Docsity
Docsity

Prepare for your exams
Prepare for your exams

Study with the several resources on Docsity


Earn points to download
Earn points to download

Earn points by helping other students or get them with a premium plan


Guidelines and tips
Guidelines and tips

reviewer, cheat sheet kpkp g11, Summaries of Mathematics

fgurtguwgfdjkabnscbasnvfuiwetguwiyiqwyhklgndkgsdf

Typology: Summaries

2021/2022

Uploaded on 11/16/2022

airboneski
airboneski 🇵🇭

1 document

Partial preview of the text

Download reviewer, cheat sheet kpkp g11 and more Summaries Mathematics in PDF only on Docsity! Barayti ng Wika BARAYTING PERMANENTE Dayalekto - Ito ay varayti ng wika na nalililkha ng dimensiyong heograpiko. Ito ang salitang gamit ng mga tao ayon sa partikular na rehiyon o lalawigan na kanilang kinabibilangan. Halimbawa Tagalog = Bakit? Batangas = Bakit ga? Bataan = Baki ah? Ilocos = Bakit ngay? Pangasinan = Bakit ei? Tagalog = Nalilito ako Bisaya = Nalilibog ako Dayalektong Heograpikal (batay sa espasyo) Tagalog ang pangunahing wika sa timog katagalugan ngunit iba pa rin barayti ng wika dahil sa sariling wika na mayroon sa kanikanilang lugar. Dayalektong Temporal (batay sa panahon) – Ang Probinsyano na katatapos lamang sa ABS-CBN. Mayroon na nito noon ngunit iba ang barayti ng wika dahil nilikha ito sa magkaibang panahon. Dayalektong Sosyal (batay sa katayuan) – batay sa uri, edad at katayuan sa lipunang ginagalawan. BARAYTING PANSAMANTALA Sosyolek-Ito ay uri ng wika na ginagamit ng isang partikular na grupo. Ang mga salitang ito ay may kinalaman sa katayuang sosyo ekonomiko at kasarian ng indibidwal na gumagamit ng mga naturang salita.Karaniwang ginagamit ang sosyolek nang pansamantala lamang, at hindi talaga malaking bahagi ng pamumuhay ng tao. Nag-iiba lamang daw kasi ang paggamit natin sa wika, depende kung sino ang kausap natin. Inaayon ito sa kung sino ang kaharap at kung may kapasidad ba itong intindihin ang wikang gagamitin. Wikang bekimon/ gay linggo: “Ang chaka naman ng fez ng jowabels mo.” (Ang pangit naman ng mukha ng kasintahan mo) Wikang balbal/ kanto: “Lakas ng amats ko sa nomo natin kagabi. Galit si mudra ko at senglot na naman!” (Ang lakas ng tama ko sa ininom natin kagabi. Nagalit ang nanay ko at lasing na naman ako) Wikang conyo: “OMG! Lakas naman the rain. And there is a baha na out there. So yuck talaga!” (Ang lakas naman ng ulan at baha na sa labas. Nakakadiri talaga!) Idyolek – bawat indibidwal ay may sariling istilo ng pamamahayag at pananalita na naiiba sa bawat isa. Gaya ng pagkakaroon ng personal na paggamit ng wika na nagsisilbing simbolismo o tatak ng kanilang pagkatao. Ito ay mga salitang namumukod tangi at yunik. Halimbawa: “Magandang Gabi Bayan” “Hindi ka namin tatantanan” “Aha, ha, ha! Nakakaloka! Okey! Darla!” “Ngayon Bukas at Magpakailanman” “Hoy Gising” “Ang buhay ay Weather Weather Lang” Etnolek – Isang uri ng barayti ng wika na nadebelop mula sa salita ng mga etnolonggwistang grupo. Dahil sa pagkakaroon ng maraming pangkat etniko sumibol ang ibat ibang uri ng Etnolek. Taglay nito ang mga wikang naging bahagi nang