Docsity
Docsity

Prepare for your exams
Prepare for your exams

Study with the several resources on Docsity


Earn points to download
Earn points to download

Earn points by helping other students or get them with a premium plan


Guidelines and tips
Guidelines and tips

PANUMBALIK NGA ITO MY GOODNESS, Schemes and Mind Maps of Poetry

POETRY NGA ITO MY GOODNESS NAMAN OHHHH

Typology: Schemes and Mind Maps

2019/2020

Available from 09/23/2021

jagra
jagra 🇬🇧

1 document

1 / 7

Toggle sidebar

Related documents


Partial preview of the text

Download PANUMBALIK NGA ITO MY GOODNESS and more Schemes and Mind Maps Poetry in PDF only on Docsity! "PANUMBALIK” Isinulat ni: Rosalie G. Gacusan Rosalie G. Gacusan BSBA 2C MARKETING Mula pagkabata ay magkasama ng lumaki sina Jena at Mela laging magkasama at halos magkapatid na ang turingan ng isa't-isa. Madalas sabay silang naliligo at kumakain bago sila pumasok sa paaralan. Si Aling Rosa na Ina ni Jena ay tuwang-tuwa sa kanilang pagkakaibigan at itunuturing naring parang tunay na anak itong si Mela. Lubos nitong pinagkakatiwalaan si Mela dahil alam niyang hindi ito marunong magsinungaling bukod pa dito'y napakabait ni Mela at isa pang ikinatutuwa ni Aling Rosa sa kanya. Higit na mas angat ang pamumuhay ni Jena kaysa kay Mela dahil ang kanyang mga magulang ay mayroong maayos at regular na trabaho at malaki ang kinikita nila bawat araw samantalang ang mga magulang naman ni Mela ay nakikisaka lamang at kung minsan nama'y nangingisda ang kanyang ama sa bukid at kadalasan ang mga isdang nahuhuli ay ipinapalit nila ng bigas upang may maisaing. May mga pagkakataon na hindi pumapasok sa paaralan si Mela at mas pinipiling mag-alaga nalang ng kanyang mga kapatid na nakababata upang maghanap-buhay ang kanyang ina na si aling Milagros, madalas ay tinatawag siya ng kanilang mga kapitbahay upang ipaglaba sila ng kanilang mga damit at pagkatapos ay inaabutan ito ng pera at kung minsan naman ay may pabaon pang bigas Pang lima si Mela sa walong magkakapatid at halos lahat sa kanila'y nag-aaral pa kaya napakahirap sa kanilang magpatuloy sa pag-aaral ng sabay-sabay lalo na't hindi ganoon kalaki ang kinikita ng kanilang mga magulang sa paghahanap-buhay. Si Jena ang madalas kasama ni Mela kaya alam niya ang bawat detalye ng buhay ni Mela at alam na alam nito kung siya ay nalulungkot o nagdaramdam dahil bukas ang tainga ng bawat isa para makinig sa mga hinaing at problema sa buhay.Alam ni Jena kung paano pasayahin si Mela sa mga ganoong sitwasyon ng kanyang buhay maging si Mela ay ganoon din kay Jena. Elementarya pa lamang sila ay talagang sobrang lapit ng loob sa isa't isa , palaging magkasama saan man magpunta at madalas kapag hindi sasama ang isa sa kanila ay hindi nadin tutuloy ang isa.Parehas na palatawa ang dalawa, isang tinginan lang ay alam na agad ang pahiwatig ng kanilang mga mata.Magkasundo sila sa lahat ng bagay kaya memoryado na nila ang bawat likaw ng bituka. Isang araw inanyayahan silang dalawa sa bahay ng isa din sa malapit nilang kaibigan upang mag-foodtrip at bago pa ito ay gumala muna sila at nakarating sa kung saan-saan.Masayang nagkukwentuhan ang tatlo habang naglalakad at kumakain ng bayabas na sinungkit lang sa gilid ng daan.Nang makarating na sila sa bahay ng kanilang kaibigan naghanda sila ng mga pagkain na lulutuin, habang sila'y nagluluto ay Inilagay sa 18th Candles ang magkaibigan kaya excited siya na makasama sila sa araw na iyon parehas na malapit ang loob ni Angie sa dalawa kaya inaasahan niya ang pagdalo nila ngunit lingid sa kaalaman ni Angie na matagal nang hindi naguusap