Docsity
Docsity

Prepare for your exams
Prepare for your exams

Study with the several resources on Docsity


Earn points to download
Earn points to download

Earn points by helping other students or get them with a premium plan


Guidelines and tips
Guidelines and tips

Reflection paper, Essay, Written report, activity, High school final essays of English

Hi i hope it help to your study

Typology: High school final essays

2021/2022

Uploaded on 04/30/2022

isiderio-andrealyn-g
isiderio-andrealyn-g 🇵🇭

1 document

Partial preview of the text

Download Reflection paper, Essay, Written report, activity and more High school final essays English in PDF only on Docsity! Maraming isyu ang kinakaharap ng ating bansa sa kasalukuyan. Ngunit kung ako’y bibigyan ng pagkakataon na maging bahagi ng mga isyung ito, ang una kong pagtutuunan ng pansin ay ang isyu tungkol sa ating kapaligiran. Ginawa ko ang sanaysay na ito upang mailahad ko ang mga bagay na aking naiisip na kaakibat ng ating kapaligiran sa kasalukuyang panahon. Patuloy na nasisira ang ating kapaligiran, dahilan upang magkaroon ng negatibong pagbabago hindi lamang dito sa ating bansa bagkus pati na rin sa buong daigdig. Ang lumalalang sitwasyon ay nagiging dahilan upang magkaroon ng pangyayari na tinatawag na global warming. Ang global warming ay ang pagtaas ng temperatura ng ating mga karagatan at atmosphere at ang patuloy na paglala nito. Sinasabi ng mga scientist at mga eksperto na ang dahilan nito ay ang pagsusunog ng mga fossil fuels na nagiging sanhi ng pagkasira ng ozone layer ng ating atmosphere. At dahil unti-unting nabubutas ang ozone layer, ang init na galing sa araw o itong tinatawag na sun’s rays na mapanganib sa ating kapaligiran kung ito’y direktang makapapasok ay siya na ngang nagyayari sa kasalukuyang panahon. Ang ozone layer ang siyang nagsisilbing taga-sala nito o filter upang ang mga mabubuting sinag lamang ang makapasok sa ating atmosphere. Sa isyu ng global warming, napakahalaga na pagtuunan ng pansin ang mga bagay na nagiging dahilan ng ganitong pangyayari. Alamin, sa abot ng makakaya, ang mga sanhi ng global warming. Sa ganitong paraan, malalaman natin ang mga dahilan ng pagkasira ng ating atmosphere at magagawan natin ng paraan. Maiiwasan natin ang mga gawaing nakapagdudulot ng unti-unting pagkabutas ng ating ozone layer gaya ng pagsusunog ng mga fossil fuels. Hindi lamang sa ating henerasyon maaaring makaapekto ang global warming. Higit na mararamdaman ito ng ating mga anak at kanilang mga pamilya kung hindi natin maaagapan ang pagkasira n gating kapaligiran. Marapat lamang na hanggang maaga ay kumilos tayo upang hindi na lumala pa ang sitwasyon. Kailangan lamang na magkaisa tayo upang masolusyunan natin ang problemang kinakaharap. Malaki ang ambag ng bawat isa sa pagkakaroon ng mabuti at malinis na kapaligiran. Huwag na sana tayong dumagdag pa sa mga taong patuloy ang pagsira sa ating kapaligiran. Ako si Andrealyn Isiderio from tapaz, capiz ang diyalektong ginagamit sa aming Lugar ay hiligaynon kung tatawagin. Maraming Salamat sa inyong lahat
Docsity logo



Copyright © 2024 Ladybird Srl - Via Leonardo da Vinci 16, 10126, Torino, Italy - VAT 10816460017 - All rights reserved