pagkakakilanlan ng bawat pangkat etniko. Mga Halimbawa ng Etnolek  Vakuul – tumutukoy sa mga gamit ng mga ivatan na pantakip sa kanilang ulo tuwing panahon ng tag-init at tag-ulan  Bulanim – salitang naglalarawan sa pagkahugis buo ng buwan Laylaydek Sika – Salitang “iniirog kita” ng mga grupo ng Kankanaey ng Mountain Province  Palangga – iniirog, sinisinta, minamahal  Kalipay – tuwa, ligaya, saya Register – minsan sinusulat na “rejister”, ito ay barayti ng wikang espisyalisadong ginagamit ng isang partikular na domeyn. Ito ay may tatlong uri ng dimensyon. a.) Field o larangan – ang layunin at paksa nito ay naayon sa larangan ng mga taong gumagamit nito. b.) Mode o Modo – paraan kung paano isinasagawa ang uri ng komunikasyon. c.) Tenor – ito ay naayon sa relasyon ng mga nag-uusap. Gamit ng wika sa Lipunan 1. Instrumental -tumutugon sa mga pangangailangan ng tao gaya nga pakikipag-ugnayan sa iba.Ang paggawa ng liham pangangalakal,liham sa patnugot, at pagpapakita ng mga patalastas tungkol sa isang produkto na nagsasaad ng gamit at halaga ng produkto ay mga halimbawa ng tungkuling ito. -Ang wika ay may iba’t ibang gamit sa lipunan na nakatutulong sa tao upang makipag-ugnayan sa kapwa. Itinuturing itong instrumental dahil kaya nitong tugunan ang mga pangangailangan ng tao tulad ng mga sumusunod: Pagpapahayag ng damdamin, Naghihikayat, Direktang nag- uutos Pagtuturo/pagkatuto ng maraming kaalaman 2. Regulatoryo - pagkontrol sa ugali o asal ng ibang tao.Ang pagbibigay ng direksiyon gaya ng direksyon sa pagluluto ng ulam,direksiyon sa pagsagot sa pagsusulit, at marami pang iba. -Ang regulatori ay kumokontrol o gumagabay sa kilos at asal ng tao. Sa maayos at malumanay na gamit ng wika inilalahad ang mga magulang ang kanilang pangaral upang mapanuto sa buhay ang kanilang mga anak. Obserbahan ang mga babala, karatula, o kautusan na malimit makitang nakapaskil sa mga pampublikong lugar. 3. Interaksiyonal- Ang wika ay may panlipunang gampanin na pag-ugnayin ang isang tao at ang kaniyang kapuwa sa paligid.Nakapagpapanatili at nakapagpapatatag ng relasyong sosyal. Nakikita sa paraan ng pakikipag-ugnayan ng tao sa kanyang kapwa;pakikipagbiruan; pakukuwento ng malulungkot o masasayang pangyayari; paggawa ng liham- pangkaibigan; at iba pa. Pormulasyong Panlipunan Pasalita: Pangungumusta, pag-anyayang kumain, pagpapatuloy sa bahay, pagpapalitan ng biro at marami pang iba. Pasulat:Liham Pangkaibigan Imbitasyon sa isang okasyon (kaarawan, anibersaryo, programa sa paaralan) 4. Personal- Layunin nitong palakasin ang personalidad at pagkakakilanlan ng isang indibiduwal. Nagpapahayag ng sariling damdamin o opinyon, personal na preperensya at saloobin. Pasalita: Pormal o di-pormal na talakayan, debate, o pagtatalo Pasulat: Editoryal o pangulong tudling, liham sa patnugot, pagsulat ng suring-basa, suring pelikula o anomang dulang pantanghalan 5. Heuristiko- Ang wika ay ginagamit sa paghahanap ng impormasyon, pag-aaral at pagtuklas upang matamo ang kaalaman ukol sa kapaligiran. Sumusulpot ito sa pagkakataong nagtatanong, sumasagot, o dumadaloy ang isang pamumuna Pasalita: Pagtatanong, pananaliksik, at