Docsity
Docsity

Prepare for your exams
Prepare for your exams

Study with the several resources on Docsity


Earn points to download
Earn points to download

Earn points by helping other students or get them with a premium plan


Guidelines and tips
Guidelines and tips

Science 8 quarter3 module 4, Essays (high school) of Earth science

This is a junior high school modular material.

Typology: Essays (high school)

2021/2022

Uploaded on 10/10/2022

noel-piedad
noel-piedad 🇵🇭

1 document

Partial preview of the text

Download Science 8 quarter3 module 4 and more Essays (high school) Earth science in PDF only on Docsity! Unang Markahan | 75 BANGHAY ARALIN SA FILIPINO GRADO 7 UNANG MARKAHAN ARALIN 1.4 Panitikan: Maikling Kuwento Teksto: “Pagislam” Wika: Retorikal na Pang-ugnay Bilang ng Araw: 7 Sesyon MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO SA BAWAT DOMAIN PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) F7PN-If-g-4  Naisasalaysay ang buod ng mga pangyayari sa kuwentong napakinggan. PAG-UNAWA SA BINASA (PB) F7PB-If-g-4  Naiisa-isa ang mga elemento ng maikling kuwento mula sa Mindanao. PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) F7PT-Id-e-4  Natutukoy at naipaliliwanag ang kawastuan/ kamalian ng pangungusap batay sa kahulugan ng isang tiyak na salita. PANONOOD (PD) F7PD-Id-e-4  Nasusuri ang isang dokyu-film o freeze story. PAGSASALITA (PS) F7PS-Id-e-4  Naisasalaysay nang maayos at wasto ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. PAGSULAT (PU) F7PU-If-g-4  Naisusulat ang buod ng binasang kuwento nang maayos at may kaisahan ang mga pangungusap. WIKA AT GRAMATIKA (WG) F7WG-If-g-4  Nagagamit nang wasto ang mga retorikal na pang-ugnay na ginamit sa akda (kung, kapag, sakali, at iba pa). ESTRATEHIYA SA PAG-AARAL (EP) F7EP-If-g-4  Naisasagawa ang sistematikong pananaliksik tungkol sa paksang tinalakay. Unang Markahan | 76 T U K L A S I N I. LAYUNIN PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) F7PN-If-g-4  Naisasalaysay ang buod ng mga pangyayari sa kuwentong napakinggan. PANONOOD (PD) F7PD-Id-e-4  Nasusuri ang isang dokyu-film o freeze story. II. PAKSA Panitikan: Pagkilala sa Maikling Kuwento at Elemento Nito Kagamitan: Video clip mula sa youtube, pantulong na visuals Sanggunian: Pinagyamang Pluma 7 Elma M. Dayag et. al. Bilang ng Araw: 2 Sesyon III. PROSESO NG PAGKATUTO Gawaing Rutinari  Pagtatala ng Liban  Pagtse-tsek ng Takdang Aralin  Balik- Aral A K T I B I T I 1. Motibasyon Mungkahing Estratehiya: (WORD HUNT) Paunahan ang bawat pangkat na maghanap ng mga salita sa loob ng kahon na maaaring kaugnay ng paksang tatalakayin. s i m u l a b w s k k t a u h a n p t a t a g p u a n b i s g a t e s r g y n u w p u n a s h u c k a t a h s y a s w d k g u i a n y a o u a q e n r n g n p l s u l i r a n i n a k a k a l a s a n N Unang Markahan | 79 A B S T R A K S Y O N Mungkahing Estratehiya: (CONCEPTUALIZE THROUGH KEY WORDS) Gamit ang mga susing salita sa ibaba, ay bubuo ang mga mag-aaral ng mga pangungusap na maglalahad ng pangkalahatang konsepto ng tinalakay.  Tauhan – Ang nagbibigay-buhay sa isang maikling kuwento. Ang tauhan ay maaaring maging mabuti o masama.  