Docsity
Docsity

Prepare for your exams
Prepare for your exams

Study with the several resources on Docsity


Earn points to download
Earn points to download

Earn points by helping other students or get them with a premium plan


Guidelines and tips
Guidelines and tips

Sample of lathalain m, Summaries of English

Can be used as reference for campus journalist

Typology: Summaries

2022/2023

Uploaded on 05/06/2023

jenicris
jenicris 🇵🇭

1 document

1 / 5

Toggle sidebar

Related documents


Partial preview of the text

Download Sample of lathalain m and more Summaries English in PDF only on Docsity! Makikita ang Malacanang Palace sa Mendiola, malapit sa Ilog-Pasig. Napapaligiran ng mga bakal na bakod, barbed wire at may mga bantay na sundalo, aso at tangke. Maraming puno’t halaman sa paligid. Kulay puti ang pintura ng Palasyo Nakahimlay ang Palasyo ng Malacanang sa makasaysayan at amoy-dugo-pang kahabaan ng Mendiola at malapit sa halos nabubulok na Ilog Pasig. Nagpapakita ng katatagan ang mga bakal na bakod, nanakot ang barbed wire at walang emosyon ang mga aso’t sundalong bantay. Gaya ng mga tangke … malamig din ang damdaming namamayani sa kapaligiran. Waring sinasala ng mga puno’t halaman ang dumi sa paligid. Mistulang higanteng nitso ang Palasyong napipinturahan ng puti. Parang nagsasabing malinis ang labas, ngunit may nabubulok sa loob. Responsableng Pluma Sa Panulat ni Marvin N. Pamisa, Region X- Mis. Or. Division, MOGCHS Sulat. Bura. Sulat. Bura. Sa patuloy na pag-inog ng mundo, patuloy rin ang pangungukilkil ng kaisipang “ang pluma ay higit na makapangyarihan kaysa anumang sandata.” Isang kasabihang totoo at hindi na bago para sa akin bilang isang mamamahayag. Sa pang araw-araw na pagsusulat at paghahanap ng solusyon sa pang araw-araw na mga suliranin, may mga bagay na mismong ako ay aking nakaliligtaan. Mga isyung hindi lang ikaw at ako ang may kinalaman, kundi pati ang bansang tinubuan.  Ito ang di mapiglas-piglas na isyu ng tanikala ng kahirapan. Isa lamang akong simpleng manunulat ng aming paaralan sa Cagayan de oro at inaamin kong wala sa akin ang lahat ng solusyon sa lahat ng problema. Subalit nagbago ang lahat ng ito nang aking kapanayamin ang aming guro sa Araling Panlipunan na si Gng. Naildred Suan. Sa edad niyang 55, agad na mababanaag ang kanyang pagiging seryoso sa buhay. Bantad na bantad ang kanyang pagiging desente at respetadong guro at indibidwal na kahit sa simpleng pakikipag-usap sa kanya ay sandamakmak na impormasyon at kaalaman ang matutuhuhan— bagay na siyang naghatak sa akin para siya’y kapanayamin. “Ma’am, gaano na po kataas ang antas at lebel ng kahirapan sa Pilipinas?“ Ito ang linyang bumulalas mula sa aking nangungusap na bibig. Sa puso’t damdamin ko’y nagsalimbayan ang samu’t saring emosyon at palaisipan—mga katanungang nag-aapuhap ng mga kasagutan. Wala akong narinig na sagot mula sa kanya sa loob ng ilang segundo. Katahimikan ang tanging bumalot sa silid na aming kinaroroonan. Nakabibinging katahimikan na tumutulig sa munting mga tainga na siyang lagusan tungo sa pahat na isipang puno ng katanungan. “Hindi ko alam kung gaano. Tanging alam ko ay kung ano.“ Tanging linyang bumasag sa nakabibinging katahimikan. Linyang lalong nagpagulumi sa aking isipan. Wala akong nadarama kundi ang bugso ng pagkalito na dulot ng kanyang sinabi. “Tanging alam ko ay kung ano—kung ano ang dahilan ng kahirapang ating dinaranas. Ang dahilan ay ang korupsyon na kagagawan ng mga opisyales ng pamahalaan na nagnakaw, nagtaksil at nanlinlang. Kanilang ninakaw ang perang galing sa kaban ng bayan na nakalaan para sa mga proyekto at hakbanging pangkaunlaran. Sila’y nagtaksil sa ating mga mata at nanlinlang gamit ang kanilang mga maiitim na kasinungalingang hindi naikubli ng huwad na katotohanan. Sa katunayan, ang mga taong ito ay ang mga binoto at iniluklok ng sambayanan sa posisyong kanilang kinalalagyan. Walang awa nilang nilustay ang tiwala ng masa—sila ang mga taong may pusong walang pag-ibig para sa bayang tinubuan.“ Patuloy ni Gng. Suan na medyo lumamlam pa ang kanyang bilugang mga mata. Kapansin-pansin ang kanyang pagsasalita na puno ng konbiksyon na hindi naitago ng kanyang suot na salamin. Binigay niyang halimbawa ang isa sa mga episodes ng programa ng ABS-CBN na “Failon Ngayon.“ Doon ay ipinakita ang kalunos-lunos na kalagayan ng karamihan sa mga pamilyang Pilipino na ang isang kahig ay isang tuka. Makabagbag damdamin ang kanilang kalagayan habang patagong ninanakaw ng mga nakaupo sa katungkulan ang perang nakalaan. “Maraming aral ang patuloy na sinasabog ng isyung ito sa moral at kamalayan ng taong- bayan. Mga aral ito na hindi dapat mailista lamang sa hanging tiyak na hahawiin ng
Docsity logo



Copyright © 2024 Ladybird Srl - Via Leonardo da Vinci 16, 10126, Torino, Italy - VAT 10816460017 - All rights reserved