Docsity
Docsity

Prepare for your exams
Prepare for your exams

Study with the several resources on Docsity


Earn points to download
Earn points to download

Earn points by helping other students or get them with a premium plan


Guidelines and tips
Guidelines and tips

Pananaliksik lecture, Lecture notes of English

Lecture about research, it serve as your guide in doing tagalog research.

Typology: Lecture notes

2020/2021

Uploaded on 04/13/2021

chris-john-g-bombase
chris-john-g-bombase 🇵🇭

5

(1)

1 document

Partial preview of the text

Download Pananaliksik lecture and more Lecture notes English in PDF only on Docsity! Mungkahing Balangkas Ng Pinal na Sulatin (Kabanata I at II) Kabanata I Ang Suliranin at Kaligiran Nito Ang kabanatang ito ay nagsasaad ng kadahilanan, importansya, at nasasakop ng pag-aaral. Ito ang pinakamahalagang bahagi ng pananaliksik sapagkat ito ang magiging basehan ng lahat ng gagawin patungkol sa paksa o isyu na pag-aaralan. Teoretikal na Balangkas (Theoretical Framework) Ang bahaging ito ay naglalayong ipakita ang mga teorya na sumusuporta sa iyong pananaliksik. Ang mga teoryang ito ang magiging basehan mo sa pagbibigay ng kahulugan sa mga makakalap na datos sa pananaliksik. Maaaring makakita ng nararapat na teoretikal na balangkas ng pananaliksik sa mga nauna nang pag-aaral sa paksa o isyung natugunan Konseptuwal na Balangkas (Conceptual Framework) Ang bahaging ito ay naglalayong ipakita ang proseso ng pananaliksik mula sa mga batayan ng suliraning nais tugunan, ang proseso ng pagkalap, pagsusuri, at pagpapakahulugan ng mga datos, hanggang sa ninanais na kahihinatnan ng pananaliksik. Ang bahaging ito ay HINDI makikita sa anumang sulatin sapagkat ang mananaliksik mismo ang babalangkas sa konsepto ng pag-aaral. Ito ang magpapakita ng kaibahan ng pag-aaral sa iba pang naunang mga pag-aaral sa katulad ding paksa o isyu. Halimbawa ng Konseptuwal na Balangkas (mula sa isang deskriptib na pananaliksik na ginagamitan ng IPO Model o Input-Process-Output) INPUT PROCESSES OUTPUT Tugon mula sa mga Guro at Kawani ng St. Joseph College of Cavite, Inc sa mga sumusunod: • Uri ng komunikasyong internal • Paksa ng komunikasyong internal • Dalas ng komunikasyong internal • Istasyon o tulay ng komunikasyong internal Deskriptib na Pamamaraan Serbey at Panayam Pagkalap at Pagsusuri ng Datos Pagpapakahulugan ng Resulta Pagsulat ng Pamanahong Papel na Pananaliksik Panuntunan sa Komunikasyong Internal ng mga Guro at Kawani sa St. Joseph College of Cavitee, Inc. FEEDBACK Pinagdarausan ng Pananaliksik (Time and Place of the Study) Ang bahaging ito ay naglalayong ipakita ang lugar ng pananaliksik at ang kadahilanan sa pagpili sa naturang lugar. Importateng pangatwiranan ang pagpili ng lugar sapagkat ito ang nagsasaad kung kakayanin bang sagutin ng mga manunugon ang paksa o isyu na nais tugunan. Kahalagahan ng Pag-aaral (Significance of the Study) Ang bahaging ito ay naglalayong ipakita ang benipisyo o kahalagahan ng iyong pananaliksik. Nararapat na isa-isahinang kahalagahan ng iyong pananaliksik sa lahat ng grupo o konseptong intelektuwal na mabibiyaan o mapagyayaman ng pag-aaral. Mahalagang maging mapanuri sa pagbibigay – saysay sa pananaliksik sapagkat ito ay babaliktanawan kapag nakuha na ang mga resulta upang makapagbigay ng nararapat na rekomendasyon. Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral (Scope and Limitation) Ang bahaging ito ay naglalayong ipakita ang nasasakop at hangganan ng pag-aaral sa basehang oras, lugar, nagbabagong batayan, at pamamaraan. Ipinakikita rin sa bahaging ito ang mga bagay na kayang lapatan ng kasaggutan ng pananaliksik at ang mga bagay na labas sa sakop ng iyong pag-aaral. Nararapat na maging masusi sa pagbibigay ng nasasakop at hangganan ng pananaliksik sapagkat ito ang magiging basehan ng kawastuhan o kaganapan ng pag-aaral. Ang kabanatang ito ay binubuo ng sumusunod na bahagi: 1. Lokal na Literatura 2. Banyagang Literatura 3. Lokal na Pga-aaraal 4. Banyagang Pag-aaral 5. Sintesis Lokal na Literatura (Local Literature) Ang bahaging ito ay binubuo ng tipon ng mga artikulo, dyornal, balita sa pahayagan, nalathalang istatistiko, at iba pang lathalaing naipahayag sa loob ng ating bansa. Maaari ring kumuha ng literature sa internet, siguraduhin lamang na ang publikasyon ng material ay local. Kung ito ay nagmula sa blog o website, siguraduhin na ito ay nagmula sa ating bansa. Ang mga blog o website na ito ay karaniwang may .ph sa kanilang uniform resource locator o URL. Banyagang Literatura (Foreign Literature) Ang bahaging ito ay binubuo ng tipon ng mga artikulo, dyornal, balita sa pahayagan, nalathalang istatistiko, at iba pang lathalaig napaihayag sa labas ng ating bansa. Maari ring kumuha ng pahayag sa internet, tiyakin lamang na ang publikasyon ng material ay banyaga. Sintesis (Synthesis) Ang bahaging ito ay naglalayong pangatwiranan ang naiambag ng bawat literature at pag-aaral sa iyong pananaliksik. G_halimbawa ng isang buong pap: X € > G - & hitps:/www.google.com/search?g=halimbawa+ng+isang+buong+papel+pananaliksik&source=hp&ei=LdZqy.. ve 2 = Google halimbawa ng isang buong papel pananaliksik x & Q https://sf.gov > fil > sumali-sa-panana... ~ Translate this page Sumali sa pananaliksik para sa COVID-19 | San Francisco 7 Aug 2020 — Sumali sa mga pananaliksik na pag-aaral kung nagpositibo ka sa _.. 5a isang taong positibo sa COVID-19 na lalahok sa mga pananaliksik na pag-aaral. .. mga taong may COVID, bilang bahagi ng pag-aaral ng transmisyon .. Missing: BH6Rg | Must include: buong https://core.ac.uk » download > pdf ¥ POF Paglulugar ng Kahalagahan ng Pananaliksik sa ... - CORE by KV Romero — kultural), bahagi ng papel-pananaliksik, pagbuo ng abstrak, etikal at legal na ... pananaliksik, iba't ibang anyo ng sanggunian, pagsusuri sa mga nakalap na. Missing: i - hitp://docshare01.docshare.tips » files ¥ PDF EPEKTO NG SOCIAL NETWORKING SA MGA ESTUDYANTE ... Ang pananaliksik na ito ay ginawa upang matulungan ang mga estudyante ng paaralan upang mas ... papel na ginawa ng mga mananaliksik at pagbigay puna sa mga kamalian ng ... Sa ming mga magulang, na buong puso ang pag-unawa at pagbigay suporta sa mga ... Halimbawa ng mga makabubuli sa atin ay ... People also search for x halimbawa ng papel pananaliksik pdf pamanahong papel halimbawa paano gumawa ng pamagat sa pananaliksik halimbawa ng pamagat ng abstrak mga bahagi ng papel pananaliksik bahagi ng pananaliksik Activate Windows Go to Settings to activate Windows.
Docsity logo



Copyright © 2024 Ladybird Srl - Via Leonardo da Vinci 16, 10126, Torino, Italy - VAT 10816460017 - All rights reserved