ang dalawa pagkalipas ng ilang taon. Kaya noong pagsapit ng kaarawan niya ay laking gulat na lamang na may ibang kasama si Jena samantalang si Mela ay mag-isang pumunta . Hindi na sinubukan pang tanungin ni Angie kung bakit hindi sila magkasama dahil bka mapahaba pa ang usapan at baka makaabala pa sa oras dahil magsisimula narin ang programa . Ang mahalaga ay nakadalo sila at masayang - masaya si Angie ng makita sila . Paglipas ng ilang oras ay hindi parin nagpapansinan si Jena at Mela na para bang may galit sila sa isa't-isa hindi nalang nila pinapahalata pero bakas sa mukha ni Mela ang pagkalungkot at panghihinayang habang palihim na tumitingin kay Jena. "Gustong-gusto ko siyang lapitan, pero baka ipagtabuyan niya lang ako" "Mukhang masaya naman siya sa bago niyang kaibigan!" "Maging masaya nalng ako para sa kanya." Itinuon nalang ni Mela ang kanyang sarili para sa espesyal na kaarawan ni Angie at inenjoy ang gabing iyon. Pagkatapos ng debu ni Angie ay nanatili pa doon si Mela at nagabang ng masasakyan pauwi habang sina Jena at ng iba pang mga tao doon ay nagpaiwan din dahil nagkasundo-sundo silang uminom ng alak bilang parte na rin ng selebrasyon ng kaarawan ni Angie. Nagulat si Mela ng makita kung paano tumagay si Jena ng alak at tila sanay na sanay ito, nang makitang lasing na lasing na si Jena ay nilapitan ito at nangamba na baka may masamang mangyari sa kanya dahil halos puro lalaki ang kainuman niya, hindi maiwasang magisip ng hindi maganda si Mela lalo na't nakikita niyang hindi na kayang alalayan ang sarili ni Jena. Nagdesisyon si Mela na manatili muna doon dahil nagaalala siya para sa kanyang kaibigan at hindi niya na matiis ang kanyang nakikita dali - daling lumapit at itinayo ito. "Halika na umuwi na tayo!" "Lasing kana !" "Hindi mo na alam ang ginagawa mo!" Bigkas ni Mela na may pagkainis sa mga kasama ni Jena na ang tingin niya ay hindi sila mapagkakatiwalaan dahil pilit nilang nilalasing si Jena hanggang sa hindi na ito makatayo sa sobrang kalasingan "Umalis ka na, hindi kita kailangan!" "Wag mo na akong pakialaman pa!" Pinagtabuyan siya ni Jena at pinagtawanan ng kaniyang mga kaibigan kaya walang nagawa si Mela kundi umalis ayaw niyang iwan ang kanyang kaibigan na ganoon ang kalagayan dahil natatakot siya na baka may mangyaring masama sa kanya buhat ng nagiinit na tinginan ng mga kainuman niya sa kaniya. Sa sandaling iyon ay tumawag ang mga magulang ni Mela , nagaalala sila dahil gabi na ay hindi pa siya nakakauwi . Nagpakalayo ng ilang distansya si Mela mula sa ingay ng videoke buhat sa kinaroroonan nila Jena na nagiinuman napatagal ang usap nila sa selpon dahil paputol- putol ang salita at kung saan-saan pa naghanap ng signal si Mela para magkaintindahan sila sa paguusap. Pagbalik ni Mela sa pwesto nila Jena ay nagulat siya dahil wala na roon si Jena tinanong niya ito sa mga kasama nila at ang sabi ay hinatid na siya sa kanilang bahay.Biglang kinabahan si Mela dahil hindi siya tiwala sa mga ito lalo na't napagalaman niya na dalawang lalaki ang kasama ni Jena na nakaangkas sa motor at pare-parehong lasing ang mga ito. Inisip niya na baka hindi nila maiuwi si Jena sa kanilang bahay ng maayos ,sinubukang tawagan ni Mela si Jena subalit naiwan niya ang selpon nito sa kanyang upuan nakita ito ni Mela at kaagad na kinuha nang buksan ang kanyang selpon ay nabasa niya ang text ng kanyang Ina at nagaalala ito dahil gabi na ay wala pa rin siya. at nagreply dito si Jena na magkasama sila ng kanyang kaibigan at ipinaalam din na doon na siya matutulog sa bahay ng kaniyang kaibigan , hindi na tinanong ng kanyang Ina kung