Docsity
Docsity

Prepare for your exams
Prepare for your exams

Study with the several resources on Docsity


Earn points to download
Earn points to download

Earn points by helping other students or get them with a premium plan


Guidelines and tips
Guidelines and tips

Sample Radio Based Instruction Script, High school final essays of Vocational education

It is a script in radio based instruction in Filipino Subject

Typology: High school final essays

2020/2021
On special offer
30 Points
Discount

Limited-time offer


Uploaded on 09/06/2021

nosar
nosar 🇵🇭

5

(2)

3 documents

1 / 16

Toggle sidebar
Discount

On special offer

Partial preview of the text

Download Sample Radio Based Instruction Script and more High school final essays Vocational education in PDF only on Docsity! OuRWNR 10 11 12 13 14 15 16 21 18 19 20 Title: Paaralang Panghimpapawid sa Grade 7-Filipino Topic: Mindanao: Salamin ng Kultura at Panitikan Format: School-on-the-Air Length: 30 minutes Scriptwriter: Katlyn Jan N. Evia Objective: Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng kuwentong bayan batay sa mga pangyayari at usapan ng mga tauhan 1 BIZ. INSERT SOA PROGRAM ID 2 BIZ. MSC UP FOR 5 SECS AND FADE UNDER 3 Tagapagpadaloy: Dakilang araw mga mag-aaral! Nalulugod akong makapiling kayo ngayong umaga sa kauna-unahang pagsasahimpapawid ng ating mga aralin! 4 Ngayon ang unang araw na mapapakinggan ninyo ang ating 5 paaralang panghimpapawid sa Filipino para sa ika-pitong baitang! 6 Nasasabik kami na makasama kayo sa ating pag-aaral sa pamamagitan ng radyo. 7 Ako ang inyong lingkod, Katlyn Jan Evia mula sa Pambansang 8 Mataas na Paaralang Alawihao. 9 Tagapagpadaloy: Kunin na ang inyong hand-out para sa araling 10 “Mindanao: Salamin ng Kultura at Panitikan”. Siguruhin rin na may 11 ballpen ka para sa mga gawain. Tara! Simulan na natin kasama ninyo 12 inyong lingkod, Gng. Katlyn Jan Evia, guro para sa radyo! 13 BIZ: MSC SEGUE TO -MORE- 21 22 23 14 BIZ: LESSON ID 15 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS AND FADE UNDER 16 Guro: Magandang araw mga bata mula sa ika-pitong baitang! Ako ang inyong guro, Katlyn Jan Evia. Sa araw na ito, pag-uusapan natin ang kKuwentong-bayan at mga kaugaliang mahiinuha dito! Inaasahan natin na pagkatapos ng leksyong ito ay mahihinuha ninyo ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng kuwentong-bayan batay sa mga pangyayari at usapan ng tauhan. Ihanda na ang inyong ballpen at papel dahil magsisimula na tayo! BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER Guro: Magandang araw! Kumusta ka? Nasa unang araw tayo ng pagkatuto sa bagong aralin. Halika, samahan mo akong tuklasin ang panibagong karunungan magdadala saiyo ng masaya at makabuluhang karanasan ngayong taon (HINTO) Narito ang mga bagong salita na dapat mong kilalanin para sa araling ito (HINTO) MARANAO at KUWENTONG BAYAN. Sige nga pakibasa ang kahulugan? (HINTO) Mahusay! Tiyak nga na natutunan mo na ngayon ang mga bagong salitang iyan. Ano pa ba ang ibang ibang alam mo tungkol sa mga salitang nabanggit (HINTO) Huwag kang mag-alala dahil ngayong araw, iyan ang ating aaralin! BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER aanihin din! Balikan mo lamang ang modyul at araling itong muli. Magaling! Matagumpay na natukoy mo ang ilang