Docsity
Docsity

Prepare for your exams
Prepare for your exams

Study with the several resources on Docsity


Earn points to download
Earn points to download

Earn points by helping other students or get them with a premium plan


Guidelines and tips
Guidelines and tips

Pagbsa at Pagsususri sa ibat ibang Teksto tungo sa Pananaliksik-q2-modyul 5, Study Guides, Projects, Research of English

Modyul for Pilipino subject in SHS Grade 11 students

Typology: Study Guides, Projects, Research

2021/2022
On special offer
30 Points
Discount

Limited-time offer


Uploaded on 04/17/2022

renato-macaranas
renato-macaranas 🇵🇭

1 document

1 / 28

Toggle sidebar
Discount

On special offer

Related documents


Partial preview of the text

Download Pagbsa at Pagsususri sa ibat ibang Teksto tungo sa Pananaliksik-q2-modyul 5 and more Study Guides, Projects, Research English in PDF only on Docsity! Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik Ikatlong Markahan Modyul 5 Mabisang Pagpapahayag: Makabuluhang Reaksiyon, Iyong Ilahad at Isulat Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik-Ikalabing Isang Baitang Alternative Delivery Mode Ikatlong Markahan – Modyul 5: Mabisang Pahayag: Makabuluhang Reaksiyon, Iyong Ilahad at Isulat Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang- aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Schools Division of Bataan Office Address: Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan Telefax: (047) 237-2102 E-mail Address: bataan@deped.gov.ph MGA BUMUO SA PAGSULAT NG MODYUL SA SENIOR HS Awtor : Gilbert C. Palmiano Ko-Awtor - Tagasuri : Rozell B. Lagas Ko-Awtor - Tagasuri : Marites M. Ravago Ko-Awtor – Tagaguhit : Mae Laine C. Villaruel Ko-Awtor - Tagalapat : Aldrine Y. Teleron Mga Tagapangasiwa: Punong Guro : Aida P.Capili, EdD LRMDS Koordinator : Aldrine Y. Teleron MGA TAGAPAMAHALA SA DIBISYON NG BATAAN: Schools Division Superintendent : Roland M. Fronda, EdD, CESO VI OIC- Asst. Schools Division Superintendent : William Roderick R. Fallorin, CESE Chief Education Supervisor, CID : Milagros M. Peñaflor, PhD Education Program Supervisor, LRMDS : Edgar E. Garcia, MITE Education Program Supervisor, FILIPINO/ADM : Mila D. Calma Education Program Supervisor, Senior HS : Danilo S. Caysido Project Development Officer II, LRMDS : Joan T. Briz Librarian II, LRMDS : Rosita P. Serrano Creative Arts Specialist, LRMDS : Jerico P. Usi MGA TAGAPAMAHALA SA REHIYON NG GITNANG LUZON: Regional Director : May B. Eclar, PhD, CESO III Chief Education Supervisor, CLMD : Librada M. Rubio, PhD Education Program Supervisor, LRMS : Ma. Editha R. Caparas, EdD Education Program Supervisor, ADM : Nestor P. Nuesca, EdD 1 Alamin Ang modyul na ito ay idinisenyo at isinulat upang tulungan kang maunawaan ang mga aralin sa Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teskto Tungo sa Pananaliksik na naka pokus sa mahahalagang kaalaman tungkol sa pagsulat at pagbuo ng isang makabuluhang reaksiyong papel na may malaking kaugnayan sa pagsulat ng isang pananaliksik sa hinarahap. Matapos ang modyul na ito inaasahang; 1. nagagamit ang mabisang paraan ng pagpapahayag: F11PU-IIIfg-90 a. kalinawan b. kaugnayan c. bisa sa reaksyong papel na isinulat 2. nakasusulat ng mga reaksyong papel batay sa binasang teksto ayon sa katangian at kabuluhan nito sa: F11EP-IIIj-37 a. pamilya b. komunidad c. bansa d. daigdig 2 Subukin Alamin natin ang lalim ng iyong kaalaman sa asignaturang ito sa pamamagitan ng panimulang pagsusulit. Panuto: Basahin at unawain ang bawat bilang. Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa hiwalay na papel. 1. Ang ___________ay bahagi ng saloobin, maaaring ito ay nasa anyong pasalita o pasulat. a. pagpapahayag c. pakikipanayam b. pagbasa d. pananaliksik 2. Sa pamamagitan ng ___________ nagiging ganap ang pagkatuto ng isang taong makatuklas ng isang kaisipan buhat sa kaniyang pakikinig sa pahayag ng iba. a. pakikinig c. pagpapahayag b. pagbasa d. pananaliksik 3. Magiging epektibo kang tagapaghatid ng _____________ kung ang kaalaman mo sa pagpapahayag ay angkop at sapat. a. pakikinig c. impormasyon b. pagbasa d. pananaliksik 4. Kailangang isiping mabuti ang mga hakbang sa wasto at maayos na pagbibigay ng _________bago ito isakatuparan. a. pakikinig c. impormasyon b. pagbasa d. reaksiyon 5. Maging mapanuri at ___________ sa pagbibigay o pagbuo ng isang reaksiyong papel. a. maalalahanin c. makatotohanan b. mabusisi d. matanong 6. Kailangang organisado ang ideya bago simulan ang layunin sa pagpapahayag. a. mabisa c. organisado b malawak d. wala sa nabanggit 3 7. Kailangang maging maayos ang paraan sa _________ upang mahikayat ang tagapakinig o mambabasa. a. impormasyon c. pagpapahayag b. makatotohanan d. Reaksiyon 8. Ang lahat ng ipahahayag ay kailangang mayroong pinagbatayang ___________. a. aklat c. katotohanan b. pagpapahayag d. reaksiyon 9. Sa __________kailangan munang isipin kung ano ang ipahahayag at kung paano mo ito ipahahayag. a. katotohanan c. pagpapahayag b. makatotohanan d. reaksiyon 10. Siguraduhing magiging ___________ ang iyong ipahahayag at tingnan din ang magiging reaksiyon ng tagapakinig o mambabasa sa iyong paraan ng paglalahad ng ideya. a. kapaki-pakinabang c. katotohanan b. pagpapahayag d. Reaksiyon 6 at tunog ng salita, maluwag at matayog na kaisipan • Ang mga matalinhagang mga salita ay nakatutulong sa pagpapaganda ng pananalita • Maganda rin ang pahayag kung maayos ang pagsasama at pagkakasunod-sunod ng mga salita, parirala at pangungusap. Ang retorika ay tumutukoy sa sining ng maayos, malinaw, mabisa at kaakit- akit na pagpapahayag upang maunawaan at makahikayat sa pag- uusap. Dalawang kawastuhan ang nakapaloob sa pagpapahayag: ang kawastuhang pambalarila at ang kawastuhang panretorika. MGA SIMULAIN NG PAGPAPAHAYAG Alamin naman natin ang mga simulain ng pagpapahayag na kinabibilangan ng kalinawan, kapamitagan at kagandahan Kalinawan - ipinalalagay na may kalinawan ang isang pahayag kung ito ay madaling maunawaan. May tatlong bagay na makatutulong upang madaling maunawaan ang isang pahayag. Ito ay ang mga sumusunod. a. Gumagamit ng mga salitang may tiyak na kahulugan nang hindi magdulot ng kalituhan. b. Ang mga salitang ginagamit ay nararapat na may pagkakaugnay (balarila at panretorika) c. Nararapat na wasto ang pagbigkas kung pasalita at wasto ang baybay kung pasulat. Kapamitagan - Ipinalalagay na mabigat ang isang pahayag kung may mga katangian tulad ng mga sumusunod: a. Makatotohanan at ito'y di matutuklasang may kasinungalingan pagkalipas ng ilang panahon. May mga pahayag na waring totoo kaya't madaling paniwalaan ngunit sa dakong huli ay matutuklasang walang batayang katotohanan. Hindi dapat na gamitan ng pagmamalabis o eksaherasyon ang pagpapahayag. b. Ang pinanggalingan ay isang dalubhasa o may awtoridad sa paksa. c. Kinakikitaan ng katapatan na tanda ng pagiging marangal d. Binibigyan ng matapat na pagpapahalaga ang