-aaral. b. Pagsusuri ng mga Datos- Tinatawag din itong pag-aanalisa ng mga datos. Sa Talaan ng Sanggunian/ Bibliyograpiya Talâng Parentetikal/ Dokumentasyong Parentetikal a. APA – American Psychological Association, ang estilong APA ay kadalasang ginagamit sa mga siyentipikong pananaliksik sa larangan ng sikolohiya, medisina, agham panlipunan, at iba pang mga teknolohikal na larangan. b. MLA – Modern Language Association, karaniwang ginagamit sa mga akademiko at iskolarling papel sa malalayang sining o liberal arts at sa disiplina ng Humanidades. DALAWANG (2) URI NG PAGTATALÂ NG MGA IMPORMSYON O DATOS 1. Tuwirang Sipi - Ito ay eksakto o kompletong pagsipi ng bahagi ng orihinal na teksto. 2. Pabuod - Ang orihinal na teksto ay kailangang ibuod sapagkat may mga tekstong mahahaba. PANANALIKSIKMga batayang impormasyon na kailangang matukoy sa talasanggunian a. Pangalan ng Awtor o mga awtor b. Pamagat ng libro c. Lugar ng publikasyon d. Pablisher o tagalimbag e. Petsa o Taon ng pagkalimbag f. Editor, tagasalin, konsultant, compiler (kung mayroon) Mga Hanguan ng Impormasyon o Datos (primary sources) ay ang mga indibidwal o awtoridad, mga grupo o organisasyon/ asosasyon, samahan o kapisanan, pamilya, mga pampublikong kasulatan, o dokumento at iba pa. hanguang sekundarya naman ay: aklat tulad ng diksyonaryo, ensayklopedya, taunang aklat, jornal, atlas, almanac. Mga lathalaing artikulo gaya ng magasin, disertasyon, manuskrito, at iba pa. May tatlong (3) yugto ng pananaliksik sa silid- aklatan. Una, panimulang paghahanap ng kard katalog, sangguniang aklat, bibliograpi, indeks, at hanguang elektroniko o internet. Pangalawa, pagsusuri na kinasasangkutan ng browsing, skimming, at scanning ng mga aklat at artikulo at ng pagpili ng citation mula sa mga babasahin. Pangatlo, pagbabasá at pagtatalâ mula sa aklat, sanaysay, artikulo, computer prinouts, at iba pang sanggunian. Uri ng Kard katalog a. Kard ng Paksa – ang dapat hanapin kung ang malinaw pa lámang sa mananaliksik ay ang kaniyang paksang tatalakayin. b. Kard ng awtor – ang kailangang tingnan kung ang mananaliksik ay may naiisip na agad na awtor na awtoridad sa kaniyang paksa c. Kard ng Pamagat – ang pinakalapitin ng mga mananaliksik na hindi pa tukoy ang paksa o awtor na gusto nilang saliksikin, kung kayâ parang naghahanap pa sila ng kanilang paksa sa mga librong pamilyar na sa iba. MODULE 4: A. Konsepto - Bílang panimulang gawain sa pananaliksik, mahalagang paghandaan ang pagbuo ng isang konsepto. Ang konsepto ay isang plano na nagpapakita kung ano at saang direksiyon patungo ang paksang nais pagtuunan. B. Konseptong Papel – Ito ay nagsisilbing proposal para maihanda ang isang pananaliksik. Isang kabuoang idea na nabuo mula sa isang framework o balangkas ng paksang bubuoin. C. Pangunahing bahagi ng konseptong papel 1. Pahinang Nagpapakita ng Paksa - Narito ang tentatibong pamagat ng pananaliksik na ginagamit kung hindi pa nakatitiyak sa magiging pamagat ng saliksik. Ang pamagat ng konseptong papel ay kailangang ganap na naglalarawan ng pinakabuod ng manuskrito. 2. Kahalagahan ng Gagawing Pananaliksik (Rationale) – Ito ang bahaging nagsasaad sa kasaysayan o dahilan 3. Layunin – Sa bahaging ito, inilalahad ang nais makamit sa pamamagitan ng pananaliksik. Kapag natapos nang isulat ang buong pananaliksik, alalahaning balikan ang mga layunin at seguraduhing natupad o nagawa
Docsity logo



Copyright © 2024 Ladybird Srl - Via Leonardo da Vinci 16, 10126, Torino, Italy - VAT 10816460017 - All rights reserved