pakikipanayam Pasulat: Sarbey, pamanahong papel, tesis, at disertasyon 6. Representatibo- Nagpapahayag ng komunikasyon sa pamamagitan ng mga simbolo o sagisag. Pasalita: Pagpapahayag ng hinuha o pahiwatig sa mga simbolismo ng isang bagay o paligid Pasulat: Mga anunsiyo, patalastas, at paalala 7. Imahinatibo-Mahalaga ang tungkuling ito ng wika upang ipahayag ang imahinasyon at haraya, maging mapaglaro sa gamit ng mga salita, lumikha ng bagong kapaligiran o daigdig. Pasalita: Pagbigkas ng tula, pagganap sa teatro Pasulat: Pagsulat ng akdang pampanitikan KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA PANAHON NG ESPANYOL- Bago pa man dumating ang mga dayuhan, may sariling wika na ang mga Filipino ngunit pinigil at sinunog ng mga kastila ang mga makalumang panitikan. KRISTIYANISMO -Pangunahing layunin ng Espanyol sa pagsakop ng Pilipinas. Ang katutubong wika ay kanilang pinag- aaralan at ginamit sa pagpapalaganap ng kristiyanismo. Maraming pagbabago ang naganap at isa na ritoang sistema ng ating pagsulat. Ang dating baybayin ay napalitan ng Alpabetong Romano na binubuo naman ng 20 titik, limang (5)patinig at labinlimang (15) katinig. a, e, i, o, u b, k, d, g, h, l, m, n, ng, p, r, s, t, w, Pagpapalaganap ng Kristiyanismo ang isa sa naging layunin ng pananakop ng mga Kastila ngunit nagkaroon ng suliranin hinggil sa komunikasyon. Nagtatag ang Hari ng Espanya ng mga paaralang magtuturo ng wikang Kastila sa mga Pilipino ngunit ito ay tinutulan ng mga prayle. Ang mga misyonerong Kastila mismo ang nag-aral ng mga wikang katutubo dahil sa sumusunod: 1. Mas madaling matutuhan ang wika ng isangrehiyon kaysa ituro ito sa lahat ang Espanyol. 2. Higit na magiging kapani-paniwala at mabisa kung ang isang banyaga ay nagsasalita ng katutubong wika. *Ang mga prayle’y nagsulat ng mga diksyunaryo at aklat- panggramatika, katekismo at mgakumpesyonal para sa mabilis na pagkatuto nilang katutubong wika. Naging usapin ang tungkol sa wikang panturo ng gagamitin sa mga Pilipino. *Inatas ng Hari na ipagamit ang wikang katutubosa pagtuturo ng pananampalataya subalit hindinaman ito nasunod. Gobernador Tello – turuan ang mga Indio ng wikang Espanyol Carlos I at Felipe II– kailangang magingbilinggwal ang mga Pilipino Carlo I – ituro ang doktrinang Kristiyana sapamamagitan ng wikang Kastila Noong Marso 2, 1634, muling inulit ni Haring Felipe II ang utos tungkol sa pagtuturo ng wikang Kastila sa lahat ng katutubo *Hindi naging matagumpay ang mga kautusang nabanggit kung kaya si Carlos II ay naglagda ng isang dekrito na inuulit ang mga probisyon sa mga nabanggit na batas. Nagtakda rin siya ngparusa para sa mga hindi susunod dito. *Noong Disyembre 29, 1792, nilagdaan ni Carlos IV ang isa pang dekrito na nag-uutos na gamitinang wikang Kastila sa mga paaralang itatatag salahat ng mga pamayanan ng Indio. Panahon ng Propaganda *Sa panahong ito, marami na ring mga Pilipino angnaging matindi ang damdaming nasyonalismo.Nagtungo sila sa ibang bansa upang kumuha ng mga karunungan. *Dr. Jose Rizal, Graciano Lopez-Jaena, Antonio Luna,Marcelo H. del Pilar *Sa panahong ito ay maraming