Docsity
Docsity

Prepare for your exams
Prepare for your exams

Study with the several resources on Docsity


Earn points to download
Earn points to download

Earn points by helping other students or get them with a premium plan


Guidelines and tips
Guidelines and tips

Review of Related Study from our Proposed Thesis, Summaries of Advanced Education

Review of Related Study from our Proposed Thesis

Typology: Summaries

2022/2023

Uploaded on 11/05/2023

lexy-6
lexy-6 🇵🇭

1 document

1 / 6

Toggle sidebar

Related documents


Partial preview of the text

Download Review of Related Study from our Proposed Thesis and more Summaries Advanced Education in PDF only on Docsity! Kaugnay na Lokal at Katutubong Pag-aaral Gabay Blg.: C. Summary or Paraphrase Citation Sipi: Para sa mga Pilipino, ang paggalang ay karaniwan nilang motibasyon sa paggamit ng mga euphemism sa pagpapahayag na siyang makikita sa pag-aaral ni Banagbanag (2018). Natuklasan sa kaniyang pananaliksik na umiiral pa rin sa kasalukuyang panahon ang mga paksang may kaugnayan sa seksuwalidad dahil ang panitikan ay kaugnay ng kultura. Ipinakita ng mga Pilipino na maging noon pa man ay sinusubukan nilang hindi masaktan ang iba. Pinipilit ng karamihan na itago ang kanilang tunay na damdamin upang hindi masira ang kanilang mga ugnayan. Dagdag pa rito, sinusubukan diumano ng mga Pilipinong manunulat na gawing "malinis" ang kanilang pagsusulat, lalo na sa pagsasalaysay ng ilang mga seksuwal na pangyayari. Tampok ito sa iilang maikling kuwento sa Ingles gaya ng Kulilising Hari, Lover Boy, The Goddess, at Oldtimer kung saan ang salitang sexual intercourse o sex ay pinapalitan ng mga salitang play, this, affair, at gone to bed. Kakakitaan na gumagamit ang mga manunulat ng mga euphemismong pagpapahayag, sa halip na mga aktuwal na salita sapagkat naniniwala sila na kapag gumamit sila ng salitang kanais-nais umano sa pandinig ay mas makakukuha sila ng maraming mambabasa na tatangkilik sa kanilang likhang kuwento. Nang sa gayon ay maipagpatuloy pa rin nila ang pagsusulat sa mga ito. Sanggunian: (Article or Chapter in an Edited Book) Banagbanag, R. (2018, January). Motivations for Using Euphemisms as Reflected in Selected Filipino Short Stories in English. International Journal of Scientific Engineering and Research (IJSER), Volume 6 Issue 1 (pp. 94-98). Manila: University of Eastern Philippines. https://www.semanticscholar.org/paper/Motivations-for-Using-Euphemisms-as-Reflected-in-in- Banagbanag/798c382a2eba7c5c0cf79b1d64c35bacd05363b6 Gabay Blg.: C. Summary or Paraphrase Citation Sipi: Sinusuportahan naman ito sa pag-aaral ni Bulusan (2019) dahil lumabas sa kaniyang pagsusuri na karamihan sa mga kalahok ay minsan lamang nagbabanggit ng mga taboo na salita. Ngunit sa partikular na seksuwal na termino gaya ng kantot, puke, at salsal ay hindi nila ito madalas na ginagamit. Nabunyag dito na hindi dapat sila gumamit ng mga masasamang salita sa pakikipag-usap, sapagkat hindi nila alam na baka may masaktan sila ng damdamin. Para naman sa kanilang persepsyon, ang pagpapahayag ng mga taboo na salita ay ikinokonsiderang masama at imoral. Makikita rin sa kaniyang pag-aaral na ang paggamit ng mga ganoong salita ay kabastos-bastos at hindi angkop. Samantala sa euphemismong pagpapahayag naman ay itinuturing na neutral at moral ng karamihan. Sanggunian: (Article or Chapter in an Edited Book) Bulusan, F. (2019, May 8). College ESL Learners’ Politeness in Using Linguistic Taboos and Euphemisms: Looking Through the Socio-Pragmatic Lens. International Journal of Linguistics, Vol. 9. No. 3 (pp. 151-153). Batanes: Batanes State College. Sipi: Kahit na mas naging angat ang negatibong kongklusyon ng mga naunang pag-aaral ukol sa paggamit ng mga taboo na salita, may iilan pa rin ang sumasang-ayon sa pagbigkas ng mga ito. Kaya naman pinagtibay pa ni Tajolosa (2012) sa kaniyang pananaliksik ang pagwasak sa ganitong usapin. Natuklasan niya na ang pinakakinokonsiderang taboo na salita ng mga kalahok ay ang pagdumi o pagtae. Sinusundan naman ng mga salitang gaya ng titi, puki, kantot, at salsal na siyang tinutumbasan ng mga euphemismong salita. Makikita rito na ang ilang pinalitang salita ay hindi naman talaga euphemismo, dahil napatunayan na ito ay mas bulgar. Dagdag pa niya, ang paggamit ng mga euphemismong termino ukol sa seks ay hindi talaga pinagagaan ang kahulugan, bagkus ay binibigyang-diin lamang ang negatibong konotasyon ng mga salita. Kaya sinabi niyang higit na dapat isaalang-alang ang paggamit ng mga aktuwal na salita kaysa sa palitan ito ng bagong katawagan na naglilikha ng kalituhan sa mga tao Sanggunian: (Article in Print Journal) Tajolosa, T. (2012, July). Conversational Topic Preferences, Taboo Words and Euphemisms: The Case of Philippine Male and Female University Students. Philippine ESL Journal, Vol. 9, 88-92. https://www.academia.edu/12660784/ Conversational_Topic_Preferences_Taboo_Words_and_Euphemisms_The_Case_of_Philippine_ Male_and_Female_University_Students
Docsity logo



Copyright © 2024 Ladybird Srl - Via Leonardo da Vinci 16, 10126, Torino, Italy - VAT 10816460017 - All rights reserved