Download A Memorable Christmas with Family and more Study notes Physics in PDF only on Docsity! Ang Paskong Hindi ko Malilimutan Mahigit labing-pito na akong nagpapasko. Pero, bilang na bilang ko sa mga daliri ko ang taon kung kelan ako masaya. Naisip ko tuloy, ang Pasko ba ay para kanino? Isang magandang alaala ang hindi ko kailanman malilimutan. Panahon iyon ng Kapaskuhan. Pami-pamilya ay masaya at namamasyal. Ako, bilang bunsong anak ay hindi ko noon maipaliwanag ang ligayang dulot niyon habang ang Christmas song na “Little Drummer Boy” ay tinutugtog sa isang parke. Nagpapa-rum pum pum pum ako. Ang palaging handa namin at hindi mawawala sa pagkaing okasyon ay ang lumpia at pansit, na kapwa paborito ni nanay at ni kuya. Maraming Christamas lights ang nakapalamuti sa bawat sulok ng kalye, tapos hindi pa nga alas-dose mayroon ng mga fireworks agad- agad. Iba talaga ang paskong 2018 sa akin. Isang rason kung bakit hindi ko malilimutan ang paskong iyon ay buo yong pamilya ko; ako, si nanay, si kuya at si lolo. Ginawa namin yon na memorable moments hanggat kasama pa namin si kuya kasi sa 2019 aalis sya kasi may trabaho at may kontrata pa bilang sea man. Alam kong parang isip bata pa ako na umiiyak noon kasi iniisip ko na hindi na kami ulit buo tapos si kuya aalis pa at sa malayo pa syang lugar, para lang kasing nawalan ako ng kakampi, ng kaibigan at higit pa sa doon para na ring ama ko si kuya eh. Namatay yong tatay ko, isang taon palang ako noon at anim na taon naman si kuya. Kaya sobra-sobrang close kami kahit nga mga sekreto namin pinag-aamin namin_ sa isat-isa. Masasabi ko talaga na sya ang pinaka-the best kuya sa buong mundo. Kaya sa paskong 2018 ginawa ko yong lahat para lang maging masaya, puno ng pagmamahal at di makakalimutang pangyayari. Kahit na malayo man siya, maaalala niya parin yong paskong pinoy at ang pamilya namin. Alam nyo bang nagsuot pa ako na para bang dress na punong-punong ng LED lights na para bang may disko sa buong katawan ko para lang makita na masaya si kuya. Ang pancit at lumpia ako rin ang nagluto pero tinulugan ako ni nanay sa pansit kasi hindi ko pa kabisado yong secret ingridient ni nanay sa pansit eh. Nagvideoke kami kahit naman nagkadurugo na ang mga tinga ng aming mga kapitbahay lalong-lalo na ng kumanta si lolo yon naging sound system na parang buong baranggay namin ang nakarinig. Alam kong simpleng salo-salo lang ang iginawad namin sa paskong iyon pero at least na pasaya ko ang kuya ko at pag-aalala rin sa kapanganakan ni Kristo. Patricia Willyn B. Dioso G-11 STEM St. Matthew the Apostle