sino ang kaibigang tinutukoy dito dahil buong akala niya ay si Mela ito at tiwalang-tiwala ang Ina ni Jena sa kanya. Walang kaalam alam si Aling Rosa sa mga bagay patungkol sa magkaibigan ang akala niya ay maayos pa ang samahan nila. At madalas sa bawat lakad ni Jena ay tanging si Mela ang palaging idinadahilan nito sa kanyang Ina upang payagan siya ngunit lingid sa kaalaman ni Mela at ni Aling Rosa na sa bawat pagalis ni Jena ay niyaya na pala siyang makipaginuman ng mga bago niyang kaibigan at talagang naimpluwensyahan na nga si Jena sa kanila. Dito na natutong magsinungaling si Jena sa kanyang Ina para lamang makasama ang kaniyang mga kaibigan at masama pa dito ay si Mela ang nagiging dahilan ng bawat ginagawa niya na posibleng magdulot sa kaniya ng kapahamakan. Wala ng balita si Mela kay Jena noong gabing iyon kaya inisip niya na lamang na nakauwi ng maayos si Jena sa kanila. At ang selpon ni Jena ay kinuha kay Mela _ ng isa sa mga kaibigan ni Jena at siya na ang nagbalik nito sa kaniya. Kinaumagahan pag-uwi ni Jena sa kanilang tahanan ay umiyak ito sa kaniyang Ina kinakabahan at labis ang takot na baka magalit siya sa sasabihin niya wala siyang kamalay malay nung gabing inihatid siya ngunit dinala pala siya sa apartment ng dating tinutuluyan ng lalaking kasama niya nung gabing iyon, dito niya sinamantala ang kahinaan ni Jena dahil sa sobrang kalasingan niya ay wala na_ siyang malay sa kung anong ginawa sa kaniya at ang masama pa ay hindi niya kilala ang lalaking iyon. Nagising na Ing siya bigla na nasa isang lugar na hindi niya alam at nagulat nang makita ang sariling walang saplot sa katawan. Nagsimulang humagulgol sa iyak dahil hindi niya lubos maisip na nangyari sa kaniya ito. Nagsisi siya at humingi ng tawad sa kaniyang Ina na umiiyak habang kinukwento ito ni Jena kasabay ng namumuong galit sa kaniyang damdamin sa lalaking gumawa nito sa kanyang anak. Inamin niya din lahat ng mga pagsisinungaling niya sa kaniyang Ina at ang patungkol sa knila ni Mela na matagal na silang hindi naguusap at nagkakasama. Halo halong lungkot at galit ang nararamdaman ng kaniyang Ina. Pagkalipas ng ilang araw ay pumunta si Jena sa bahay nila Mela upang humingi ng tawad sa kaniya at gusto niyang makipagayos sa kaniya. Hindi na naabutan pa ni Jena si Mela dahil noong araw na iyon ay nagbiyahe si Mela papuntang Maynila ,habang bakasyon ay naisip niyang magtrabaho muna upang makapagipon para makabili ng selpon na gagamitin sa pagaaral nito sa kolehiyo, nasira ang kaniyang selpon dahil na rin sa katagalan. Sinubukan na lamang ni Jena na padalhan ito ng mensahe upang magpaliwanag ngunit wala ng natanggap na mensahe pabalik si Jena mula kay Mela at hindi niya alam na_nasira pala ang selpon nito. Pagkalipas ng ilang buwan ay nakauwi na nga si Mela sa probinsya at nalaman ito ni Jena kaya dali dali siyang bumisita sa kanila. Nagulat si Mela ng puntahan siya nito, pagkatinginan pa Ing nila ay alam na ang pahiwatig ng kanilang mga mata at ramdam ang sobrang pagkamiss ng isa't-isa. Hindi pinalampas ang oportunidad na ito ni Jena upang makapagpaliwanag at humigi ng tawad sa kaibigan, pinakinggan siya ni Mela at ganun din sa kaniya ay aminadong nagkaroon din ng pagkukulang kay Jena bilang isang kaibigan. Nagpatawaran ang isa't- isa at napagtanto nilang dalawa na walang ibang magdadamayan at magmamalasakitan kundi silang dalawa pa rin, nagpanumbalik ang nasira nilang pagkakibigan at ngayon ay unti-unti nilang inaayos.
Docsity logo



Copyright © 2024 Ladybird Srl - Via Leonardo da Vinci 16, 10126, Torino, Italy - VAT 10816460017 - All rights reserved