Tagpuan – Ang panahon at lugar kung saan naganap ang maikling kuwento. Malalaman dito kung ang kuwento ay naganap ba sa panahon ng tag-ulan, tag-init, umaga, tanghali at gabi; sa lungsod o sa lalawigan, sa bundok o sa ilog.  Banghay – Ito ang maayos at wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. Mga Bahagi ng Banghay:  Simula – Ang kawilihan ng mga mambabasa ay nakasalalay sa bahaging ito. Dito ipinakikilala ang tauhan at ang tagpuang iikutan ng kuwento.  Tunggalian – Dito makikita ang pakikipagtunggali ng pangunahing tauhan sa mga suliraning kanyang haharapin.  Kasukdulan – Ito ang pinakamataas na pangyayari sa kuwento kaya’t ito ang pinakamaaksyon. Sa bahaging ito, unit-unting magtatagumpay ba ang pangunahing tauhan o hindi.  Kakalasan – Sa bahaging ito, bumababa ang takbo ng kuwento. Ito ay nagbibigay ng daan sa wakas.  Wakas – Ang kahihinatnan o resolusyon ng kuwento na maaaring masaya o malungkot. MAIKLING KUWENTO ELEMENTO MAHALAGA LALONG PAGKAUNAWA AKDA Unang Markahan | 80 A P L I K A S Y O N Mungkahing Estratehiya: (SUM ACCORDING TO ITS ELEMENTS) Babasahin ng mga mag-aaral ang komiks sa ibaba at susuriin ito at ibubuod batay sa mga natalakay na elemento ng isang maikling kuwento. IV. KASUNDUAN 1. Magbasa ng isang maikling kuwento at ibahagi ang buod nito sa klase. 2. Basahin ang maikling kuwentong pinamagatang “Pag-islam”. Humanda sa talakayan. 3. Paano mo ikokompara ang paraan ng pagbibinyag ng mga Muslim sa paraan ng pagbibinyag na ating nakagisnan bilang mga Kristiyano? Unang Markahan | 81 L I N A N G I N I. LAYUNIN PAG-UNAWA SA BINASA (PB) F7PB-If-g-4  Naiisa-isa ang mga elemento ng maikling kuwento mula sa Mindanao. PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) F7PT-Id-e-4  Natutukoy at naipaliliwanag ang kawastuan/ kamalian ng pangungusap batay sa kahulugan ng isang tiyak na salita. PAGSASALITA (PS) F7PS-Id-e-4  Naisasalaysay nang maayos at wasto ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. II. PAKSA Panitikan: Elemento ng Maikling Kuwentong “Pagislam” Kagamitan: Video clip mula sa youtube, pantulong na visuals Sanggunian: Pinagyamang Pluma 7 Elma M. Dayag et. al. Bilang ng Araw: 2 Sesyon III. PROSESO NG PAGKATUTO Gawaing Rutinari  Pagtatala ng Liban  Pagtse-tsek ng Takdang Aralin  Balik- Aral A K T I B I T I 1. Motibasyon Mungkahing Estratehiya: (4PICS 1WORD) May mga salitang tinutukoy sa bawat set ng mga larawan sa ibaba. Gamitin ang apat na larawang ito upang mahulaan ang salita. Maaari itong gawing pangkatang gawain kung saan ang grupo na makakakuha ng tamang sagot ang magkakaroon ng puntos. Ang pinakamaraming puntos ang tatanghaling panalo. Holy Oil Unang Markahan | 84 5. Pagpapabasa ng Akda Mungkahing Estratehiya (DUGTUNGANG PAGBASA) Babasahin ng ilang piling mag-aaral ang maikling kuwento. Pagislam Napaangat sa pagkakasandig sa pasimano ng bintana ang ulo ni Ibrah nang maramdaman niya ang rumaragasang yabag ni Tarhata, ang kanyang kapatid. Kipkip nito ang isang baru-baruan patungo sa silid na pinagmulan ng nag- iihit ngunit maliit na tinig ng pag-iyak, batid ni Ibrah na dumating na… dumating na ang kanyang hinihintay. Parang gusto niyang lumundag. Lalaki kaya? Babae kaya? Kung lalaki ay… Hindi na niya napigil ang kayang sarili. Napasugod siya. Totoong sabik na sabik makita ang bata at si Aminah. ‘Lalaki at malusog na malusog!’ matiginting na wika ng panday habang binibihisan ang bagong silang na sanggol. ‘Oh! Aminah, wala na akong mahihiling pa kay Allah. Dininig din niya ang ating panalangin,’ wika niyang sabay haplos sa pawisang noo ng asawa. Ipinukol ni Ibrah ang nananabik na paningin sa sanggol na hawak pa rin ng panday. Gayon na lamang ang kanyang kagalakan nang makita niyang parang nagpupumiglas ang sanggol sa pag-iyak. ‘Makisig at lalaking-lalaki talaga ang aking anak. Manang-mana sa kayang ama.’ Bulong sa sarili ni Ibrah. Nasa gayong pagmamalaki sa sarili si Ibrah nang marinig niyang may sinasabi ng kayang ina. ‘Mas mainam siguro kung susunduin muna ang Imam upang maisagawa na ang bang,’ Hindi na pinakinggan ni Ibrah ang iba pang sasabihin ng ina. Magaan ang loob na tinungo niya ang tirahan ni Imam. Masayang ibinalita niya sa Imam ang panganganak ng asawa at magalang na inimbita ito para sa seremonyang dapat isagawa para sa isang bagong silang na anak ng Muslim. Ikinagalak ito ng Imam at dali-daling hinagilap ang kayang dasalan para sa gagawing seremonya. Tahimik na nakamasid ang mga kasambahay ni Ibrah habang banayad na ibinubulong ng Imam sa kanang tainga ng sanggol ang bang. ‘Allahu Akbar, Allahu Akbar ‘Allahu Akbar, Allahu Akbar Ash-hadu, Alla la Ilaaha Ash-hadu, Alla la Ilaaha Wa ash-hadu, Anna Mohammadur Rasullallah. Wa ash-hadu, Anna Mohammadur Rasullallah. … ang magandang aral niya.’ Unang Markahan | 85 ‘Ngayon isa kanang ganap na alagad ni Allah, nawa’y panatilihin mo ang magagandang aral niya.’ Dugtong pa ni Imam. ‘Kailan naman ang paggugunting?’ nakangiting tanong ni Imam. ‘Tulad po ng nakaugalian, pitong araw mula ngayon,’ sagot ni Ibrah. Masuyong inilalayan ni Ibrah ang Imam sa pagbaba at inihatid ito sa kayang tirahan Ang sumunod na araw ay lubhang naging abala para sa mag-asawa.Totoong di nila maatim ang kauna-unahang bunga ng kanilang palad ay hindi pa mahandugan ng buo nilang kaya. Ilang araw bago sumapit ang paggugunting, napag-usapan ng mag-asawa ang ipapangalan sa anak. ‘Ano kaya ang mabuting ipangalan sa ating anak?’ sabik na tanong ni Ibrah kay Aminah. ‘Kaygandang pangalan, Abdullah. Bagay na bagay talaga sa ating anak,’ pagmamalaki ni Ibrah. At sumapit ang araw ng pagguting. Sa bahay ay marami ng tao; halos naroon nang lahat ang mga kapitbahay na tutulong. Maaga pa’y kinatay na ni Ibrah at ilang katulong ang limang kambing na sadyang inihanda bilang alay pasasalamat sa pagkakaroon nila ng supling. Samantala, ang kababaihan nama’y abala sa pag-aayos ng hapag-kainan at paghahanda ng masasarap na kakainin para sa mga panauhin. Ilang sandali pa’y dumating na ang Imam at ibang pandita. Sa saliw ng balyanji, isang katutubong awit, sinimulan na ang paggunting. Lumapit ang Imam kay Abdullah na kasalukuyang kalong ng ina at gumupit ng kapirasong buhok sa bata. Ang ginupit na buhok ay maingat na inilgay ng Imam sa isang mangkok ng tubig. Tahimik na pinagmasdan ito ng lahat. “Wala ni isa man hibla ng buhok ang lumubog sa tubig!’ sigaw ng karamihang nakapaligid. Sapat na itong narinig nina Ibrah at Aminah upang umapaw ang kagalakan sa kanilang mga puso. Nakapipiho silang papatnubayan ni Allah ang paglaki ng kanilang anak. Maganda ang hinaharap nito sa buhay. Ipinagbunyi ng mga tao ang magandang kinalabasan ng seremonya. Bawat isa sa mga panauhin ay nagbigay ng pera at regalo para sa bata. Siyang-siya ang mag-asawa sa kanilang nasaksihan. Abot-abot ang kanilang pasasalamat sa mga dumalo sa paggugunting kay Abdullah. ‘Ilang panahon pa’y masasaksihan naman natin ang huling yugto ng pagislam ni Abdullah,’ wika ng isang panauhin. ‘Pihong mas malaking handaan iyon, ano Ibrah?’ biro ng isa pa. ‘Hayaan ninyo at pitong taon mula ngayon ay imbitado kayong muli,’ nakangiting sagot ni Aminah. ‘Tiyak iyon,’ halos panabay na wika ng mag-asawa habang masuyong pinagmamasdan ang inaantok na si Abdullah. ‘Sana, kasabay ng Maulidin Nabi para masaya,’ mungkahi ng iba. Unang Markahan | 86 6. Presentasyon Mungkahing Estratehiya (IKUWENTO MO) Magkakaroon ng masining na pagkukuwento ang isang mag-aaral sa bawat pangkat batay sa mga bahagi ng banghay ng maikling kuwento na nakasulat sa story ladder sa ibaba. 7. Pangkatang Gawain Mungkahing Estratehiya (GRUPO KO, BIDA SA ARAW NA ITO) Pipili ang bawat pangkat ng paksang kanilang tatalakayin tungkol sa maikling kuwentong binasa sa tulong ng mga mungkahing estratehiya. Paksa:Tauhan at ang Kanilang Katangian Mungkahing Estratehiya: CHARACTER PARADE Iparada ang mga tauhan sa maikling kuwento at isa-isahin ang kanilang mga katangian. Paksa:Tagpuan Mungkahing Estratehiya: PAINT A PICTURE Sa pamamagitan ng tableau, ipakita kung kailan at saan naganap ang mga pangyayari sa akda (tagpuan). Paksa: Buod Mungkahing Estratehiya: SUM IT UP! Sa pinakamabilis at pinakamaikling paraan, ipakita ang buod ng akda gamit ang pagsasadula. Paksa:Mensahe Mungkahing Estratehiya: BREAK IT DOWN! Ilahad ang mensahe o aral ng akdang binasa sa pamamagitan ng rap. 1 4 3 2 SIMULA PATAAS NA AKSYON KASUKDULAN PABABANG AKSYON WAKAS Unang Markahan | 89 P A U N L A R I N I.LAYUNIN WIKA AT GRAMATIKA (WG) F7WG-If-g-4  Nagagamit nang wasto ang mga retorikal na pang-ugnay na ginamit sa akda (kung, kapag, sakali, at iba pa). II. PAKSA Wika: Mga Retorikal na Pang-ugnay Kagamitan: Pantulong na visuals Sanggunian: Pinagyamang Pluma 7 Elma M. Dayag et. al. Bilang ng Araw: 1 Sesyon III. PROSESO NG PAGKATUTO Gawaing Rutinari  Pagtatala ng Liban  Pagtse-tsek ng Takdang Aralin  Balik- Aral A K T I B I T I 1. Motibasyon Mungkahing Estratehiya (SABAYANG PAGBASA) Babasahin ng klase ang maikling salaysay sa ibaba nang malakas at may damdamin. Gabay na Tanong: a. Pansinin ang mga salitang nakasulat nang madiin, ano ang masasabi ninyo hinggil sa mga salitang ito? b. Paano nakatutulong ang mga nasabing salita sa pag-uugnay ng mga salita/ sugnay sa loob ng mga pangungusap? Pag-uugnay ng guro ng ginawang aktibidad sa kasalukuyang aralin. Ang Talinghaga sa Dalawang Anak Ano ang palagay ninyo ukol sa kuwentong ito? May isang tao na may dalawang anak na lalaki. Lumapit siya sa nakatatanda at sinabi, “Anak, lumabas ka sa ubusan at magtrabaho sa ubasan ngayon.” “Ayoko po,” tugon niya. Ngunit nagbago ang kanyang isip at siya’y naparoon. Lumapit din ang ama sa anak na bunso at gayundin ang kanyang sinabi. “Opo,” tugon nito. Datapwat hindi naman siya naparoon. Para sa iyo, sino sa dalawa ang sumunod sa kalooban ng kanyang ama? Unang Markahan | 90 2. Pokus na Tanong Pagbibigay ng mga mag-aaral ng mga tanong hinggil sa mga naunang gawain. Pagbibigay ng guro ng pokus na tanong para sa aralin. 