kaugalian ng ating mga kapatid na Muslim Halika! Alamin natin ang iba pa nilang kaugalian at tradisyon sa kuwentong ito. Makinig at sundan ang modyul. Babasahin ni Lola Basyang ang kuwento. May isang datu na tumandang binata dahil sa paglilingkod sa kaniyang mga nasasakupan. Sadyang lagi siyang abala sa pamamahala ng kanilang pook kaya nakalimutan na niya ang mag-asawa. -MORE- Dahil dito, pinayuhan na siya ng matatandang tagapayo na mag-asawa na upang magkaroon siya ng anak na magiging tagapagmana niya. Napilitang mamili ang datu ng makakasama niya habambuhay. Totoong naging pihikan ang datu dahil sa dami ng magagandang dilag sa pinamumunuang pamayanan. Ngunit dahil sa tulong ng matiyagang pagpapayo ng matatandang bumubuo ng konseho, natuto ring umibig ang datu. Ngunit hindi lamang iisang dilag ang napili ng datu kundi dalawang dalagang tunay na magaganda at mababait pa. Dahil sadyang wala siyang itulak-kabigin kung sino sa dalawa ang higit niyang mahal, pinakasalan niya ang dalawang dalaga. Isa sa dalagang pinakasalan ng datu ay si Hasmin. Siya ay batang bata at totoong napakalambing. Kahit na matanda na ang datu, mahal ni Hasmin ang asawa. Mahal na mahal din siya ng datu kaya ipinagkaloob nito sa kaniya ang bawat hilingin niya. Dahil sa pagmamahal sa matandang datu, nag-isip si Hasmin ng paraan upang magmukhang bata ang asawa. “Ah! Bubunutin ko ang mapuputing buhok ng datu. Sa ganitong paraan, magmumukhang kasing gulang ko lamang siya.” -MORE- Ganoon nga ang ginawa ni Hasmin. Tuwing mamamahinga ang datu, binubunutan ni Hasmin ng puting buhok ang asawa. Dahil dito, madaling makatulog ang datu at napakahimbing pa. Sadyang mahal din ng datu si Farida, ang isa pa niyang asawa. Tunay na maganda at mabait din si Farida ngunit kasintanda siya ng datu. Tuwang-tuwa si Farida kapag nakikita ang mga puting buhok ng datu. Tuwing tanghali, sinusuklayan niya ito. Kapag tulog na ang datu,palihim niyang binubunot ang itim na buhok ng asawa. Dahil sa ipinakikita ng pagmamahal ng dalawa sa asawa ay kuntento na sa kaniyang buhay ang datu. Ngunit gayon na lamang ang kaniyang pagkabigla nang minsang manalamin siya. Hindi niya nakilala ang kaniyang sarili. Kalbo! Kalbo, ako! sigaw ng datu. Nakalbo ang datu dahil sa pagmamahal nina Hasmin at Farida Ang Kuwentong-bayan na ito ay hinango sa: Aragon, Angelita L. Mga Alamat at iba pang mga Kuwento (Legends and other Stories). Quezon City: Tru-Copy Printing Press, 1986, pp.80-81. Ipagpatuloy mo ang pagbasa at sagutin ang mga tanong sa ibaba. Alam mo ba na... Ang kuwentong-bayan ay mga salaysay na likhang-isip lamang. Lumaganap at nagpasalin-salin ang mga ito sa iba't ibang henerasyon sa -MORE- pamamagitan ng pasalindila (paraan na pagkukuwentong pasalita). Magtala ng pangyayari mula sa akda na makapagpapatibay ng hinuha ukol sa mga sumusunod. Naintindihan mo ba? Subukan mo nga! Bilang 1. Ang isang datu ay mabait at mayaman na lider. Bilang 2. Ang datu ay sumusunod sa payo ng mga nakakatanda sa tribo. -MORE- Bilang 3. Naipakita ang paniniwala ng mga Muslim tungkol sa pagpasa ng kapangyarihan bilang pinuno ng tribo. Bilang 4. Isulat ang ginawa ng asawa na datu na nagpapakita ng kanilang katapatan at mapagmahal sa asawa ni Hasmin at ni Farida. 