Docsity
Docsity

Prepare for your exams
Prepare for your exams

Study with the several resources on Docsity


Earn points to download
Earn points to download

Earn points by helping other students or get them with a premium plan


Guidelines and tips
Guidelines and tips

Sawikain at Salawikain for Grade 11 Lecture Notes, Study notes of History

Filipino dialect. You can read it if you want to know the meaning of this words Salawikain at Sawikain!.

Typology: Study notes

2018/2019

Available from 01/15/2022

noe23
noe23 🇵🇭

1 document

1 / 6

Toggle sidebar

Partial preview of the text

Download Sawikain at Salawikain for Grade 11 Lecture Notes and more Study notes History in PDF only on Docsity! Sawikain at Salawikain Ang idyoma ay isang pagpapahayag na kusang nalinang at nabuo sa lingguwaheng Filipino. Ito’y may kahulugan na hindi maaaring makuha o maAnunawaan sa literal na kahulugan nito. May naiiba itong kahulugan sa literal o tahasang pahayag. Kadalasa’y taglay nito ang maraming pangkulturang bagay: malarawan, mapagbiro at mapagpatawa. Nagtataglay din ito ng pansosyal at panliteral na pagpapahiwatig ng kahulugan. Bunga nito, mahalagang malaman mo na kinakailangang maisaulo ang mga salitang bumubuo ng idyoma gayundin ang ayos nito. Kung sakaling ang idyoma ay ginagamitan ng pandiwa, ang bahaging pandiwa ay kailangang sumunod sa tatlong panahunan ng pandiwa na gaya ng sumusunod: @ pangkasalukuyan - kilos na nagaganap sa kasalukuyan halimbawa: umaalon ang dibdib - kinakabahan Umaalon ang dibdib ni Pedro sa tuwing makikita niya ang kanyang kaaway. # pangnagdaan - kilos na naganap o nangyari na Umalon ang dibdib ni Pedro nang makita ang kanyang kaaway. @ panghinaharap - kilos na isasagawa pa lamang Tiyak na aalon ang dibdib ni Pedro kapag nakita niya ang kanyang kaaway. Ngayon alamin mo ang kahulugan ng mga idyomang ginamit sa dayalogo. Idyoma_ Kahulugan ng Idyoma 1. balitang kutsero balitang- salat sa katotohanan 2. naglalaro ng apoy- nakikisama o nakikipagmabutihan sa di niya asawa; pagtataksil sa kabiyak 3. naghalo ang balat sa tinalupan- nagkagulo 4. parang natuka ng ahas- nabigla, natigilan 5. bulang-gugo- maluwag sa pera; galante 6. itaga mo sa bato -tandaan; tutuparing walang sala 7. mahilig maglubid ng buhangin -sinungaling 8. makati ang dila -daldalero/daldalera Ang salawikain ay bantog na matatandang kasabihang puno ng aral na maaaring maging gabay tungo sa tamang direksiyon sa pamumuhay. Ito ay nagpasalin-salin buhat sa ating mga ninuno. Kapupulutan ito ng mga kaalaman tungkol sa matatandang kaugalian, paniniwala, gawa at asal. Bahagi na ito ng ating kulturang pamana sa atin. Hindi natin ito dapat ipagsawalang-bahala o kaya ay kalimutan. Ito ay magsisilbing tagapangalaga ng mayamang tradisyon ng mga Filipino. Makakukuha tayo rito ng mga payo tungkol sa ating pakikipagrelasyon sa ibang tao. Magsisilbi rin itong inspirasyon sa ating buhay upang makayanan natin ang lahat ng pagsubok at karahasan sa buhay. Ang salawikain ay nagsisilbing larawang magtuturo sa atin o magsasabi sa atin ng katotohanang hindi dapat pagdudahan. Ang salitang ginagamit dito ay matatalinghaga at makahulugan. Karaniwan nang inihahalintulad ang tao sa isang bagay upang mailarawan ang aral na nais iparating. Hindi makukuha ang ibig sabihin nito sa pamamagitan ng pagkuha ng kahulugan ng bawat salitang bumubuo rito. Kailangan ay tingnan ang mas malalim na kahulugan nito. Ito ang pagkakatulad nila ng mga sawikain o idyoma. Mapapansing ang salawikain ay may tugma, nakasulat sa berso at may sukat. Ito ang dahilan kung bakit mas madali itong maitanim sa isip ng matanda man o bata. Madali lamang intindihin ang mga salawikain lalo na’t may mga sitwasyon o halimbawang ipinapakita kasabay ng pagbanggit sa mga ito. Kailangan lamang ay lawakan mo ang iyong pag-iisip at huwag mong tingnan o pakinggan ang mga ito batay sa isa-isang mga salitang nakapaloob sa salawikain. Dapat ay tingnan mo 2. Umiiwas na siya sa taong maaaring magpahamak sa kanya. Kaya lang kahit saan siya magpunta ay may mga taong katulad nila. Salawikain: 3. Ayoko diyan kay Lorna. Ang sungit-sungit. Akala mo, maganda. Kahit siya na lang ang babae sa buong mundo, hindi ko siya papatulan. Ano ko, bale? Salawikain: 4. Malapit na ko nang matapos itong proyektong ginagawa ko para sa aking ama. Biruin mo, sinimulan ko ‘to tatlong taon na ang nakararaan. Hay, salamat! Salawikain: 5. Turuan mo nga ‘yang anak mo ng kabutihang asal habang bata pa siya. Tingnan mo, pag ‘di mo itinama ang ginagawa niyan, kalalakhan niya yan. Sige ka! Salawikain: Wastong Sagot A. 1. mahilig maglubid ng buhangin 2. itaga mo sa bato 3. bulang-gugo 4. matigas ang katawan 5. pag-iisang dibdib B . 1. Mabuti pa ang kubo na ang nakatira ay tao; Kaysa bahay na bato na ang nakatira naman ay kuwago. 2. Saan mang gubat ay may ahas. 3. Tulak ng bibig, kabig ng dibdib. 4. Pag dinaan sa tiyaga Maabot din ang nasa. 5. Ang kahoy na liko’t baluktot Hutukin habang malambot Kung lumaki at tumayog Mahirap na ang paghutok
Docsity logo



Copyright © 2024 Ladybird Srl - Via Leonardo da Vinci 16, 10126, Torino, Italy - VAT 10816460017 - All rights reserved