karanasan at pananampalataya ng tao. Dapat pahalagahan ang dignidad ng isang tao. Kagandahan - May kagandahan naman ang pananalita kung ito ay: a. may kaakit-akit na pagtutugma ng mga kahulugang ipinahahayag at tunog ng mga salita b. wastong bigkas ng mga salita 7 c. matalinhaga ang diwang ipinahahayag. d. kalugod-lugod na pagsasama-sama ng mga salita sa pagbuo ng mga pangungusap na nagdudulot ng pananabik sa nakikinig o bumabasa e. paggamit ng mga salitang makahulugan, malarawan at maharaya Mga Sangkap sa Epektibong Pagpapahayag 1. Kaisahan - Ang pangkat ng mga pangungusap ay umiikot sa iisang pangkalahatang- ideya, may isang paksang pangungusap na nagsilbing gabay sa pagbuo ng mga susuportang pangungusap. 2. Kaugnayan - Dapat na magkakaugnay ang mga pangungusap upang magpatuloy ang daloy ng diwa mula sa simula hanggang sa dulo ng pahayag. Kinakailangang nasa maayos na pagkakahanay ang mga pangyayari o ang ipinahahayag upang maging maliwanag ang pagkakaugnay. 3. Pagbibigay-diin - Ang pangunahing layunin ay bigyan-diin ang mahalaga at alisin ang mga lubhang di-gaanong mahalaga. 4. Pagpili ng wasto at angkop na mga salita - Kailangang maging maingat sa pagpili ng mga salitang gagamitin sa pagpapahayag. May mga salita tayo na kung tutumbasan sa ibang wika ay tila wasto sa kahulugan ngunit maituturing na mali kaya't hindi matatanggap at lumalabag sa tuntunin at mabuting pagpapahayag. 8 Suriin Kamusta! Masaya akong nakarating ka sa puntong ito. Ngayon naman nais kong suriin mo ang mahahalagang puntong nakapaloob sa paksang pinag aaralan natin Sa bahaging ito, iyong basahin at unawain ang mahahalagang punto hinggil sa epektibong paggawa ng isang reaksiyon at mahahalagang kaalaman upang maging maayos at epektibo ang gagawin mong pagpapahayag ng reaksiyon. Ang reaksyon ay ang damdaming nagpapakita ng pagsang-ayon, pagsalungat, pagkatuwa, pagkalungkot o pagkadismaya matapos makita,malaman, marinig o mapanood ang iang bagay na may halaga sa isang oraganismo kagaya ng tao. Paano nga ba sumulat ng isang reaksiyon kaugnay ng tesktong binasa? Paano magiging mabisa ang reaksiyong isusulat? Paano maiuugnay ang iyong pahayag sa mga kabuluhan nito sa sarili, pamilya, at sa lipunang kinaiiralan? Tunghayan ang batayang kaalaman kaugnay sa pagsulat ng reaksiyong papel. Pagsulat ng Reaksiyong Papel Sa mga bagay na naobserbahan natin sa ating paligid, sa mga napanood natin sa iba’t ibang uri ng midya, maging sa mga taong nakakasalamuha natin, palagian na tayong may reaksiyon. Kung minsan nagiging paksa pa ito ng ating status sa mga social networking site, o kaya naman ay naibabahagi natin sa mga kapamilya, kaibigan, o kakilala. Mahalagang magkaroon ng kabatiran kung paano nga ba isusulat ang mga reaksiyong ito bilang pamamaraan ng ating pagpapahayag. MGA DAHILAN NG PAGSULAT NG REAKSIYONG PAPEL Iba’t iba ang kadahilanan kung bakit tayo nagsusulat. 1. Maaaring bilang isang personal na reaksiyon o ekspresyon at pagbibigay rin ng kahulugan ukol sa isang paksa. Sa ganitong aspekto, nagsisimula tayo sa pamamagitan ng isang personal na nagsasalaysay at ang tono ng salaysay na nasa unang panauhan. Ang pangunahing bida rito ay “Ako” o mismong ang nagsasalaysay. Ang mga sariling karanasan na inilalahad ng mga mag-aaral ay nakatutulong upang mas mapadaling maibigay ang kahulugan ng paksang nais ipabatid. 