Docsity
Docsity

Prepare for your exams
Prepare for your exams

Study with the several resources on Docsity


Earn points to download
Earn points to download

Earn points by helping other students or get them with a premium plan


Guidelines and tips
Guidelines and tips

philo 11 senior high school ph, Lecture notes of Philosophy

this is not mine credits to the rightful owner

Typology: Lecture notes

2020/2021

Uploaded on 10/20/2021

teys45678
teys45678 🇵🇭

5

(2)

7 documents

Partial preview of the text

Download philo 11 senior high school ph and more Lecture notes Philosophy in PDF only on Docsity! PAMBUNGAD NA PILOSOPIYA NG TAO IKA ANIM NA LINGGONG ARALIN Pilosopiya ng agham Isang masiglang pag-aaral ito para sa mga pilosopo at mga siyentipiko. Madalas na binabanggit at binibigyang-kahulugan ng mga pilosopo ang iba't ibang uri ng eksperimento (tulad sa pilosopiya ng pisika at pilosopiya ng sikolohiya). Ngunit hindi ito nakapagtataka: layunin ng mga sangay na ito ng pilosopiya na unawain sa pampilosopiyang antas ang mga eksperimentong ito. Sa mga pag-aaral na ito, hindi nagsasagawa ng eksperimento at nagbubuo ng mga teorya ng agham ang mga pilosopo sa kanilang kakayanan bilang "mga pilosopo’. Hindi dapat ituring ng kapareho ng sinusuri nitong agham ang pilosopiya ng agham, gaya na rin na hindi halaman o hayop ang biyolohiya. Matematika Ginagamit ng matematika ang pinaka-eksakto at pinakamahigpit na mga paraan ng pagpapatunay na minsan (ngunit napakadalang) lamang tinutularan ng mga pilosopo. Karamihan sa mga pilosopiya ang isinulat sa paraang tuluyan (prosa), at bagaman nilalayon nitong maging malinaw at tukoy, hindi nito mapapantayan ang uri ng linaw na matatagpuan sa matematika. Kaya naman bihirang pagtalunan ng mga matematiko kung ano ang kahuli-hulihang sagot, habang hindi naman magkasundo ang mga pilosopo sa kanilang iba-ibang sagot at pamamaraang pampilosopiya. Ang Pilosopiya ng Matematika ay sangay ng pilosopiya ng agham; ngunit sa maraming paraan, may espesyal na kaugnayan ang matematika sa pilosopiya. Dahil ito sa pag- aaral ng lohika na pinakasentrong sangay ng pilosopiya, at matematika ang modelong-pangkaisipan ng lohika. Sa huling bahagi ng ika-19 at ika-20 daantaon, malaki ang naging pag-unlad ng lohika, at napatunayan na maaaring isalin sa lohika ang matematika. Bagaman hindi madalas, nahahawig sa paggamit ng matematika sa agham ang paggamit ng pormal at pang-matematikang lohika sa pilosopiya.
Docsity logo



Copyright © 2024 Ladybird Srl - Via Leonardo da Vinci 16, 10126, Torino, Italy - VAT 10816460017 - All rights reserved