akdang naisulat sa wikang Tagalog. Pawang mga akdang nagsasaad ng pagiging makabayan, masisidhing damdamin laban sa mga Kastila ang pangunahing paksa ng kanilang mga isinulat. Panahon ng mga Amerikano *Nagsimula na naman ang pakikibaka ng mga Pilipino nang dumating ang mga Amerikano sa pamumuno ni Almirante Dewey *Ginamit nilang instrumento ang edukasyon nasistema nag publikong paaralan at pamumuhay na demokratiko *Mga gurong sundalo na tinatawag na Thomasites ang mga naging guro noon. *William Cameron Forbes– naniniwala ang mga kawal Amerikano na mahalagang maipalaganap agad sa kapuluan ang wikang Ingles upang madaling magkaunawaan ang mga Pilipino at Amerikano *Nagtatag ng lupon si Mc Kinley na pinamumunuan ni Schurman na ang layunin ay alamin ang pangangailangan ng mga Pilipino 1. Isang pambayang paaralan ang kailangan ng mgaPilipino 2. Mas pinili ng mga lider-Pilipino na gamitin bilang wikang panturo ang Ingles * Jorge Bocobo – naniniwalang ang lahat ng sabjek sa primaryang baitang, kahit na ang Ingles ay dapat ituro sa pamamagitan ng diyalektong lokal *N.M Saleeby, isang Amerikanong Superintende– kahit na napakahusay ang maaaring pagtuturo sa wikang Ingles ay hindi pa rin ito magiging wikang panlahat dahil ang mga Pilipino ay may kani-kaniyang wikang bernakular na nananatiling ginagamit sa kanilang mga tahanan at sa iba pang pang-araw-araw na Gawain Bise Gobernador Heneral George Butte–naniniwalang epektibong gamitin ang mga wikang bernakular sa pagtuturo sa mga Pilipino *Labag man sa iniutos ni Mc Kinley na gamiting wikang panturo ang mga wikang bernakular sa mga paaralan ay nanatili pa rin ang Ingles na wikang panturo at pantulong naman ang wikang rehiyonal. Panahon ng Hapones *Sa pagnanais na burahin ang anomang impluwensiya ng mga Amerikano, ipinagamit nila ang katutubong wika, partikular ang wikang Tagalog sa pagsulat ng mga akdang pampanitikan. *Ito ang panahong namayagpag ang panitikang Tagalog. *Ipinatupad nila ang Order Militar Blg. 13 na nag-uutos na gawing opisyal na wika ang Tagalog at wikang Hapon Panahon nga Malasariling Pamahalaan *Saligang Batas noong 1935, Seksyon 3, ArtikuloXIV – “Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika.” Dahil sa probisyong ito, itinatag ni Pangulong Quezon ang Surian ng Wikang Pambansa nangayon ay Sentro ng Wikang Filipino upangmamuno sa pag-aaral sa pagpili ng wikangpambansa. Bawat bansa ay may kanya-kanyang wikang pambansa. Ang Pilipinas, na itunuturing na isang malayang bansa, ay may sariling wikang pambansa. Ito ay ang Wikang Filipino. Bakit mahalagang magkaroon tayo ng wikang pambansa? Sang-ayon kay Dr. Isidro Dyan, isang dalub-wika mula sa Malaya - Polinesya, "Malaking kahihiyan para sa bansa kapag mayroong ginagamit na wikang dayuhan subalit di nag-aangkin ng sariling wikang pambansa. Kailangang magkaroon ng wikang pambansa upang malinang ang pambansang paggalang at pagkilala sa sarili Mahabang kasaysayan ang pagkakaroon ng wikang pambansa sa pilipinas.
Docsity logo



Copyright © 2024 Ladybird Srl - Via Leonardo da Vinci 16, 10126, Torino, Italy - VAT 10816460017 - All rights reserved