2. Maaari din namang magsulat bilang reaksiyon bunga ng mga kaalaman natin sa iba’t ibang kaasalan, gawi, o tradisyon. Sa puntong 9 Pagkilala sa mga Datos Kung isasama sa ginawang reaksiyong papel ang mga impormasyong nabasa, mahalagang makilala ang mga pinagmulan ng mga datos. Maaari itong pangunahing datos o sekondaryang datos. Pangunahin ang mga datos kung nagmula ito sa mga indibidwal na tao, akdang pampanitikan, pribado o publikong organisasyon, batas, dokumento, at iba pang orohinal na talaan. Sekondarya naman ang datos kung mula ito sa mga manuskrito, ensayklopedya, magasin, diyaryo, at iba pang aklat na nasulat ng mga may- akda. -Isinusulat kung tuwirang kinopya o sinipi lahat ng salita mula sa sanggunian. -Ginagamit ito upang suportahan ang katuwiran, Pabulaanan ang panig ng may-akda, at paghambingin ang iba’t- ibang pananaw. DIREKTANG SIPI -Ginagamit ito kung sasabihing muli ang nakuhang ideya o kaisipan mula sa sanggunian ngunit gagamitin ang sariling salita. -Nakatutulong upang maiwasan ang palagiang paggamit ng direktang sipi. PARAPHRASING PAGBUBUOD -Isinasagawa ito upang maisalarawan ang pangkalahatang kaalaman mula sa napakaraming sanggunian at matiyak ang mga pangunahing ideya ng pinagbatayang teksto. 10 Mga Bahagi ng Reaksiyong Papel 1. Panimula-Isinasagawa rito ang pagpapakilala sa paksa. Introduksiyon ito at pinupukaw ang interes ng mga mambabasa. Marapat na pagbutihin ang pagkakasulat nito upang mahikayat ang mga mambabasa na magpatuloy sa pagbabasa hanggang wakas. Karaniwan nang nagsisimula ito sa pangkalahatang pangungusap tungkol sa paksa. Ang huling pangungusap sa panimula ay ang tesis na pahayag ng pangunahing ideya. Inilalahad din dito ang authorial stance o ang pananaw ng may- akda. 2. Katawan- Isinasaad nito ang nilalaman ng teksto kung saan pinagsasama-sama ang kaisipang magkakasing-uri at isasaayos ang mga kaisipan sa isang makatuwirang pagkakasunid-sunod. Ang bawat talata ay may sariling simula, gitna, at wakas upang makabuo ng mas malawak na kabuuan. 3. Wakas- Ito ang pinakabuod ng teksto. Depende ang haba nito sa haba ng buong teksto. Maituturing na konklusyon ang wakas kung nakapaghain ka ng mga katibayan at pangangatuwiran sa iyong sulatin. 11 REAKSYONG PAPEL BATAY SA BINASANG TEKSTO AYON SA KATANGIAN AT KABULUHAN NITO SA PAMILYA Sandigan Pamilya. Ang pamilya ang pinakamahalagang pundasyon ng buhay. Dito natin unang naranasan ang dakilang pagmamahal. Ang kauna-unahang paaralan kung saan tayo ay natutong makisalamuha sa ibang tao. Pamilya ang ating kasangga sa lahat ng bagay. Iwanan ka man ng lahat, mananatiling aagapay ang pamilya sa iyong tabi. Ang kuwentong nabasa ko na pinamagatang “Ang Shelter” ay tungkol sa pamilyang sinubok ang katatagan. Ang Shelter na sinasabi dito ay isang bahay- ampunan. Batay sa kwento, ang nanay mismo ang nagdala ng kaniyang mga anak sa shelter. Siyempre nalungkot ang mga anak dahil nagkahiwa- hiwalay sila. Ngunit sa huli naging masaya sila dahil binalikan sila ng nanay nila. Masayang umuwi ang mag-anak dahil kompleto na ang kanilang pamilya. Totoo nga ang kasabihan na “Kung mahal ka, babalikan ka.” Minsan talaga dumarating ang pagkakataon na nakararanas tayo ng mga pag-subok sa buhay. Mga pag-subok na nagpapatatag upang mas lumalim pa ang relasyon ng isang nagkakaisang pamilya. Iba-iba ang pamilyang mayroon tayo dito sa lipunan. Ngunit kahit magkakaiba iisa lang naman ang layunin, ang magmahalan at magkaisa. Dahil ang ang pamilyang nagmamahalan at nagkakaisa ay mahalagang isaalang-alang upang malutas ang bawat pagsubok na darating. Lagi nating