Download Performance task 2 filipino and more Assignments English in PDF only on Docsity! FILIPINO Q2-Performance Task 2 Carylle Kyle O. Manuel 12 Humss-C Date: Jan 13, 2022 Autobiography Ako si Carylle Kyle O. Manuel, ipinanganak noong oktubre 24, 2003 sa lungsod ng Marikina. Ako ay anak nila Olive O. Manuel at Javier Ramil Manuel. Mayroon akong 4 na kapatid na sina Kimberly (Panganay), John Carlo (Pangalawa), Khamille (Pang-apat), at Jacob (Bunso). Noong ako'y nasa murang edad pa lamang, ako ay isang mahiyaing bata. Bihira akong makipagusap sa mga ibang tao. Halimbawa na nito ang mga bisita, kamag-anak at iba pa. Kalimitan ako ay laging nasa kwarto pag mayroong bisita sa aming bahay at kapag naman nasa ibang bahay ako ay laging nasa tabi o likuran ng aking mga magulang o kaya mga kapatid. Ngunit sa paglipas ng panahon naiibsan ko na ang aking pagkamahiyain dahil sabi nga sa akin nga mga kamag-anak ko na mas mabuti tingnan ang isang tao kung hindi ito mahiyain. Kaya simula noong araw na ako'y mabigyan payo nila, unti-unti na akong natutong makisalamuha sa ibang tao. Noong ako'y nagsimula na sa aking pag-aaral, maraming mga pagsubok ang dumating sa akin. Dito na nagsimula ang aking pagiisip sa mga bagay na pwedeng maging solusyon sa mga ito. Ito ang isa sa naging instrumento ko upang ako'y lumaking maging mabuti, magalang at maparaang tao. Ang aking pinagdaanan at naging karanasan sa sekondaryang paaralan (high school) ay isa sa maituturing kong pinakamahalaga sa lahat, sapagkat ito ay ang mga taong naranasan ko ang tunay na kahulugan ng kasiyahan kung saan ako'y nakatanggap ng mga karangalan noong araw ng "recognition" at iba pang araw ng pagpaparangal