Download Self created Short Story about Thailand and more Essays (high school) English in PDF only on Docsity! | Maikling Kwento ng Thailand Pag Sayaw Hanggang sa Dulo ng Pag-ibig ni: Niwat Phutthaprasart Lagusan ng liwanag Malapit nang magsara ang malaking tindahan, mayroong malakas na musika ang tumunog mula sa ispiker na nakakabit sa kisame ng banyo. Lubhang malamig doon. Walang kahit anong tunog, tila isang tirahan ng mga relihiyoso at sagradong mga lalakihan. Maiingay na makina, buhos ng tubig at kung ano-ano pang mga tunog, ang habang buhay na naglaho. Ngunit mayroon isang musika ang naiwan, ito ay ang pananampalataya, sobrang pananamplataya na tulad ng isang katahimikan. Hinawakan ko ang pader. Malalamig na pawis, hindi galing sa pagkaing mayroong lason. Dati ay ganito din ako, walang lakas ang mga aking mga kamay, pakiramdam ay nagsusuka. Alam kong mangyayari ito, pinipilit ko ang sarili ko na tumayo, huminga ng malalim at bumalik sa normal. Mayroong ingay na nagmumula sa kabilang pader, parang mayroong tao sa isa pang banyo, na pinaglalaruan ang lalagyanan ng tisiyu para masira ito at magka pira-piraso. Mas lalong lumakas ang inangay, kaya natakot na ako. Tumungo ako sa maliit na butas sa ilalim ng pinto upang sumilip, pero wala akong nakitang paa o kahit anino man lang. Inayos ko ang aking sarili, lumabas na ako ng banyo at pinuntahan ang sumunod na pinto, tinulak ko iyon, ngunit walang tao nadoon. Pumunta ako sa lababo, mayroong salamin sa harapan nito. Napansin ko ako lang ang tao sa loob ng banyo. Binilisan ko ang paghuhugas ng aking kamay at mukha, hindi ko masabi kung totoo o ilusyon lamang ang mga ingay na aking naririnig. Nakaramdam ako ng takot, pagka-lito. Hindi ko masabi kung ano ang mga nagyari. Tumingin muli ako sa salamin, mayroon itong liwanag na nagpapakita ng mga imahe, imahe ng aking sarili, pero bigla na lamang itong nag dilim at nawala. Hinayaan ko ang aking sarili na matumba, mabilis aking pag hinga, parang hihimatayin ang pakiramdam. Inipon ko ang aking lakas para tumayo, nakita ko sa salamin ang sticker ng isang patalastas na “Maligayang pagdating sa mainit na bahay.” Apat na araw bago ang pangyayari Nakatayo ako sa teresa sa ikalimang palapag, tinitignan ang paradahan ng mga sasakyan, iniisip na mayroong labing anim na taong gulang na babae ang nakahiga sa dugo matapos malaglag sa gusali, naka galaw pa ang ito ng madaming beses, dugong unti-unting kumakalat sa sahig. Pinapalibutan ng mga Thai ang babae, maya- maya ay pagdagdag ng padagdag ang tao sa paradahan. Mayroong tumatawag sa ambulansya, yung iba humingin ng tulong, yung isa tumatawag sa mga pulis. Wala kahit isang daing ang narining mula sa dalaga, inisip ko nanalangin siya upang tawagin si Satanas para alisin ang kanyang kaluluwa sa kanyang katawan at ipunta sa impyerno. Kamatayan – lang ang sinasabi ng babae sa nakalipas na tatlong buwan. Binulong niya sakin “kaluluwa lamang ang makakagawa sa ating maging malaya.” Noong tumalon siya mula sa gusali, ito ang pinakamahabang panahon niya ng pag iisip.