isipin na ang pamilya ang humubog sa atin kung ano man tayo ngayon. Sila ang pinaghuhugatan ng lakas kung tayo man ay mahina at dumaranas ng pighati. Sila ang parating nandiyan upang iparamdam sa atin na hindi tayo nag- iisa. Bagkus naririyan sila na handang saluhan tayo sa hirap man o ginhawa. Yan ang pamilya nanatiling matatag hanggang sa huli. Pamilyang pinatitibay ang pundasyon sa kabila ng kahirapan. At nagtatagumpay dahil sa pagtutulungan at pagmamahalan ng bawat isa. Ang pamilya ang pinakamahalagang pundasyon ng buhay. Kung wala sila, mas lalong wala ka rin. Ang ating pamilya ay parang daigdig, sandigan ng buhay, puso, at pag- ibig. K a ta w a n P a n im u la W a k a s 14 ang ibig mabuhay sa dugo ng ating mga ugat ay magbalatkayo ng maningning. Ay! Kung ang ating dinudulugan at hinahainan ng puspos na galang ay ang maliwanag at magandang-asal at matapat na loob, ang kahit sino ay walang mapagningning pagkat di natin pahahalagahan, at ang mga isip at akalang ano pa man ay hindi hihiwalay sa maliwanag na landas ng katwiran. Ang kaliluhan at ang katampalasan ay humahanap ng ningning upang huwag mapagmalas ng mga matang tumatanghal ang kanilang kapangitan; ngunit ang kagalingan at ang pag-ibig na dalisay ay hubad, mahinhin, at maliwanag na napatatanaw sa paningin. Mapalad ang araw ng liwanag! Ay! Ang anak ng bayan, ang kapatid ko, ay matuto kayang kumuha ng halimbawa at lakas sa pinagdaanang mga hirap at binatang mga kaapihan? 1. Ano ang malinaw na ipinapahayag ng teksto base sa sarili mong pagkakaunawa? _________________________________________________________ _________________________________________________________ _________________________________________________________ 2. Ano ang kaugnayan nito sa realidad ng buhay ng isang tao? _________________________________________________________ _________________________________________________________ _________________________________________________________ 3. Gaano nakaapekto sa iyo ang kahalagahan ng mensahe ng nasabingteksto. _________________________________________________________ _________________________________________________________ _________________________________________________________ 4. Ano ang layuning ng pagpapahayag at bakit mahalagang malaman ang paraan ng maayos na pagpapahayag? _________________________________________________________ _________________________________________________________ _________________________________________________________ 15 Gawain 2. Panuto: Pumili ng lugar sa inyong bahay na sa tingin mo ay makagaganyak sa iba pang mag- aaral upang manatili lamang sa kanilang tahanan at maiwasan ang posibleng pagkahawa ng covid-19 sa labas. Kuhanan mo ito ng larawan. Pagkatapos ay sumulat ka ng reaksiyon hinggil sa larawan at ang kahalahagan nito sa panahon ng pandemya. Idikit ito sa isang blangkong sagutan kasama ang reaksiyon. Ang Gawain ay tatasahin sa pamamagitan ng rubrik na nasa ibaba. Pamantayan sa Pagmamarka Mga Kategorya 4 3 2 1 A. Organisasyon Mahusay ang pagkakasunod- sunod sa kabuuan ng tala, mabisa magpanimula at malakas ang konklusyon batay sa ebidensiya. Mahusay ang pagkakasunod- sunod sa kabuuan ng tala, may angkop na simula at konklusyon May lohikal na organisasyon ngunit hindi masyadong mabisa ang panimula at konklusyon. Hindi maayos ang organisasyon at walang panimula at konklusyon. B. Lamin ng Replesksiyon Napakalalim na makikita ang pag- uugnay ng dating kaalaman at karanasan sa bagong