3. Presentasyon Mungkahing Estratehiya (MANOOD AT MAGTALA) Magpapanood ang guro ng mga sumusunod na video clip. Habang nanonood ay magtala ng mga pagkakaiba ng iba’t ibang pang-ugnay na mapapanood sa nasabing video clip. A N A L I S I S 1. Bakit kailangang gumamit ng pang-ukol sa isang pangungusap? 2. Saan kadalasang matatagpuan ang mga pang-ukol sa isang pangungusap? 3. Kailan ginagamit ang mga pang-angkop? Anong pang-angkop ang ginagamit kung ang sinusundang salita ay nagtatapos sa patinig? Katinig? 4. Bukod sa “at”, ano pang mga pangatnig ang maaari ninyong maidagdag bilang halimbawa? 5. Gaano kahalaga ang mga pang-ugnay sa isang pangungusap? Pagbibigay ng Input ng Guro Bakit mahalaga ang paggamit ng mga retorikal na pang-ugnay? PANG-UKOL http://youtu.be/gBEBoJBs32k PANG-ANGKOP http://youtu.be/dlJUFH3QBWY GAMIT NG “AT” BILANG PANG-UGNAY http://youtu.be/dlJUFH3QBWY DAGDAG KAALAMAN- (FOR YOUR INFORMATION) RETORIKAL NA PANG-UGNAY Ang pag-uugnayan ng iba’t ibang bahagi ng pagpapahayag ay mahalaga upang makita ang pag-uugnayang namamagitan sa pangungusap o bahagi ng teksto. Sa Filipino, ang mga pang-ugnay na ito ay kadalasang kinakatawan ng pang-angkop, pang-ukol at pangatnig. Unang Markahan | 91 A B S T R A K S Y O N Mungkahing Estratehiya (JIGSAW PUZZLE) Buuin ang puzzle upang mabuo rin ang pangkalahatang konsepto ng tinalakay. 1. Pang-angkop – Ito ay ang mga katagang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan. Ito ay nagpapaganda lamang ng mga pariralang pinaggagamitan. May dalawang uri ng pang-angkop.  Pang-angkop na na ay ginagamit kapag ang unang salita ay nagtatapos sa katinig maliban sa n. Hindi ito isinusulat nang nakadikit sa unang salita. (Hal., mapagmahal na hari) Kapag ang salita nama ay nagtatapos sa titik n, tinatanggal o kinakaltas ang n at ikinakabit ang –ng (Hal.,huwarang pinuno)  Pang-angkop na –ng ay ginagamit kung ang unang salita ay nagtatapos sa mga patinig. Ikinakabit ito sa unang salita. (Hal., mabuting kapatid) 2. Pang-ukol – Ito ay kataga/salitang nag-uugnay sa isang pangngalan sa iba pang mga salita sa pangungusap. Narito ang mga kataga/ pariralang malimit na gamiting pang-ukol.  sa, ng, kay/kina, alinsunod sa/kay, laban sa/kay, ayon sa/kay, hinggil sa/kay, ukol sa/kay, para sa/kay, tungkol sa/kay 3. Pangatnig sa mga kataga/salita na nag-uugnay ng dalawang salita, parirala o sugnay  Pangatnig na pandagdag (at, pati)  Pangatnig na pamukod (o, ni, maging)  Pagbibigay sanhi/dahilan (dahil sa, sapagkat, palibhasa)  Paglalahad ng bunga o resulta (bunga, kaya o kaya naman)  Pagbibigay ng kondisyon (kapag, pag, kung, basta)  Pagsasaad ng kontrast o pagsalungat (ngunit, subalit, datapwat, bagama’t) Sanggunian: Pinagyamang Pluma 7 ni Elma M. Dayag et.al Mahalaga ang paggamit ng mga pag-ugnay sa pagpapahayag, pasalita man o pasulat, upang makita ang pag-uugnayang namamagitan sa pangungusap o bahagi ng teksto.
Docsity logo



Copyright © 2024 Ladybird Srl - Via Leonardo da Vinci 16, 10126, Torino, Italy - VAT 10816460017 - All rights reserved