5. Ano ang ibinunga nito? Sundin lamang ang format na nasa inyong modyul. Kamusta ang unang pagsasanay? Madali ba o mahirap. Icomment lang sa repleksyon na iyong gagawin matapos ang radio broadcast na ito. Narito ang susi sa pagwawasto para sa Pagsasanay 1 1. tumanda siyang binata 2. naging abala sa pamamahala 3. dahil sa payo ng mga matatandang konseho 4. Florida — kinagiliwan ang puting buhok kayabinunot ang itim na buhok ng hari Yasmin- binunot ang puting buhok upang magmukhang bata ang hari kaya, 5. nakalbo ang datu Nakuha mo bang lahat nang wasto ang sagot sa pagsasanay 1? Kung nakuha mo nang lahat, ikaw ay MAHUSAY! Maaari mo nang gawin ang Pagsasanay 2. Kung mababa sa 3, balikan mong muli ang hindi mo nakuha at pag-aralang muli at pagkatapos, magpatuloy na sa pagsasanay 2. Dahil madali mo lang nasagutan ang unang pagsasanay, heto pa ang isa pang gawaing magpapatibay ng iyong kaalaman. BIZ: MSC UP FOR 5 SECS AND UNDER -MORE Guro: Sa pahina siyam ng iyong module ay sagutan mo ang pagsasanay 2 Magbigay ng hinuha kung anong mga kaugalian ang tinataglay ng mga Muslim tungkol sa pamumuno na ipinapatupad sa kanilang tribo na ipinakita sa binasang akda. Ang galing-galing mo! Natapos mo ang Pagsasanay 2. Saang pagsasanay ka nahirapan? Pagsasanay 1 Pagsasanay 2. Isulat sa repleksyon. Gayunpaman binabati kita sa iyong tagumpay. Handa ka na bang magpatuloy? Magaling. Tara na! BIZ: MSC UP FOR 5 SECS AND UNDER Balikan ang mga natutunan sa naunang mga gawain upang masagot ang sumusunod na pagsasanay. Guro: Sa pahina siyam ng iyong module ay sagutin natin ang pagsasanay tatlo. Suriin ang tradisyong inilahad sa binasang kuwentong- bayan tungkol sa pag- aasawa. Paghambingin ang kaugaliang Kristiyano sa kaugaliang Muslim ukol sa pag-aasawa. (HINTO)Gumamit ng venn diagram. Gayahin ang kasunod na sagutang papel. Bilib na talaga ako sa iyo. Nasagutan mo lahat na pagsasanay. Anong naramdaman mo matapos malaman ang resulta ng iyong pagsisikap? Ikaw ba ay malungkot? neutral lamang o masaya! Aba magaling! Masaya! -MORE- BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER Ang bahaging ito ng modyul ay susukat sa mga natutunan sa loob ng aralin. Huwag kang matakot dahil alam kong kayang-kaya mo ito. Huling pagsubok na lamang ito na kailangan mong sagutin. Yehey! Malapit mo nang matapos ang araling ito. llang bituin kaya ang iyong matatanggap? Suriin sa ibaba. mga matanda ay nagpabunot ng puting buhok sa asawa o anak Maalaga ang ina sa asawa . -MORE- Maraming lalaki o babae ang abala sa trabaho at di nakapag-asawa. 4. Mahusay sa trabaho ang pinuno. 5. Ang Muslim ay mahigit sa isa ng asawa. Kung ihahambing natin ang kaugaliang Kristiyano sa kaugaliang Muslim ukol sa Ppag-aasawa. Ang Muslim at Kristyano ay parehong maalaga ang mga asawang babae subalit ang mayayaman na Muslim ay mahigit sa isang asawa manatiling sa Kristyano ay itinuturing nating iisa lamang ang asawa. Sa wakas ay narating mo ang dulo ng aralin. Ang saya-saya ko at napagtagumpayan mo ang mga pagsasanay at gawain Ang husay mo kid! Ito ang Pampaaralang panghimpapawid sa Filipino 7! Mabuhay! Ingat tayong lahat! BIZ: MSC UP THEN OUT -END- Inihanda ni: Katlyn Jan N. Evia Alawihao National High School SDO Camarines Norte
Docsity logo



Copyright © 2024 Ladybird Srl - Via Leonardo da Vinci 16, 10126, Torino, Italy - VAT 10816460017 - All rights reserved