kaalaman. Malalim na makikita ang dati at bagong kaalaman. Mababaw at hindi gaanong makikita ang kaugnayan ng dati at bagong kaalaman. Napakababaw at walang pag- uugnay ang dati at bagong kaalaman. C. Paggamit Ng Wika at Mekanika Napakahusay ang paggamit ng wika,walang mali sa grammar, may mayamang bokabularyo. Mahusay dahil kakaunti lamang ang mali sa grammar, baybay at gamit ng bantas. Maraming mali sa grammar at baybay gayundin sa gamit ng bantas. Kailangang baguhin dahil halos lahat ng pangungusap ay may mali sa grammar, baybay at gamit ng bantas. D. Presentasyon Malinis at maayos ang pagkakasulat ng talata. Malinis ngunit hindi maayos ang pagkakasulat ng talata. May kahirapang unawain ang pagkakasulat ng mga pangungusap. Mahirap basahin, hindi maayos at malinis ang pagkakasulat ng talata. E. Pamamahala sa Oras Gumamit ng sapat na oras upang ihanda at tapusin at naibigay isang lingo bago ang deadline. Natapos at nasumite sa takdang oras o deadline. Natapos at naisumite isang linggo pagkatapos ng deadline. Naisumite ngunit hindi handa at hindi tapos. 16 Isaisip REAKSIYON MO ISIGAW MO! Panuto: Magsaliksik o humanap ng mga akda na nakapaloob sa mga paksa na nasa kahon gamit ang talahanayan sa ibaba, isulat ang mga pamagat ng mga tekstong nakalap mo sa katapat na hanay nito. Gumawa ng isang makabuluhang reaksiyon hinggil sa pinakanakapukaw sa iyo ng atensiyon at interes. Isulat ito sa sagutang papel. ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ Paksang Kinauukulan Pamagat ng Teksto 1. Sarili 2. Pamilya 3. Pamayanan 4. Bansa 5. Daigdig 18 MGA NAPAPANAHONG SITWASYON Karagdagang Gawain Panuto. Gamit ang iyong sagutang papel sumulat ng isang napapanahong usapin na kinakaharap ng ating bansa ano ang iyong reaksiyon hinggil dito at ano ang maitutulong mo bilang isang mag-aaral, magbigay ng mungkahi o suhistiyon kung papaano mareresolbahan ang nasabing usapin. Mamarkahan ang iyong reaksiyong papel hinggil sa rubrik na nasa ibaba. KALUSUGAN KRIMEN BANTA NG TERORISTA EDUKASYON EKONOMIYA PANDEMYA KAHIRAPAN KALAMIDAD KALAYAAN Pamantayan sa Pagmamarka 1. Nilalaman Makabuluhan at may malinaw na punto sa paglalahad ng saloobin o pananaw sa napiling ideya. 50% 2. Kaayusan • organisado ang ideya • maayos ang estruktura ng pangungusap • tama ang paggamit ng bantas • maayos ang pagbabaybay 30% 3. Pagkamalikain • Gumamit na kaakit-akit na mga salita • Ginamitan ng imahinasyon at makulay ang paglalahad ng mga kaisipan. 20% Kabuuan Porsyento 100% 19 Susi sa Pagwawasto Subukin 1.a 2.c 3.c 4.d 5.c 6.c 7.c 8.c 9.b 10. a Pagyamanin Nasa pananaw ng guro ang pagbibigay ng puntos Isaisip Nasa pananaw ng guro ang pagbibig Isagawa Nasa pananaw ng guro ang pagbibigay ng puntos Tayahin Nasa pananaw ng guro ang pagbibigay ng puntos 20 Sanggunian Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. Bandril, Villanueva, Bautista, Palmes, Vibal Group Inc., 1253 Gregorio Araneta Avenue, Quzon City. 2016.pp. 120-129. Retorikang Filipino Pang-antas Tersyaryo. Consolacion P. Sauco, Obdulia L. Atienza at Nenita P. Papa. Katha Publishing Co. Inc. Quezon City. 1998. pp. 3-7. http://siningngfilipino.blogspot.com/2015/08/ang-pagpapahayag.html https://m.facebook.com/nt/screen/?params=%7B%22note_id%22 %3A7475338424613 49%7D&path=%2Fnotes%2F%7Bnote_id%7D&refsrc=http%3A%2F%2 Fwww.google.com %2F&_rdr
Docsity logo



Copyright © 2024 Ladybird Srl - Via Leonardo da Vinci 16, 10126, Torino, Italy - VAT 10816460017 - All rights reserved