Download Pananaliksik Komunikasyon at Pananaliksik and more High school final essays Biology in PDF only on Docsity! Ano na ba ang kalagayan o Sitwasyon ng Wikang Filipino sa mga Kabataan sa Kasalukuyang Panahon I. PANIMULA Sa mga nakaraang panahon ay malawak ang paggamit ng mga kabataan sa wikang Filipino. Nagsisilbi itong pagkakakilanlan ng bansa dahil hindi ito matatawag na bansa kung wala ang wika. Napakahalaga ng wika para sa ating lahat, dahil ito ang nagsisilbing instrumento na ginagamit sa pakikipagkomunikasyon at transaksyon. Hindi lang naman ang wikang Filipino ang mahalaga para sa ating mga Pilipino, pati na rin ang kinagisnang wika o mother tongue na ating ginagamit. Ngunit nagdaan ang maraming taon kung saan tayo ay nasa modernong panahon, unti-unti nang nawawala ang pagpapahalaga ng mga Pilipino lalo na ang mga kabataan sa ating wika. Maraming umusbong na mga wika na naging uso sa mga kabataan dahil sa paggamit ng social media. Alam nating lahat na mas nangingibabaw ang makabagong teknolohiya na naglipana sa kahit saang bansa. Pero kumusta na kaya ang kalagayan ng ating wikang Filipino sa mga kabataan sa kasalukuyang panahon? Ayon kay Hill (sa Tumangan, et al., 2000) at Gleason (sa Tumangan, et al., 2000), Ang wika ay nagbabago. Dinamiko ang wika. Hindi ito maaaring tumangging magbago. Ang isang wikang stagnant ay maaari ring mamatay tulad ng hindi paggamit niyon. Paano nagbabago ang wika? Ang isang wika ay maaaring nadadagdagan ng mga bagong bokabularyo. Bunga ng pagiging malikhain ng tao, maaaring sila ay nakakalikha ng mga bagong salita. Ang pinakamahusay na halimbawa nito ay ang mga salitang balbal at pangkabataan. Samantala, kailangan ding lapatan ng mga katawagan ang mga produkto ng pag-unlad ng teknolohiya at sensya. Bunga nito, an gating wika ay nadaragdagan ng mga bagong salita na hindi umiiral noon. May mga salita ring maaaring nawawala sapagkat hindi na ginagamit. Ayon kay Roziel Anne Basa, Sa panahon ngayon, kung saan ang teknolohiya tulad ng social media, pagmemensahe at tulad ng mga gadget ay napaka lawak, hindi natin maitatanggi na ang karamihan sa ating Pilipino lalong lalo na ang mga kabataan ay naiimpluwensyahan ng mga ito at sinusubukang iakma at panatilihin ang mga pagbabagong nangyayari sa ating kapaligiran lalo na pagdating sa wika. Maraming kabataan ang mas komportable sa ganitong pamamaraan ng pakikipagtalastasan sapagkat hindi nila kaharap ang kanilang kausap. Il. KATAWAN / NILALAMAN Sa paglipas ng panahon, mapapatunayan na ang wika ang siyang pinakamahalagang sandata upang maiparating ng isang bansa sa kanyang mamamayan ang mga pangyayari, kasaysayan at bahagi ng ekonomiya nito. Ngunit ang wikang Filipino sa makabagong panahon ay unti-unting nagbabago na kung saan ngayon ay mayroong mga salita na basta-basta na lamang sumusulpot at sumisikat kahit hindi natin lubusang alam kung ano ang tunay na kahulugan nito. Marami na sa mga kabataan na ngayon ay gumagamit ng iba’t ibang wika hindi lamang ang wikang Filipino at wikang Ingles, kundi pati na rin ang pambansang wika sa Korea, Japan, at iba pa. Sinasabi ng marami na ang wikang Ingles ang mas mahalaga kumpara sa wikang Filipino dahil ang wikang Ingles ang pangunahing lenggwahe na ginagamit ng karamihan lalo na kung sila ay nasa ibang lugar at ito lang ang tanging wika upang sila ay magkaintindihan. Pero para sa mga Pilipino at sa mga taong mas nakakaintindi sa kahalagahan ng ating wikang Filipino, ito ang sumisimbolo sa katauhan bilang isang Pilipino, makakaya ring mapaunlad ang sariling bansa kahit ang sariling wika lamang ang ating gamitin. Sabi pa nga ng bayaning Pilipino na si Dr. Jose Rizal "Ang hindi marunong magmahal sa sariling ILI. PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS Sa bahaging ito ay ipapakita ang mga datos na nakalap mula sa sampung (10) mga piling kabataan tungkol sa paggamit nila ng wika sa pamamagitan ng pagbuo ng graph. Narito rin ang iilang katanungan na malugod na sinagot ng mga respondente. KATANUNGAN: Anong wika ang nakasulat ang huling mensaheng pinadala mo sa SMS? Ipinapakita sa Graph | na 80% ang wikang Filipino na ginamit at 20% naman sa wikang Ingles. GRAPH 1 Filipino mingles KATANUNGAN: Anong wika ang madalas mong panoorin sa telebisyon? Ipinapakita sa Graph 2 na 60% ang wikang Ingles na ginamit at 40% naman sa wikang Filipino. GRAPH 2 wikang Filipino ml wikang Ingles KATANUNGAN: Anong wika ang madalas mong panoorin sa pelikula? Ipinapakita sa Graph 3 na 80% ang wikang Ingles na ginamit, at 20% sa wikang Filipino GRAPH 3 Filipino mingles KATANUNGAN: Anong wika ang ginamit sa Youtube video na iyong napanood? Ipinapakita sa Graph 4 na 70% ang wikang Ingles na ginamit, 20% sa wikang Filipino, at 10% sa Taglish GRAPH 4 Filipino Miingles mi Taglish KATANUNGAN: Anong wika ang nakasulat sa blog na iyong nabasa? Ipinapakita sa Graph 5 na 36% ang wikang Filipino na ginamit, 17% sa wikang Taglish, at 47% naman sa wikang Ingles GRAPH 5 Filipino mingles mTaglish KATANUNGAN: Anong wika ang nakasulat sa dyaryo o magasin na iyong nabasa? Ipinapakita sa Graph 6 na 38% ang wikang Filipino na ginamit, 14% sa wikang Taglish, at 48% naman sa wikang Ingles GRAPH 6 Filipino mingles mTaglish